Kabanata 40 Mabibilis at malalaking hakbang ang kanyang ginawa upang makarating sa kinatatayuan ko ngayon at wala na akong nagawa pa ng hilahin niya ako patungo sa aking office dahil ayaw ko ding magcause ng scene dito mismo sa aking shop kaya naman nagpatinaod na lang ako sa kanyang paghila. Pagkapasok na pagkapasok namin sa aking office ay mabilis niyang inilock ang pinto at isinandal ako sa aking office table sabay lagay ng magkabila niyang mga kamay sa aking gilid kaya naman ang naging pwesto namin ngayon ay nakakulong ako sa kanyang mga bisig habang titig na titig siya sa aking mga mata. "Why did you left earlier while I'm still sleeping?! Bakit hindi mo man lang ako ginising?!" Tiim-bagang niyang tanong sa akin. Tinitigan ko muna siya bago sumagot. Mukhang kagigising nga lang niy

