Chapter 30- His and Mine

2436 Words
 ******** Chapter 30- His and Mine ******** Napatulala lang ako dahil sa sinabi niya. Ano ulit? Gusto niya 'ko? "Oyst. Bingi ka ba?" Kinalog niya yung mga balikat ko. "H-ha?" Nagising naman ako mula sa mga iniisip nang dahil sa ginawa niya. "Sabi ko kako..ayshh." napakamot muna siya sa ulo niya tapos napayuko na para bang nahihiya pang ulitin ang gusto niyang sabihin.  "Sabi ko, gusto kita.." paguulit niya.     O///////////////////O     Inulit niya naman yung mga salitang iyon. Ayaw tuloy magcalm down nitong puso ko! Ang tahi-tahimik ng lugar na kami lang ang nandito tapos bigla niyang sasabihin ang mga 'yon? Ang awkward. "A-ahh." Hindi ko alam ang isasagot ko! Kaya ganun na lang ang nasabi ko. Para naman siyang nadisappoint dahil biglang kumunot yung noo niya tapos sumimangot siya sakin. >_________________"What? Yun na sagot mo??" Iritang tanong niya sakin. "A-ah. ha? tanong ba 'yun? hehe." Napakamot ako sa ulo ko then I smiled sheepishly. Waaah! Nakakahiya kasi! Ang awkward talaga! Ano naman ba kasi ang isasagot ko di 'ba? Biglang naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya, then maya maya ngumiti siya ng pilit. "Psh." Aysh! Grabe yung mga tingin niya! Nakakakonsensya! >_____________"Sabagay, iba naman na kasi ang gusto mo." sabi niya. Huh? Ako? Iba ang gusto?? Teka, san niya naman napulot 'yon!? "Ha?" Tanong ko sakanya, pero bigla ba naman siyang tumakbo palabas ng lighthouse at nagpaulan! "AAHHHHHHH! SH*T! SH*T! Sabi na eh! Wala din patutunguhan!" O______________O Nagsisisigaw siya sa ilalim ng ulan habang sinisipa sipa yung mga d**o! "Rod! Hoy! Nababaliw ka na ba?! Ano bang mga pinagsasabi mo dyan! Uy! Bumalik ka na dito! Wag kang magpaulan!" Para siyang walang naririnig kaya wala narin akong choice para magpaulan at lapitan siya! "Ano ba!?" Sigaw ko sakanya. Tumingin naman siya bigla sakin nang may napakaseryoso at malungkot na mukha. Hindi ko maitindihan ang sinasabi niya. "Bakit nawala ka agad ang pakiramdam mo para sakin? Psh. Dahil ba sa mas mabait SIYA??" O__________o Anong pinagsasabi nitong mokong na 'to!? At kailan pa nawala ang pakiramdam ko para sakanya!? Hindi nga mawala wala eh kaya nakakainis! "Nakadrugs ka ba? Ano pinagsasabi mo dyan?" taka kong tanong sakanya. "Tch! I'm serious here!" Wow english. Pero adik lang, di ko talaga gets! Saka sinong "SIYA"? "Siguro nga siya ang gusto mong makita ngayon." sabi niya tapos kinuha niya yung cellphone niya. "Pre, dito sa lighthouse.* *Oo, nandito siya.** Ge.*" narinig kong sabi niya sa kausap niya sa phone. "Sino yon?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin! Galit ba siya?? :"Nathan?" Tanong ko sa sarili ko nang makita ko na siya na papalapit. Hingal na hingal siyang lumapit sakin. "Finally..You're here..Akala ko, nandon ka sa old abandoned house na malapit din dito, kaya dun ako pumunta..Pero buti nalang din--" hinihingal parin siya kaya hindi siya makapagsalita ng diretso. "Buti nalang?" Pagtatanong ko. "Rod called. Kaya alam ko na kung nasan kayo." sabi niya. Napatingin kami kay mokong. Hindi siya tumitingin samin tapos diretso na siyang naglakad kaya sinundan nalang din namin siya ni Nathan pabalik sa camp base. Problema niya?? No. Wait.. "Siguro nga siya ang gusto mong makita ngayon." Naalala ko yung sinabi niya kanina! Si Nathan ang tinawagan niya kaya ako napuntahan dito. So ibig sabihin? O___________o? Huh? Akala niya si Nathan ang GUSTO ko!? San naman 'yon napulot ng mokong na 'yon!?  Pwahaha. Jerk ka talaga! =_____________= *******  Nakabalik na kami sa camp base. Buti nalang kabisado pa nilang dalawa ni Nathan ang pabalik! Ako lang naman ata talaga ang malilimutin. =____________= Nagpasalamat ako kay Nathan. Tapos si mokong hinahanap ko pero hindi ko makita. Siguro pumunta na siya sa tent nya. Magoover night nalang daw kasi kami ngayon dahil delikado na masyado ang byahe pauwi ngayong gabi. Buti nalang may extrang dala ang school ng camping materials. Napagalitan nga pala ako ni Sir ng konti pero buti naman hindi ganun kalupet. XD Kasalanan ko naman kasi talaga eh. Haay. "Cza! Tara dito."   "Oo nga. Upo ka dito." Tawag sakin nila Lorraine. Nakaupo kasi silang lahat tapos may bonfire lang sa gitna. Kakarating ko lang kasi galing sa tent namin after magbihis. Mukhang may pinagkakaabalahan sila. "Anong ginagawa niyo?" Tanong ko sakanila. "Sali ka. Spin the bottle tapos magtatanong ng random questions!" Sabi sakin ni Lorraine. "ah-ha? hehe." Parang kinakabahan ako sa larong 'to ah. Parang ayoko sumali. "Tara na! Wag KJ!" sabi ni Ken tapos bigla akong hinatak paupo. =__________= Wala na kong magagawa kundi ang magdasal na hindi mahirap ang itatanong nila sakin! "Oh Rod, gising ka na pala. Tara pre upo ka na din." Yaya sakanya ni Stephen. >___________"Si Nathan pala, Stephen?" tanong ko. Bigla naman napatingin sakin si Rod sabay iwas ulit ng tingin. >__________"Nasa tent niya ata natutulog." si Ken ang sumagot. "A-ah..thanks."mahina kong sagot. "Osiya! Let's start!" sabi ni Lorraine.  ****** Isa-isa kaming nagi-spin nung bottle tapos kanya kanya silang tanong dun sa matatapatan. Para naman akong wala sa sarili dahil nakatingin lang ako dito sa mokong na 'to na napakatahimik at nagcecellphone lang! >________________"Oh! Natapat sa'yo Lorraine!" sabi ni Ken. "Whooo!" sigawan ng mga kaklase ko. "A-ah! W-whoo! Hehe. sige tanong ka na." sabi niya kay Ken.  Halata namang kinabahan si Lorraine lalo pa't si Ken na crush niya ang magtatanong! "Birhen ka pa ba?" biglang singit ni Mark na isa kong pang kaklase, kaya naman biglang nasamid si Lorraine habang kumakain tinapay.  Pati ako nagulat sa tanong. XD "Lul! Gagu ako magtatanong! Siraulo talaga to." sabi ni Ken sabay batok kay Mark. XD "Sorry naman pards." sagot naman ni Mark. Humarap na ulit si Ken kay Lorraine na para bang magsisimula ng magtanong. "Pero di nga? V ka pa ba?" =______________= loko din tong isang to. Kunwari pa curious din pala! "Che! Bastos!" sigaw ni Lorraine tapos halatang hiyang hiya siya. Tatayo na sana siya ng bigla siyang pigilan ni Ken sa braso. "To naman joke lang! Hehe. Eto na talaga tatanong ko.." sabi niya tapos pinaupo niya na si Lorraine. "Sino gusto mo sa room?"  halatang gulat na gulat siya sa tanong ni Ken. Patay ka Lorraine! Ewan ko nalang kung aamin siya sakanya. Naalala ko yung time na naginuman kami sa bahay nila Lorraine tapos sinabi niya sakin yun. Na si Ken nga ang matagal niya ng gusto. "A-ah.W-wala! Wala!" Kawawa naman si Lorraine masyadong naiipit XD "Whooo! Daya! Hindi pwedeng wala! Sige na! Sino?" "Oo nga sabihin mo na!" "Wag KJ!" Pagpipilit ng mga kaklase namin. Natingin naman sakin si Lorraine with what-to-do-look XD   "Pffft." natawa naman ako sa tingin niya. Honestly, di ko alam ang isasagot ko sakanya! >____________"Oo na! Oo na! P-pero..gusto lang 'to ah. Parang crush lang ganun.." kinakabahang sabi niya habang nakayuko. "Okay. Sige sino?" Tanong ulit ni Stephen. "Si-si Ke--ke--ke--" "Amputcha! Ang sagwa Lorraine! Tuloy muna! Ako ba yan!? Aminin mo! Gusto din naman kita eh!" sabi ni Ken. O_____________O EH? Nagulat kaming lahat! What the? Tapos yung mukha ni Lorraine biglang namula with shiny and shimmering eyes pa! XD Tinignan ko naman siya ng ayie-kilig-ka-naman look. Edi ayun nga, ang dami ng nagtatanungan pero hindi pero ako natatapatan ng bottle. Inaantok na ko. =____________= "Cza!" "AyAnakNgPalaka!" bigla akong nagulat sa sigaw ni Mark! Teka, ako na ba?? "Ako na??" tanong ko. "Oo. Ikaw na!" Para naman akong kinabahan bigla. >___________"Tutal kayo nalang ni Rod ang hindi pa natatanong, wag na nating patagalin to! Gabi narin eh." sabi niya. "A-ah sige. Ano ba yun?" tanong ko. "Uhmm. Sino first kiss mo?" O//////////////////////O F-first K-kiss? Bigla tuloy nagflashback sakin ang lahat! >//////////////__________"A-ahh.ano..pwede ibang tanong nalang?" sabi ko. "Wala! Daya! Hindi pwede!" sabi ni Ken. >____________"Hoy! Wag mo nga pinipilit si Cza!" sabi ni Lorraine kinukurot kurot si Ken.  Awtsu. close at sweet nila agad. :3 Pero thanks Lorraine niligtas mo ko! T^T "Hmp.sige na nga Babe." sabi ni Ken sabay tingin ng nakakaloko kay Lorraine.   "Babe ka dyan! Amp." Kunwari pa. Obvious namang kinikilig XD "Okay sige. Eto nalang Cza. Saan naganap yon?" Waaah! Nakakahiya parin sabihin! >__________"Ano..sa ano..sa CR." Pumikit ako pagkasabi nun. Natahimik silang lahat. Tapos pagdilat ko, nakita ko yung mga mata nila naging ganito ---> O________O "Woh woh! Baka kung anu-ano iniisip niyo dyan oy! Aksidente yun!" >________"Weh?" sabay sabay nilang sabi.  "Oo nga!" pagpupumilit ko.   Tinignan ko naman tong katabi ko pero wala siyang reaksyon! Tch. Sa tingin ko hindi niya naaalala! Sabagay dapat matuwa pa ko diba!? Pero bakit naiinis ako!?   "Oh haha. sige sige. Naniniwala na kami. Oh ikaw naman Rod pre." sabi ni Ken. Natingin naman kami lahat sakanya. Ang seryoso niya parin. >______"Tch. Boring." sabi niya tapos tumalikod samin. Nakakainis talaga ang inaakto niya ngayon! Hindi ako sanay! "Boring eh kanina ka pa nakikinig dito!?" sigaw ko. Naiinis ako eh! Hindi niya ko pinansin tapos umalis na. Ugh! "Baka gusto niya lang mapakinggan yung sa'yo Cza. Yieee." Pangaasar naman ni Lorraine. "Harhar." tinawanan ko siya ng sarcastic tapos nagpeace sign nalang siya. ******* Umaga na pala. Maaga kaming nagayos ng mga gamit para makauwi. Sa wakas! Nilamok ako kagabi ah. =___________= Buong byahe si Lorraine ang katabi ko. Hay nako. Hinayaan ko na nga yung dalawang yon ang magkatabi. Sino pa ba? Edi si Nathan at si Rod. Bahala sila! Pagkatapos ng ilang oras, nakarating na kami sa University. Dun kasi talaga pupunta ang bus kasi nandun yung mga ibang sasakyan ng mga classmates ko sa parking area. Wala nga pala si Manong Mario kaya mukhang magcocommute ako pauwi. >___________"Cza, hatid na kita." alok sakin ni Nathan.   "Naku, okay lang. May susundo sakin Nate." Pagsisinungaling ko. Wala lang. Ayoko lang na may ganung attachment pa kay Nathan. >______"Oh. I see. So, maiwan na kita?" "Yep. Okay na ko. :)" sabi ko then umalis na siya. Haaay. Bahala na! Magbbus nalang ako. ****** After two hours, nakarating na ko sa main gate ng village namin! Nakakainis kasi natraffic pa ko kaya inabot na ko ng 8pm. >______________________"Rod!?" Napahinto naman siya sa paglalakad the unti-unti humarap sakin habang napapakamot sa ulo na para bang nahihiya siya. "Bakit ka nandito??" Tanong ko. "Malamang hinatid ka." papilosopo niyang sabi. =___________= "Ah ganon? Uso na palang maghatid ngayon ng patago?" sabi ko sakanya. Lumapit ako sakanya. "Ano bang problema mo? Ang weird mo! Paiba-iba ka ng ugali!" He smiled sarcastically naman sabay tingin sakin ng seryoso. "So ako pa? Eh ikaw nga paiba iba ng gusto! Siguro disappointed ka kasi ako nakita mo ngayon!" =_____________= Grabe lang parang bata! Nakakatawa siya.hmp. Akala niya talaga si Nathan gusto ko? Tss. "Ge. Pumasok ka na nga. Tch." Tumalikod na siya at naglalakad na palayo nang sumigaw ako. "Hoy Jerk! Oo tama ka, mas mabait siya. mas gentleman. mas matulungin.. ano pa ba..hmm. basta mas mabuti siya sayo! Kasi ikaw, madalas gago! trip ako! niloloko ako! inaasar! at kung anu-ano pa! Pero--- Napahinto siya sa paglalakad. Nilapitan ko siya at hinatak yung sleeve niya ng bahagya habang nakatalikod parin siya sakin. ---wala akong pakielam kasi ikaw ang mas gusto ko. Okay? Gets?" Pumunta ako sa harapan niya at nginitian ko siya. Napayuko naman siya ulit at napahawak sa batok niya. Sus! Alam ko na yang reaksyon niya na yan. "Talaga?" Tanong niya habang mukhang hiyang hiya. "Oo nga. Ayaw mo ba?" Nagkatitigan kami pagtapos ay nagtawanan.   "Kilig ka naman?" Pangaasar ko. "Hmm. konti?" sabi niya habang may hand gesture pa ng 'kaunti'. Natawa naman ako don, pero bigla ulit naging seryoso yung mukha ko dahil may naalala ako. "Y-yung first kiss ko pala? Hindi mo talaga natatandaan kung sino?" "Tch! Yan na naman yan. Naiinis nga ako dahil may first kiss ka na!" sabi niya. Pssh! Mokong ikaw kaya yon! Nakakainis! Nakalimutan niya pala talaga! >___________"Ah ganon? Edi nakalimutan mo na talaga ha??" inis na sabi ko sakanya. "Ang alin ba?" tanong niya. "Tch! Wala!" tinalikuran ko siya tapos aakmang babalik na ko sa gate namin ng bigla siyang humarang sa harapan ko. "Ano ba kasi yun? Explain mo muna!" sabi niya. "Ayoko! Ayokong sabihin na ikaw yung unang nakahalik sakin sa CR! Nakakainis kasi nakalimutan mo Jerk! Siguro nga wala lang sa---hmmmm." O___________________________O Bigla niya akong hinalikan! Ni-poke niya ako sa noo ng bahagya tapos ngumiti siya at nagsalita. O//////////////////////////////O "Yan..yan kasi ang first kiss mo simula ngayon, okay? Yung una kasi aksidente lang. :P" sabi niya sabay belat. *dugdug* Siopao! Yung heartbeat ko! >////////////////////////"S-so naalala mo ?" Tanong ko ulit sakanya. "Paano ko makakalimutan eh unang halik ko din yun na ninakaw mo." He said then he smirked. "Kapal! Hmp." sabi ko. "Hahaha." natawa naman siya. "Kilig ka naman din?" Sabi niya ng may nakakalokong ngiti. "Hmmm.. slight din?" sabi ko tapos nagkatawanan kami. I'm sure hindi ko makakalimutan ang gabing 'to.  Kasi, for the second time, NO. Mali, 'FIRST TIME' nga pala, HIS lips and MINE met. a/n: :"> Hanoba! Kinikilig ako! XD VOMMENTS :) ~ThisIsRajuma  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD