Pagtulong

1510 Words

ISABELLA: PARA kaming binuhusan ng malamig na tubig ni Typhus at napabalikwas ng kama na marinig ang sunod-sunod na doorbell sa may pinto. "Fvck!" malutong mura nito na napalingon sa pinto. Nag-iinit ang mukha ko na muling isinuot ang pantulog ko. "Saglit lang, baby. Check ko lang kung sino ang bwisit na 'to," anito na ikinahagikhik kong napatango. Kitang labag na labag sa loob nito na muling isinuot ang damit bago nagtungo ng pinto dahil panay pa rin ang tunog ng doorbell. Napaayos naman ako ng upo at nakamata lang dito. "Yes?" anito na binuksan ang pinto. "Sir Typhus! Tulungan mo ako, please!?" ani ng pamilyar na babae. Nagulantang ako at napatayo na mamukhaan ito! "Bhelle!?" bulalas ko kaya napalingon ito sa akin. "Tuloy ka," ani Typhus na inalalayan ito. Taranta akong lum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD