ISABELLA: KABADO ako habang nakikipagtitigan dito na humahaplos sa likuran ko. Nakahiga na kami sa kama at nakatagilid ng higa paharap sa isa't-isa. Nakaunan ako sa braso nito kaya halos nagkakapalitan na lang kami ng hanging nilalanghap sa sobrang lapit ng aming mukha. Mas nagkulay ube pa nga ang mga pasa nito sa mata at pisngi pero tila hindi manlang nito iniinda ang mga 'yon. May band-aid din siya sa magkabilaang kilay dahil pumutok ang mga iyon. Kahit nga ang ibabang labi din nito ay pumutok sa mga natamong suntok. Pasalamat na lang ako na mabait si Typhus at hindi iniisip na kasuan si Tatay at ng mga bumugbog sa kanya. Kasi kung tutuusin ay mali ang ginawa ni Tatay. Pinairal niya ang galit at hindi na muna nakinig kay Typhus. "What are you thinking, baby?" mahinang tanong nito.

