****
Chapter 12- Sudden Change
****
3RD PERSON'S POV
A few minutes ago..
Hinatak ni Rod palayo ng crowd si Anna, samantalang naiwan namang mag-isa si Czarina sa lobby habang kinukutya. Alam ni Rod na nabigla siya sa ginawa niyang pagiwan sa ere kay Czarina, kaya naman hindi niya maiwasang maisip rin ito kahit saglit. Kaya lang, talagang mas mahalaga sa kanya ngayon ang mailayo si Anna at makausap ito. Matagal na kasi silang hindi nagkita at hindi nagkakausap dahil nga hindi sinasagot ni Anna ang mga tawag niya.
Umuwi si Anna dahil inutusan siya ng Dad niya na bisitahin ang factory nila. At isa pa, para na rin bumisita manlang sa university na iyon, na Mom niya naman ang dean.
"Rod, san ba tayo pupunta? Bitiwan mo na 'ko." sabi ni Anna habang hila-hila parin siya ni Rod sa wrist niya. Hindi naman siya pinapansin ni Rod.
"Rod, ano ba!?" kinalas na ni Anna yung kamay niya sa pagkakahawak ni Rod dahil nasasaktan na siya. Nabigla naman si Rod sa ginawa nito. Nakatingin lang siya kay Anna ng sobrang seryoso. Naiinis at nagagalit kasi siya dahil parang wala lang kay Anna kung sakali ngang may girlfriend na siyang iba. At isa pa, hindi nga kasi sinasagot nito ang recent calls niya.
"Ano bang problema mo!?" iritang tanong ni Anna sakanya.
"Mukhang okay lang sa'yo na maggirlfriend ako." mahinang sabi nito at napayuko.
Halatang may lungkot sa mga mata ni Rod.
"Of course, anong problema dun?" napatingin bigla si Rod sa sinabi ni Anna.
"Tch, talaga?" gustong kumpirmahin ni Rod kung totoo nga ba ang narinig niya.
"Oo naman." sagot naman ni Anna at ngumiti sakanya.
Bahagyang nasaktan naman si Rod ng dahil dito. Hindi kasi siya naggirlfriend simula nung umalis si Anna. Hinihintay niya kasi ang pagbabalik nito. Siya, at siya lang ang gusto niyang maging girlfriend. Pareho nilang gusto at isa't isa noon pero bakit ngayon, parang nagbago na si Anna sakanya at mukhang wala nalang siya para dito.
"Bakit nagbago ka?" tanong ni Rod habang ang lungkot-lungkot parin ng mga mata niya.
"Rod, nothing's permanent." parang tinusok naman ang puso niya sa narinig niya. Hindi niya inaasahang ganito ang magiging pakikitungo ni Anna sa kanya.
Bakit? Nakahanap na ba siya ng iba sa Paris? Naisip niya.
"Totoo ba.." humigpit ang kamao ni Rod.
"totoo ba'ng mga sinabi ni Simon, huh? Totoo ba?" tanong ni Rod sakanya. Ayaw niyang isipin na baka naiirita, nilalayuan at hindi nga talaga siya minahal ni Anna tulad ng nabanggit ni Simon.
"You know, Rod. I don't have time for this." sabi ni Anna at tatalikuran na sana siya nang pigilan niya ito.
"Sagutin mo muna ako.." pilit niyang pinapakalma ang sarili. Napasmirk naman si Anna at sumagot sa kanya.
"What if I say yes?" sabi nito.
Hindi alam ni Rod ang gagawin niya. Natahimik nalang siya. Biglang namigat ang dibdib niya at nanigas ang katawan niya.
Hindi. Hindi totoo ang sinasabi mo Anna. Naisip niya.
"Oh, insan! Nandito kana pala haha." nabasag ang katahimikan ng biglang dumating si Simon, ang pinsan ni Anna. Mas lalong humigpit ang kamao ni Rod sa pagdating niya. Halata namang nagulat si Anna sa pagdating niya.
"Musta na? Nasan na yung ipinangako mo?" tanong nito kay Anna habang nakangiti ng nakakaloko.
"I'll give it to you later, I promise." sabi ni Anna.
"Ay nako naman Anna. para tayong hindi magpinsan nyan ah? Promise na naman?! Akin na! Kailangan ko na eh. Sabi mo idedeposit mo sa account ko!" bulyaw nito.
"Will you please shut up?" inis na sabi ni Anna sakanya.
"Aba, Anna. Ikaw pa may ganang gumanyan ngayon? Psh! Tignan mo nga nangyari sa mukha ko dahil sa gagong yan!" bulyaw na naman nito habang nakatingin ng masama kay Rod.
"Ano bang problema mo ha!?" gusto nang sugurin ni Rod si Simon pero pinigilan siya ni Anna.
Si Rod naman, naguguluhan narin sa pinaguusapan ng magpinsan.
"Stop Simon! Oo na, ibibigay ko na talaga mamaya. Just give us a minute, okay?" sabi ni Anna.
"Madali ka naman palang kausap eh! Osige, hihintayin kita sa labas! Haha!" sabi nito at umalis na.
"I-I'm sorry. He's such a jerk." paghingi ng pasensya ni Anna kay Rod.
"I have to go, Rod." pinigilan ulit siya ni Rod.
Gusto talagang malaman ni Rod kung bakit ganito na si Anna sakanya. Ayaw niyang isipin na nagbago na talaga ang lahat.
"Bakit ka ganyan? Galit ka ba sakin?" tanong ni Rod sakanya.
"No, I'm not." sabi nito at saka lumapit sakanya.
"Bye, Rod. Nice to see you again." ngumiti ito at kiniss siya sa cheek niya.
Pagkatapos, umalis na ito at naiwan na siya don mag-isa.
Ano na bang nangyayari sakanila? Naisip niya.
*****