Capitulo Uno

2607 Words
Uzman's All I hear are excuses and the constant blaming na ilang araw ko nang tinitiis sa personal chef at dietician ko. "Bakit kasi hindi mo hiniwa ng maninipis" "Hindi siya kumakain niyan, di ba sinabi ko na yan sayo ng paulit-ulit?" Patong ang kanang hita sa kaliwa, binuksan ko ang maliit na container ng vanilla ice cream sa dinning table, scoop a spoon of it for myself ng biglang sabay na napatingin sa aking gawi ang personal chef ko at dietician bursting out the same word. "WAG!" Nakalahad pa sa akin ang mga kamay nito, kita sa kanilang mukha ang disappointment but I didn't care and scoop a spoonful again in my mouth looking directly at them. Bumagsak ang mga balikat at ulo nito sa dismaya. "Sir, makinig naman ho kayo sa amin. Para sa kalusugan niyo rin ho ito", wika ng dietician ko. Kumakain pa rin ako ng ice cream. "Ginawa ko naman ho ang fried rice na nais ninyo, Mr. Deguangco", puno pa ng chef, gumalaw pa ang moustache nito. Napangiwi tuloy ako at nawalan ng gana sa ice cream ko. Lumapit sa aking kinauupuan si Kovo, my pet dog, a great pyrenees na siyang umubos ng ice cream. "How do you think I can have a good breakfast kung kanina pa kayong nagbabangayan sa harap ko. For what? Over a plate of bland, unappetizing fried rice" Hindi ko nagustuhan ang inihanda ng mga ito sa akin kaya pinatawag ko silang dalawa pero nauwi sa sila ngayon sa sisihan. They are hired by my Mother for almost a week now, I never liked the food, although it is healthy pero tingin pa lang ay mas masarap pang tingnan ang pagkain ni Kovo kesa sa pagkain ko. And now, gusto ko lang naman ma-enjoy ang paborito kong pagkain, a simple fried rice, pero kahit iyon ay bigo silang maipakain sa akin. What a waste of food and money, once again incompetent ang kinuha ng Mom. "Sir, if you would just..." "I hired the both of you to make me eat healthy and not waste my time with your unprofessional never ending excuses", I stared at them, hindi ito nakasagot. Kinuha ko ang napkin at tumayo na. "Nawalan na tuloy ako ng gana", tinalikuran ko na ang mga ito pero di pa man nakalayo ay nalingon kong muli ang dalawa. "If that's it, that's the best you can do, you disappointed me. Both of you, are fired", may diin sa huling mga salitang aking binitawan narinig ko ang naiiyak na mga boses ng dalawa as I was about to leave the house kung saan nakaabang ang secretary ko, si Vernon. "Did you enjoy your breakfast, Sir? Busy ho ang araw ninyo ngayon, so I assume you ate?", tanong nito ng bahagyang nakaarko ang katawan, at may nanunudyong ngiti sa mukha sabay taas-baba sa suot nitong makapal na glasses. The nerd that he is, napangiwi ako. Kung hindi lang talaga ito competent ay matagal na itong natanggal sa trabaho but different from his looks napagkakatiwalaan ko si Vernon sa trabaho. "Maaga pa, para mag report ka sa Mom, Vernon" "Sir, no Sir. Hindi naman ho ganun...", Tinaasan ko ito ng kilay, sinasabing di niya ako maloloko, napangisi lang ito. "My coffee?", hanap ko rito na agad naman niyang inabot. "Five shots of expresso, cold for you, Mr. Deguangco", abot nito sa akin sabay bukas ng pinto sa sasakyan at pumasok na ako sa loob ng biglang mag-ring ang phone ko, it's Mom. Lihim kong naikot ang aking mga mata bago sinagot. Alam ko na ang dahilan ng pagtawag nito. "Hello Mom..." "Gesù figlio. Davvero li hai licenziati?!" panimula agad nito sa kabilang linya ng may Italian accent pa. "Good Morning too, Mom. How is Italy?", pag-iiba ko sa usapan ng tinanong nito kung tinanggal ko bang talaga ang personal chef at dietician na ni-hire nito para sa akin. "Don't change the topic, Mikhail Uzman! Those people are the best in their fields. Alam mo bang nahirapan akong kunin sila but within just a week you fired them?! The fourth one this month?" "Wala sila sa standard ko Mom. Pinagbigyan na kita, a week, at hindi ko nagustuhan" "Then what? Puro ka na naman ice cream at coffee? At hihimatayin na naman habang nasa trabaho? You are really being stubborn Mikhail Uzman!" Napakamot nalang ako sa aking kilay sa mahabang litanya ng Mom. It's been a month since that incident at mula nuon, every week to be precise ay papalit-palit na ako ng chef at dietician dahil nag collapse ako sa loob ng opisina ko dahil sa overfatigue at unhealthy kong mga kinakain. I admit, I may look big and buff pero pihikan talaga ako sa pagkain. And the collapse was just a one time thing, ayos naman na ako, but Mom being the Mom that she is has to make a big deal out of it. "I don't have time for this, Mom. I'll talk to you later" Minutes later, we arrived. I took a sip of my expresso as I went inside the building kung saan binati ako ng lahat. May meeting ako ngayon at doon ako papunta kung saan sinalubong ako ng assistant secretary kung si Vina, na may kanin pa sa kanyang bibig. "You", tawag ko rito. "Yes, Sir. Nabusog ka sa breakfast mo?", naguguluhan sa tanong ko sa kanya pero sumagot pa din. "Ah, opo", tango nito. "I see, but you can at least wipe the thing out of your mouth and...", nilapit ko ang ulo rito at sininghot siya. "At least spray some perfume. You smell like you just got out of a feast" Halata namang kumain ito sa loob ng opisina which is against the rule. So that serves as a warning, dahil hindi ko tinotolerate ang mga unprofessional ang behavior. "Pasensya na ho Sir, malapit na ho kasi akong ma late" "Di ko kailangan ng paliwanag mo, do it again and you're fired" "Yes, Sir. Sorry po" "Now, to the conference room" An hour in, hindi naiibsan ng expresso ang gutom ko, kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Kung hindi ako kakain siguradong mahihimatay na naman ako at siguradong magiging big deal na naman ito sa Mom. Natapos ang meeting ay inutusan ko agad si Vernon. "Order me, some fried rice" "Sir, lunch time ho tayo ngayon" "Bakit? Krimen ba ang umorder ng fried rice sa tanghali?" "Ah, of course hindi ho Sir" "So?" "Right away, Sir" Tiningnan ko ang oras it is almost one in the afternoon, pero wala pa rin akong nakakain. Sa limang fried rice palace na binilhan wala man lang akong nagustuhan doon. Namumutla. Walang lasa. Di makakain. Masyadong malalaki ang hiwa ng gulay. Can't I have a decent fried rice? Nakatukod ang aking kamay sa aking sentido habang si Vernon naman ay nakayuko lang sa harap ko. Nasa likod nito ang sandamakmak na fried rice na ni isa ay wala man lang pumatok sa lasa ko. "Sir, if you would like I can order you a steak" "Sinabi ko bang gusto ko nang steak?" "N-no, Sir" "All I want is a decent fried rice and none can give me one" Tumayo na ako at lumabas na ng opisina kung saan nakita ko si Vina. I think she is munching some snacks again. "You...", "Yes, Sir" "May kilala ka bang masarap magluto ng fried rice?" "Ho? Ah, opo, si Ate Dahlia. Cook ho siya sa cafeteria dito, Sir" I raise a brow, a cafeteria cook? "Kung ganun, bumaba ka at dalhan mo ako" "Kung hindi ako masarapan; I will fire you" I don't trust anyone that easily but I trust Vina enough and that girl working for the company. And at this point kailangan ko nalang talaga ang kumain. Dala ang isang trolly ay pinasok na ni Vina ang pagkain at inilagay iyon sa mesa ng receiving area. I had no time to waste dahil may lakad pa ako kaya dali ko na iyong binuksan at tila nalupasay ang ang aking kamay at napapikit ako sa bango ng pagkain that I immediately started digging and to my surprise, masarap iyon pero hindi lang masarap. It reminded me of my Grandma's cooking. Binalingan ko si Vina na kanina pa pinapahid ang pawis sa kanyang mukha. "Starting today, siya na ang gusto kong magluto para sa akin and Vernon...", tawag ko sa isa na agad namang lumapit. "Tell Mom to not hire any chef anymore. I found myself my own chef and dietician" Mula noon ang babae sa cafeteria na ang nagluluto para sa akin. I actually haven't meet her. Hindi naman na kailangan, she just have to do her job and after a few weeks, she really did well. Hindi ko alam kong paano nito ginagawa iyon but she makes me eat her food dahil habang tumatagal ay mas lalo kung nalalasahan ang luto ng Lola sa mga luto niya. She even makes the effort na gumawa ng mga dipping sauce para lang kainin ko ang mga gulay and I admit, nakakain ko na iyon ng hindi naduduwal. She even makes shakes, smoothies and juices to my liking. She makes me want to anticipate to her every meal. Naisip ko tuloy, that I should meet her one of these days. "Ate Dahlia, hintay!", tawag ng boses sa baba, galing sa tumatakbong si Vina. Dahlia? I remember the name. Siya iyong babae sa cafeteria, na nagluluto para sa akin. Nasa itaas ako ngayon ng building, kausap ko lang si Vernon ng marinig ko ang pagtawag. I squinted my eyes to see the Dahlia girl, pero nakatalikod lang ito at unting side profile lang ang makikita. Natatakpan pa ng bangs ang gilid ng mukha nito isama pa ang suot nitong glasses, she has a chunkier body type. Nangunyapit sa kanya si Vina, they were giglling and smiling. "Sir?...", tawag pansin ni Vernon. "Oh, yeah um sa opisina na natin iyan pag-usapan", Napasulyap akong muli sa ibaba pero wala na ang dalawa doon. Somehow, I was frustrated, di ko alam kong bakit. Nauna na akong maglakad paalis doon at sumunod na si Vernon. "What did you just say?" "Ma-may problema ho sa cafeteria. Order ko nalang ho kayo ng iba", she said while sweating bullets. "No", Mabilis pa sa alas kuwatro akong tumayo at lumabas ng opisina. Nakasunod si Vina sa akin hanggang sa for the very first time, umapak ako sa loob ng cafeteria. "Where is she?", tanong ko kay Vina. "S-si Ate Dahlia ho? Iyon ho Sir", tinuro nito ang sinasabing babae. Magulo na ang damit at suot nitong apron kahit ang buhok nitong naka-hairnet ay nakalugay na rin. Hinahatak ang kwelyo niya ng isang kalbo na lalaki na nakasuot ng isang gusgusin na jacket. "Call security, no call the cops!", utos ko kay Vina. "Sir, tintawag na ho, di ko alam kung bakit antagal nila" Wala man lang umawat sa lalaki sa dami ng taong nasa loob ng cafeteria. I gritted my teeth in frustration. I should not involve myself into this pero hindi kung sa kompanya ko ito nagaganap. Humakbang ako papalapit rito kung saan rinig ko ang kanilang usapan. "Akala mo talaga di ko malalaman kung san ka nagtatrabaho", asik nito kay Dahlia. "Bitiwan mo ako. Sinabi ko na sayo di ba. Hindi ko pagkakautang iyon kaya wag ako ang singilin mo!", "Pagkakautang ng Tatay mo iyon, at patay na siya kaya ikaw. Ikaw ang magbabayad ngayon!" "Bitiwan mong sabi ako!", naabot nito ang isang tray sa counter at inihampas iyon sa lalaki na naputuhan sa ulo, napaupo ito. "Tangina kang babae ka at lalaban ka pang talaga!" Naghanap ito ng kung anong madadampot at nakita nito ang babasaging baso na nasa malapit na mesa. Akmang itataas na nito ang kamay at ihahampas iyon kay Dahlia ng pinatid ko ito sa bandang tiyan. Hinampas ang leeg ng aking kamay sabay kuha sa baso at ako na mismo ang humampas niyon sa ulo ng lalaki, umikot ang paningin nito at muling bumulagta sa sahig. Napatingin ako sa aking kamay na dumudugo na dahil sa pagkakasugat nito ng iilang bubog na natira. I gritted my teeth bago napakamot ang isang daliri sa gilid ng kilay at nilingon ang babae na hawak hawak ang tray sa kanyang harapan, nangingilid ang mga luha nito. Nakatingin lang ito sa akin at ako rin sa kanya saka naman dumating ang mga pulis at dinampot ang nag-amok na lalaki. Hinayaan ko lang ang mga ito, at hinakbang ang pagitan namin ni Dahlia na ang tingin ay nasa lalaki. "Eyes on me...", I said in a demanding voice, it shocked her for moment. Her gaze slowly shifted in mine. Malapit ako sa kanya, kaya kita ko na ngayon ang panginginig niya. Bumaba naman ang mga tingin nito sa sugatan kong kamay na walang-anong binitawan ang tray at iniangat iyon, na para bang malulunasan niya ang sugat. Ayoko nang hinahawakan ako, but I somehow let her hold my injured hand. Nakatingin lang ako sa kanya ng maglabas ito ng panyo at pinunasan ang dugo saka nito ginawang parang bandage iyon. "P-pasensga na at salamat", sa wakas ay nagsalita na ito. "If you really are then come to my office" Naglakad na ako paalis ng mapansin kong kanina pa kami pinagtitinginan, I raised my brows and in an instant, nagsialisan na agad mga ito. Hahakbang pa sana ako ng mapansin kong hindi sumusunod si Dahlia sa akin. Nilingon ko ito, she was just their, staring at me. "Mr. Deguangco, tama? Kayo si Mr. Deguangco ang may-ari ng kompanya?", hinarap ko ito. "Yes, it's me" "Salamat sa tulong ninyo pero hindi ko na aaksayahin ang oras ninyo sa akin. Ako na ho ang kusang aalis" "Sinasabi ko bang pinapaalis kita sa trabaho mo?", "H-hindi ho ba?" "I want to talk to you. About my meals, at sa pagkakataong ito. I will make sure my meals will not be disturbed" Naglakad na ako paalis, inaasahang susunod siya pero hindi pa rin at muli nilingon ko siya ng mga inis na sa aking mukha. "Pasensya na ho, pero hindi na ho ako makapagluluto sa inyo. Nag-resign na ako. Ito na ang huling araw ko" "Resign? Walang problema then be my personal chef and dietician. I will pay you thrice your sallary here" Nagulat ito sa sinabi ko, at saglit na pinag-isipan ang alok ko rito. "Pasensya na ho ulit, pero hindi" "Sa ekonomiya na mayroon tayo ngayon. You dare to say no to that?" Hindi na ako nito sinagot. Which made me angrier by the minute. "Then, I will have you arrested" "S-sir?...", naguguluhan ang itsura nito. With a blank stare, dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya not breaking it habang nagsasalita, she was stepping back. "Nagkagulo ang kompanya at ang lunch time ng mga empleyado ko ng dahil sa mga personal matters mo. And instead, I look past that and even offered you a job anyone would die to have but you...", napatigil ito sa counter, I look at her scared face and settled unintentionally on her lips at muli bago pa ako ma-distract binalik ang aking tingin sa kanyang mga mata. "Dare to defy and say no to me?" "My free will ho ako, Sir" "Then sell it to me. I don't take no for an answer. It's either you say yes to me or be jobless for good" I smirked at her, inakalang mapapasunod ko ito pero di ko inasahan ang susunod na mangyayari ng idantay nito ang dalawang kamay sa aking balikat at mabilis na tinadyakan ang nasa pagitan ng aking mga hita. "Aaaaagh! My groins! Aaagh!" "Pasensya na ho!", sigaw nito at mabilis na tumakbo paalis ng lugar. Did she just? Holy f*ck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD