Angel Nananaginip ako na ikinakasal kami ni Lucifer at nakasuot ako ng mahabang wedding gown. Habang nagmamartsa ako ay unti-unting nawala sila Lucifer at ang aming bisita at napalibutan ako ng isang malaking gagamba. Narinig ko ang boses ng isang lalaki at nang makikita ko na ang kanyang mukha ay agad akong nagising at agad kong ipinalibot ang aking paningin sa aking paligid. Sinubukan kong umupo pero bigla akong napaaray at nakita ko na nakasuot ako ng hospital gown, may benda ako sa aking tagiliran at nakatusok sa akin ang isang swero. Habang linilibot ko ang aking paningin ay pansin ko na gabi pa lang at inaalala ko kung ano ang nangyari sa akin. Nakita ko na may nakahigang tao sa sofa pero hindi ko alam kung sino ito dahil nakatakip ang kanyang mukha at doon ko naalala ang nangyari

