Kabanata 41 Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon sa kanya ay dumiretso na ako sa may counter upang tingnan ang mga order ng customers. Madami na naman nga kaming customers ngayon kaya kahit 15 na ang staff kong nagseserve ay kulang pa din talaga kaya I think I need to hire more people. I'm very thankful talaga sa mga staff ko dahil lahat sila ay masisipag at may magandang pag-uugali lalo na towards our customers kaya hindi na ako nagtataka kung bakit binabalik-balikan kami ng mga tao bukod pa sa dahilang masasarap ang aming mga produkto. Base on my experience din kasi, maraming beses na nangyari na sa tuwing may kakainan ako ay may makikita akong staff na nagsusungit at mas may attitude pa sa customers kaya naman hindi na talaga ako bumabalik pa sa lugar na iyon kasi nakakawala n

