Kabanata 49 "Baby, let's talk please." Kanina pang umagang pagpupumilit at pagmamakaawa ni Lawrence sa aking harapan. "Kanina ko pang paulit-ulit na sinasabi sayo na wala na tayong dapat pang pag-usapan di ba?! Kaya pwede ba tigilan mo na ang pangungulit mo sa akin dahil kaninang-kanina pa ako naririndi sayo!" Naiinis kong tugon sa kaniya. Buong akala ko ay titigilan na niya ako dahil sa mga sinabi ko sa kaniya kagabi ngunit matapos ang naging breakfast, lunch at ngayong dinner namin ay patuloy pa din siya sa pangungulit at pagpupumilit na makausap ako ng maayos pero hindi ko talaga siya pinagbibigyan. "Just hear me out baby, please. I have so many important things to explain and to tell you, as well as my reasons why I did not arrive that night when we were about to get married. Pleas

