#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 45 “Talaga?” tanong niya sa private investigator na ngayon ay kausap niya. Magkatapat silang nakaupo sa isang pandalawahang mesa na nakapwesto sa bandang dulo sa loob ng isang restaurant. “Yes Sir… Iyon po kasi ang mga nalaman ko sa ilang araw na pagmamatiyag ko sa kanya…” sagot ng P.I. sa kanya. Napangiti si Howard sa kanyang mga narinig mula sa binayaran niyang private investigator. Ngiting parang nanalo sa lotto. “Ok… good job… By the way… dahil sa magaling ang naging trabaho mo sa akin… bibigyan kita ng bonus na dagdag sa kabayaran ko sayo…” sabi ni Howard. Napangiti naman sa kanya ang private investigator. Maganda ang ngiti nito na bumagay sa may kagwapuhan nitong mukha. Hindi naman ito katangkaran at kalakihan ang katawan per

