*******
Chapter 24- A Night To Remember Part.2 ( Finally Revealed)
********
3RD PERSON'S POV
Pagkatapos ng paguusap nila ni Czarina, hindi alam ni Rod kung bakit napapangiti nalang siyang mag-isa habang naglalakad na pabalik ng venue. Naisip niya na mabuti naman at mukha namang nagustuhan ni Czarina yung dress na binili niya para dito.
At isa pa, hindi rin niya maintindihan kung bakit bigla niya nalang naisipan na ibili ito ng damit. Basta ang alam niya, gusto niya itong sorpresahin, mapasaya at sa ayaw man niyang aminin, gusto rin niyang maunahan si Nathan. Dahil dito, sobrang nagtataka na siya sa pinaggagagawa niya. At sa kabilang banda, natatawa narin sa nakakapanibagong pagkilos niya.
Habang naglalakad na siya pabalik mula nga sa Garden kanina, nasa likod niya naman si Czarina na nakasunod sakanya. Kahit hindi siya lumingon dito ay nararamdaman niyang nakangiti ito, dahil don, napapangiti na rin siya.
Malapit na sila sa may entrance ng bigla niyang natanaw si Nathan kaya naman biglang nawala ang pagkakangiti niya. Nakangiti ito ng todo kay Czarina at halatang inaabangan niya ito, pagkatapos, mukang napansin narin siya nito kaya naman agad siyang binati.
"Oh Pare! Nandito ka pala? Kanina ka pa?"
Tanong ni Nathan sakanya.
"Ah oo. Naglibot lang din ako nabobored na kasi ako kanina."
sagot niya habang napapakamot pa sa ulo.'
"Ah ganun ba."
Yun nalang ang sagot nito, pagkatapos ay muling tumingin kay Czarina si Nathan habang nakangiti,
"So shall we go?"
Ngumiti rin naman si Czarina at agad na sumama kay Nathan pabalik sa loob, habang si Rod, naiwan sa labas na nakatingin lang sa dalawa na ngayon ay palayo na.
Hindi niya maintindihan kung bakit parang naiinis siya sa nakikita niya. Napabuntung-hininga nalang siya at sumunod na rin sa loob.
Nakita nila na nagsisimula ng magkainan ang mga tao kaya naman pumila na rin sila Nathan at Czarina sa buffet table dahil kanina pa sila nagugutom. Sumunod rin naman si Rod sa dalawa.
Nagsimula na silang kumuha ng mga pagkain at may pagkakataon rin na pinagsasandok ni Nathan si Czarina ng ibang ulam. Napapangiti naman si Czarina dahil dito, at gayun din naman si Nathan. Habang si Rod naman, pinagmamasdan lang silang dalawa at hindi niya namamalayan na nakatunganga na pala siya, kaya naman pinapausod na siya ng mga nasa likuran niya.
"Hijo, Hindi ka ba kukuha?"
Tanong ng matanda sa likod ni Rod.
Parang wala parin siyang naririnig dahil nasa dalawa ang konsentrasyon niya. Hindi niya alam kung bakit parang naiirita siya.
"Hijo??"
Tawag ulit ng matanda.
Nagising naman na siya mula sa pagiisip niya at nagsimula ng umusad at kumuha ng pagkain.
Sa kabilang banda, lumabas na naman ulit si Anna sa harapan suot suot ang bagong niyang palit na damit. Hindi mapagkakaila na maganda siya at bagay na bagay ang suot niya.
Napatingin naman saglit si Rod sakanya pero para bang wala ito sa sarili na ibinalik ulit ang tingin sa dalawang kanina pa nagtatawanan at naghaharutan. Nagpapahiran kasi ng sauce sa mukha sila Nathan at Czarina.
Hindi niya namamalayan na nadidiin na ang pagtusok niya sa mga pagkain gamit ang tinidor niya.
Naweiweirduhan na siya sa sarili niya. Naisip niya, bakit ba nasa dalawa ang atensyon niya ngayon??
Patuloy pa rin na kumukuha ng iba't ibang putahe sila Czarina at Nathan, bigla namang sumingit si Rod sa gitna nila.
"Wow. Kare-kare! Gusto ko to. Gusto mo?"
Tanong niya kay Czarina.
Para siyang batang nagpapapansin. Nakakatawa siyang tignan.
"Ah, allergic ako sa peanut butter eh."
sagot nito sakanya.
"Eto nalang oh. Vegetable salad. healthy food Cza :)"
biglang alok din naman ni Nathan. Agad namang lumapit si Czarina sa inaabot ni Nathan kaya naman parang naechapwera nalang ang pagaalok ni Rod.
"Ay. Oo nga noh. mukhang masarap yan. hehe :)"
Na kay Nathan na naman ulit ang focus ni Czarina.
Nasimangot nalang si Rod na parang bata at muli na naman niyang pinag-initanang tinidor niya sa pagtusok tusok ng mariin sa pagkain, pero nagkataong buto ang natusok niya kaya naman tumalsik ito, at tumama sa matanda na nasa gilid niya.
Agad namang umaray ang matanda kaya napatingin sila Nathan at Czarina kay Rod. Natawa ang dalawa sa pagkaclumsy niya kaya mas lalo pa siyang nairita.
"Sensya"
Paumanhin ni Rod sa matanda.
Natalsikan din siya ng sauce kaya naman umalis muna siya at pumuntang CR.
"Tch!"
inis niyang sabi habang tinitignan ang sarili sa salamin.
Umandar na naman ang pagkabipolar niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nababadtrip siya. Pero sa totoo lang, mukhang hindi naman ata siya naiinis talaga ng dahil lang sa tumapon na sauce sa damit niya.
*****
ROD'S POV
"Tch! Allergic sa peanut butter?? Eh sabi ni Lorraine paborito niya yun ah!"
Oo, di ko alam kung bakit ko naisipang itanong nung minsan si Lorraine kung ano ang mga gustong pagkain ni Kate. Pati narin ang kulay ng damit na gusto niya.
Kanina sabi niya parang pangfuneral yung damit na binigay ko, tapos ngayon naman biglang allergic sa peanut butter??
Tss!
Patay talaga sakin yong si Lorraine! Mali mali ang impormasyon!
Eh bakit nga in dba ako apektado?? Pakelam ko ba kung naghaharutn sila ni Nathan at nagsasandukan ng pagkain! Tss!
Naghilamos na ulit ako ng mukha dahil naiinitan ako. Nilinis ko narin yung part ng damit na nadumihan sakin.
Bakit parang naiirita ako kapag naaalala ko ang ngiti nong si Kate kay Nathan??
Akala ko ba.....??
Hayst! Eh bakit tuwang tuwa siyang kasama yong si Nathan!? Tch.
Dapat maging maliwanagan na mamaya ang dapat maliwanagan.
Tama.
Lumabas na ako ng restroom ng may makita akong babaeng mukhang latang-lata na nakasandal sa entrance ng ladies' comfort room.
Nakayuko siya at nakahawak sa ulo niya. Mukhang nahihilo siya.
Nagulat ako ng tumingala na siya.
"Anna?? Anong problema??"
si Anna pala? Bakit? Anong problema niya?
"Nahihilo ak--hmmmm"
nagtakip siya ng bibig at agad siyang tumakbo pabalik ng CR kaya sinundan ko narin siya.
Pumasok na ako kahit bawal ako dito.
Nagpunta siya sa lavatory at nakita kong naduduwal siya.
sh*t. ayos lang ba siya?
Tinapik ko ang likod niya dahil nagaalala rin naman ako.
"Anong problema? Gusto mong kumuha ako ng tubig?"
tanong ko sakanya pero hindi siya sumasagot.
Aalis na sana ako para ikuha siya ng tubig pero pinigilan niya ang balikat ko.
"I'm fine. ayos na ko."
sagot niya.
Naghilamos siya ng mukha pagkatapos ay nagpunas.
"Masama ba pakiramdam mo?"
tanong ko sakanya.
"No. Ok na ko. Nahilo lang siguro ako dahil narin sa stressed masyado sa preparation ng party."
sagot naman niya.
"Ah. sigurado ka?"
Tanong ko sakanya.
"Yes."
sagot niya pagkatapos ay ngumiti siya.
"Ah sige. bawal ako dito sa CR niyo. mauna na ko."
sabi ko.
Lumabas na ako ng CR ng narinig ko namang bigla niya akong tinawag.
"Wait! Rod!"
hinawakan niya ako sa balikat kaya napalingon narin ako sakanya.
"Bakit?"
tanong ko sakanya.
"I'm sorry."
nagulat ako sa sagot niya. Bakit naman siya bigla biglang magsosorry ngayon?
"Para san?"
tanong ko sakanya.
"I'm sorry..for hurting you..for putting you in so much pain."
Kita ko sa mga mata niya ang sincerity.
napangisi nalang ako ng bahagya.
"Past is past. Wala na sakin yon."
Ewan ko, pero para sakin parang wala nalang yun.
Tanggap ko na kasi.
"What do you mean?"
Tanong niya.
ngumiti lang ulit ako sakanya at nagsalita.
"Wala na sakin ngayon iyon. Dahil sa tingin ko, nakakalimutan ko na ang nararamdaman ko sayo at tanggap ko na. Don't worry."
sabi ko sakanya.
Di ko alam, basta naramdaman ko nalang na hindi na ako ganon kaapektado sakanya. Siguro nga infatuation lang naramdaman ko sakanya noon.
"That fast?"
bakit parang disappointed siya?
Huh. Bakit, gusto niya ba matagal akong masaktan? Tch.
I smirked.
"Yes. That fast and easy."
sagot ko then I gave her a sarcastic smile.
"Pero don't worry, hindi ako galit sayo. In fact, nagpapasalamat pa ako dahil natuto ako ng dahil sayo."
Oo, natutong masaktan at tanggapin na hindi lahat ng bagay ay mapapasaiyo.
"Una na ko."
Wala na siyang nasabi kaya nagpaalam na ako at tumalikod na para maglakad pero pinigilan niya na naman ang kamay ko.
"For one last time..let me--
Bigla niyang hinawakan ang dalawang pisngi ko..
"Kiss you."
at hinalikan ako.
The f*ck??
Para san naman yun??
*******
CZARINA'S POV
Nasan naman kaya yung si Rod??
Bakit ba parang nainis siya nung hindi ko tinaggap yung kare-kareng inaalok niya kanina?
Eh allergic naman kasi talaga ako dun eh >__"Ah Nathan. CR lang ako ah."
Paalam ko sakanya na kasama ko ngayon na kumakain dito sa table.
Naiihi na kasi ako kaya magccr muna ako.
Tumango lang siya at ngumiti habang kumakain.
Naglalakad na ako sa may CR ng may nasaksihan akong ikinagulat ko.
At the same time, biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Hawak hawak ni Anna ang mga pisngi ni Rod..
At hinalikan niya ito.
Pero bakit?
hindi ba...
Ang gulo.
Nasaktan na naman ako. Nakakainis. Nakakabwisit.
Nakita kong nagulat si Rod sa ginawa ni Anna.
"Huh? Para san naman yun??"
Tanong niya kay Anna.
Ngumiti naman si Anna at sumagot.
"We do that in Paris. It's..a friendly goodbye kiss."
sagot niya.
Kahit na, masakit parin sakin ang nakita ko.
Siguro nga, si Anna parin talaga ang gusto niya.
Aalis na sana ako pero huli na ang lahat, nakita na nila ako. Ngumiti lang sakin si Anna at nilagpasan niya na ko at tuluyan ng umalis.
Si Rod naman, Naiwan at nakatingin lang sakin. Mukha siyang nagulat dahil nandon ako.
Wala na kong magawa. Ayoko namang magpatuloy sa CR dahil nandon siya sa daraanan ko kaya aalis nalang ako.
"Ah..sige."
sabi ko sabay takbo.
"Sandali lang."
hindi ko siya pinansin. Ano namang sasabihin niya?? Na wag kong ipagkalat yung nakita ko??
Wag siyang magaalala!! Kahit ulitin pa nga nila eh!!
Nakakainis.
Mag-ggoodbye lang kailangan pa ng kiss??
At sa lips pa??
Kainis! Ang landi nila!
Ahhhhh!
Lumabas ako ng venue para magpahangin muna. Ayokong magpakita kay Nathan na ganito ang itsura ko.
Nasaktan na naman ako. Para akong tanga. Timing talaga yung moment nila na makita ko eh noh? Nananadya.
Ayan na naman, parang maluluha na naman ako.
Akala ko ba wala na silang ugnayan?
Pero sabi naman 'friendly' kiss lang eh. Pero kahit na, nasasaktan parin ako.
Pero hindi ba sabi ko wala na dapat akong pakielam sakanya??
Mukha akong tanga!
Waaaahhhh!
Naluha na talaga ako kaya naman kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung mata ko. Para akong timang na natatawa pa habang pinupunasan ang luha.
"Para kang baliw Czarina..nakakainis ka.."
sabi ko sa sarili ko.
"Bakit ka umiiyak?"
may biglang humawak sa balikat ko mula sa likod.
Syet. Kilala ko kung sino to.
Hindi ako makaharap sakanya. Yung puso ko. Syet. Napakabilis na naman ng t***k.
"Umiiyak? Napuwing lang ako."
sabi ko sakanya habang nakatalikod parin sakanya at hindi lumilingon.
"Ganyan ka ba talaga? Hanggang kailan ka ba magdedeny?"
A-anong ibig niyang sabihin?
Sobra akong kinabahan sa sinabi niya.
Si Rod, anong sinasabi niya?
Bakit nasundan niya pa ko dito??
"Yung sinabi mo kay Lorraine nung birthday niya...yung gabing lasing kaming lahat--
O________________O
Tumigil muna siya sa pagsasalita at huminga ng malalim.
Parang hindi ko gustong marinig ang susunod na sasabihin niya.
--Narinig ko talaga yon. Narinig ko lahat"
*dugdug dugdug*
Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko.
Akala ko..
Akala ko hindi niya talaga narinig.
Akala ko hindi niya alam.
Buong akala ko naitatago ko ang lahat..
Pero nagkamali pala ako.
Para akong mas lalong maiiyak dahil hindi ko na alam ang gagawin. Anong nang sasabihin ko ngayon?
Magdedeny na naman ako kahit alam niya na talaga na gusto ko siya??
Hindi, kailangan harapin ko na talaga to.
Humarap ako sakanya habang may luha parin sa mga mata.
Ngumiti ako ng pilit.
"Alin? Yung gusto kita?"
sabi ko habang nakangiti ng sarcastic.
"Nakakatawa noh? Ha ha. Sa dinarami ng lalake bakit ikaw pa? Tae lang? Akala ko magaling ako magtago, hindi pala. ha ha."
hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Pu*@ng**a. Bakit ikaw pa??"
umiiyak ako habang tinutulak tulak niya.
Nakakainis! Bakit ikaw pa Rod ha?!
Ang sakit.
Tumigil na ako sa pagtulak at pagpalo sakanya.
Napayuko ako sandali, pagkatapos, tumingin ulit ako sakanya.
"Wag kang magalala. Ako pa, magaling ako. Tignan mo, bukas hindi na kita gusto..bukas na bukas titigilan ko na.."
Pangilang beses ko nabang sinabi sa sarili ko yan? na titigilan ko na?
Pinunasan ko na ang luha ko at ngumiti ulit ng pilit.
"Don't worry. Promise, bukas hindi na talaga.Titigilan ko na. Ayoko na."
Oo. Kailangan. Dahil alam kong wala namang patutunguhan tong nararamdaman kong to.
Masasaktan at masasaktan lang ako.
Kailangan ko ng umalis. Tama na. Alam niya na.
Nasabi ko na ang lahat. Pano ba yan, wala na akong mukhang ihaharap sakanya.
Nagsimula na akong lumingon paalis pero hinawakan niya ako bigla sa wrist ko.
Tumingin ako sa mga mata niya na para bang tinatanong kung 'bakit'.
Ang seryoso ng mga mata niya. Nakatitig lang siya sakin.
Bakit? Naawa ba siya?
"Tch. Naaawa ka? Oh please. Sinabi ko naman sayo, wala lang to. Mawawala din agad to."
sabi ko sakanya.
Inialis ko ang pagkakahawak niya sakin at aalis na talaga pero bigla niya na naman akong hinatak....
At inayakap.
O////////////////O
Bakit Rod?
"Ayoko..."
sabi niya sakin habang nakayap.
Hawak hawak niya ang ulo ko habang nasa may balikat niya naman ang mukha ko.
Hindi ko siya maintindihan. Ano bang gusto niyang sabihin?
"Ayokong tumigil ka..
huh?
..Ayokong isipin na baka bukas, wala ka nang nararamdaman para sakin. Hindi ko alam basta.. Ayoko Kate.. Ayoko."
Napatulala ako dahil sa sinabi niya.
Pakiramdam ko, biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko kasabay ng pagtigil ng oras.
Yung paghinga ko, parang biglang napigilan..
Bakit, bakit niya ba sinasabi to??