Chapter 20- In His Eyes

1850 Words
***** Chapter 20- In His Eyes ***** ROD'S POV "Bakit hindi ka nagpunta? Hinintay kita ng ilang oras, Anna." Kausap ko siya ngayon dito sa may garden ng university. Nalaman kong nandito siya ngayon para Mommy niya na dean dito kaya hinanap ko agad siya. Oo, pumasok na rin ako dahil ayos na naman ang pakiramdam ko at gusto na rin talaga siyang makausap. Gusto kong marinig ang paliwanag niya kung bakit hindi siya sumipot. "Tch..I've told you before Rod. I won't come. I never told to wait for me. it's your choice. Don't tell me, you're blaming me?" Nakatalikod pa rin siya. Bakit di siya makaharap? Hindi ko siya sinisisi kung bakit ako naghintay doon ng matagal. Oo, sinabi niya na sakin nung una palang na hindii siya pupunta. Pero pumunta pa rin ako dahil akala ko ay magbabago ang isip niya. Pero nagkamali ako. "No, Gusto ko lang malam--" Magpapaliwanag palang ako pero naunahan niya na akong magsalita. "Just stop Rod." Sabi niya at tuluyan na ring humarap sakin. Parang mas lalo akong kinabahan sa kung ano man ang sasabihin niya nung humarap siya sa akin. "huh? Stop ang alin?"  gusto kong liwanagin niya ang sinasabi niya. "I said stop....BUGGING me" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sakit ng sinabi niya. Bakit? Ganun na ba akong nakakairita para sakanya? Bakit ba siya ganyan? Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano na ba talaga ang nangyayari sa aming dalawa. Magkaibigan kami noon pa man, and we both know na gusto namin ang isa't isa. I was supposed to ask her to be my girlfriend noon pa man pero bigla nalang siyang umalis at pumuntang Paris ng hindi ko alam. Nainis ako sakanya. Nagalit. Pero hindi rin iyon nagtagal dahil natalo iyon ng nararamdaman ko sakanya. Pinakinggan ko ang dahilan niya na she needed to study abroad kaya bigla siyang nawala. Bakit nga naman siya magpapaalam sakin di ba? Hindi naman naging kami. "Bakit Anna?? Bakit mo ba ako tinataboy?! Noon pa man alam kong pareho tayo ng nararamdaman sa isa't isa! Bakit mo ba ko ginaganito?!" Sh*t! nasasaktan na ko sa ginagawa niya.  Ano ba ko para sakanya?? Sino na ba 'tong kausap ko? Hindi siya ang babaeng kilala ko noon. "Tss." she smirked. "Believe me, you wouldn't want to hear the answer Rod."  Para akong kinabahan sa sinabi niya. Pero kahit ano man iyong lecheng dahilan niya, gusto ko yon malaman. "F*ck! Ano nga ba!? Nahihirapan na ko! Wala na ba akong halaga sa'yo?! Bakit mo ba ako iniiwasan?! Tinataboy?! Pinapahirapan!? s**t! sabihin mo!" "Oh please!? Don't you dare cuss at me!" "Then tell me why!? Damn it!" "Anong dahilan ha??" "Gusto mo talagang malaman?" *** CZARINA'S POV Ano ba naman yan? Bakit di pa pumapasok yung mokong na iyon? *pout* Mahal mahal pa naman nitong gamot na binili ko para sakanya eh! Nagtataka nga rin ako kung bakit ko siya binili. Ganun na ba ako ka-concerned sakanya? hayss. "Uy Czarina!" Kelan kaya siya papasok? "Uy!" Hays. Parang trangkaso lang ang tagal tagal ng absent? Pano na mga subjects non? Madami na siyang namimissed. "HOOOY! CZARINA KATEEE!' Bigla akong nagising mula sa mga iniisip ko. May tumatawag pala sakin. At sino naman kaya? Lumingon ako para tignan at nakita kong si Lorraine pala. hingal na hingal siyang lumapit sakin. "Oh bakit?" tanong ko sakanya. "Sus naman Czarina! Kanina pa kita tinatawag eh? Bakit ka ba tulala diyan? Anung iniisip mo??" "H-huh? ah wala naman! oh eh bakit mo ba ako tinatawag?" "Ah kasi, may balita ako hehe. saka tanong na rin." Ito talagang si Lorraine, pagdating sa tsismisan mabilis oh. At anu naman kayang itatanong nito? "Oh ano naman iyon?" Tanong ko naman sakanya. "Alam mo na bang invited tayong lahat sa party ni Anna next week?" "Anna? next week? bakit? ano meron?" "Ay sus! inulit mo lang eh! Oo! welcome back party daw eh! di ba nga kasi kakauwi palang ng Paris ni Anna? Yung anak ng dean! Yung mahal ni Rod!! hehe." 'Yung mahal ni Rod?' 'Yung mahal ni Rod?' 'Yung mahal ni Rod?' Bakit parang natusok na naman ang puso ko sa sinabi niya? "uy! Czarina anu ba? tulala ka na naman oh! Pupunta ka ba??" Party? Siguradong pupunta si Rod para sakanya. "uy! ano ba!??" "H-ha? Di ko alam eh.. ikaw ba?" tanong ko sakanya. "Syempre naman! Gusto kong masaksihan silang dalawa ni Rod! hehe. naku, tyak bagay na bagay sila sa mga suot nilang party dress! si Rod naman tyak escort ni Anna eh di ba?" sabi niya habang kumakain pa ng icecream. Naiinis ako dahil bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa mga pinagsasabi niya. "ah--oo nga.  bagay nga sila...sige una na 'ko." "Oh oh.bakit parang nawala ka sa mood?" "Ha? hindi ah.hehe sige una na 'ko." Nagpaalam na ko kay Lorraine at nagpatuloy na sa paglalakad. Naasar ako sa sarili ko dahil naapektuhan ako sa mga sinabi niya tungkol kila Rod at Anna. Bagay sila? Siguro nga.  haay. Bakit ba kasi ganito nararamadaman ko?  Siguro nga gusto ko na siya pero mawawala naman to di ba? Tingin ko hindi naman to seryoso eh!  Siguro nakakatuwa lang talaga siya kasama minsan kaya namimiss ko? Ang gulo! Pero bakit ba ako ganito ka apektado? Nakakainis. ngayon ko lang naramdaman to. Patuloy lang akong naglalakad habang kung anu-ano ang iniisip. Di ko namalayan na napunta na pala ako dito sa may garden ng university. Hays.Maling daan. Para kasi akong nawala sa sarili.  Makabalik na nga. "Then tell me why!? Damn it!" Babalik na sana ako pero may narinig akong nagsalita mula sa may garden. Pamilyar ang boses ng nagsalita. "Anong dahilan ha??" Dagdag niya pa. Sumilip ako mula sa may gilid ng pader para tignan, at nakita ko na nga kung sino. Hindi ako nagkakamali..Yung boses.. si Rod nga. Pumasok na pala siya? Kelan pa? Bakit di siya nagklase?  Napangiti ako dahil nakita ko ulit siya.  Mabibigay ko na 'tong gamot. Ay teka,galing na nga siya di ba?? Bakit bibigay ko pa?? Absent-minded na talaga ako. Pero bakit ba siya nandito sa Garden? Sinong kausap niya? Hindi ko kasi kita mula sa pagkakasilip ko dito sa may pader. "Gusto mo talagang malaman?' Narinig kong sagot ng kausap niya.  Parang pamilyar din ang boses ng nagsalita. Parang kilala ko na din. Sumilip ako at nakita ko na si Anna nga ang kausap niya. Bakit kaya sila magkasama? "Simple lang---," dagdag pa ni Anna. Ano kayang pinaguusapan nila? "---HINDI NA KITA MAHAL, ROD." Nagulat ako sa sinabi ni Anna. Humigpit ang pagkakahawak ko sa gamot na nasa kamay ko. Tama ba ang narinig ko? Tumingin ako sa reaksyon ni Rod para malaman kung tama nga ba ang narinig ko, at hindi ako nagkamali. Naging maliwanag ang lahat ng makita ko ang mukha niya... ang mata niya.. Nakikita ko ngayon...NASASAKTAN SIYA. NASASAKTAN SI ROD.  Tama lang bang makita ko 'to? "H-hindi. hindi totoo yan. ha ha. Kailan ka pa natutong magsinungaling?" Sagot ni Rod na may garalgal na boses. Alam kong nasasaktan siya pero pinipilit niyang huwag ipakita. pinipilit niya pang makapagsalita ng maayos. Yung malokong Rod na kilala ko.. Yung laging nakatawa at nakangiti ng mapangasar.. Parang hindi siya ang nakikita ko ngayon. "It's true. Kung mahal kita, bakit kita iiwan di ba?" Sagot ni Anna at tumalikod na siya kay Rod. Tama na... Masakit na lahat ng sinasabi niya. Hindi ka pa ba aalis Rod?? Papakinggan mo pa lahat ha? Wala ka bang pakiramdam?? "Hindi totoo yan. Sabihin mong nagbibiro ka lang Anna.Please." Pinigilan niya si Anna at niyakap ito mula sa likod. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Bakit kailangan niya pang magmakaawa?? Gusto ko nang umalis dahil hindi ko alam kung tama bang mapakinggan ko ang mga ito, pero hindi ko magawa. Nagaalala ako sakanya. Nagaalala ako sa damdamin niya. "Damn, Rod!" Inalis ni Anna ang pagkakayakap ni Rod sakanya at muling humarap dito. "Can't you see it? Can't you feel it?? I'm pushing you away Rod! I did all my best to make you stay away from me! I even asked Simon to make you leave me! At totoo ang sinabi niya! I left this country and went to Paris because of you! It's because..you're too irritating...--"  Ano bang sinasabi niya?? Hindi niya ba alam na nasasaktan na si Rod sa mga sinasabi niya?? "--And it's because, I'VE FALLEN OUT OF LOVE WITH YOU. Yes, you've heard it all. Now it's time for me to go Rod. " "No..Please.." Pagmamakaawa pa ni Rod .Pinigilan niya si Anna at hinawakan ito sa wrist niya. Kitang kita ko sa mga mata niya na mahal niya talaga si Anna. Nasasaktan ako. "Rod, LET.ME.GO. Don't be such a NUMB. Hindi mo pa ba ramdam? Accept it. Bye."  "Oh by the way, you're invited at my party next week." Bakit ganon siya? Nakayanan niyang makasakit ng iba. Bakit parang wala lang sakanya? Hindi niya ba minahal si Rod? Tuluyan ng umalis si Anna. Napasandal ako sa may gilid ng poste sa may pader kaya hindi niya ako napansin. Tinignan ko si Rod at nakita kong yumuko lang siya habang ngumingiti ng pilit. Ang bilis ng t***k ng puso ko... Ang bigat ng pakiramdam ko... Nasasaktan ako para sakanya.  Naiinis ako dahil nagmumukha na siyang tanga. Naiinis ako dahil nagmakaawa siya. Naiinis ako dahil parang ang manhid niya.. Hindi niya ba alam na sinasaktan na talaga siya ni Anna? Hindi niya ba alam na ayaw na talaga nito sakanya? Kailangan niya pa ba talagang gawin iyon? Akala ko ba halos lahat ng babae may gusto sakanya? Bakit si Anna pa? "Tsh."  narinig kong sinabi niya. Napatingin ulit ako sakanya na ngayon ay nakayuko pa rin at nakita kong nakangiti parin siya ng pilit. Tumingala na siya na para bang may pinipigilang malaglag mula sa mga mata niya. "F*ck. ha--ha" Narinig ko ulit na sinabi niya. Tumawa siya ng pilit. Huwag mong pilitin kung hindi mo kaya.. "Ako manhid?" He then smiled again sarcastically "Hindi naman ako MANHID..ayoko lang talaga ipakita.. alam ko naman e..alam ko Anna. "  nagsalita siyang magisa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa narinig kong sinabi niya. Alam kong masakit talaga ang nararamdan niya.. Tumingin siya sa ibang direksyon at nakita kong may pinunasan siya sa mukha niya. Pagkatapos non, tumatawa siya ulit na parang tanga, para itago lahat ng sakit na nakikita ko naman.. Maglalakad na siya pabalik dito sa direksyon kung nasaan man ako. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung paano magtatago. Parang nanigas ang mga paa ko.. Hindi ako makaalis mula sa sulok dito sa may pader... hanggang sa nalaman ko nalang.. Nakita niya na pala ako.. Napakabilis ng t***k ng puso ko. Ayokong malaman niya na nakita ko ang lahat.. na narinig ko lahat. Ano nang sasabihin ko sakanya? Ayokong kaawaan niya ang sarili niya. Nagkatinginan kaming dalawa.. Nakatingin lang ako sa mga mata niya.  Namumula ang mga ito.. Kita ko rito ang sakit na nararamdaman niya.. Bakit ka ba ganyan?  Ganyan mo ba talaga siya kamahal? Eh ako?  Bakit ako ganito kaapektado sa'yo? Seryoso na ba talaga 'tong nararamdaman ko? To be continued.. *******  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD