Chapter 25- This Jerk's Lips

2512 Words
********** Chapter 25- This Jerk's Lips >/// *********** CZARINA'S POV "..Ayokong isipin na baka bukas, wala ka nang nararamdaman para sakin. Hindi ko alam basta.. Ayoko Kate.. Ayoko." Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Pero bakit? Ano bang nasa isip niya? Bakit niya ba sinasabi 'to? Naguguluhan ako.. humarap ako sakanya. "B-bakit?" Tanong ko kay Rod. "H-huh?" mukha naman siyang nabigla sa tanong ko. "Ah eh.." sunod niyang sinabi pagkatapos ay napakamot nalang siya sa ulo niya habang nakayuko. "W-wala lang..Di ko alam eh.." =______________= Nakakainis. Yun na yon?? Tch. Napacrossarms ako sa harap niya. "Ah ganon ba?" sarcastic kong sabi. "Ganun lang yon? Dahil lang sa wala? Pssh! Ang selfish mo..ang selfish mo Rod!!" sigaw ko sakanya. Nakakainis! Dahil lang sa wala? Gusto niya gustuhin ko parin siya dahil wala lang?? Nakakagalit di ba?? Anong gusto niyang gawin ko, umasa nalang lagi? Pssh! Makaalis na nga lang! Tinalikuran ko na siya pero narinig kong nagsalita siya ulit. "Hindi naman kasi..Ano kasi..Ayshh!ewan!" narinig kong sabi niya at pagkatapos ay napapadyak pa siya. Bahala ka diyan. Ewan ko sayo mokong ka. Lagi mo nalang ako sinasaktan. Bakit hindi nalang kita subukang kalimutan? Marami namang iba diyan, hindi ba? Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang halo-halo ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Nagagalit. Nagugulahan, at Nalulungkot. Bahala na. Lilipas din naman to di ba?? Nakayuko akong naglalakad ng bigla akong napatigil dahil nauntog ako sa isang bagay. Pagtingin ko, isang tao pala. Dibdib ng lalake. Tumingala ako at sumalubong sakin ang mukha ng isang lalaking nakangiti. Si Nathan. Ang lalakeng laging nandyan para sakin. Bakit kaya hindi nalang siya? Bakit? "Nandito ka lang pala Cza." sabi niya sakin habang nakangiti. Yumuko naman ako ng saglit at pinunasan ang mata ko dahil baka mahalata niya na naluha ako kanina.  "Sabi mo magcCR ka lang? Hmp." Nagpout siya. Para siyang bata. Ayst. Oo nga pala. Naiwan ko na naman siya. "Ah-eh sorry talaga ah? Medyo kinailangan ko kasi ng fresh air kaya lumabas ako saglit.hehe.pasensya ka na. Hinintay mo pala ako." sabi ko nalang sakanya. Tumingin naman ulit siya sakin ng pailalim sabay pout ulit. Pinalo ko naman siya ng bahagya sa braso niya, pagkatapos ay pareho kaming natawa. "Uwi na ko Nathan." bigla kong sabi sakanya. Mukha naman siyang nagulat dahil uuwi na agad ako. Ewan, parang nawala narin kasi ako sa mood kaya gusto ko ng umuwi. "Hatid na kita Cza." sabi niya naman. Nakakahiya naman sakanya kaya tumanggi ako. "Naku wag na.Okay lang sakin Nathan." sabi ko sakanya. Kinurot niya naman yung pisngi ko sabay ngumiti ulit. "No. Hatid na kita. Sabay na tayo, gusto ko narin naman umuwi eh." sagot niya. "Sure?" tanong ko sakanya. "Yup. At isa pa, nawala narin naman bigla si Anna. Sumama daw pakiramdam." eh? Bakit naman kaya? Epekto ba yon ng paghalik niya kay Rod? =______= che.bakit ko ba iniisip yung mokong na yon!? Pssh! "Uhm. Ganun ba? O sige.." sabi ko nalang sakanya. Di ko na tinanong yung about kay Anna. Hindi narin ako ganon kainteresado. Di ako bitter. Sinong bitter teh!? =_____= Papunta na kami sa parking area. Ang lamig.  Ang lakas ng simoy ng hangin. Nadress pa ako. Hayst. Maya maya pa naramdaman ko nalang na uminit yung mga balikat ko. Pagtingin ko, nakapatong na dito ang jacket ni Nathan. Natingin ako sa ginawa niya at nginitian niya nanaman ako. "Salamat." Yun nalang ang sinabi ko sakanya habang nakangiti rin.  "No problem. Basta ikaw." Ang bait niya. Wala akong masabi. Ilang beses ko naring naisip kung bakit hindi nalang siya, at wag nalang si Rod. Kaya lang, tulad ng sinasabi lagi ng iba, hindi mo naman mapipigilan ang puso once na tumibok ito para sa isang tao. Kahit anong gawin ko, siya lang ang laging nasa isip ko. Siya lang ang laging hinahanap-hanap ko.  Kahit mokong pa siya..siya parin eh.. Leche. Ginayuma ba ko ng hinayupak na yon.  Pero naisip ko rin, yung nararamdaman ko para kay Rod, alam kong gusto ko siya, pero hindi ako sigurado kung pagmamahal na nga ba yon. Sana lang hindi na lumalim pa sa ganon dahil wala rin namang patutunguhan eh. Nakarating na kami sa may tapat ng kotse ni Nathan. Pinagbuksan niya ako ng pinto then pumasok na ako. Pagkatapos, siya naman ang sumakay. Ang tahimik namin. Ewan, pero parang ang awkward ng pakiramdam ko ngayon. Di ko alam kung feeling ko lang pero para kasing nakikita ko sa corner of the eye ko na tinitignan tignan ako ni Nathan sabay ngingiti. Kapag lilingon naman ako, nakikita kong nakatingin siya sa daan habang nakangiti ng bahagya.  >_____3RD PERSON'S POV Ilang minuto lang ay unti-unti ng nakatulog si Czarina sa may sasakyan ni Nathan. Napansin naman ito agad ni Nathan kaya naman hindi niya maiwasan na titigan ito kahit pa nagddrive siya. Tama ang pakiramdam Czarina. Kanina pa nga siya tinitignan ni Nathan. Sinasadya naman ni Nathan na mapansin siya nito dahil natutuwa siya dahil halatang naiilang si Czarina. Nahinto na ang sasakyan dahil nakarating na sila sa tapat ng bahay nila Czarina pero tulog parin ito. Gusto sana siyang gisingin ni Nathan kaso ay nadadalawang isip na istorbohin ito sa pagtulog. Kaya naman, naisipan niya nalang muna na samantalahin ang pagkakataon na tignan ng mabuti si Czarina. Napapangiti siya habang tinititigan niya ito. Pagkatapos ay naisipan niya naman picturan ito. Kinuha niya ang cellphone niya sinimulan ng kuhanan ng ilang shots si Czarina pero bigla itong nagising ng dahil sa flash. "Waahh. Nathan naman eeehh." angal ni Czarina kaya naman tawa ng tawa si Nathan. "Pffft..sorry sorry. Ang cute mo kasi eh.." sabi niya naman. Tumingin naman si Czarina sakanya ng masama habang nakapout kaya biglang natameme si Nathan. 'Ang cute talaga niya', naisip niya. "Hehe. Oo na. I'll stop." sabi niya sabay ngiti with 'peace sign'. Natawa naman si Czarina ng dahil dito.  Pagkatapos, nalingon lingon siya sa paligid at napansin niya narin na nasa may tapat na pala sila ng bahay niya. "Ohh. Nandito na pala tayo?" tumango naman si Nathan bilang tugon. "Uhm. Thanks ah? Hehe." pasasalamat niya. "Welcome." "Sige, una na ko. Ingat ka ah." Pagpapaalam ni Czarina. Sinimulan niya ng buksan ang pintuan pero pinigilan ni Nathan ang braso niya. "Hmm?" Tanong ni Czarina sakanya. "Smile always" sabi niya rito. "Thanks.."  ngumiti naman si Czarina sakanya at nagpasalamat.  " Have a safe trip." Bilin nito sakanya at bumaba na ng sasakyan. Pinagmasadan nalang siya ni Nathan habang papasok ng gate nila. "You're too precious to be hurt Czarina.." bulong niya sa sarili. Hindi naman kasi siya manhid para hindi maramdaman na may pagtingin si Czarina para kay Rod. Oo, nararamdaman niya yon mula sa mga titig ni Czarina kay Rod, kung paano ito magaalala dito, at sa mga way ng pagrereact nito kapag si Rod na ang pinaguusapan, lalo na ang bakas ng sakit sa mga mata nito tuwing nagkakalapit sila Anna at Rod. Ayaw niya mang isipin pero yon ang nararamdaman niya. Nasasaktan man siya para dito pero iyon ang totoo, na si Rod ang gusto ni Czarina. Pero kahit gayunpaman, hindi naman niya itinitigil ang pagkagusto niya dito. Basta ang alam niya, gusto niya laging makitang masaya si Czarina. ******** Monday~ CZARINA'S POV History class na naman. =_______= As usual, lahat sila inaantok. Ako din naman, kahit kasi gusto ko tong subject na to eh wala ako sa mood para makinig ngayon.  Noon si lapu-lapu, ngayon si Magellan naman ang pinaguusapan.  +______+ Ano to elem? Psh! Eh kung kpop yan baka maging active pa ko lagi. =______= Napakalumbaba nalang ako dito sa may desk ko. Kahit ayoko man SIYAng isipin, letsugas na yan dahil hindi SIYA maalis sa isip ko. Hindi pa kasi pumapasok. Late na naman! Siguro hindi na naman siya nagising ng maaga. Eh bakit ba ko nagwoworry don!? Tch. Speaking, habang nakatulala ako sa may pinto, nakita ko na ang pamilyar na taong papasok. Bakit ganon? Biglang naginit ang mukha ko. waaaah! Bumilis ang heartbeat ko. Dirediretso ang mokong na pumasok ng pintuan habang nagdidiscuss si Sir. Loko talaga. Hindi manlang nagexcuse o humingi ng pasensya dahil late siya. "Oh Mr. Dela Fuentes. GOOD MORNING SAYO." Pinagdiinan talaga ni Sir yung pagbati niya kay mokong. Parang nirereverse niya kasi to. "Oh.Morning Sir.Ayos hairstyle ah." Pfffft. =____= Bakit ba ako natatawa sa sinabi niya? Mokong talaga. Eh pano panot naman si sir kaya wala namang pinagbago ang buhok. >____"Wahahah." nagtawanan ang mga kaklase ko. Natatawa narin ako tapos nakita kong tumingin siya sakin. Tinitignan niya ba kung matatawa ako? Bigla akong huminto sa pagtawa at biglang nagseryoso kuno. Wala.Ewan. Hindi maganda ang aura ko sakanya. "W-wala lang..Di ko alam eh.." waaah!naalala ko nanaman ung sinabi niya na yon.  Gusto niyang gustuhin ko siya dahil lang sa wala? Di niya alam? Pssh! >________"What's the problem Miss Montemayor?" Agad na tanong ni Sir. Emotionless parin ang mukha ko habang unti unti kong itinaas ang kanang kamay ko paturo kay Rod. "Cheating, Sir." turo ko. Lagot ka ngayon.  =______= ********* "Huy Czarina, may galit ka ba kay Rod? bakit mo naman sinumbong.hahah.loka ka talaga." sabi ni Lorraine sakin habang umiinom ng juice dito sa room. "Ayan tuloy napatawag sa faculty. siguro madedetention na naman yun.tsk." bigla naman akong napatingin kay Lorraine sa sinabi niya.  D-detention? OO nga pala. Ano na kayang mangyayari sakanya?? Aysh! bakit ko ba kasi ginawa yun?? Para kasi akong wala sa sarili kanina eh. Nadala ako ng pagkainis sakanya. >____:))) Pero kawawa eh! baka mahirapan siya dun?? :// "Huy!" bigla naman akong nagising mula sa pagiisip dahil sa sigaw ni Lorraine. "Bakit di ka mapakali diyan??Worried ka ba?" Tanong niya. "Huh? A-ako? HA HA. hindi ah. it's not my fault. It's his." sagot ko sakanya, pero sa totoo lang, parang nakokonsensya ako. Ano na kayang nangyari sakanya? Tignan ko kaya?? Bigla akong tumayo ng upuan habang kinakausap pa ata ako ni Lorraine. Hindi ko na siya pinansin sa sinasabi niya dahil umalis na ako agad. Hindi rin naman na kasi talaga ako mapakali kaya titignan ko kung anong nangyari kay Rod. Palabas na ako ng pinto ng bigla akong may nakabungguan kaya naman natapon yung juice sa kaharap kong yon! O________O Nung tinignan ko kung sino...  This jerk. si Rod. Nagkatitigan kaming dalawa. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya naman sobrang awkward. >____"Walang sorry?" Sabi niya ng sarcastic habang nakasmile. Anong nginingiti ngiti mo jan.Wag kang pakyut! hindi pwedeng umepektib sakin ngayon yan dahil inis ako sayo! inis ako! =____________= "Sorry your face!" sigaw ko sakanya at aakmang maglalakad na patalikod pero bigla niya akong binuhat! Yung buhat na parang sako! waaahhhh! O//////////////O "Galit ka ba?" Tanong niya ng seryoso. Leche! Hindi hindi! Masaya ako masaya! >____________"Waaahh! Mas lalo akong magagalit kapag hindi mo ko binaba!" "Wag ka na munang magalit." eh? Para siyang bata sa way nagpagsasalita niya.  Super awkward lang din dahil nakatingin ang lahat samin dito sa corridor! shemay!   >///////////"Waaah! ibaba mo na ko Rod ano ba! San mo ba ko dadalhin!? Sisigaw ako!!!" banta ko sakanya. sisigaw talaga ako! >____"Edi sumigaw ka." sagot niya. kahit hindi ko nakikita ang mukha eh alam ko na ang ekspresyon ng mukha niya ngayon! Alam kong he's grinning widely na naman! Ano bang trip niya?? Akala niya hindi ko gagawin ah?? "UWAAAAHHHHHH! HELP HELP! Kikidnappin ako ng JERKKKK!" sigaw ko ng malakas. Nakakahiya man na pinagtitinginan kami, wala na kong pakielam! "Shhhh!shut up Kate. Tatapalan ko labi mo!" haha >:D takot din pala siya. Tatapalan?? Edi tapalan niya! Tinakot niya pa ko?? "Edi tapalan mo. Akala mo naman natatakot ako??" nagaaway kami ngayon habang buhat buhat niya parin ako ng parang sako. >___________"Tch." I know he smirked. "Sure ka?" Tanong niya.  Huh? anong sinsasabi nito. "Huh!? Oo naman! Wala akong pake sayo kahit tapalan mo pa bibig ko ng kahit anong tape!" sigaw ulit habang pinapalo palo ko na yung likod niya. nalula naman ako bigla ng bigla niya akong siniwtch ng posisyon at binuhat naman ng pahiga ngayon! O///////////////O Yung buhat ng ano..magcouple...yung kapag ikakasal.. waaah! >////////////////"Kyaaaaaaaaaaah!" Tilian ng mga usisero. =_______= "Tatapalan ko talaga yang labi mo--- huminto muna siya sa pagsasalita pagkatapos ay inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko habang buhat buhat parin ako sabay bumulong. ---ng labi ko." O//////////////////////////////////O pakiramdam ko nagkulay kamatis ang mukha ko. Parang tumigil na naman ang oras. Tanging tilian ang naririnig ko. Ramdam na ramdam ko ang t***k ng puso ko.  Nakita ko nalang ang unti-unti paglapit ng mukha niya habang nakatitig ng nakakatunaw ang mga mata niya sa labi ko.. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa labi niya. Ang pula nito. Parang automatic na unti-unti akong napapikit.. >//////////////////////To be contnued..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD