HABANG nanananghalian sina Typhus at pamilya nito ay kinalabit siya ng asawa. "Hmm?" "Sabihin mo na, baby," bulong ni Isabella na ikinainom nito sa pineapple juice nito. "Ahem! Guys," pagkuha nito sa attention ng mga anak. Napalingon naman sa kanya ang limang anak na kasalukuyang kumakain. Nagtatanong ang mga mata na hinihintay ang sasabihin ng ama nila. "Uhm, napag-usapan namin ng Mommy niyo na magkakaroon tayo ng celebration dito sa bahay sa weekend," saad nito. "Para saan po, Daddy?" nagtatakang tanong ni Tyson. Ang isa sa binata nito. Ngumiti ito na napatuwid ng upo sa kanyang silya. "Para sa pag-uwi ng Ate Bella niyo dito." Nakangiting saad nitong ikinatango-tango ng mga binatang anak. Nangunot naman ang noo ni Bella na napainom sa kanyang juice. "Bakit pa, Dad? I mean. . .

