****
Chapter 19-LOVE SICKNESS?
****
Nandito na ako sa kwarto ko.
Iniisip ko parin yung napagusapan namin ni Rod kanina.
Tulungan ko daw siya? Hays.
Ano nga bang gagawin ko? Tama ba yung sinagot ko sakanya?
Haayy. anu ba talaga tong nararamdaman ko?
Gusto ko na ba yung mokong na yon?
Wala akong makausap dito. Katulong lang kasi ang mga kasama ko sa bahay. Di ko naman makausap si Mommy kasi nasa convention siya abroad para sa company namin.
May naisip ako.
Parang, may bigla kasi akong namiss.
Agad akong tumayo papunta sa cabinet ko at hinalukay ang mga gamit don para makuha yung isang bagay na gusto kong makuha.
Yung picture.
Oo. Picture ng daddy ko.
Namimiss ko siya kahit hindi naman kami nagkasama ng matagal.
Sabi ni mommy 3 years old palang daw ako nung mamatay siya. Tinanong ko kung bakit, sabi ni mommy car accident daw.
Nakakalungkot.
Gusto ko sana siyang makausap sa sitwasyon ngayon.
Kinuha ko na ang litrato at umupo ako sa kama ko. Nakatitig lang ako dito.
"Daddy, pwede ka bang makausap?"
nagsimula akong kausapin siya.
"Ano kaya tong nararamdaman ko? Masaya ako kapag nandiyan siya. Kahit pa, inaasar niya ako at binubwisit lagi! ewan ko ba--' Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy "--parang hinahanp-hanap ko siya lagi..saka, nung nakita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya, bakit ganun? Parang.. may kumurot din sa puso ko. Awa lang ba iyon? Parang hindi eh. Di ko alam. Gusto ko na ba yung mokong na iyon? Tch."
"At saka, nung humiling siya na tulungan ko siya para maibalik yung babaeng mahal niya, nasaktan ako. Bakit? tss. Naguguluhan ako. Siguro nga....hays."
Pagkatapos kong kausapin ang picture ng daddy ko, naalala ko yung pinagusapan namin ni Rod kanina.
*Flashback*
"Please help me to... have her back"
Napatigil ako sa sinabi niya. Ano daw? tulungan ko siya?
"Huh? HA--HA. At bakit naman kita tutulungan? Ano namang mapapala ko?"
Para akong tangang tumawa sa sinabi niya.
Tinanggal niya na ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Okay. Kapag tinulungan mo ko, hindi na kita guguluhin pa kahit kailan. lalayo na ko, hindi na kita aasarin or what. Hindi na rin natin kailangan magtutorial. Basta, i'll stay away from you as you always wish.Deal?"
Sabi niya habang nakangiti.
Bakit..
nalungkot ako sa mga sinabi niya? Lalayo na siya? Hindi niya na ako guguluhin?
Tch. Okay fine! Dapat maging masaya nga ako di ba??
"Ha ha. N-nice! Fine. Deal. buti naman at naisip mo yan."
Pagpapanggap kong okay lang pero deep inside, hindi ako mapalagay. ewan.
"Pero..paano?"
Tanong ko sakanya.
"Basta..I'll do something that can make her realize na ako pa rin. Ako pa rin ang mahal niya."
sagot naman niya.
"Paanong basta ha? Pwde ba yun??"
Tanong ko na parang okay lang sakin ang lahat.
Pero alam ko na, hindi ako masaya.
make her realize? tch.
ganun na ba siya kadesperado?
"But what if didn't work?"
ano ba kasing plano niya?
"then, if it fails.. it's time to..haay bahala na."
Anung ibig niyang sabihin?
*End of flashback*
Muli ko nang ibinalik sa cabinet yung picture ni daddy.
Tumayo ako at humarap sa salamin.
Hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko.
"Hayy. this confusing feeling..I hope..
I hope it won't last..at sana mawala na.."
Oo.sana mawala na kasi naguguluhan na ko.
~Kinabukasan~
*At University*
Nagring na yung bell.
Galing noh? Parang highschool lang. =__=
Papasok na ako ng room. Hinahanap ko si Nathan kasi gusto ko sanang magsorry sa hindi ko pagsipot kagabi sa pagkikita namin. Naguiguilty talaga ako.
Nakita ko na siya. Nakayuko siya at nakaubob sa may desk niya.
Lumapit ako, at nung siguro naramdaman niya na may tao sa harap niya, unti-unti niyang iniangat ang ulo niya. nang makita niya ako..bakit parang..expressionless ang mukha niya?
"N-nathan..sorry.."
Sabi ko habang nakayuko. Naguiguilty talaga ako! Nakakinis kasi napaghintay ko pa siya ng ganun.
Di ko kasi inaasahan na may ibang mangyayari.
"It's alright."
sabi niya nang hindi pa rin tumitingin sakin.
Galit ba siya?
>___"Galit ka ba? Sorry talaga..sorry..kasi..ah--eh..may emergency kasing dumating eh.."
Di ko masabi sakanya na si Rod ang dahilan.
Di ko alam, baka kasi kung anong maisip niya.
"No.It's fine"
tipid niya pa ring sagot.
>___"I'm sorry"
Paghingi ko ulit ng pasensya.
Aalis na sana ako at babalik na sa seat ko ng bigla siyang nagsalita.
"Okay na ba siya?"
"H-huh?
'Siya'? Sinong tinutukoy niya? Di ko maintindihan.
"Si Rod.. okay na ba?"
Paano niya nalaman??
"I saw what happened last night..He fell on the ground. Sorry, di kita agad natulungan."
dagdag niya pa.
O____O
So, alam niya na magkasama kami ni Rod kagabi?? Nakita niya??
"Ah-eh..Di ko naman kasi inaasahan na magkikita kami at mangyayari kay Rod yon..kasi--"
"I understand Cza." sabi niya nang nakangiti na. Natuwa naman ako dahil ngumiti na siya.
"Don't worry. It's alright..." Ginulo niya ang buhok ko habang nakasmile parin. Nakakatuwa.
Ang bait niya talaga. Buti naintindihan niya. Dapat si Nathan nalang ang laging nasa utak ko eh..bakit ba kasi yung si--
Ugh. nevermind.
NATHAN'S POV
Nagsosorry siya sakin ngayon.
Inaamin ko na medyo nagagalit ako sakanya dahil hindi siya nakasipot kagabi.
Alam kong kahit sinabi kong Okay lang, halata paring ang cold ng mga sagot ko sakanya. ewan ko pero masama parin talaga ang loob ko.
"I'm sorry"
Huli niyang sinabi at nakita kong ang lungkot ng mukha niya.
haaay. bakit ba hindi ko matiis tong si Cza? naguiguilty naman ako na hindi siya pansinin.
Babalik na sana siya sa seat pero di ko mapigilang hindi magsalita tungkol sa gusto kong sabihin.
"Okay na ba siya?"
tanong ko sakanya. siguro magtataka siya kung sino ang tinutukoy ko.
"Huh?"
tama. wala nga siyang idea kung sino.
"Si Rod.. okay na ba?"
mukhang nagulat siya sa tanong ko.
"I saw what happened last night..He fell on the ground. Sorry, di kita agad natulungan."
dagdag ko pa.
Oo. Alam kong may nangyaring hindi maganda kay Rod kagabi sa park, at si Cza ang tumulong dito.
Hindi ko nagawang tulungan siya dahil para lang akong naging istatwa don.
Napahinto ako noon sa pagkabigla nung makita ko silang magkasama at naguusap sa park kagabi pagkatapos kong sundan si Czarina.
Natanaw ko na kasi siya noon na palapit sa restaurant kaya nung nakita kong tumalikod pa ulit siya at tumakbo pabalik, sinundan ko siya.
Hindi ko alam kung bakit nadatnan ko silang magkasama. Inaamin ko, nagselos ako.
Kaya para akong batang nagmumukmok ngayon.
"Ah-eh..Di ko naman kasi inaasahan na magkikita kami at mangyayari kay Rod yon..kasi--"
sagot niya.
Pero pagkatapos ng sinabi niyang yan, naintindihan ko na. Unexpected ang pagkikita nila.
Parang gumaan ang pakiramdam ko at di ko mapigilang hindi mapangiti.
"I understand Cza." sagot ko sakanya. Mukhang nangiti narin siya dahil nakangiti na ako.
"Don't worry. It's alright..." sabi ko ulit at ginulo ko ng bahagya ang buhok niya.
Ang cute niya talaga.
Si Cza..
gusto ko siya.
END OF NATHAN'S POV
CZARINA'S POV
Bumalik na ako sa upuan ko.
Hayyy. :)
buti naman hindi galit sa akin sa Nathan hehe.
Nakakatuwa naman.
Dumating na ang prof namin. Nagcheck na siya ng attendance pero wala parin tong seatmate ko.
Nasan na kaya yung mokong na iyon?
papasok kaya siya?
Okay na kaya siya? Galing na kaya?
Naku, paano kung lumala yung sakit niya?
Nag-aalala ako.
Bakit ba kasi ako nag-aalala?
Naman.naman.
***
Uwian namin ngayon at kasabay kong naglalakad ngayon si Claud.
Daldal siya ng daldal pero di ko siya pinapansin kasi si Rod lang ang naisip ko.
>____"Claud una na ko ah!"
Binilisan ko ang pagtakbo dahil may pupuntahan ako.
Botika.Tama.
Ang alam ko, may pinakamalapit na clinic dito tapos may botika sa loob.
Nakarating na ako at pumasok sa loob.
"Uhmm. Ano po kayang pinakamabisang gamot sa trangkaso?"
Tanong ko sa pharmacist. Inabutan niya naman ako ng gamot pagkatapos ay binayaran ko na.
Lalabas na sana ako ng clinic kung saan nandun nga yung botika, nang may nakita akong isang pinto na may sign.
'The Doctor Is In'
magpacheck up kaya ako?
Nowadays kasi, talagang iba pakiramdam ko eh?
Kumatok ako at pumasok na sa loob .Nakita ko naman yung doktora na nakangiti sakin.
"Anong maitutulong ko hija?"
Tanong niya agad sa akin.
Ngumiti rin ako at umupo na.
"Gusto ko lang po magpacheck up, nowadays po kasi, napapansin ko na nagiging abnormal ang heartbeat ko."
"ah ganon ba. Sige, halika dito."
Pinalapit niya ako at inilabas niya na ang stethoscope niya.
Chineck niya na nga ang heartbeat ko gamit iyon, mula sa likod pati na rin sa may dibdib.
Mga ilang beses niya ring pinakinggan at chineck ang heartbeat ko.
Inialis niya na sa may tenga niya ang stethoscope at umupo na.
Nakatingin siya saakin at nakangiti.
At bakit? May sakit ba ako? eh bakit nakangiti siya?
"B-bakit po?"
tanong ko sa doktora.
"Hindi abnormal ang heartbeat mo hija. Natural lang yan lalo na sa mga kabataan.hehe"
Huh? Ano bang sinasabi niya? di ko maintindihan.
"Ano pong ibig niyong sabihin? Pano pong natural eh bakit po bigla nalang napakabilis ng heartbeat ko ng biglaan? Saka, noon ko lang po naramdaman iyon."
Ngumiti ulit siya.
teka teka. nakakaloko ang mga ngiti niya ah. Bakit ba talaga?
"Napakabilis na parang mahuhulog?"
"Opo.Opo."
alam naman pala niya eh =___=
"Tapos, nagiinit yung mukha mo?"
"T-tama po tama."
Magaling naman pala to eh.
pero bakit ngumiti nanaman siya ng sarcastic? aba aba.
"Lalo na kapag malapit SIYA?"
O////////////////////O
*dugdug*
"HAHAHAH. Yung parang ganyan? Yung nararamdaman mo ngayon nung binanggit ko yung 'SIYA'? may lumabas sa isipan mo noh?"
"P-po?"
"Naku hija, sabi ko naman sayo normal lang sa mga kabataan yang karamdaman este nararamdaman mo. Chineck ko na heartbeat mo pero normal naman. Mula diyan sa mga mata mo at kinikilos mo, alam kong alam mo na ang sagot diyan sa nararamdaman mo. Dinedeny mo lang haha."
O____O
Ano bang sinasabi niya? D-deny?
"Pasensya na hija pero wala akong gamot sa LOVE SICKNESS hihi"
=________=
doktora ba talaga to? bakit ganito magsalita.
"s-sige po Doc.salamat po!"
Tumayo agad ako at lumabas ng pinto!aysssh.
nakakahiya!
Kung anu-ano sinasabi niya! hmp!
Lumingon ulit ako sa pinto para tignan yung pangalan ng doktor na iyon.
'Doc. Kathrine B. Reyes'
Psychologist
O_____________O
eh?
Psychologist? =____=
Kaya pala..
Okay. Ngayon alam ko na talaga.
Sige na nga!
inaamin ko na!
gusto na siya!
pssh.
to be continued..