Dahlia's
A week later...
"Dahlia, hinahanap ka kanina ni Aling Cathy yung upa mo raw, pinapa-advance niya", pagpapa-alam sa akin ni Ashley. Kasama ko sa nirerentahan kong boarding house ngayon. Nakaupo ito sa isang silya at nililinis ang kuko nito sa paa. Mukhang kakarating lang din nito galing sa trabaho.
Kakauwi ko lang din galing sa trabaho, masahista ako ngayon sa isang Hotel. Hindi man pagluluto, ay tinggap ko na rin. Wala akong karapatang mamili ngayon ng trabaho, kailangan kong mabuhay. Ako lang ang inaasahan ko.
"Bago pa lang kasi ako sa Hotel, Ashley wala pa akong sinasahod",
"Alam ko, kaya nagdahilan nalang ako kay Aling Cathy, naniwala naman sa akin pero gawan mo na ng paraan iyan. Wagas pa naman maningil iyon"
"Gagawan ko ng paraan"
"Mauna na akong magpahinga sayo"
Pumasok na ako sa aking silid at nahiga sa kama. Pinalibot ang tingin sa loob ng silid at malalim na napabuntong hininga sabay hilot sa balikat ko.
Lumipat ako ng inuupahan dahil natunton na kasi ako ng mga loan sharks na sinisingil sa akin ang pagkakautang ng Tatay. Tatlong taon na mula ng mawala ito at doon ko rin nalaman na lubog pala ito sa utang. Naging mahirap sa akin ang buhay at di ako nakatapos ng kolehiyo. Masyadong maraming nangyari sa taong iyon. At paunti-unti pa lang akong bumabangon pero di ko magawa dahil nga sa mga loan sharks na noon ko pang iniiwasan.
Paminsan-minsan ay nanghihinayang ako sa trabaho ko sa cafeteria pero sa nangyari at sa ginawa ko wala na akong mukhang maihaharap kay Mr. Deguangco at sa tingin ko iyon ang mas mabuting mangyari. Sapat ng hanggang doon lang ang koneksyong mayroon kaming dalawa at baka mawala sa akin ang pinaka-iniingat-ingatan ko. Hindi ko kakayanin kong mangyari iyon. Napailing nalang ako at winaksi iyon sa isipan.
Pumasok na ako ng kwarto at magpapalit na sana ng biglang mag ring ang cellphone ko, may voice message ako sa messenger. Napangiti ako ng napakalawak ng makita ang paborito kong tao iyon. Bumalandra ang nickname niya na inilagay ko doon, 'Dearest Meiro'. Binuksan ko ang voice message at buong gabi kaming nagpalitan ng mga voice messages, di man lang ito nag video call at kung ano-ano lang pinagsasabi sa kabilang linya, natatawa nalang ako. Lagi lang itong ganun hanggang sa nakatulog na ako, kahit papaano ay naibsan ang pagod ko.
Kinabukasan pagpasok ko ng trabaho ay napuno agad ng mga chismisan sa pagitan ng mga kasamahan kong masahista.
"Bibisita siya ngayon?"
"Oo, at as usual magre-request siya ng massage kaya ayun nag-aagawan ang lahat para sila sana ang piliin"
"Ganun ba, sigurado naman iyong mga senior natin ang pipiliin, VVIP iyon eh"
"May VVIP mamaya?", puno ng kuryusidad kong tanong sa mga ito na nagulat sa bugla kong sapaw.
"Kagulat ka naman Dahlia, pero Oo. Napakagwapo, Dahlia. Kapag bumibisita siya kasama ang ilan sa mga kaibigan niya ay nag-aagawan talyag kami pra magmasahe sa kanila, kaya lang di pa kami nakasubik magmasahe sa kanila eh"
"Wala nga rin siyang kasama ngayon, kaya sa room lang daw niya siya magpapamasahe"
"Talaga ba, napaka intimate naman non sana ako ang piliin. Eeeh, balita ko may abs daw si Sir! Waaah!",
"Sana tayo ay palarin!",
Parang kinikigil na mga teenagers na naghawak kamay ang dalawa sabay na nagtatalon at nangingisay-ngisay pa.
Napangiti na lang ako sa dalawa na halatang excited. Mas matagal na kasi ito sa trabaho, siguradong isa sa kanila ang papalarin kuno.
"Dahlia!", inis at pasigaw na tawag sa akin ng kung sino sa aking likod, ang manager pala namin. Naka-cross arm at nakataas ang kilay nitong kinausap ako.
"Ikaw ang magmamasahe ngayon sa VVIP. Ihanda mo ang lahat, mamayang ala seis ay dadating na iyon",bahagya akong napanganga sa sinabi nito. Nagkatinginan pa ang dalawang kasama ko tapos ay napatingin sa akin.
"Um, pero Ma'am tapos na ho ang shift ko niyan"
"Oo nga ho Ma'am, tsaka andito naman kami mga senior na bakit si Dahlia? No hate Dahlia ah, napakabago mo pa, VVIP iyon!",
"Oo nga!", pagsang-ayon pa ng isa na. Nakabusangot na ang mga mukha nito ngayon.
"Wala akong magagawa. Iyon ang notice sa akin, iyong baguhan daw na inirekomenda sa kanya. Kasalanan niyo iyan, di niyo ginalingan ayan iyong Junior niyo ang narekomenda"
"Pero kasi ma'am..."
"Walang pero pero, Dahlia. Kabago-bago mo pa, chance mo na ito para maging permanenting kliyente ang VVIP na iyon. Dami mong kaartehan"
Pagkatapos itong ipaalam iyon sa akin ay lumabas na ito ng silid. Ganuon din ang dalawang kasamahan ko na nainis pa sa balitang nalaman.
Sino ba kasi ang VVIP na iyon?
Wala naman akong naisip na naging kliyente na pwedeng magrekomenda sa akin. Regular clients lang ang napupunta sa akin dahil baguhan pa naman ako.
Alas seis na. Kanina pa ako nasa harap ng pintuan ng VVIP room, ni check ko lang ang dala kong extra towels na request nito. Kumatok na ako na agad naman binuksan ng room service na lumabas na rin.
"Asaan ho siya?", tanong ko sa staff.
"Nasa kwarto niya, puntahan mo nalang doon"
Sinunod ko naman ang sinabi nito at pumasok na sa silid. Dim ang lights ng kwarto, siguro ay nagrerelax ito ngayon.
"Hello Sir...", tawag ko rito.
"Come in...", wika ng baritonong boses.
Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses at malalim na napabuntong-hininga at napa sign of the cross pa ako bago tuluyang umapak papasok sa silid nito kung saan nakita ko itong nakatayo malapit sa bintana. May kausap ito sa telepono.
Suot na nito ang roba ng Hotel, nakatayo lang ako doon. Di ko alam kong aalis ba ako o maghihintay na matapos ito pero kasi, pamilyar ang boses niya. Inaalala ko kung sino ang nagmamay-ari niyon. Ngunit bago ko pa man maalala kung sino ay napansin na nito ang presensya ko at dahan-dahan na lumingon sa akin at nagtama ang aming mga mata, tumaas ang sulok ng mga labi nito bago tinapos ang pakikipag-usap sa cellphone.
"I'll talk to you later, Jorge. I have an important thing to do, tonight", wika nito sa malumanay na boses ng hindi inaalis sa akin ang tingin.
Uzman Deguangco!
Gulat ang siguradong makikita sa aking mukha lalo na ng humakbang ito palapit sa akin. Di ko alam kung ano ang gagawin, dahilan upang mabitawan ko ang aking dalang towel at napaluhod sa harap nito, napatigil naman siya.
"What are you doing?", puno ng disgusto sa boses nito.
Tinakasan ng lakas ang aking tuhod, kinakabahan ako sa maari nitong gawin. Sa ginawa ko sa kanya nitong huli, sigurado akong hindi ako nito papalampasin kaya wala akong ibang naisip kundi ang ibaba ang sarili rito.
"I said, what.are.you.doing?", pagbibigay diin sa tanong nito.
Hindi ko agad siya nasagot, kinakabahan ako, ang aking mga kamay ay nasa aking hita, pinipigil ang panginginig.
"N-nagmamakaawa ho ako Mr. Deguangco"
"Nagmamakaawa?"
"Alam ko ho hindi naging maganda ang huli nating pagkikita dahil gumawa ako ng gulo sa kompanya ninyo. Hindi ko tinggap ang alok ninyong trabaho sa akin at... at...", hindi ko mahanap ang tamang mga salita hanggang sa ito na mismo ang pumuno nuon.
"At ano?...", pag-uulit nito pero ngayon ay nakaluhod na ang isa nitong paa habang nakapatong ang kanyang kamay doon sabay na inangat ng malaya nitong kamay ang aking baba, nagtamang muli ang aming mga mata.
"Punched me in the groins inside company's premises, in front of my people and to add more insult to the injury runaway like nothing happened? Iyon ba ang nais mong sabihin, Ms. Fojas?"
"Pa-pasensya na ho talaga sa ginawa ko, Mr. Deguangco p-pero..."
Hawak pa rin ang aking baba ay naghihintay lang ito sa susunod kong sasabihin pero hindi ko mailabas ang salita at napakagat labi nalang at mariin na napapikit bago mabilis na tumayo at tumakbo paalis ng Hotel room nito.
"Woman!", tawag nito sa akin habang patuloy lang ako sa pagtakbo at nang malapit na ako sa pintuan at nahawakan na ang pinto ay inakala kong makakaalis na ako ng may makikisig na braso ang pumulupot sa aking bewang at inangat ako sa ere.
"Aaah!", malakas kong sigaw habang karga-karga na ako nito ngayon patungo sa kung saan.
Hindi man lang ito natinag sa laki ko dahil medyo may kabigatan ako at naramdaman nalang ang aking likod na tumama sa malambot na kama at nang sinubukan kong tumayo ay agad naman akong kinubabawan nito. Nahigit ko ang aking hininga.
"Running away again. You did it again! Sa kabila ng paghingi mo ng tawad, huh, f**k!", hawak nito ang dalawa kong mga kamay hindi ako makagalaw pati ang mga binti ko ay pinipigilan ng kanya.
"N-nagmamakaawa ako, Mr. Deguangco. Wag niyong gawin ito", kunot noo akong tiningnan nito.
"Do what? assault you? Gusto ko lang naman ay makausap ka ng matino pero ikaw ang ayaw. Might as well take this legally. Siguro nga ay tumawag na ako ng police, I have proofs of you assaulting me in my own company. Sapat na iyon para makulong ka"
"Hindi!"
"Ayaw mo, so for God's sake, stop running away from me, woman!", pagkasabi nitong iyon ay mas inilapit nito sa akin ang kanyang mukha.
Nahigit ko muli ang aking hininga ang mga mata namin ay nagtama. Halos gahibla nalang ang layo ng mukha nito sa akin. Maling galaw lang ng kahit na sino sa amin ay magkakalapit ang aming mga labi.
"Mr. De-deguangco", halos sambit sa hangin ko nalang na sabi rito, sa boses na nagmamakaawa.
Pero tila ay hindi ako nito narinig, ang mga mata nito ay nakatuon lang sa kung saan, at iton ay sa aking mga labi. Hindi pa rin ito nagsalita ng kung ano, napalunok na ako, pinagpapawisan sa kaba sa maari nitong gawin. Hanggang sa walang emosyong itinaas nito ang tingin sa akin, ng hindi pa rin nagsasalita.
"Ano ho ba ang nais ninyo?"
"But would you do it?", hindi ako nakasagot.
"As you can see, I'm a very determined man, Ms. Fojas and I will do everything just to get what I want and for the time being, it is you", saad nito sa malumanay ngunit puno ng awtoridad na boses. Kung iba ang makakarinig sa kanya ay pag-iisipan ito ng iba, na para bang binibili ako nito. Ngunit sa pagitan naming dalawa, alam ko kung ano iyon.
Kumirot ang puso ko. Nasasaktan ako.
Biglang bumalik sa akin ang dapat ko nang kinalimutan, di na ako dapat umasa pa dahil kahit kailan, hindi naman ako magkakaroon ng halaga sa lalaking ito.
Dahil ni hindi ako nito mamukhaan. Lalong hindi ako naaalala.
"Bitawan mo ako, mag-usap tayo ng maayos", mabuti nalang at hindi nabasag ang aking boses ng muli akong magsalita.
Binitawan naman ako nito. Hinarap ang solo chair sa gawi ko, napa-cross legs at nagsimulang isa-isahin ang nais niya sa akin.
"I want you to feed me. Be my personal chef and at the same time my dietician s***h nutritionist"
Umayos ako ng upo sa kama at inayos ang aking buhok, nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita.
"Sa loob ng tatlong buwan. Siguraduhin mong kumakain ako at maayos ang kalusugan ko. At gaya ng sabi ko, I would pay you thrice sa sweldo mo sa cafeteria"
"Bakit ako? Pwede ka naman mag-hire ng mga mas may alam sa akin"
"Bakit hindi. Masarap ang fried rice mo"
"Nang dahil lang sa fried rice?"
"Well, masarap naman iyong iba but the fried rice is the best. It actually... reminds me of my Grandma's cooking", napataas ang dalawang kilay ko sa kanya.
"Ikaw ang pinili ko dahil kalapit mo ang luto ng Lola at hindi iyon kagaya ng mga basurang luto ng iba. Only yours passed my meticulous taste buds. Take that as a compliment", ningisihan pa ako nito.
Tatlong buwan? Sa loob ng tatlong buwan ay kailangan ko lang na maibalik ang sigla ng kalusugan nito?
"Paano ang police?"
"Depende, sa sagot mo sa akin ngayon"
Nanghahamon ang mga tingin nito sa akin. Ano ba naman ang laban ko? Kahit nga ang Hotel na pinagtatrabahuan ko ay nahanap nito. Mahahanap at mahahanap ako nito kung naiisin niya at gaya ng sabi nito, she wants me, para pagsilbihan siya.
Tatlong buwan. Matitiis ko ba? Matatago ka ba? Paano kong maalala niya ako? Paano kung... Hindi, hindi ko hahayaan, wala siyang malalaman. Titiisin ko lang ang tatlong buwan, matapos iyon ay tuluyan na kaming mawawalan ng ugnayan. Ngayon, para sa safety ko ay kailangan kong sumunod sa anumang naisin niya.
"Nagkapagdesisiyon ka na ba?", kuha nito sa atensyon ko.
"Tatalong buwan. Matapos ang tatlong buwan ay hahayaan niyo na ho ako di ba?"
"Of course, wala naman na akong kailangan sayo by that time. And, I will be leaving for Italy. Ngayon, I just want to keep my Mom away from my business at hindi iyon mangyayari kung hahayaan ko ang kalusugan ko"
"Kung ganun ay papayag na ako"
"Very well, kung ganun pwede ka nang umalis. Vernon, my secretary, will contact you. Kailangan bukas, nasa bahay na kita for the contract"
Tumayo na ako sa kama at kinuha ang mga towels na nalaglag kanina. Ramdam ko ang mga mata nito na nakatingin lang sa akin habang ginagalaw ang paa nito.
"Aalis na ho ako, Mr. Deguangco"
"Siguraduhin mong pupunta ka bukas, Ms. Fojas. As you can see, I only take yes for an answer"
Nag-bow na ako rito at tuluyan lumabas ng silid at doon lang ako nakahinga ng maluwag, napahawak pa ako sa pader ng corridor.
Tatlong buwan, Dahlia. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa tatlong buwan. Aasa nalnyg ako, sana pumabor sa akin ang pagkakataon.
Hindi ako nito nakilala, wala itong alam kaya sisiguraduhin kong mananatiling ganun.