#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 47 Isa-isang nilalagay ni Khievo ang mga gamit niya sa meletang nakalapag sa kama. Halos pabalag nga ang bawat paglagay niya roon. Mabigat sa dibdib niya ang ginagawa. Masakit sa puso na gagawin niya ngayon ang balak niya pero wala siyang magagawa kundi ito ang gawin. Sa tingin niya kasi, ito ang tama. “Saan ka pupunta Hon?” Napatigil sa ginagawa si Khievo at napatingin kay Cheska na nagmamadali namang nakapasok sa kwarto nila. Kakagaling lamang nito ng ospital. So far, stable na ang lagay ng anak na si Migo dahil nasalinan na ito ng dugo. Mabuti na lamang at may dumating kaagad na ka-match ng sa anak niya. Kaya after na maging stable ang lagay ni Migo, nagmamadali na itong umuwi dahil alam naman niya na dito rin didiretso ang asawa.

