******
Chapter 21- What for?
******
Nakatingin sa akin ang mapupula niyang mga mata.
Ilang segundo rin kaming nagkatitigan.
Ang t***k ng puso ko, mas lalo pang bumilis nang dahil sa talim ng titig niya.
Pagkatapos, inialis niya na ang tingin niya at nilagpasan na ako't nagsimula ng maglakad.
Gusto ko umakto na para bang wala akong nakita o narinig kaya naman sinundan ko siya sa paglalakad at kinausap na para bang walang problema.
"A-ah, oh Rod, Nakapasok ka na pala? Musta na?"
Tanong ko sakanya. Hindi siya sumasagot at patuloy pa rin sa paglalakad.
Gusto kong magpapansin, gusto kong mabago ang mood niya, at ibahin kung ano man ang nasa isip niya.
"Hmm. Si Mamang kamusta na? Galing na ba siya?"
Sabi ko pero hindi niya parin talaga ako pinapansin.
ano ba ko dito? Multo?
"Huy ano ba?!"
Tawag ko sakanya sabay kalabit sa likuran niya.
"BAKIT BA!!??"
Nagulat ako sa sagot niya.
Sinigawan niya ako at mukhang galit siya. Siguro, nakukulitan na talaga siya sakin.
Napatulala lang ako at hindi nakasagot. Lumingon na ulit siya sa harapan at nagpatuloy ulit sa paglalakad.
Nang makabalik na ang pagiisip ko mula sa pagkagulat, nagsalita ulit ako na para bang hindi naapektuhan.
"Yung tutorial? Paano na? Saka yung..yung sinabi mong tulungan kita sakanya?"
Ayssh. mali. bakit ko pa ba tinanong yon?
Nakakainis. Tanga ko.
Napahinto ulit siya sa paglalakad at lumingon ng bahagya sa likuran.
"Forget it."
Tipid niyang sagot.
Bakit? Ano nang balak niya?
Magmumukmok?
Magluluko?
"So ano na? Magkukulong ka sa bahay? Di ka ulit papasok ng ilang araw? magpapakalasing ka?? Ganun ba? Hindi naman siya hangin na kapag nawala ikamamatay mo! Hindi lang siya ang babae sa mundo Rod!".
Alam ko, masyado na kong nakikielam sakanya.
Ayoko lang naman kasi siyang makitang ganyan.
"BAKIT KA BA TALAGA NAKIKIELAM HA!? KUNG MAY GUSTO KA SAKIN ITIGIL MO NA! HUWAG MO KONG PINAGSASABIHAN DAHIL ALAM KO!!! KAYA NGA TITIGIL NA DI BA!?? Alam ko naman! sh*t! "
Para akong nanigas mula sa kinatatayuan ko.
Sobra akong nabigla sa mga sinabi niya.
Sobra din akong nasaktan. Alam ko, kasalanan ko naman eh.
Hindi ko dapat siya ginugulo.
Hindi ko siya dapat pinapakielamanan.
"I give up on her." dagdag niya pa. "Ano? Nakakatawa di ba? Mukha akong tanga. Bakit di ka tumawa?"
Nakatitig pa rin siya sa akin, galit siya.
"Kuntento ka na? "
he smirked.
Tumalikod na ulit siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakatitig lang ako sa likod niya habang pinagmamasdan siyang makalayo.
Pakiramdam ko, may tutulo mula sa mga mata ko.
Napayuko ako at nakatingin lang sa sahig.
"Bakit naman ako tatawa kung alam kong nasasaktan ka? Oo, TANGA ka..Pero, alam mo? MAS TANGA ako dahil gusto na yata talaga kita..pero huwag kang mag-alala, malay mo bukas, HINDI NA.."
Bulong ko sa sarili ko.
Nakakainis. Bakit ko ba nararanasan to?
Ano nga bang pakielam ko sakanya? Bakit iniintindi ko siya?
Tahimik ang buhay ko, tahimik ang puso ko bago ko siya makilala. Bakit kailangang maramdaman ko to?
Pagtingala ko, isang soccerball ang sasalubong sakin.
at sa huli, tinamaan rin ako.
Tinamaan ako sa dibdib ko.
Napaupo ako at dahil dito, tuluyan nang tumulo ang luha ko.
"Ang sakit..*sniff* bakit ang sakit? Ganito ba talaga?"
Umiiyak ba talaga ako dahil sa bolang tumama sa dibdib ko?
"Sorry Miss." lumapit sakin yung lalakeng may-ari ng bola. "Sa susunod kasi umiwas ka para di ka tamaan, at para di ka masaktan. MASAKIT talaga yan kapag TINAMAAN."
Natawa ako sa sinabi niya.
Oo nga naman? Bakit hindi ko naiwasang hindi tamaan?
Kung naiwasan ko siguro, baka hindi ako nasaktan?
"Mahirap iwasan ang isang bagay na hindi mo alam na darating pala..especially, when you least expect it."
sagot ko sakanya.
Oo, hindi ko naman talaga inaasahan.
Hindi ako nakapaghanda.
Hindi ko naman alam na magkakagusto pala ako sa isang mokong na tulad niya.
"Gag* ka ba? Bakit sinisisi mo pa siya na hindi nakaiwas eh ikaw na nga nakatama ng bola ha?!"
Nagulat ako sa bigla niyang pagdating.
Bumalik siya?
Si Rod. Oo, bumalik siya.
Tinulak niya sa dibdib yung soccer player at sinita ito.
"S-sorry. sorry talaga Miss!"
sabi nito sabay takbo.
"Tss. Mag-iingat ka rin kase."
Sabi niya sakin habang inooffer niya yung kamay niya para itayo ako.
"kaya ko."
sagot ko at tumayo akong mag-isa.
"oh. punasan mo yang luha mo."
inaabutan niya ako ng panyo.
"Meron ako."
sagot ko sakanya at inilabas ko ang panyo ko.
Pinunasan ko ang luha ko habang nakayuko.
Bakit ba kasi ako naiyak? Tss.
"Umiiyak ka ng dahil lang sa bola??"
"Bakit ba!? Masama bang umiyak??"
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sakanya.
"Ano bang problema mo??!"
Sagot niya.
"Oh guys! Anong problema??"
sabay kaming napalingon ni Rod sa nagsalita.
Si Lorraine, nasa gilid namin at kasama ang iba pa naming mga kaklase.
Bakit sila nandito?
"A-ah.hehe.w-wala. Bakit kayo nandito?"
sabi ko.
"Paalis na. Magccutting classes hehe. tara sama kayo!"
yaya niya.
"H-huh? Bakit naman? Bakit kayo magccutting?"
nagtataka kong tanong.
"Aysh. sabi na nga ba hindi mo alam eh. Tss. nakakatampo ka na Czarina. Kaya pala hindi mo ako gngreet kanina!"
Sabi nya habang nakapout pa at parang nagtatampo.
Bakit ano bang meron? Birthday niya?
"Birthday mo?"
"Uh-huh." sagot niya.
"Ah hehe. Sorry. Happy Birthday."
sabi ko at saka ngumiti ng pilit.
"Nako nako. walang sorry sorry. tara sumama kayo ni Rod samin at mag-iinuman tayo.hihi.teka pala, bakit magkasama kayo??" tumingin siya sakin ng nakakaloko. "joke. anyways, tara na!"
yaya niya sabay hila sa kamay ko.
"Naku, inuman? Di ako pwede eh."
sagot ko naman.
"Ayoko. Kayo nalang."
nalingon naman kaming lahat sa biglang pagsagot ni Rod ng seryoso.
"Nako Pare, walang ayaw ayaw. tara na"
sabi nila Ken sakanya sabay akbay.
Si Nathan nga pala bakit hindi nila kasama?
"Oo nga Rod. Naku, di ka naman siguro KJ di tulad ni Nathan di ba? weheh. Lezzgo"
Sarcastic na sabi ni Lorraine.
So, hindi pala sumama si Nathan.
Wala na kaming nagawa kundi ang sumunod.
*******
"Pwahaha. talaga? sinulatan niyo pwet ni Ken nung camping nung highschool?pwahaha"
sabi ni Lorraine.
"Oo.hahaha.nagdrawing kami ng utak gamit ang pentel. Left brain, then Right brain.ayos di ba?wahahaha"
sabi naman ni Stephen.
"oy. Gag* Stephen wag kang bangkero!" sigaw ni Ken saknya.
"So ewww.luhh?" sabat naman ni Tina. Kasama nga pala to. Nagtataka nga ako kung bakit sumama siya. Sumunod siya samin dito sa bahay nila Lorraine. wala yung parents ni Lorraine kaya naman pala malaya siya.
Kanya kanya silang usapan.
Inuman. Tawanan.
Ako naman, iced tea lang ang iniinom ko. Ayoko talagang uminom ng alak kahit pa kanina pa nila ako inaaya. lahat kasi sila uminom. ngayon lang naman daw kasi at uuwi rin naman kami agad ng maaga.
OO, maaga 'daw' pero alas otso na.
=___=
Tinignan ko silang lahat, at yung iba, bagsak na.
Paano kaya sila makakauwi?
"hahaha.talaga Pare? ayos. San mo naman nakilala yung chic na yun?hahah."
napalingon ako sa taong nagsalita na kanina pa tawa ng tawa sa may corner ng table.
Si Rod, kausap niya naman si Ken.
Ayos din tong mokong na to eh.
napakaBIPOLAR niya talaga. =____=
tawa siya ng tawa.
"HAHAHAHA.OY PARE KWENTO KA PA! HOY KEN!"
nakatulog na si Ken na kanina niya pa kausap.
"Ay leche. tinulugan ako." bulong niya sabay inom ulit ng beer.
"Papa Rod *hik* baka masobrahan kaaa*hik* *tok*"
sabi ni Tina na sa ngayon ay lasing na lasing na din at tuluyan na ngang napatumba sa may table.
"wala to. kaya ko to.hahah. sarap nga eh.ayossss."
lasing na talaga tong mokong na to.
anong klaseng pagkukunwari yan? Tawa siya ng tawa na akala mo walang problema.
Hay na ko. bahala nga siya.
Maya-maya pa, bumagsak na rin ang ulo niya sa may mesa.
Nakatulog na rin siya ata siya.
Lahat sila nakatulog na. Kami nalang ni Lorraine at natirang gising.
Hindi naman kasi ako uminom kaya hindi ako nalasing, si Lorraine naman, lasing na din pero kaya pa ata.
"Cza, tara inom ka na. Feel ko may problem ka eh *hik* Go shot na! hihi. *hik*"
"Ha? Ako? W-wala ah. Bakit mo naman nasabi?"
"Wala lang.hehe.*hik* iba kasi aura mo saka--saka kita ko sa mata mo.weheh.*hik*"
"Ganon na ba ako kahalata?"
tanong ko sakanya.
"So meron nga?hahah."
natawa naman siya dahil umamin ako.
"iinom mo na yan. shot na oh.haha" sabi niya habang inaalok sakin ang isang baso ng vodka.
Subukan ko kaya? Ngayon lang naman saka isa lang.
"eh kasi.."
nagdadalawang-isip pa rin ako.
"Nako, shigi na. birthday gift mo sakin *hik* meheh"
"Aysh.sige na nga."
kinuha ko na yung vodka na inaalok niya at saka ininom.
napangiwi naman ako dahil sa tapang nito. Pero maya maya lang, nagustuhan ko na rin kaya hindi namamalayan na marami narin pala akong naiinom.
"Alam mo ba-" bigla siyang nagsalita. "gusto ko si Ken pero hindi niya ako pinapansin, at ang masakit pa, may mahal siyang iba. Masakit di ba? ha ha ha."
Nagulat ako sa pag-amin niya. Siguro, ngayong lasing lang siya nagroon ng lakas ng loob para sabihin ang mga iyon.
Sa kabilang banda, naiintindihan ko siya at nasasaktan ako para sakanya.
"gets mo ba ko? hahaha.hindi naman ata eh."
dagdag niya pa.
aysh, ang sakit na ng ulo ko. Lasing narin ata ako. Pakiramdam ko, may mga bagay sa puso ko na gusto kong ilabas. nag-iinit din ang katawan ko. ganito ba talaga kapag nakainom?
Yung tipong, wala nang pakielam sa mga ginagawa at sinasabi.
"Ano ka ba. gets kita. Masakit nga. Ganito pala yun? ha ha"
sagot ko naman sakanya.
High na ata ako.
"So, ibig sabihin pareho tayo ng nararamdaman?"
Nabigla ata ako sa sinabi ko. Hindi ko siya sinagot sa tanong niya.
"ay nako Cza, sabi ko naman kasi sayo..wag nalang si Rod ang gustuhin mo."
O______O
Nakapikit ako dahil masakit na ang ulo ko, pero nang marinig ko yung sinabi niya, biglang nalaki ang mga mata ko.
B-bakit niya alam?
"ha ha ha. ano bang sinasabi mo jan? p-pano mo naman nasabe?"
pasimple kong tanong sakanya.
"asus.halata naman sa mga titig mo sakanya.*hik* tulad nalang kanina sa Garden wehehe."
>____"Gusto mo noh? weheh *hik* aminin mo na Cza. tayo lang naman gising eh.ha ha"
tinignan ko ang mga kasama namin. Tama siya, tulog na nga lahat.
Ano nga bang mawawala kung magiging totoo ako ngayong gabi?
"Oo na. Oo na. Naiinis nga ako..dahil hindi ko alam kung bakit o pano? Kung kelan o sa anong paraan man ako...nagkagusto sa mokong na yon..ewan ko ba..bakit ganon? ginayuma ata ako nang lokong yon. ha ha. wag kang magulo Lor--"
Pagtingin ko, tulog na rin pala ang kausap ko at humihilik pa.
Pero mabuti na rin iyon, hindi niya pala narinig. Hindi ko na ulit uulitin yung sinabi ko na yon.
Wala dapat makaalam.
"hay, mga tulog na. Pano kayo uuwi nyan?"
sabi ko.
*blag*
napatingin ako bigla sa kung ano man yung nahulog. Pagkita ko, ung baso pala ni Rod na nasa gilid niya sa table kanina..
teka..
O_____O
Nasagi niya??
Gising ba siya??
Kanina pa??
Narinig niya ba??
Unti-unti niyang iniangat ang ulo niya mula sa pagkakayuko at tumingin sa akin.
"Ah eh. naiihi ako. C-cr lang ako."
O___O?
Sh*t sh*t sh*t!
Ano ba? Narinig niya ba?
Tumayo na siya at aalis na dapat nang humarap ulit siya sakin.
"A-ah.hindi na pala ako naiihi. Tara, uwi na tayo."
yaya niya.
**********
Napaka-awkward ng atmosphere saming dalawa ngayon.
Naglalakad kami sa may Village nila Lorraine papunta ng Main gate. Hinihintay ako ni manong mario sa labas ng gate para sunduin. Hindi kasi siya pnapasok ng guard don kasi wala siyang passes as home owner.
Yung iba, naiwan sa bahay nila Lorraine.
Magkatabi kaming naglalakad pero nakatingin kaming dalawa pareho sa magkabilang direksyon.
Kinakabahan ako na hindi ko malaman.
Alam niya ba? bakit ang tahimik niya?
Napansin kong bigla siyang napahinto sa paglalakad. napatingin ako sakanya at nakita kong nahawak siya sa ulo niya.
"Nahihilo ako."
sabi niya, at maya-maya pa ay gumilid siya sa may pader at sumandal dito.
"Oh? ayos ka lang?" Tanong ko sakanya. "T-teka teka, tatawagin ko lang si Manong Mario ha?" sabi ko sakanya.
aalis na sana ako para humingi ng tulong ng bigla niya akong hilahin sa kamay ko.
"Kate...sandali lang."
sabi niya.
Matagal tagal narin pala simula nung huli kong marinig na tawagin niya ako sa pangalan ko.
Bakit..
parang ang sarap pakinggan?
"Bakit?" Tanong ko sakanya. Nakatingin siya sa may sahig.
"Yung kanina--" Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"a-anong kanina?" tanong ko.
ayssh. ano bang tungkol sa kanina?
Sana hindi yung iniisip ko.
>__"Yung sinabi mo--" humarap siya sakin.
shemay. Mas bumlis ang t***k ng puso ko.
Sh*t.
"--Sino yung tinutukoy mo..yung gusto mo?"
O__________O
Ibig sabihin...
Narinig niya?
"A-ah. huh?? Ano ulit?" Para nakong tanga na hindi makapagsalita ng maayos.
*dugdugdug*
"Ah-ay, tumatawag na si Manong Mario..mauna na ko"
Pinakita ko ang cellphone ko para narin maiba ang usapan. Pagkatapos, nagmamadali na kong tumalikod sakanya.
Pero..
Bigla na naman niya akong hinila at this time, isinandal niya ako sa may pader at nasa harapan ko siya.
O//////////O
Yung mga kamay niya,nakahawak sa may pader at nakapagitan sa akin.
Nasa magkabilang gilid ko.
"Alam mo, mabait ka naman eh.. suplada ka nga lang talaga minsan..hehe."
sabi niya pagkatapos ay ngumiti sakin.
Yung ngiti na iyon, it's a real one.
Matagal ko naring hindi nakita ang ngiti niyang yan.
Dahil don, pakiramdam ko namula ako.
Ang lapit rin kasi ng mukha niya sa mukha ko.
Amoy na amoy ko ang beer sa hininga niya.
Para na siyang tutumba sa harap ko kaya bigla nalang nagkadikitan ang mga ilong namin.
O//////////O
"T-tabi nga."
tinutulak tulak ko ang dibdib niya para umalis sa harapan ko.
"Sagutin mo muna? Sino yon?"
Nakakainis, ang kulit niya.
"ha ha." I faked a laugh. "Y-yung 'mokong' ba kako na gusto ko? Sus, wala yon. di mo kilala."
Sh*t talaga. sana maniwala siya.
"Ah baka nga nagkamali lang ako ng rinig.." bulong niya sa sarili.
Bakit parang nadisappoint yung mukha niya?
"bakit , akala mo ba ikaw? ha ha."
Pagkukunwari ko.
Hindi niya nakasagot. Parang napahiya ata siya sa sinabi ko.
"Ah hindi ah. ha ha."
sagot niya.
Pagkatapos, natanaw namin na may liwanag na parating. Yung kotse ko, padating.
Nandyan na pala si Manong. Pinapasok na rin siguro siya ng guard kahit walang passes.
Baka nagalala na siya kasi ang tagal kong dumating.
"Sige. Nandyan na pala sundo mo."
Nagsimula na siyang maglakad paalis at iniwan na ko don.
"Hindi ka ba sasabay?"
Tanong ko sakanya.
Tinaas niya lang ang kanan niyang kamay habang nakatalikod.
Ibig sabihin, 'wag nalang'.
Pinagmasdan ko ulit ang likod niya.
Lagi naman, lagi ko lang naman siyang tinitignan mula sa likod.
"Bakit Rod, Kapag sinabi ko ba na gusto kita, may mababago ba?"
Bulong ko sa sarili at natawa ng bahagya.
Oo. wala naman di ba? Walang mababago.
why would I even bother?
Para san pa?
Mahal mo parin naman siya. Hindi ba?