Dahlia's
"Nanay, ayoko sa babaeng yun, masama ugali"
"Miero?!"
"Batang bruha siya Nanay"
"Anak?!"
Di ako makapaniwalang lumalabas ito sa bibig ng anak ko pa talaga mismo. Alam ko naman na advance siya pero hindi ko akalaing ganito kalala ang pag-intindi nya sa mga bagay-bagay. Kaya siguro gusto niga ma-meet iyong babaeng anak ni Jorge, balita ko ay genius kasi iyon.
Nasa kusina ako at nagluluto at nasa harpa ng stove habang sya naman ay nakaupo sa kids chair niya, kumakain ng paborito niyang fried habang nagdo-doodle ng kung ano sa drawing book niya. Nasa tabi nito sa Kovo, na mula nang dumating kami rito ay parati nang nasa tabi ni Miero. Minsan ay tumatabi pa sa aming dalawa na matulog. Hindi kasi kami nagtatabi ni Uzman; well, occasionally lang.
Kinukwento nito sa akin ang isang partikular na babae sa klase niya na ang pangalan ay Sunshine. Di niya daw ito gusto dahil masaama makatingin pagkasama niya ako at Tatay niyang nahatid sa kanya paminsan-minsan. Isang bese pa nga daw ay nakita nitong ginuhit ang sariling Daddy niya at nilagyan ng salitang 'dead'.
Pamilyar ako sa batang iyon. Sa lahat kasi ng kaklase niya ay kapansin-pansin talaga ito dahil sa maamong mukha. Ang alam ko ay may lahi kasi itong Austrilian.
"Totoo naman po kasi. Si Cindy, kinuha niya iyong colors eh pinutol niya, iyong colors ni Cindy. Ayun galit si Teacher sa kanya"
"Kahit na anak, bata pa kayo. Wag ka magsalita ng ganun sa kanya"
"Basta wag siya tatabi sa akin, hampas ko siya ng walis tambo. Go! You evil witch!"
"Mikhail Eros!", muling sita ko na naman rito.
"Nanay naman ulit ulit", kamot nito sa ulo.
Napailing nalang ako sa mga bunitawan nitong salita. Magkaugali talaga kayo ng Ama mo. Ang bata bata pa napakamapanghusga na agad sa iba.
"Miero, I'm here...", umalingawngaw ang boses ni Uzman sa buong kabahayan. Nilingon ko si Miero.
"Andyan na si Tatay, Nay", excited alitong bumabasa sa silya niya.
"Dahan-dahan, anak", nalaglag pa ang bimpo sa likod nito. Pinatay ko na ang apoy sa niluluto ko at nagpahid bago kinuha ang nalaglag nitong bimpo. Ito naman ay nakatakbo nang tuluyan ng ang boses naman nito ang tumawag sa akin.
"Nanay, bilis po!", pasigaw na nitong sabi. Napahawak ako sa suot na apron at sa buhok ko na basta ko nalang tinali. Ayos naman na siguroa ng itsura ko. Nagalakd na ako paounta sa living area ng makita ko iyon na sa isang gild ay puno ng mga laruan habang sa kabila naman ay puno ng mga designer items.
"Nanay, andaming laruan", tinakbo nito ang distansya niya sa mga laruan at aligagang dinakot ang mga iyon.
"Akin ho ito lahat, Tatay?", yakap nito ang mga larua .
"Of course, lahat iyan para sayo, go on and open it up"
Nakatingin lang ako rito ng may mga ngiti sa aking mga labi. Nang napansin kong lumapit si Uzman sa akin at may nilahad na isang bagay. Nang aking harapin ay isang punpon ng red roses.
"For you..."
"Para sa akin?"
"Yes and those too", inarko nito ang ulo sa mga designer brands na inokopa na halos ang buong living area.
Nahihiya man ay kinuha ko sa kamay nito ang pumpon ng bulaklak at hiyang napangiti rito at bumalik sa pag-admire sa hawak ko ngayon mga bulaklak na sa tanang buhay ko ay di ko pa nagawang mabigyan. Hinawakan ko iyon at inamoy at muling napangiti ng magsalita si Uzman.
"It's the least I can do to make our son believe na mahal talaga natin ang isa't-isa...", natigil ako sa sinabi nito at tila ibinalik sa realidad ng kung ano kami ni Uzman.
Tiningala ko siya, he was smiling from ear to ear at idinantay pa nito sa dulo ng balikat ang kanyang kamay. Nakaharap na kami ngayon kay Miero na nagbubhkas ng mga laruan niya.
"Next time, dalhin natin siya sa picnic o ipasyal natin siya. May naiisip ka bang magandang puntahan?"
Ibinaba ko ang hawak na bulaklak at inalis ang kamay nito sa pagkakadantay sa aking balikat. Kita sa mukha nito na tila nagulat ito sa aking ginawa... na dinko dapat ginawa; pero... pinangunahan ako ng depensa ko.
"Schedule natin. Salamat pala dito, pero di mo naman kailangan gawin ito.
"Naks ha, napakaresponsable mo nang Ama kay Miero, Uzman", birong siko ko rito.
"For him to see kung paano tratuhin ng maayos ng Tatay niya ang Nanay niya at hindi lang siya. Like how a man treats his woman. So do not be awkward with me, Dahlia"
Ang mga titig nito sa akin ay di gaya ng sa dati, na may halong pangmamaliit. Ang kaninang nasaktan kong damdamin ay agad pinawi ng mga sinabi nito. He has his way of words, ganun si Uzman at dahil doon nagigiba niya ang depensa itinatag ko para sa sarili ko dahil aaminin ko, oo, nagugustuhan ko na siya pero hini iton dahilan upang iakto ko ito sa kanya dahil di naman niya ako mahal at ayokong ipilit ang sarili ng mahalin niya. Kaya araw-araw na kasama ko ito ay itinatak ko sa aking isipan kong saan ako dapat lumugar, at hindi iyon sa puso niya.
"So... ikaw; pinagkatiwalaan mo na ako ngayon?", ang tanong na iyon ay walang anong ugnaya sa mga sinabi niya pero napakahalag ng magiging sagot nito sa tanong ko na iyon. Hanggang ngayon, kahit pa nag-usap na kami ng madaling araw na iyon, kahit nararamdman ko na unti-unti na, ay nais ko pa rin marinig sa mga bibig niya dahil iyon ang isang ninanais-nais kong mapasa akin man lang.
"I trust you...", tila nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito.
"Cause you are the Mother of my child, I trust you", puno nito sa isang mapangkumbinseng tono kaya subconsciously ay naglabas ako nag malawak na ngiti sa kanya, na ikinagulat pa yata nito. Huli na nag namalayan ko iyon, hindi ko na alam ang gagawin sa hiya, mabuti nalang at tumakbo papalapit sa akin si Miero at nais daw nitong ipakita ang mga toys niya kaya doon natapos ang aming usapan ng dama ang bigat ng mga titig niya sa aking likod.
~~
Kinabukasan ay kinuha ko sa ref ang mga regalong rosas kagabi sa akin ni Uzman. Inayos sa isang vase. Agad naman ako nagpalit at inihanda ang lunch ni Uzman na dadalhin ko sa opisina niya. I was smiling the whole time, minsan nga pinapalo ko ang bibig ko, ang OA kasi, kahit alam na nga na friendly gesture lang iyon; I appreciated him. Di naman sa umaasa ako, but I'm just happy.
"Hi Vina!", bati ko sa assistant secretary ni Uzman.
"Dahlia- ah Ma'am Dahlia na pala dapat",
"Ma'am ka diyan, Dahlia lang. Andito ba ang sir mo?"
"Ah nasa meeting pa kasama ang bagong business partner niya. Dala mo pala ulit lunch ni Sir, Ma'am"
"Alam mo naman pihikan iyon"
Naupo ako sa harap ng table nito. Alam kong bawal pero ngayon lang naman, kinamusta ko si Vina, nagkamustahan lang kaming dalawa habang hinihintay ko si Uzman. Ilang minuto rin ang hinintay ko hanggang sa naging oras pero wala pa rin ito. Tatawagan na sana ni vina ng pinigil ko siya dahil ayoko makaabala sa kanya. Wala pa namang tanghalian kaya makakhintay pa ang lunch niya pero sa tagal kong naghintay ay di na kinaya ng pantog ko.
"Vina, asaan ba ang banyo rito"
"Ah labas ka lang dito, deritso tapos sa kanan mo", pagbibigay deriksyon niya. Papasok na sana ako ng may narinig akong mga nagsalita.
"Ah ang ganda talaga niya. Kahit saang anggulo walang pores"
"Sinabi mo pa"
"Bakit kaya di sila nagkatukuyan ni Sir; balita ko naging fiance niya daw yun"
"Pwede ba yun? Business partner niya ex-fiance niya. Ano nalang sasabihin ng asawa ngayon ni Sir"
"Kung ako sa kanya magiging threatened ako, body figure palang wala nang panama sa ex-fiance"
"Sigurado ako kinulam lang siya ng babaeng iyon. Isang hamak na tagapagluto sa cafeteria dati naging asawa? Ano yun?"
"It's called none of your f*****g business", sabat ng kung sino, pamilyar ang boses, sumilip ako.
"Sir Vernon!...", nagsitayuan ang mga ito at nag-bow.
"Napaka unprofessional ng ginagawa ninyo. Chatting over your boss' private life. Alam niyo naman siguro na kung siya nakarinig sa inyo ay paniguradong tanggal na kayong lahat sa kompanya"
"P-pasensya na ho, Sir. Di na ho namin uulitin"
"Make sure of it...", maawtoridad nitong wika. Dali namang kinuha ng mga ito ang gamit at bumalik sa kani-kanilang cubicle.
Inayos ni Vernon ang glasses at tie niya na para bang nakahinga na ng maayos. Nang mapaharap ito sa gawi ko, di na ako nakatago at nakita na nga ako.
"Ma'am Dahlia..."
"Hi Vernon and... thank you", taas ko ang kamay.
"Ma'am Dahlia... di niyo naman siguro-"
"Narinig ko; narinig ko lahat lahat"
"It's not what you think"
"Hm, pero... ang kasama niya ngayon? Ex-fiance niya ba talaga?"
Hinila ako niya ng marahan sa isang band akung saan pwede kami makapag-usap ng mas maayos. He llok tense, wala naman akong balak manggaulo sa kung anuman ang pwede kong malaman sa kanya gusto ko lanag naman malaman.
"He's with Miss Sarosa, oo tama kayo ng narinig, ex-fiance niya ang babae pero maayos naman sila at mabuting magkaibigan. Wala hong kahit anong malisya ang pagkikita nila ngayon, purely business", ngumiti ito sa akin. Alam ko naman, para kumbinsehin ako sa sinasabi niyo, pero di naman na kailangan.
"Hm ganun ba. Ayos lang naman wag kang manigas diyan. Wala naman ako gagawin at makakasiguro kang wala akong sasabihin kay Uzman"
"Do you want to see him? Siguro ay naghintay ka. I can--"
"Hindi wag na, bago lang din akong dumating. Di naman ako naghintay. Wag na natin isturbuhin si Uzman, aalis nalang ako"
"Sigurado ka, Ma'am Dahlia?"
"Sigurado; wag mo nalang ipaalam sa kanya na nagpunta ako. Pero pakibigay sa kanya ng lunch niya ", doon ito napakamot sa ulo.
"Actually, tingin ko ay on the way na sila para sa isang private lunch at doon itutuloy ang pag-uusap sa meeting kanina"
Kung ganun ay hindi nito makakain ang ginawa kong lunch sa kanya. May mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ko. Hindi naman na ito ang unang beses na nangyari ito pero bakit kahit anong gawin kong pilit sa sarili ko ay nasasaktan pa rin ako... dahil alng sa hindi niya makakain ang gawa kong lunch.
Napaka-pathetic ko naman. Wag ganun Dahlia. Dapat alam natin ang lugar natin.
"Ganun ba, kung ganun sabihan mo nalang si Vina kung anong gagawin niya sa dala ko. At pakisabi na rin na nagmamadali ako at di ako makakoagpaalam sa kanya"
"I will; I shall escort you out..."
"Wag na, abala na iyon masyado. Kaya ko na, baka hanapin ka ni Uzman"
"Okay then..."
"Salamat Vernon, sa ginawa mo kanina. I truly appreciate it"
"You are welcome, Ma'am Dahlia. You are Sir Uzman's wife and his son's Mother. A man with great judgement such as him, di dapat kinukwestyon o ginagawang chismis ang personal na buhay ng mga taong iyon. I have to defend the both of you"
Napakaloyal na secretary ni Vernon. Napakaswerte ni Uzman rito, dahil para na rin itong isang kaibigan sa kanya.
Binilin ko na muna kay Manang si Miero, hindi na muna ako umuwi at dinalaw ang puntod ng Mama at Papa.
Umuwi akong nag-commute, para akong timang na naka designer from top to down pero mag-isang naka-commute. Swerte ko nalang na hindi ako nanakawan. Ewan ko ba, sa pagko-commute ng mag-isa sa siksikan at init dahil sa traffic kahit papaano nawawala sa isip ko ang nakakpagpabagabag sa akin.
Nakapasok naman ako ng ligtas sa village. Nagulat pa nga sa akin ang guard at bakit naglakad lang daw ako, may daladala pa akong paper bag dahil bumili ako ng mga vitamins ni Miero.
Patuloy ako sa paglalakad sa loob ng village. Hapon na pala at mukhang maaga na rin na magdidilim. Binilisan ko ang paglalakad at baka hanapin na ako ni Miero ng nasa fitna na ako ng cross road at may isang humarurot ng na scooter board ang dumaan sa harap ko na sa aking gulat ay dahilan ng pagkakaupo ko at napasigaw.
"Sunshine!", tawag nang boses na galing kung saan.
Napahawak ako sa masakit kong bewang, wala namang nabasag sa dala ko dahil mas nauna pa ako naupo.
"Ayos ka long ho ba Ma'am?", isang kamay ang naabot sa akin, lalaking kamay iyon.
"Sa tingin niyo takaga ay ayos ako?", pilospong tanong ko sabay tingala upang tingnan kong sino ito.
Pareho kaming nanlakinang mga mata sa isa't-isa, napa awang ang bibig at tinuro ang bawat isa matapos ay malokong natawa. Mabilis pa sa alas kuwatro kong kinuha ang kamay nito, tumayo at niyakap siyang napakahigpit.
"T-teka lang naman, Dahlia!", utal na sabi nito.
Pero hindi ako nagpaoigil at nagtatalon pa habang yakap ito sa tuwa.
"Na-miss kita baklang Sean!", naiiyak kong sabi rito. Niyakap ako nitk pabalik at nagtawanan pa kami. I hugged him tight, si Sean lang kasi ang bukod tanging kaibigan ko noon. Kaya lang nangyari ang buhay at kinailangan naming sumunod sa takbo. Di ko akalain na dito pa talaga kami magkikita.
Tatapusin ko na sana ang yakap ng may isang sasakyan ang malakas na bomusena at inilawan kami. Lumabas doon ang isang lalaki na di ko gaano maaninig dahil sa ilaw at nagsalita ito sa dumadagundong na boses.
"What are you two doing?"