Chapter 18- Cold.Hot.Cold

2045 Words
*****  Chapter 18- Cold.Hot.Cold ***** "ROD.." ikaw nga.. mahina kong pagbigkas ng pangalan niya nang tuluyan ko na ngang makita na siya nga ang nasa harapan ko. Pagkakita niya sa akin, agad niyang iniwas ang tingin niya at tumingin sa ibang direksyon. Basang basa siya. "Tch." Narinig kong binigkas niya. Bakit? Siguro, disappointed talaga siya dahil hindi si Anna ang dumating, at ang nakatayo sa harapan niya ay ako. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya ng may malamig na boses habang nakatingin sakin ng seryoso. Bakit iba ang aura niya ngayon? Hindi ako sanay. Hindi ko sinagot ang tanong niya. "Ikaw, bakit ka nagpapaulan? Nababaliw ka na ba??" Mariin kong tanong sakanya. "Tch." muli na naman siyang tumingin sa ibang direksyon, at unti-unti na siyang dumidiretso ng pagkakatayo mula sa pagkakasandal niya sa may pader ng monumento.  "Wala kang pakielam" Para akong tinusok sa sinabi niya. Bakit parang ang lamig niya? Tuluyan na siyang naglakad palayo sa akin. Pinagmasdan ko ng sandali ang likod niya at ang basang basa niyang buhok ng dahil sa ulan. "Sandali lang!" sabay ng pagsigaw ko ang malakas pa rin na pag-ulan. Nakita ko naman siya na lumingon ng bahagya na tila hinihintay kung ano man ang sasabihin ko sakanya. Lumapit ako sakanya at huminto sa may tapat niya. "Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil sakanya huh?? Dahil ba kay Anna?? Sino ba kasi nagsabing maghintay ka ng ganyan?!" Alam kong wala akong karapatang magalit pero naiinis ako sa nakikita kong ginagawa niya at nangyayari sakanya. Nagmumukha siyang tanga. Bakit nga ba ako naiinis? Hindi ko alam. "huh..tss. HA.HA.HA. " tumatawa siya ng sarcastic. bakit? anung nakakatawa?  "Sabihin mo nga, may gusto ka ba saken??" Pakiramdam ko bigla akong namula nang dahil sa sinabi niya. Sa kabilang banda, naiinis ako dahil ang presko ng pananalita niya. "A-ano kamo?" inis kong tanong. Unti-unti siyang lumalapit sa akin.  Yung mga titig niya, nakakatakot. Nakatingin siya habang nakangiti ng nakakaloko. Bawat lapit niya, napapaatras ako. "Isang tanong, isang sagot" sabi niya. "May gusto ka ba saken??" Mariin niyang tanong.  Ano bang nangyayari sakanya?? Natatakot ako sa ikinikilos ngayon ni Rod. "W-wala! Wala! Ang kapal mo rin eh noh??"  Pagmamatapang kong sagot sakanya. "Pwes. Wag mo kong sinsundan. Wag mo kong pakielaman" O____O?? Ano raw?? Akala niya sinusundan ko siya?? At ang sakit niya naman magsalita! Ipinagpatuloy niya na ang paglakad at tuluyan na niya akong nilagpasan, at bahagya pa akong nasagi ng balikat niya. huh?? ganun nalang yon? Tch! "H-HOY! SILVESTER RODNEY! ANG KAPAL MO NAMAN PARA ISIPIN NA SINUSUNDAN KITA?! ha?!" Malakas na sigaw ko sakanya habang naiinis, kaya naman hindi ko sinasadyang nabitawan ang payong ko. Basang basa na rin tuloy ko. Tss. "Hoy!" Patuloy siya sa paglakad. Pero teka, pagewang gewang siya kung lumakad. Anong problema niya? Makalipas ang ilang segundo, nagulat ako nang tuluyan na nga siyang bumagsak sa may daan. Agad akong lumapit sakanya at nakita kong wala siyang malay. "O-oy?! B-bakit?? Anung nangyari sayo? Gumising ka oy!" Natataranta kong sabi sakanya. Ipinatong ko ang ulo niya sa mga binti ko habang nakasalampak sa may semento, at pilit ko siyang ginigising sa mga pisngi niya. "R-rod..wake up. please.." Di ko na alam ang gagawin. Natataranta na ako lalo pa nung maramdaman ko na napakalamig niya. "Tulong!" Sigaw ko sa mga dumaraan.  Sana may tumulong manlang dahil sobra na akong nag-aalala. ******  Nakasakay na kami ngayon sa isang Taxi. May isang lalaki ang tumulong sa akin kanina para maisakay si Rod dito. Nnakasandal siya sa balikat ko. Alam kong gising siya kaso sobrang nanghihina. Maghintay ba naman kasi ng ilang oras sa ilalim ng malakas na ulan? Tss. Baliw na talaga siya. Tinawagan ko si Mamang gamit ang cellphone ni Rod at sinabi ko na mataas ang lagnat nito nang dahil sa malakas na pag-ulan kanina. Sabi naman ni Mamang ay iuwi ko nalang daw muna ito dahil alam niyang tyak na magagalit si Rod kapag pagkagising niya ay nasa ospital na siya. Bakit naman kaya? Hindi na ako nagtanong at sumunod nalang ako, tutal alam ko na naman ang address nila. Nang nakaratng na kami sakanila, akay-akay ko siya sa may balikat ko. Pagpasok ng gate, nakita ko agad si Mamang na alalang-alala. "Oh juskopo anak..*cough* anong nangyari sa'yo?? Ayos ka lang ba? *cough* " "Sa-sa ti-ngin niyo Ma--mang okay l-lang ako??" Aba ang mokong nagawa pang mamilosopo?  =___= "Ah hehe. sabi ko nga *cough* sige tara na anak nang *cough* maalagaan na kita" "K-kaya kong sa-sarili ko.." "Tss! tumahimik ka na nga diyan!" Pagsuway ko kay Rod habang akay-akay pa rin namin ni Mamang. Ang tigas kasi ng ulo eh! Nagmamatigas pa. =____= Pero napansin ko lang, ubo ata ng ubo si Mamang? "Ah Mamang, ayos lang po ba kayo?" "Sa tingin mo okay ako eh halos malaglag na baga ko??" Nagulat ako sa sagot niya. "De joke lang.haha.*cough* yakang-yaka ko to. Trangkaso lang *cough* ==____== Mag-guardian nga talaga sila. "Oh siya, salamat Kate ah" "Ah hehe. Czarina nalang po." Kate?? Pati ba naman siya Kate tawag sakin? >__"Ay naku. Sabi ni Silvester mas maganda daw ang Kate.Okay na yun" "T-talaga po??" sinabi niya yun? O/////O "W-wag kang kiligin masyado. Ipasok niyo na ko sa loob. masakit na ulo ko!" O__O gising pa pala tong mokong na to?? Sarey naman XD naunang makipagchismisan >__"Ah hindi sige Kate anak ako nalang *cough*. gagabihin ka." Tuluyan nang tumalikod si Mamang habang akay-akay si Mokong. Buti nalang pala malakas si Mamang at kaya niya si Rod. Tatalikod na sana ako pero... "*Cough* *Cough*" Naawa ako kay Mamang. >_______"Tulungan ko na po kayo." Agad akong bumalik para tulungan si Mamang at inakay ko narin sa balikat ko si Mokong.  =____= Ang bigat! Bakit ko ba inaakay to samantalang kanina ang sakit kung magsalita?! Ugh. *******  Nandito na kami ngayon sa tapat ng kwarto ni Rod. Nasa loob na si mokong at inihiga na namin sa kama niya. "Sigurado ka ba hija na ikaw na ang bahala kay Silvester??" Tanong ni Mamang sa akin. Silvester? Yun ba talaga tawag niya kay mokong? Ampanget. =___= Sabi ko kasi, ako nalang ang mag-aalaga at magpahinga na lang siya. Naaawa kasi ako sakanya. Sa edad niyang iyon, dapat ay nagpapahinga nalang siya. "Opo. Mamang. Wag po kayong mag-alala. Kaya ko naman po saka hindi naman ako mapapgalitan sa amin kasi nasa out-of-town naman ang Mom ko, and I can just call my driver na pumunta dito if ever pauwi na ko." "Ah ganun ba. *cough* mabuti naman hija. Salamat ah. *cough* pasensya ka na sa ubo ko. hehe. Sige at magpapahinga na ako." "Sige po." Sagot ko. Umalis na si Mamang at bumalik na sa kwarto niya. Sila lang kasing dalawa ang tao sa bahay kaya wala nang ibang tutulong kay Mamang. Pumasok na ko sa loob ng kwarto ni Rod at nakita siya doon na nakapikit habang nakakunot ang noo. "Ahhhhh. ulo ko..." Latang-lata siya. Siguro napakasakit na talaga ng ulo niya kaya di na siya makakilos ng maayos nang walang umaalalay. Umupo ako sa may tabi ng kama niya sa may side table. "Para naman kasing tanga..tss." bulong ko habang pinipilipitan yung towel sa may mini water tub o planggana for short =___= "Sino ba namang hindi magkakasakit kapag nagpaulan ng ilang oras?tss.." Patuloy kong pagbulong. Pansin ko, humhigpit ang pagpilipit ko sa towel. =__= "Sino ba kasing may sabing maghintay ka sa taong di naman pala darating??" Asar na tanong ko sakanya habang ipinapatong ang wet towel sa may noo niya. Bakit nga ba ako nagrereact ng ganito? Tss. Hindi siya sumasagot. Nakapikit siya. Ay nako. Tulog na pala. Tumayo na ko pagkalagay ng twalya sa noo niya. Ang totoo kasi, di naman talaga ako marunong mag-alaga ng may sakit >___________"Wala to..wala to.. wala lang to. anu ka ba Czarina.. Health-related task to" Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko habang nakapikit at inuunbutton na yung polo niya. Unit-unti.. tuluyan nang nabubukas ang kabuuan ng polo niya. ( /__O) ( /__ ) (/__O) (O__O) (O/////O) A-ABS..ABS! WAAAH! >///////____"Walang malisya..walang malisya..wooo" Paulit ulit kong sabi sa sarili. Pero bakit ganun?? Ang bilis ng heartbeat ko? Tapos pinagpapawisan ako eh airconditioned ang kwarto!? BAKIT ANG INIT!? >___"Anong ginagawa mo??" O____O Pinigilan ni Rod ang kamay ko at nakatingin sakin ng may halong pagkagulat at pagtataka. waaaahh! nakakahiya >______"Ashgdfsvwkdyl" (O__O) Takte! hindi ako makapagsalita ng maayos! "ANO??Pinagnanasaan mo ba ko?!" Mas seryoso niyang tanong na may kataasan ang tono. >___"*ehem* excuse me, I was just trying to change your upper clothes. Utos kasi ni Mamang na alagaan kita, and dahil ayoko na siyang abalahin, ako nalang ang magtititis na gawin tong..ugh..disgusting thing." Pagdadahilan ko sakanya. Sana effective! sana! >___"And besides, iyan pagnanasaan ko?" Dagdag ko habang nakatingin sa *gulp* abs niya "Is that a joke? HA HA.chura.D-diyan ka na nga! kaw na nga inaalagaan amp!" Agad akong tumayo at kunwaring magw-walk out! Pero nagwalk-out pala talaga ako! Lumabas ako ng kwarto niya! hahah. sana effective =____= Ano nang gagawin ko sa lalakeng iyon? Tss. **** Kumuha nalang ako nang makakain niya. Ipinag-gawa ko siya ng noodles tapos inayos ko na rin ang mga gamot na iinumin niya para na rin makauwi na ko. Ang problema lang ang awkward ng pagpasok ko ulit dun sa room niya! >___"Tinanong ko lang masyadong defensive.tss." May binulong siya pero di ko narinig. "A-anong sabi mo??" Tanong ko habang ipinapatong ang tray na may pagkain sa may side table niya. Ano bang sinabi niya? Di ko narinig. Ngumisi lang siya. "Wala. Penge nga tubig." Wow ah? Katulong?? Padabog kong iniabot sakanya yung tubig. "Oh ayan! Kainin mo iyan tapos inumin mo yang gamot mo. Baka mamaya pagalitan pa ko ni Mamang kapag nalamang di kita inalagaan!tss." Sabi ko habang tinuturo ang mga kakailanganin niya na nasa side table. "Sige, alis na ko." Pagpapaalam ko sakanya pero bigla akong napatigil ng bigla niya akong hinawakan sa wrist ko.. "Wait.." sabi niya bigla kaya naman napalingon ako sakanya. Nakaupo na siya sa may kama niya. "Help me.." Dagdag niya pa. "huh?" di ko siya maintindihan. " I said help me.."  "With what?" tanong ko sakanya. "Help me to...have her back." Pagkasabi niya non, bigla ko nalang naramdaman na parang may tumusok sa kaliwang dibdib ko. Yung mainit kong katawan kanina, parang nanlamig na naman. Bakit ba ako nagkakaganito? Si Rod.. gusto ko na ba siya?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD