****
Chapter 17- He's waiting..
****
Tinignan ko ang relo ko, 5pm na pala.
Magkikita at kakain nga pala kami ni Nathan ng 5:30pm.
Tinext ko siya kagabi, sabi ko sakanya wag niya na ako sunduin at dun nalang kami mamili ng kakainan sa kung alin man sa Food chains malapit sa Estrella Park. Yung mga iba't ibang international cusines sa mini food stores na katabi ng isang park. Mas masaya dun kasi mas marami kaming makakain.
Naglalakad na ako nang biglang ..
*wuUusHHhh*
O_______O
waahhh!
nakakainis! >____________"Miss, yan ba usong pabango ngayon?pftt. "
tanung nung babae ng nakakinsulto habang nakatingin sa damit ko,kaya naman nagtawanan yung mga pasahero.
=_______________=
"Ay oo naman. trending nga to ngayon eh. di mo alam? baba ka kasi minsan sa bundok."
sagot ko naman sabay ngiti ng sarcastic.
"wahahaha."
mas malakas na tawanan ng mga tao dahil sa sinabi ko.
tapos yung babae yumuko nalang dahil napahiya.
HAHAHA. =__= ako pa pagtripan niya? tss.
**
nakarating na ako sa mall ng 5:45pm . Malalate na talaga ako! yung bus ba naman kasi na sinakyan ko napakabagal.! hays. malas ko ata talaga ngayong araw?
namili na ako agad ng simpleng damit at sinukat iyon.
pagkatapos ay pumila na ako para magbayad pero napakahaba pala ng pila dahil sale pala ngayon. =__=
inabot ako doon ng ilang minuto kaya naman nung tiniganan ko kung anung oras na..
O___O
6:30 na! late na ako ng isang oras. kanina pa kaya nandoon si Nathan?
kanina ko pa siya dapat itetext na baka malate ako ng dating pero walang signal ! malas talaga!
**
pagkatapos kong magpalit ng damit, binilisan ko na agad ang pagpunta ulit sa bus stop para pumunta na sa meeting place namin na malapit sa park. Kaso, sobrang siksikan na talaga ang mga bus na dumadaan at wala ng humihinto. Nakakainis lang dahil napakamalas talaga ng araw na ito na sinabayan ba ng pagulan.
Biglang bumuhos ito ng malakas kaya nagdecide ako na magtaxi nalang kesa maghintay pa ng susunod na dadaan na bus.
pumara ako ng taxi at tumakbo habang umuulan.
"hay..nakaraos din. Manong sa may tapat po ng Estrella Park."
sabi ko sa taxi driver habang halos nakahiga na ako sa upuan sa pagod.
Kinontak ko si Nathan pero talagang walang signal. siguro ay dahil na rin sa malakas pa na pag-ulan.
hinihintay niya pa kaya ako? nakakhiya na talaga. Mag se-7pm na >___CZARINA'S POV
"hay nako hija, napakatraffic pala dito. baka mamaya pa tayo"
"Po??"
bigla akong napadilat mula sa pagkakapikit ko habang nakasakay pa rin dito sa taxi.
tumingin ulit ako sa oras. 7:45 na. O___O
"hindi po pwede. msyado na kong late! gawan nyo po paraan manong!"
"AY wala akong magagawa hija. Nagkaroon ng aksidente buhat na rin siguro ng malakas na pagulan. Kanina pa tayo dito. Magaapat na raan na ang metro."
O___O
"What??Po??"
"Kanina pa bukas ang makina ko nang dahil sa traffic. Malakas sa gasolina"
>____________"hey.please meet me at the park later.6pm.I'll be waiting for you.please..come"
O____O
'park' ??
naalala ko yung nangyari kanina sa kwarto niya during tutorial time. Yung time na may kausap siya sa phone.
hindi kaya... SIYA TALAGA IYON?
pero imposible. 6pm siya nakikipagkita , at 8pm na ngayon. Imposible naman sigurong hindi siya sinipot at naghihintay parin siya dito sa loob ng dalawang oras??
ilang lakad nalang ay malapit na ako sa barbecue stall. pero hindi ko talaga matiis na hindi alamin kung siya nga yung lalakeng iyon, kaya naman agad akong tumalikod at tumakbo pabalik sa park habang hawak hawak ko parin ang payong ko dahil sa ulan.
"imposible. imposible. "
paulit ulit kong sinasabi. Sa ugali niyang iyon, magagawa niyang maghintay ng ganun? hay ewan! sino naman kayang napakaimportanteng tao ang kikitain niya kung sakaling siya nga talaga yung naghihintay na iyon?
Nahinto na ulit ako sa pagtakbo nang muli kong makita yung lalake dito sa park.
unti-unti akong lumapit sakanya.
nakayuko siya habang nakatayo at basang basa ang buhok niya kaya hindi ko makita ang mukha niya.
lumapit pa ako at nang mukhang naramdaman niyang palapit ako, unti-unti niyang iniangat ang ulo niya.
"A-anna?"
sabi niya kasabay ng pagangat ng ulo niya.
nang makita ko ang mukha niya,
"i-ikaw nga"
sabi ko sakanya.
tama ako. hindi ako nagkakamali.
makikipagkita dapat siya kay Anna ngayon?
hinintay niya siya dito ng ilang oras at nagpaulan?
nababaliw na ba siya?
ganun ba kaimportante si Anna para skanya?
pano kung magkasakit siya??
"ROD.."
ikaw nga..
nang makita niya ako, nakita ko ang disappointment sa mga mata niya.
Oo alam ko naman.. hindi ako ang inaasahan niya..