Kabanata 50 Silence welcomed me when I entered our house. Mag-aalas nuebe na ng gabi kaya naman ganito na katahimik sa loob ng aming bahay. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa aming silid habang inaalala ang masaya at hindi inaasahang mga pangyayari kanina na naging maganda ang ikinalabasan. Nang tuluyan akong makalapit sa pinto ng aming silid at akmang aabutin ko na ang door knob ay bigla na lang iyon bumukas at inilabas niyon ang mukhang balisa, nagmamadali at bihis na bihis na si Lawrence kaya naman nagtataka ko siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Pagkitang-pagkakita niya sa akin ay nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis niya akong hinawakan sa aking magkabilang braso at sabay pinatagilid, kaliwa at kanan, maging ang pagtalikod ay pinagawa niya sa akin na para bang sinusu

