Angel Nang magbukas ang pinto nito ay napalingon sa aming dalawa ang mga tao na nasa loob kung saan ay nasa lima yata ang nandito kasama na roon si Lucifer. May tatlong lalaki na medyo mas matanda siguro kay Lucifer ng limang taon at may nag-iisang babae na parang ka-edaran lang namin. Mga bagong mukha ang aking nakita at nakita ko naman na gulat na napatingin sa amin si Lucifer. “Lucinda. What the hell are you doing here?” sabi ni Lucifer na may diin sa bawat salita sabay tayo at inayos niya ang kanyang coat. Naririnig ko na nagtatalo silang dalawa dahil sa hindi pagkatok ni Lucinda. Agad naman akong nahiya sa kanya kaya napatungo ako nang mapatingin ako sa isang sapatos ng babae. Sa dulo ng kanyang heels ay nakita ko na parang may umuusling kutsilyo rito na maliit na hindi ko alam ku

