Chapter 26- Unexpected words

1289 Words
****** Chapter 26- Unexpected words ****** CZARINA'S POV Nung nakita kong palapit na ang mukha niya, napapikit nalang ako.. Pero teka nga lang?? bakit nga ba ako napapikit?? Nako Czarina! Wag mo sabihing hinihintay mo yung 'something' na iniisip mo?? LUH! Wag assuming! Pero hinhintay ko talaga eh. XD bakit ang tagal??  wehe.joke lang. "Buti naman tumahimik ka na, kundi tinuloy ko na talaga." Napadilat na ako sa sinabi niya. Ang lapit parin ng mukha niya. Ang awkward! Teka, dapat bang sumigaw ulit ako?? XD waaahh! anebe! Kung anu-ano na naman naiisip ko! "a-ah! D-dapat lang! Tsk! Baba mo na nga ako!" sabi ko habang nagpupumiglas sakanya. "Ayaw." =____________= "Bakit ba kasi ha?? Ano bang trip to!? hoy!!" sigaw ko sakanya.  "Ang ingay mo na naman! Gusto mo talaga ng kiss noh?" O______________O ngumunguso na naman siya palapit sakin. "Wohh wohhh!" pagpipigil ko sa noo niya! >////////////"Ibaba mo na ko!" sabi ko. "Eh bakit ka muna nakapikit kanina?" bigla bigla niya namang tanong. O////////////////////////O Siopao. Siomai. Shokoy. Shomba. lahat na! letsugas na yan. Akala ko pa naman hindi niya na napansin yun! Shemay! Bakit ba kasi ako pumikit pikit pa!? Nakakahiya! >______"H-ha ha. A-ano? Napapikit lang naman ako kasi ano! ano..kasi!" "You two! What are you doing!?"  Bigla kaming napalingon dalawa sa nagsalita. O____________O Yung School Chancellor. Nakakahiya! "B-bitiwan mo na ko Rod!" Tinulak tulak ko yung balikat niya habang nagpupumiglas pero napalakas ata kaya nalaglag ako ng tuluyan sa sahig.  T___T Ang.sakit.ng.pwet.ko Waaahhh! Kahit kelan pahamak ka Rod. >_____________"G-good Morning po." I greeted her. Lumapit naman ako kay Rod at binunggo siya ng bahagya. "Bakit mo ko binitawan!?" Pagsita ko sakanya ng may mahinang boses. Yung tipong sumisigaw ng bumubulong habang nanlalaki mata.  Basta yun XD Asar eehh. =___+ "Ikaw ang bumitaw saka ang bigat mo kaya! Ilang rice ba kinakain mo?? Para kang inahing baboy Pffffft." O_________o ano daw!? "What!?" inis na tanong ko sakanya. Para kaming tangang nagaaway at naguusap ng pabulong. "Pfffffftt." tumawa na naman siya! Ughhh. Ako baboy?? Tch! "Anong pinagbubulungan niyo diyan? MInd to share??" Sarcastic na sabi ng Chancellor. >______"N-nothing Ma'am. Sorry po." I apologized kahit mabigat sa loob ko. Tsk! "Good. Then back to your classes now. And please, act like a college students, ok?" =___________= To kasing si Rod eh! Buhatin ba naman ako sa may corridor. >___"Yes Ma'am." sabi ko pagkatapos ay umalis narin yung Chancellor. Haaay. sa dinami dami ba naman kasi ng makakakita bakit yung chancellor pa?? >___"Bakit ka tumatawa diyan?" Tanong ko. "Wala." "Bakit nga." "Wala.cute mo." may sinabi siya pero di ko narinig. "Ano ulit?" Di na siya sumagot at nagsimula nang maglakad. Tsk.tinatanong lang eh. =______= sinusundan ko lang siya sa paglalakad. teka? San nga ba kami pupunta nito? "Uy!? Bakit mo nga ba ako dinala dala dito? May pabuhat buhat ka pang nalalaman kanina! Napagalitan tuloy tayo.." Kinukulit ko siya ng tanong sabay pigil sa braso niya. ******* 3RD PERSON'S POV "Uy!? Bakit mo nga ba ako dinala dala dito? May pabuhat buhat ka pang nalalaman kanina! Napagalitan tuloy tayo.." Tanong ni Czarina kay Rod. "H-ha?" Hindi malaman ni Rod ang sasabihin niya. Ang totoo kasi nyan, may gusto talaga siyang sabihin kay Czarina kaya niya binitbit ito. Dapat nga kanina pa sa room kaya pilit siyang nagpapapansin rito during the quiz, kaso lang sinumbong nga siya ni Czarina kaya napalabas siya at napagalitan sa faculty. Naisip niya na baka nga galit sakanya ito at hindi sumama kung pasimple niya lang na aayain, kaya naman sapilitan niya nang binitbit ito ng makabalik na siya sa room.. Ilang gabi din kasi siyang nagiisip kung bakit nga ba niya nasabi nung gabi ng party na ayaw niyang itigil ni Czarina ang pagkagusto nito sakanya. At ngayong parang alam niya na ang dahilan, gusto niya sanang ipagtapat ito kay Czarina. Pero ang problema, nahihirapan siyang magsalita. Hindi niya alam pero parang nahihiya siya sa sasabihin niya.  "Uy!" tawag ulit ni Czarina kay Rod.  "M-may sasabihin kasi sana ako.." nauutal utal na sabi niya. "Ano?" tanong ulit ni Czarina. Para namang biglang kinabahan si Rod. Ramdam niya na pinagpapawisan siya. Naiinis siya dahil hindi siya makapagsalita. Nakatingin lang si Czarina sakanya at hinihintay ang sasabihin niya. "A-ah.w-wala.wala lang.gusto ko lang sabihin na napagalitan ako ng dahil sayo." Napakamot siya sa batok niya. Naiinis siya dahil para siyang tanga dahil hindi niya masabi ang totoo. "Yun lang? Binitbit mo ko na parang sako dahil sa wala lang?" Nadisappoint naman si Czarina sa sagot ni Rod. Dahil sa wala lang? Naisip niya. Yan na namang salitang 'Wala lang.' Naiinis siya dahil narinig niya na naman. Lalo pa't galing na naman kay Rod. Akala niya pa naman kasi kung anong mahalaga ang sasabihin nito, at isa pa pakiramdam niya napagtitripan lang siya.  "Yan na namang pamatay na salitang yan. Tch. Alam mo, siguro nga WALA LANG ako sa'yo pero sana..sana wag mo na ko idamay sa mga trip mo." Naging emosyonal na naman si Czarina. Narinig niya na naman kasi ang pinaka ayaw niyang salita simula lang nung isang gabi. Nagwalk-out si Czarina at iniwan na si Rod. "Sandali lang!" he shouted pero hindi niya ito pinansin. ******** "Nakakainis siya! Nakakainis!' asar na sinisipa sipa ni Czarina yung ground habang nakasakay siya sa may swing sa playground. "Bakit ba kasi lagi nalang ako nageexpect??" Akala niya kasi, mahalaga nga talaga ang sasabihin ni Rod. Akala niya din, magsosorry ito. Well, nagkamali pala siya. naisip niya. "Expect what?" Nagulat naman siya sa biglang pagsulpot ni Nathan sa tabi niya. Nakasakay narin ito ngayon sa swing. Nagtataka siya kung bakit hindi niya agad napansin ito kanina. Siguro dahil nga sa malalim ang iniisip niya. "Kanina ka pa? Hindi kita agad napansin.." "Hmm. Ngayon ngayon lang din. Of course hindi mo ko mapapansin dahil iba iniisip mo.." Yes, alam ni Nathan na double meaning nga ang nasabi niyang iyon. "Huh? Sorry. Hehe." Kahit naman may ibang ibig sabihin ang sinabi ni Nathan, alam niyang hindi ito maiintindihan ni Cza. "Sure. Apology accepted." Nagkatinginan silang dalawa at napangiti. "So, what were you thinking about?" Tanong ulit ni Nathan. "Uhm Nothing." sagot naman ni Czarina. "Just some jerk." bulong ulit nito na narinig ni Nathan. Nawala naman ang ngiti sa mukha ni Nathan. parang alam niya na kasi kung sino ang iniisip ni Czarina. lumingon ulit si Czarina sakanya. "Wala lang yun. Hindi dapat iniisip.hehe." Ngumiti ulit ito sakanya. Napatitig naman si Nathan ng dahil dito. "Smile always. Mas gumaganda ka." sabi niya kay Czarina. Pakiramdam naman ni Czarina namula siya sa sinabing iyon ni Nathan. Napayuko nalang siya dahil feeling niya medyo naging awkward. Nakatitig din kasi sakanya si Nathan. Hinawi rinnito ang buhok na nakatakip sa may mukha niya kaya mas lalo siyang nailang. "Thanks.."  sagot niya. Tumingin nalang siya ulit kay Nathan at nginitian ito. "Cza.." Pagtawag ni Nathan sakanya. "Uhm?"  tanong niya. "I like you." Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya talaga inaasahan ang mga salitang binitiwan ni Nathan. Pakiramdam niya, ang bilis at lakas ng heartbeat niya. Nakatitig lang ito ngayon sakanya. Sa kabilang banda, hindi naman sinasadyang marinig ni Rod ang paguusap ng dalawa. Hinanap niya kasi si Czarina, at ngayon, ito ang naabutan niya. Bumigat ang pakiramdam niya sa narinig niyang pagamin ni Nathan.  Parang mas lalo tuloy siyang nainis sa sarili niya. At isa pa, may naramdaman din siyang kakaiba. Sa tingin niya ay alam na alam niya na lung ano iyon. SELOS.  Oo, nagseselos nga siya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD