Chapter 27- A Jealous Jerk?

2730 Words
******* Chapter 27- A Jealous Jerk? ******* 3RD PERSON'S POV "Cza...I like you." Nabigla talaga si Czarina sa mga salitang binitawan ni Nathan. Hindi niya iyon inaasahan. Alam niyang mabait ito sakanya pero hindi niya naman inaakala na may pagtingin pala ito sakanya. Hindi niya alam ang isasagot niya. Hindi niya maitatangging mabait si Nathan at laging maaasahan, pero alam din naman niya sa sarili niyang kaibigan lang ang tingin niya dito. Nakatingin lamang si Nathan sakanya habang hinihintay nito ang isasagot niya. Napatulala naman siya ng ilang segundo dahil sinusubukan niyang isink-in sa brain cells niya ang ganapan. Para na ata siyang maloloka dahil sa pagkalito. 'Si Nathan, bakit niya sinasabi 'to?' 'totoo bang narinig ko?? weh?" Naisip niya. On the other side, nasa sulok parin si Rod at hinihintay ang isasagot ni Czarina. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya sa kung ano man ang isasagot nito kay Nathan, pero kahit ganun pa man, pinili niya paring magstay at makinig. Napayuko na lang muna siya sandali. "U-uhh." Hindi alam ni Czarina kung paano sisimulan. "A-alam mo Nathan...." She started. "Gusto rin naman kita.." Biglang napatingin si Rod sa sinabi ni Czarina. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig niya. Ramdam niyang may kumirot sa puso niya. Pero bakit? Bakit siya apektado? Siguro nga alam niya na ang dahilan. Hindi rin siya nagkamali. May gusto na nga si Czarina kay Nathan, at mukhang sinisimulan na nga ni Czarina ang sinabi nito sakanya na kakalimutan na siya at titigilan na ang pagkagusto sakanya. Naisip rin niya na hindi nga naman iyon imposible dahil ang bait bait ni Nathan sakanya, samantalang siya, lagi niyang binubwiset si Czarina. Bumigat ang pakiramdam niya dahil dito. Bakit pa nga ba niya kailangan pang makinig sa usapan na iyon?  Kaya naman tumalikod na siya at umalis. "Oo gusto kita pero..pero kasi..bilang kaibigan." She continued.   Hindi na narinig ni Rod ang sinabi ni Czarina. She felt guilty sa sinabi niya pero yun naman kasi talaga ang totoo. ******* CZARINA'S POV Kinakabahan ako..ayssh! ewan!  kinakabahan ako na makita ulit si Nathan. waaahhh! Ang awkward! >__________(At nakatulog na nga si Czarina) *poke* Uhmmm..sino ba yon..? Dumilat ako ng bahagya habang nakayuko parin pero pumikit ulit. Antok na antok pa ko.  *poke*  *poke* Ayssh! Sino ba 'tong kalabit ng kalabit sa ulo ko!? Kairita ah! Kung guluhin pa yung buhok ko! Pumadyak ako ng padabog at then I raised my head para tignan kung sino.. "Ayshh! Baki--" *dug dug* *dug dug* O__________O *blink blink* J-JERK. NANDITO NA SIYA. Si Rod.  O//////////////O "Oh bakit??" I asked him rudely. Hindi naman siya sumagot instead, nag hand gesture lang siya. Yung parang pinapasandal niya ako para makadaan siya papunta dun sa seat sa tabi ko. Yung sa side na malapit sa window. Nasa may middle kasi ako, tapos may 2 available seats. Bale sa left and right ko. Pang 3 persons kasi tong upuan ng bus. "H-huh?" Don't tell me, tatabi siya sakin? >/////"Padaan. Dun ako." sabi ni mokong.  Ay oo nga pala. Nakaharang pa kasi ako sa dadaanan niya. Pagtripan ko kaya? Medyo magpapapansin lang wehe. "Ayaw." sabi ko tapos naglean ulit yung noo ko sa front seat kaya naman naharangan ko talaga siya. "pfft." Natatawa ako. Tinignan ko siya pero..bakit ang serious ng mukha niya? Problema nito? G-galit naba siya? Mukhang wala siya sa mood ngayon kaya sumandal na ulit ako para makadaan siya papunta sa left seat ko na malapit nga sa bintana. Pero naisip ko, baka naman style niya lang yun?? Nung uupo na siya, bigla akong umusod dahil naisip ko na gusto ko rin pala malapit sa bintana! "D-dito pala ako! Gusto ko malapit sa bintana." sabi ko sakanya. "Ok" Bakit ganun siya sumagot? Bakit parang..parang ang lungkot ng tingin niya? "M-may upuan pa naman sa iba ah!" Napasigaw naman ako kaya nagtinginan yung mga classmates ko. Tapos, napansin ko rin, almost full na pala talaga yung seats. Nakatulog kasi ako kanina kaya ngayon ko lang napansin. Eto na nga lang two seats sa left and right ko ang natitira. >____"Ah.Ge." tipid na sagot niya. Nagstart na siya para magmove backwards para umalis pero parang naguilty naman ako. Nakakamatay yung ikinikilos niya ngayon ah! I mean, hindi ako sanay! Bakit ba kasi? Bigla kong hinila yung side ng polo niya para pigilan siya kaya naman napatingin siya sakin. Nabigla naman ako sa ginawa ko kaya inalis ko agad yung pagkakahawak sa polo niya. >////"A-ahh.ayoko na pala dito. Sige dito ka na." Sabi ko sakanya.  Alam mo namang hindi kita matitiis di ba? Hays. Magmomove na ako pabalik sa middle seat nang narinig kong sumigaw yung professor namin. "Finally! The last person to come! Mr. De Leon, you're late!" Napatingin kami ni Rod sa dumating. Si Nathan. *dug dug* >/////////////*Flashback* "Yes, I like you too Nathan pero..pero kasi..bilang kaibigan." sabi ko sakanya. Hindi ako makatingin ng diretso dahil natatakot ako na baka nasaktan ko siya. Nayuko nalang ako while looking at the grass. Di ko alam ang gagawin. Then suddenly, I felt na hinawakan niya yung chin ko then iniangat yung ulo ko. "then that's good. I think?" He said then he shrugged his shoulders. Good? Bakit? I looked at him with questioning eyes. Tapos ginulo niya yung buhok ko.  "Don't worry Cza.. I believe na nagsisimula ang lahat sa friendship." Tapos nagsmile ulit siya. A sincere smile. He's looking into my eyes.  >//////"And I'll do anything..even if it takes time..." He continued. "...to make you fall for me, Cza. No matter what." Then he smiled again. My heart started to beat fast. After that, he stood up from the swing then umalis na siya. *End of Flashback* "Hehe. I'm sorry sir. Nagkatraffic jam lang." excuse ni Nathan sa prof namin. Tapos, napansin ko na may hinahanap siya. Siguro, seat? He's scanning all over tapos huminto na siya nang makita ako. After that, ngumiti siya sakin. Ako bang hinahanap niya? >///////"Okay. Excuse accepted kahit lumang luma na." biro ng prof namin sakanya. He chuckled naman. T-teka? Bakit ang cute niya? "...I'll do anything even if it takes time..to make you fall for me, Cza. No matter what." *iling iling* Stop remebering Czarina! As in S-T-O-P. STOP! "Oh sige Mr. De Leon." sabi ulit ni Sir tapos tumingin sa mga seats. "There, the last available seat. Dun ka sa tabi nila Mr. De la Fuentes and Ms. Montemayor." "Ah yes. Okay Sir. Thanks." sagot niya tapos nagsimula na siyang maglakad palapit samin. O____O What to do? Makakatabi ko siya? Kasi nga di ba, eto at pagbibigyan ko si Rod na siya sa may malapit sa bintana tapos ako sa gitna. So sa left si Rod, middle ako, then right si Nathan. spell A-W-K-W-A-R-D >__________"Oh bakit nakatayo ka pa?" Tanong ko sakanya. Ngumuso naman siya na parang may tinuturo. Huh? anung nginunguso nguso nito? Halikan kita diyan eh! "What??" Tanong ko ulit. "Move. Ayoko na pala malapit sa bintana. Palit ulit tayo." Sa wakas, nagsalita rin ng mahaba haba tong mokong na to.  Pero ang gulo niya ah! As in! Bakit bigla bigla nalang magbabago isip nito? Nakita ko naman na palapit na si Nathan sa amin. Sa bandang likod kasi kami kaya ngayon palang siya palapit. "Huh?? Ang gulo mo nam--" "Bilis!Tabi!" >______________"ayssh!" pagangil ko. "Ah-oh pare. Katabi pala kita. Ge upo na." sabi niya kay Nathan. "Ah oo eh. Traffic eh. sige.thanks." sagot naman ni Nathan. Naisip ko lang, okay nadin na biglang nagbago isip ni Rod kasi ang awkward din talaga kung makakatabi ko si Nathan eh! ^________^ buti nalang! ***** Nagsimula na ang byahe. Mga 3-5 hrs din siguro bago kami makarating sa pupuntahan namin. From Manila to Bataan kasi kaya baka matagal nga talaga. Tumingin naman ako sa mga katabi ko. Si Rod nagvp-PSP tapos si Nathan naman nakikinig ng music sa earphones niya. Well, walang makakausap ng matino dito sa dalawang lalaki na to kaya naman tumingin nalang ako sa may bintana, nag biglang may kumalabit sakin. Pagtingin ko naman, si Nathan pala. "Uhm?" Tanong ko sakanya. Inialis niya naman yung left earphone niya tapos pilit niyang inaabot sakin.  Ngumiti siya tapos nagsalita. "You love BIGBANG, right?" Nagulat at napangiti naman ako sa sinabi niya. Yung BIGBANG, kpop boy band nga pala yun. "Wow.Yes. Naalala mo pa pala? Hehe. " I smiled tapos inabot ko ung earphone at pinakinggan yung pinaparinig niya. Nakwento ko nga pala sakanya dati yon. Nakakatuwa naman kasi naalala niya pa pala. Suddenly, I remember that there was a time din nung nakikinig ako ng BIGBANG song, nung tutorial namin ni Rod sa bahay nila, yung time na bigla niya inagaw yung earphone tapos sinabi niyang mas pogi pa siya sa BIGBANG! nakakatawa kapag naalala ko yon. "You like it? New song nila. Pero di ba 'Bad Boy' nila favorite song mo?" Nagising naman ako mula sa iniisip ko nang nagsalita ulit si Nathan. "Yup! Really? Nakakatuwa naman! Mas updated ka pa sakin ngayon ah!" Sabi ko sakanya. Nakakagulat lang kasi talaga. "EHEEEEM.Tch." Napatingin naman kami bigla kay Rod. "Ah sorry pre." sabi ni Nathan kay Rod kasi natatakpan pala ng braso niya, na nakaabot sa akin, yung psp na nilalaro ni Rod. Kasi nga nasa gitna siya namin. "Oks." Tipid naman na sagot niya tapos naglaro ulit. Nagkatinginan naman kami ni Nathan tapos nagkatawanan. Tumingin naman ako kay Rod tapos nakasimangot siya! Sungit naman nito. :3 "So ano na updates sakanila Nate?" Tanong ko kay Nathan. *********** ROD'S POV Psh. Pati favorite song niya alam ni Nathan?? 'Bad boy"? Tss. Anong klaseng kanta naman iyon?? Saka, KPOP!? Kailan pa nagkainteres sa ganon si Nathan!? At isa pa, ang gulo gulo nila!  "So ano na updates sakanila Nate?" sabi ni Kate. What the? NATE? Tch. Ganon? NATE ang tawag niya kay NATHAN samantalang sakin 'LOKO', 'JERK' ,'MOKONG' at pinakamasama 'BARNEY'!  Lintek na yan. "Haha! Nate talaga? But it sounds cute. Anyways, I heard na magkakaroon sila ng concert dito next year Cza." sagot naman ni Nathan. Leche. Sa harap ko pa nagusap. "OMG! Manunuod ako non!" sagot naman ni Kate. Mukhang excite na excite siya. Para tuloy naintriga ako kung ano yong BIGBANG na pinaguusapan nila na iyon. "Haha.Libre kita gusto mo?" Napangiti naman ng todo si Kate sa sinabi ni Nathan. Nakakainis. Dapat masaya ako dahil nakangiti siya pero hindi ko kayang matuwa kung iba naman nagpapangiti sakanya! "AHHHHH! SH*T! MAGTABI NALANG KAYA KAYO NOH??PSH!" Di ko na matiis kaya napasigaw nalang ako. Nagpout naman tong si Kate sakin. Leche, baka halikan kita diyan. Nakakainis. Ano tong ginagawa nila? Sweet sweetan? Psh! "Oh sige.palit tayo.dito ka sa may bintana.Hmp." Tch. What the. Talagang gusto niyang makatabi si Nathan ah!? Psh!  "A-Y-O-K-O.Psh" pinatay ko na yung psp ko tapos nagcross arms ako at pumikit. Leche. Itutulog ko nalang to. "Gulo talaga nitong mokong na 'to." Narinig kong bulong niya.  Kala niya di ko narinig ah?? The heck. Kelan niya ba ako tatawagin ng matino!? "Hehe.Sige Cza, Talk to you later." "Hehe. sure, Nate." Nate?? Fuuu---!? Leche! ********  CZARINA'S POV Nakarating na kami sa Bataan. Nakatulog rin pala ako ng isang oras. Pano ba naman kasi, wala na akong makausap. Ang sungit sungit naman ni Rod! =________= Bumaba na kami ng bus at nakita ko ang magandang view! "Woah! Sa wakas!" Nasa bundok kami ngayon kasi dito kami magttree planting. Nakakalungkot lang isipin na medyo nakakalbo na ang mga bulubundukin dahil sa illegal loggers!  >_________"Okay class! There are two members in each group for the tree planting! Find your partners now!" Nagsimula ng maghanap yung classmates ko ng kanya kanyang partner. Pupuntahan ko palang si Lorraine ng makita kong si Ken na pala ang partner niya. =____= Ipagpalit ba naman ako? Tsk! Lahat sila may partner na. Mukhang ako nalang ata ang wala pa. Lumapit ako kay Sir para sabihin na wala akong mahanap. "Sir, wala na po ata akong makakapartner." sabi ko sakanya. Lumingon lingon naman siya para ihanap ata ako ng makakapareha. "Meron pa Miss Montemayor. Si Mr. De Leon. Wait until he comes back. Inutusan ko lang siya." si Nathan?? "A-ah..okay po..Thank you Sir." sagot ko nalang. No choice. Whoo! Kaya mo yan Cza. Just act as if walang nangyari kahapon. Yes! I can do it! *sigh* Nakita ko na dumating na si Nathan. Nakatalikod siya. Lalapitan ko na sana siya para sabihin na ako nalang sana maging partner niya kasi nga magsisimula na, pero may biglang humatak sa wrist ko. "A-aray!" Nung tinignan ko kung sino, eh sino pa ba? "Ano na naman ba to Rod??" Tanong ko sakanya. Huminto na kami at ipinwesto niya kami sa line up ng mga magttree planting sa likod ng mga classmates namin. Nakatingin lang siya ng diretso, then finally, humarap na siya sakin at nagsalita. "What?" Tanong niya then nagshrug siya ng shoulders. What what ka diyan!? Di ba ako dapat magtanong niyan. =_____= Tumingin ako sakanya ng anong-trip-to look. "bakit mo ko hinila dito?" tanong ko sakanya. "Di ka ba nakikinig. Find the partner that you like." sabi niya. nagulat ako sa sinabi niya. O///////////O *iling iling* wala. walang meaning yang ginagawa niya Cza! Tama! Wala! WALA! "A-ah.hindi naman yun pagkakasabi ni Sir eh!" sabi ko sakanya. "Ganun kaya." "Hindi kaya." "Ganun nga." "Hindi nga." "Eh yung gusto ko eh. 'Hanapin ang kaparehang GUSTO mo.' ganun din yon." >//////////////// Bakit..bakit bumibilis na naman heartbeat ko. Ayssh! "E-eh pano kung ayaw kita kapartner!? Psh! Bigla kang mangahahatak diyan.Tsk. Sabi ni Sir si Nathan daw kapartner ko!" Hindi naman sa ayaw ko kasi siyang makapartner. Ayoko lang dahil..kasi..kapag nakakasama ko siya, lalo kong mas nararamdaman kung ano ang nararamdaman ko para sakanya. Ayoko lang sana na mas saktan pa ang sarili ko. Inirapan ko siya then I turned around para umalis na pero binatak na naman niya ako sa wrist ko pabalik sakanya. "Ayoko." Hindi ko siya pinansin tapos tatalikuran ko na ulit siya pero ganun ulit, binatak niya ulit ako pabalik. "Ayoko nga sabi. Ayokong siya partner mo. Ako na nga di ba?" sabi niya. Nakakatawa naman itong naiisip ko, pero..hindi kaya? "Teka teka, MATATAWA talaga ako kung totoo man tong naiisip ko. Don't tell me, NAGSESELOS KA BA?"  Tumingin siya sa akin ng seryoso. Yung tipong matatakot kang magsalita ng kahit isang word. "Sige lang, TAWA na."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD