******
Chapter 22- What's with him? O_o
******
Ilang araw na ring hindi nanaman pumapasok si Rod.
Hay. ganito nalang ba siya lagi? Ano kayang ginagawa niya?
Second subject na at wala pa rin siya, so ibig sabihin hindi na naman siguro siya papasok ngayong araw.
Hindi pa dumadating yung Professor kasi baka absent na naman, kaya naman nagsilabasan muna yung mga classmates ko.
Napa-kalumbaba nalang ako dito sa may desk ko habang iniisip siya.
"Ano naman kayang balak nung lalakeng yun?"
Iniisip ko kung anong posibleng ginagawa niya ngayong hindi naman siya pumapasok.
Nang may bigla naman akong naalala, napayuko nalang ako sa desk ko at napapadyak ng bahagya sa sahig.
Hindi niya kaya talaga narinig yung sinabi ko kay Lorraine??
Hindi kaya narinig niya tapos kaya hindi siya pumapasok kasi awkward at iniiwasan ako??
O baka naman narinig nga kaya kinikilig masyado kapag nakikita ako??
XD
Waah! Baliw. Kung anu-ano na naman ang naiisip ko! Hayst!
'Di niya narinig yun'
'Di niya narinig yun'
'Di niya narinig yun'
Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko pero may biglang sisingit na thoughts.
'Hala ka, narinig niya yun.'
'Oo, lakas ng boses mo eh'
'Haha.shunga mo kase!'
Argh! >___"Oh pare! Long time no school ah haha.what's up man!?"
si Ken yung nagsalita. Hindi kaya, si Rod na yung kausap niya??
Automatic na umangat yung ulo ko ng mabilis para tignan kung sino yung bagong dating, at sa sobrang "excitement" eh di ko namalayan nakangiti pala ako, pero..
Hindi pala siya.
Si Chino pala na isa din naming classmate yung dumating.
Waaah! Paasa yun ah! Akala ko si mokong na talaga! Psh.
Yumuko nalang ulit ako sa may desk ko.
"Ano ba yan! Magdrop ka na nga lang kung di ka naman papasok! Tch!"
Sigaw ko habang naka-ubob. Hayaan ko na kung marinig man ako ng mga classmates ko.
Asar! Wala na ba talagang balak magklase yung lalakeng yun!? Kainis! Makapunta na nga lang muna ng canteen! Bibili ako ng juice.
Bigla akong tumayo sa seat ko ng may sumalubong sa harapan ko..
O_____O
"Missed me?" He smirked.
Nakatayo siya sa harapan ko. Malamang, seatmates nga di ba kami kaya pagtayo ko nasa harapan ko siya.
Di ko alam kung matutuwa ako dahil nakita ko na ulit siya at pumasok na siya ulit, o maiinis na kikiligin dahil sa sinabi niya.
>/////"HA HA. Wow ah. Bakit naman kita mamimiss? Teka, umabsent ka ba? Ay oo nga noh! Absent ka nga pala. Di ko napansin.."
Yan ka nanaman Czarina! Denial Queen!
Eh sa nahihiya ako eh . Alangan namang sabihin ko :
'Oo Gag*! Lagi kaya kitang hinahanap!? Bakit ngayon ka lang!? Alam mo bang hindi ako makapagaral ng dahil sa'yo!?'
Haha. Kaso syempre ayoko nga.
"Sus, naiinis ka nga ata diyan dahil hindi ako pumapasok eh.HAHA.Don't worry Babe dito na ko" He smirked again.
>////////////////"H-ha ha. K-kapaaal! Si Lorraine yung tinutukoy ko! Diyan ka na nga! Dapat di ka na pumasok!!"
Pakunwari akong relax na relax na palabas ng pinto, pero ng makalabas na ko ng room, agad-agad akong tumakbo papunta sa may gilid.
Phew! Nauutal lagi ako ng dahil sakanya! Waah. Sobra akong kinabahan don. Narinig na naman ako! Bakit ba kasi tong bibig na to hindi ko mapigilan!? Tch.
Pero syempre joke lang yung sinabi ko kanina, sana nga di na siya umabsent ng madalas.
Lagi nalang sana siyang pumapasok para hindi nagugulo ang utak ko. Haayyy. Makapunta na nga ng canteen.
Pero sandali lang, bigla kong naisip, bakit parang ang ganda ata ng mood niya ngayon?
Okay na kaya siya? Sana nga. Sana tanggap niya na.
Masaya ako kapag lagi siyang ngumingiti at bumabalik na sa normal, kahit pa mukha parin abnormal lalo na kapag binubwiset ako. Pero namiss ko talaga yung pagkamokong niya ah.
Di ko maiwasang hindi mapangiti.
"Miss, Ano kako order mo?"
Nagising nalang ako mula sa mga iniisip ko n biglang nagsalita yung vendor dito sa canteen.
"Ah.Sorry. hm. Orang Juice nalang po."
sabi ko.
"Me too. I want an Orange Juice please."
Napatingin ako dun sa kung sino man ang nagsalita sa may tabi ko na umoorder dito.
Medyo nabigla ako kasi siya pala. Nakatingin siya sakin at nakangiti.
Si Anna.
Nandito pala siya ngayon sa University.
"Oh Hi. Czarina, Right?"
Tanong niya sakin habang inooffer yung hand niya.
Di ko alam ang irereact ko kasi hindi ko siya feel kausap dahil naiinis ako sakanya. Naiinis ako dahil sinaktan niya si Rod, pero di ba dapat matuwa na rin ako dahil wala na silang pag-asang dalawa?
Tama, medyo natutuwa nga ako. Ang sama ko ba?
Ngumiti nalang ako ng bahagya pero hindi inabot yung hand niya para makipagshakehands, sa halip, bigla kong kinuha yung drinks koo.
"Yep. Czarina nga."
I said tapos uminom ako.
"Oh, gotta go. May class pa kami." sabi ko ulit then lalayasan ko na sana siya ng bigla ulit siyang nagsalita.
"By the way, Hope you could tomorrow at my party."
sabi niya habang nakatalikod na ako sakanya. Oo nga pala, bukas na nga pala yon. ang bilis ng araw.
Ano bang isasagot ko?
Humarap ulit ako sakanya at nagsalita.
"I hope so too. Not sure eh. I'm kinda lazy attending parties like that."
Di ko alam pero sa tingin ko nagiging rude na ko sa pagsagot sakanya.
"Oh well, is that so? I think I shouldn't worry because requirement niyo naman yun di ba? It's a part of your project."
Tch.Oo nga pala. Malaking part ng grade namin yun nanirequire ng dean, whose daughter is Anna.
She smiled tapos umalis na. Is she being sarcastic? Tch.ewan ko sakanya.
Bumalik na ko sa room. Nakita ko si Rod sa may corner ng room na tumatawa habang kausap sila Ken.
Okay na kaya talaga siya? Saka, pupunta kaya siya bukas?
Umupo na ko ulit sa seat ko ng biglang dumating si Lorraine.
"Uy ano Cza? Punta ka?"
"Ha? san?"
"Dun nga sa welcome back party ni Anna. Ay nga pala, balita ko.Despedida na rin yun. Aalis na rin ata ulit eh. "
sabi niya.
"Ah.Talaga? Hm."
Tanong ko sakanya.
"Ano na? Tara na please! Samahan mo na rin ako. Dito lang naman gaganapin yun eh. Parang simpleng party lang pero semi-formal dress dapat."
*sigh*
May paganun-ganun pa?
Sabagay, wala naman akong gagawin bukas. Wala naman sigurong mawawala kung aattend ako di ba? At isa pa, chibog to the max din yun! :D
"Eh ano pa nga bang magagawa ko? Ang kulit kulit mo."
Sabi ko sakanya pero sa totoo lang habol ko rin naman yung pagkain.Wehehe. Nakakasawa na rin kaya niluluto ng mga katulong namin sa bahay.
"Yay!~ Haha. Eh nga pala, May isusuot ka na ba?"
Tanong niya.
Oo nga pala, mukhang wala akong semi-formal dress na kakasya sakin ngayon. >_____"Ay, wala nga ata eh."
Sagot ko sakanya.
"Edi tara! Hindi na naman ata papasok yung Professor natin eh! Bili nalang tayo ngayon sa Mall."
"Sus! Gagastos pa ko para dun. Ay oh sige, dahil ikaw naman nag-aya, libre mo nalang ako. ^___^V"
"Hala! Naku Cza, wala akong extra money eh hehe."
"Hmp. Ganyan ka naman lagi eh!
*pouts*
May pera naman ako, gusto ko lang siya asarin.hehe.
"Sige, Ako nalang magttreat sa'yo Cza. You want?"
Napalingon ako dun sa nagsalita, napangiti naman ako kung sino iyon. Si Nathan pala.
Medyo namiss ko rin siya ah. Ilang araw din pala siyang hindi pumasok. Bakit kaya?
Nakangiti siya sakin.
"Oh Nathan! Musta ka na?! Namiss kita ah! Bakit ngayon ka lang?"
Ngiting-ngiti kong bati sa kanya habang pinapalo-palo yung braso niya.
"Hehe.Talaga namiss mo ko? Ayos ah.Hm.For some business reasons lang."
Sagot niya naman habang napapakamot pa ng bahagya sa may ulo.
Ah, wow naman. Tumutulong na siya sa parents niya sa business nila.
"Asus.Kilig mats? wiwit!HAHA"
Tukso ni Lorraine sakanya. To talagang si Lorraine malisyosa.
"Naku Lorraine. Kaw talaga kung anu-ano sinasabi mo diyan!"
Sabi ko naman sakanya.
"Ayie.Tong dalawang to oh!KINIKILIG AKO SAINYO!!! WAHAHAH. IN FAIRNESS BAGAY KAYO CZA! NATHACZA! OHA!! Gusto mo ba si Nathan, Czarina!? AYIEEEEE!!!"
Hays! Ang ingay ni Lorraine! Nakakahiya sa mga kaklase namin.
Pero napansin ko namula si Nathan. Loko talaga si Lorraine, sabagay, di niya kasi alam kung sino talaga ang gusto ko.
Yung gusto ko? Alam niyo na.
"ANG INGAY MO LORRAINE!PSSH!!"
Napalingon kaming tatlo ng biglang may sumigaw mula sa likod.
O___o? SI ROD?
Problema nun?
"Aysh.Sunget naman non. Dati naman maingay ako pero di ako sinisigawan nyan! Inaasar ko lang kayong dalawa eh. KJ naman non.HMP."
Bulong samin ni Lorraine.
Bakit naman kaya ang sunget bigla non eh kanina ang saya saya. BIPOLAR TALAGA!
"Haha. Wag mo nalang pansinin yon." sabi ni Nathan, tapos ay mas lumapit siya samin saka bumulong."Baka meron ngayon.hehe."
"Hahaha."
Natawa naman kami ni Lorraine sa joke ni Nathan.
"Oh by the way, Tara?"
Yaya ni Nathan.
San naman kaya?
"Saan?"
Tanong ko sakanya.
"Sa mall. Samahan kita. I'll pick a dress for you. :)"
Bait niya talaga. Sasamahan niya ako? Teka, aattend din kya siya?
"Ow. Talaga? Sure! Pero wait, aattend ka rin ba?"
Tanong ko.
"Yup. So, let's go?"
Tumango naman ako which means 'YES' then tumingin ako kay Lorraine na para bang inaaya ko na rin siya pero tumingin na naman siya sakin ng nakakaloko.
"*cough* biglang sumama pakiramdam ko eh.Kayo nalang ha? Enjoy.hihi."
Tapos ngumiti na naman.
Binigyan ko lang siya ng loka-wag-kang-OA-at-nangaasar-look
Pano yon? Haha. basta ganon.
"Come on. Saang mall mo gusto? :)"
Tanong niya habang palabas na kami ng room.
"Ah, kahit sa may Star Ma--
"Oy Pare, Tara DOTA!"
Sasagot palang sana ako kay Nathan ng biglang humarang sa harapan namin si Rod, kasama sila Ken sa likod niya.
"Ah..eh, sorry. Sasamahan ko si Cza bumili ng dress ngayon"
Sagot ni Nathan sakanya.
"Dress? Pfft! So gay Pare haha. Nandyan naman si Lorraine. Wag mo na samahan yang si Kate, kaya na nila ni Lorraine yan."
Yaya niya ulit sabay akbay kay Nathan.
Epal niya talaga! Sus! Bumalik na naman ang dating Rod!
"Eh Pare, hindi talag--"
"Tara na. Kaya niyo na yan di ba Kate?"
Sabi ni mokong sabay tingin sakin at ngiti ng nakakaloko! Bakit ba ganito ngayon to?
Tch! Nakakainis. Sasamahan ako ni Nathan eh. Bigla naman siyang eextra.
"Ah, Oo Nathan. Okay lang. saka, di na pala ako bibili. Hindi pala ako nakapagdala ng cash saka meron naman akong dress sa bahay."
Sabi ko kay Nathan sabay ngiti ng pilit.
"Sure ka?"
Tanong sakin ni Nathan.
"Oo naman hehe. sige, una na kami."
Sagot ko tapos inaya ko na si Lorraine na umuwi na kami tutal wala naman na ngang Prof.
Nakita ko naman sila na palakad na palayo habang nakaakbay pa si Rod kay Nathan, tapos biglang lumingon ulit samin si Rod then he grinned at me. Bakit ba ganun yung mokong na yon?
Aysh!Kainis yun ah.
*******
Medyo natagalan kaming makalabas ng campus ni Lorraine kasi nagCR pa siya ng kay tagal tagal =____=
Ngayon, palabas na kami ng gate ng nakita ko si Ken na naglalakad sa kabilang side ng daan. Akala ko ba maglalaro sila??
"Ken!"
Tawag ko sakanya.
Tapos lumapit ako sakanya.
"Oh bakit Czarina?"
Nagtataka niyang tanong.
"Bakit ka nandito? Akala ko ba maglalaro kayo nila Nathan??"
Tanong ko sakanya.
"Ewan ko nga ba don kay Rod. Pagkalabas naman namin agad kanina ng campus eh biglang sinabi wag nalang daw pala. Tinatamad daw pala siya. Kaya umuwi nalang si Nathan, ayun, ewan ko nga ba dun. Bigla biglang nag-aaya tapos aayaw naman pala. Sige alis na ko."
sabi niya.
O__o? eh?
Anu yon? Nanira lang ng lakad ng iba!?
Problema nun!?