Uzman's
He is just a friend.
A friend.
Her friend is a guy, who she claim is a gay man.
Talaga lang ah?
Biglang lumakas ang kaninang mahinang patak ng ulan at mas lalo akong di makapagpokus sa ginagawa. Nasa office ako ng bahay, doing the paperworks here, and with all the messy papers and Dahlia, mostly Dahlia in my head, I think maling ideya na di ako pumasok.
Sunod na mga katok ang aking narinig, bumukas ang pinto at pumasok si Dahlia may dala itong tsaa at iilang sweets.
"Dinalhan kita ng snacks"
"Ilagay mo lang diyan at pwede ka nang umalis", salita ko ng di siya binabalingan ng tingin, naiinis pa rin kasi ako. Ayoko maging childish pero naiinis talaga ako!
"Uzman, galit ka pa rin ba sa nangyari?", ito na naman siya at ang pagiging direkta niya.
"At bakit ko naman ikakagalit iyon", I said in a blunt tone.
"Kahapon mo pa kasi di namamansin. Wala naman akong ibang maisip na dahilan", hindi na ako nakatiis at sinagot din siya ng direkta .
"You are a married woman, hugging a man Dahlia? really?"
"So iyon nga ang dahilan. Ikaw nga nakikipag-meeting sa ex-fiance", nagulat ako sa turan nito.
"What? Paanong--", di ko na antapos ang sasabihin ng sumpaq siya.
"Okay, naiintindihan ko na galit ka at baka kumalat sa buong village ang nangyari. Masisira ang reputasyon mo ng dahil lang sa kagaya ko... kung ganun, magiging maingat na ako",
No! kamuntik ko nang ibulalas iyon. Hindi ito tungkol doon, the hell I care about them!
"You're changing the topic. Nagpunta ka ba sa opisina ko kanina? It was--", pinutol na naman nito ang sasabihin ko.
"Alam ko, business, tsaka wala akong karapatang manghimasok sa pagpapalakad mo ng negosyo. Pero sabi mo nagtitiwala ka sakin diba, ganun din ako, panghawakan natin iyon, wag mo sanang basagin", pagdadahilan nito, naiwang bahagyang nakaawang ang aking bibig sa sinabi niya.
Ibinaba ko ang mga hawak na papel at ballpen at tatayo na sana sa kinauupuan ng magsalita ito.
"Aalis na ako. Wag mo lang kalimutan itong snack", at umalis na nga ito ng silid at mula ng umalis ito ay hindi na ako nakabalil sa ginagawa dahil laman lang ng isip ko ang mga sinabi nito ngunit di na ako nakapagsalita dahil tuluyan na itong lumabas.
Gusto kong kausapin siya ng matino but kailangan ko ba?
No.
Yeah... I shouldn't be.
~~
Hours passed mas lalong lumakas ang ulan.
I will talk to her.
Patuloy pa rin ang ulan at di pa rin mawala ang nararamdamang di ko maintindihan kaya napagdesisyonan kong bumaba. Kakausapin ko si Dahlia to clear things up pero di ko ito mahagilap.
Naabutan ko si Manang na may dalang tray ng sliced fruits.
"Manang, saan ninyo dadalhin iyan?"
"Ay Sir, sa anak ninyo. Nagtatampisaw sa ulan. Dadalhan ko lang sana ng snacks"
Sumunod ang mga tawa na puno ng tuwa sabay ang tunog ng mga paa sa basang damuhan. Inilang hakbang ko ay natagpuan ko si Miero sa labas na naka shorts at shirt lang habang si Dahlia ay nasa tabi at may hawak nang tuwalya saka iyon itinakip sa kanya.
"Nanay, mamaya na ho. Sama ka muna kasi akin"
"Tama na Miero at baka sipunin ka"
Miero pouted in frustration sa Nanay niya na agad namang nawala ng mapansin ako nito. Nagliwanag ang kanyang mukha at mabilis na inalis ang nakabalot nitong tuwalya.
"Tatay!", tawag nito sa akin na ngayon ay tumatakbo na papalapit.
"Miero, don't run, you may slip", pero hindi naman iyon nangyari at nakalapit ito sa akin sabay huli ng kamay ko.
"Tatay, maglaro tayo sa ulan", hinila ako nitong patungo sa labas kung saan patuloy pa rin ang pag-ulan at di ko na namalayan, dala na rin ng nakasanayan ko nang reflexes tuwing mapapalapit ako sa ulan ay bumigat sa kaba ang aking dibdib at mabili kong naiwaksi ang kamay ni Miero.
"Ah Tatay!", sigaw nito ng mawalan siya ng balanse dahilan upang tumama ito sa isang babasaging vase, nabasag iyon at binagsakan ni Miero kung saan naitukod nito ang isang kamay na ngayon ay dumudugo.
"Miero!", halos panabay na naming sigaw ni Dahlia ngunit mas mabilis itong nakalapit sa anak namin.
"Waaaah! Nanay! Nanay sakit! waaah!"
Sabay ng paglakas ng hangin na may dalang ulan ang pasigaw ng iyak ni Miero na ngayon ay dinaluhan na ni Dahlia at ng isang katulong. Ni hindi ko namalayan kong ano na ang nangyayari, nakatingin ako sa kanila pero tila hindi ako makagalaw upang daluhan agad ang anak ko.
What I saw was my hand, palm facing up, na para bang isang reflex upang daluhan ang anak ko pero di ko nagawa. Ni hindi ako nilingon ni Dahlia, anduon lang ako habang nilulunasan ang sugat ni Miero, hindi ko alam kong galit siya o ano, wala, mas inaalala niya ang bata. Hindi sa galit ako sa kanya, I'm much angrier with myself.
Pinilit ko ang sariling ikalma lalo na ng magsimulang manginig ang aking kamay ay buong lakas konb ikinuyom iyon at sinubukang tawagin si Dahlia pero walang lumabas sa aking bibig. So I just move, agad kong kinarga si Miero na umiiyak pa rin, may tuwalya na nakapalupot sa kanya at may benda rin ang kamay, but it's still bleeading. I can't stand a mere stupid bandage to ease my sons pain, no!
Hinawakan ni Dahlia ang braso ko kaya napatigil ako sa paghakbang.
"Saan mo dadalhin ang bata?",
"He's injured, kailangan niyang dalhin sa hospital"
Matapos magpaliwanag ay lakad-takbo na ang aking ginawa at pumasok sa sasakyan, simunod naman si Dahlia, kalong nito si Miero habang patungo kami sa hospital.
I don't want to take him there but I have no choice. Maaring makarating ito sa kanya.
We arrive, at the hospital... which my Grandfather owned.
Naging mabilis lahat ng makita ako ng staff. I don't know, but something tells me they already knew me, but hell I needed them to know me, and get my son what he needs.
"I need a doctor, my son needs a doctor!"
Agad naman kaming nilapitan ag kinuha ang bata sa akin saka nilagay ito sa wheelchair.
"Mama aaah, sakit!", iyak pa rin patuloy ni Miero.
"Sssh anak, andito si Nanay..."
"Dito ho tayo, Mommy sumama ho muna kayo para hindi panay naiyak si Baby"
"Okay, sige ho", sagot nito sa nurse sabay na nilingon ako.
"Maghihintay lang ako"
Tuluyan na ngang umalis ang mga ito habang ako naman ay naiwan doon. Napaupo nalang sa bakanteng upuan at nahilamos ang kamay sa aking mukha.
What have you done to your son, Uzman!
Dahlia's
"Andito ka lang pala, hinahanap ka ng anak mo. Bakit daw wala nang good night kiss galing sa Tatay niya", bungad ko agad ng makapasok ako ng opisina nito sa bahay. Hindi man lang ito nag-angat ng tingin sa akin.
Pigilin mo ang galit mo Dahlia.
Dalawang araw na mula ng nangyari ang insidenteng iyon.Three stitches sa kamay ni Miero, may iilang sugat rin dahil sa bubog. Sa kabila ng nangyari sa anak nito ay heto lang siya at subsob sa trabaho. Humingi naman agad ito ng sorry sa nagawa niya kay Miero, sa rasong nagulat lang daw ito, pero kilala ko ang anak ko, alam kong dadamdamin niya at dinamdam na nga niya, isama pa ang halatang pag-iwas ni Uzman sa amin.
"I'll... I'll do it later, when he's asleep", umangat ang sulok ng labi ko, sa pagkakasabi kasi niyon ay parang nipilit ko pa siya. Galit ako pero pinipigil ko lang dahil nais kong maintindihan, malaman mismo sa kanya kung bakit nagawa niya iyon, kaya heto ako at kinakausap siya pero ito lang ang sasabihin niya sa akin?
Galit na talaga ako, ayoko nang magtimpi!
"Ano bang problema mo?", may diin sa boses ko, itong naghahamon. Nakuha niyon ang atensyon niya at inangat ang tingin sa akin.
"Wala, ikaw yata ang meron Dahlia"
"Nasaktan mo ang anak natin at heto ka na parang mawawala lang ng simpleng sorry mo ang nangyari? ", hindi na talaga ako nakatiis.
Tumayo naman ito at lumapit sa akin pero hindi pa man ito nakalapit ay humakbang ako papalayo rito, ayokong mahawakan nito, delikado.
"Wala kang narinig sa akin ng kamuntik ka nang himatayin sa gitna ng ulan. Wala kang narinig ng isang hapon umuwi kang ngatog sa di ko malamang dahilan dahil alam kong wala akong karapatan ng takbo ng buhay mo dahil wala akong karapatan pero hindi sa anak ko, hindi kay Miero, Uzman", inangat nito ang mga kamay at nais akong pakalmahin, ngunit hindi ko ito hinayaang mahawakan ako, dahil alam ko, may kung ano sa mga hawak nito na maaring magpagiba ng depensa ko at hindi ngayon iyon, para sa anak ko.
"Dahlia...", mahinahon nitong tawag.
"Ano?", hindi pasigaw pero halatang galit ako sa tono ng boses ko. Natingin ito sa aking mga mata. Hindi ito nagsasalita at tila nangungusap lang gamit iyon at kung tama ang intindi ko sa mga binibigay nitong tingin, he seems... hopeless and... sad. Napakurap ako sa isiping iyon sabay namang itong napayuko at napabuntong-hininga, tinalikuran ako at naglakad patungo sa desk niya.
"You will never understand how it feels like seeing your only son be hurt because of you"
"Kung ganun ipaintindi mo sa akin. Kung ano ang bagay na gumugulo sa iyo sa puntong kahit ang ulan ay kinakatakutan mo...", nakikiusap ko nang tono. Binalik nitong muli sa akin ang mga tingin nitong di ko mawari, tinging may nais siyang sabihin pero pinipigil niya dahil di niya ako magawang pagkatiwalaang talaga.
"Lumalampas ka na sa kung saan ka lang dapat, Dahlia. I didn't require that of you", tila isang saksak sa dibdib ang mga salitang binitawan nito. Di ako makakuha ng matinong explanation sa taong ito.
Tama. Asawa lang ako sa papel. Ina ng anak nito nagawa lang ng dahil sa tawag ng laman.
This man, will never see more than that.
"Maayos na si Miero, wala na tayong ibang dapat pang pag-usapan. Lumabas ka na, Dahlia", tinalikuran ako nitong tuluyan. Di na ako nakapagpaalam pa at mabilis nang lumabas doon bago pa akong tuluyang maiyak na siyang pinakawalan ko sa banyo ng kwarto ni Miero.
~~
Kinabukasan ay pinilit kong kalimutan ang nangyari sa office nito. Ulo ko rin naman din ang sasakit kong pipilitin kong intindihin ang lalaking iyon. Mabuti pa at ilaan ko nalang ang aking enerhiya sa positibong bagay lalo na sa anak ko.
"Beautiful...",sabi ng boses sa aking gilid. Alam kong galing iyon kay Uzman, hindi ko na hinarap alam kong ang bulaklak ang sinasabihan nito ng beautiful. Ni-arrange ko kasi, ilalagay ko sa kwarto ni Miero.
"Bihis na bihis ka, may lakad ka ba?", tanong nito kaya hinarap ko na siya. Wala naman akong pupuntahan, tinamad lang ako kaya isang yellow sunny dress and sinuot ko at pinusod ko lang naman ang buhok ko.
"Maghahatid kay Miero sa daycare", kaswal kong wika.
"Wearing that?", turo pa nito mula ulo hanggang paa.
"Alangan naman pajama ang susuotin ko", napagkamalan na akong yaya noon, syempre nadala na ako.
"I'm just saying..."
"Wag ka kasi makialam sa gusto ko suotin. Di ba nga di naman ako nakikialam sa mga bagay bagay tungkol sayo?", may laman ang huli kong sabi, sana matamaan siya tapos ide-deny ko, kainis kasi.
Dumilim ang mukha nito at tila yamot sa huling sinabi ko; wala akong pakialam. Kinuha ko ang flower vase sa mesa at dadalhin na sana iyon sa itaas ng pigilan ni Uzman ang kamay ko.
"Aray, bitaw Uzman!", hila ko sa vase.
"Galit ka. I talked to Miero, he already forgives me", hinila naman ito niyon palapit sa kanya.
"Hindi ako galit. Ano ba bitaw mabigat ito", balik muli sa akin. Walang sinuman sa amin ang bumibitaw. Iniinis talaga ako ng lalaking ito.
"No, you're mad, talk to me", pakiusap pa nito sa sensirong boses pero wala akong time makipag-usap sa kanya.
"Ayoko, manigas ka!", sigaw ko na rito na sa lakas ay nag-echo na iyon sa bahay dahilan para bitawan niya ng biglang may nagsalita.
"Nanay, Tatay away kayo?", si Miero, nasa tabi nito si Kovo na hawak nito sa ulo. Nagkatinginan kaming dalawa ni Uzman. Kinuha nito sa akin ang vase at nilapag kung saan saka tumabi uli sa akin.
"Hindi anak, ano, nag-uusap lang kami ni Tatay kung saan ilalagay iyong vase"
"Eh bat ikaw nasigaw"
"Ah kasi, malawak ang bahay anak kaya may echo, kaya malalas kahit di naman namin sinasadya", umaas ang labi nito at napa-pout na mukhang di kumbensido, kaya mahina kong kinalabit si Uzman.
"Ah Miero, its time, how about we take you to your school?", pag-iiba nito ng usapan.
"Nag-away kayo eh", pilit pa rin ng anak ko.
"Anak hindi nga...", ulit ko
"Yes anak, we aren't; see...", hinuli ni Uzman ang aking bewang at kinuling sa bisig nito, pekeng nangitu nalang ako, ganuon din ito, makumbensi lang namin si Miero na ngayon ay nakataas pa ang kamay sa baba.
"Okay, di nga kayo ayaw...", nakangiting sabi nito, tila nakahinga naman kami ng malalim. Sumenyas akong tanggalin na nito ang kamay sa aking bewang ngunit bago pa man nito magawa iyon ay nagsalit muli si Miero.
"Kiss na kayo para okay na. Kiss po, kiss", tinuro pa nito ang kanyang mga labi kung saan niya nais kaming maghalikan.
Ayoko!
Malakas komg sigaw iyon sa aking isipan at nais nang kumawala sa pagkakahawak nito sa akin pero kahit anong puwersa ang ilabas ko ay hindi ako makaalis-alis sa mga bisig nitong nakalingkis na sa akin, at namalayan ko nalang ang kamay nitong nasa ibaba na ng aking baba at iniaangat paharap sa kanya. Nagtama ang aming mga mata at puno iyon ng intensidad naramdaman ko nalang ang paglapat ng labi nito sa akin, napapikit ako, hinhintay na gumalaw iyon pero hindi, naglapat lang ang aming mga labi at ilag minuto rin ang lumipas ay kusang bumitaw at hinarap si Miero na abot tenga na ngayon ang ngiti.