Enjoy~
****
Chapter 11- Who Is She?
****
CZARINA'S POV
"Cza.." tawag sakin ni Nathan. Nakaupo ulit kami ngayon sa swing.
"Uhmm?"
"Are you alright?" tanong niya. Nakwento ko na nga pala sakanya yung talagang nangyari kahapon.
"H-ha? A-ah, oo naman! Wala lang sakin yun 'no." sabi ko saka ngumiti sa kanya..ng pilit.
Totoo nga bang okay lang ako? Wala lang? Parang hindi naman. Iwanan ka ba naman sa ere? Tss. Sabagay, umpisa palang dapat inexpect ko na iyon mula sa isang mokong.
Nakakainis lang talagang isipin.
"Akala ko, muntikan ka ng maiyak kanina. Great to know na okay ka lang." nagsmile siya then ni-pat niya yung ulo ko.
"Huh? Ha ha. No, bakit naman ako maiiyak at maapektuhan dun?"
Muntik na nga ba akong maiyak? Di rin..
"Iniwan ka nalang niya basta-basta, ni Rod." sabi niya.
Huwag na huwag niya ngang mababanggit pangalan non.
"And I think, dahil biglang dumating si Anna." dagdag niya. So kilala niya nga yung Anna?
"Psh. Wala sa'kin yun. Well, advantage pa nga kasi nalinawan na na wala naman kaming ugnayan." sabi ko pagkatapos napa half smile siya at yumuko.
"Hindi. Ni wala nga kaming ugnayan nyan."
Naalala ko na naman yung sinabi niya at nakaramdam na naman ako ng inis. Tch.
"Uh, Nathan?" tawag ko sa kanya kaya napatingin ulit siya sa'kin. May gusto kasi akong itanong. Medyo nahihiya nga lang ako kasi baka sabihin niya nosy ko masyado, pero tinuloy ko na rin! Curiosity kills!
"Yes?"
"Who's Anna?" okay, pakapalan na ng face, tinanong ko na!
"She's our friend." nakangiting sabi niya. "Childhood friends kami nila Rod, and classmates until highschool. Pumunta na kasi siyang Paris." he added.
Teka teka, namimisteryosohan ako dun sa Anna na yun ah. Puro nalang kasi Anna Anna Anna ang naririnig ko! Ano pa ba siya ni jerk? Bakit ganon nalang siya makaakto? Hindi kaya, siya yung sinasabi ni Lorraine na gusto ni jerk?
Siguro nga, kaya nalang ganoon ang galit ni jerk dun sa Simon nung 'siraan' daw yung Anna.
Tss. Anyways, ano nga bang pakielam ko? Pinapasakit ko lang ulo ko.
"Ah.." tipid na sagot ko. Syempre, kunwaring hindi naman ganon kainteresado. Pero hindi naman talaga eh, curious lang ako, curious!
"Hmm. Yes, siya yung sinundo ko sa airport kaya hindi tayo natuloy sa pagtitreat mo sakin. Sorry." sabi niya habang mukhang nahihiya siya.
"No, okay lang. Hehe."
"Sabagay, nagenjoy ka naman ata kasama si Rod sa mall eh.Hehe." pangaasar niya.
"Type mo?" dagdag niya. Bigla naman akong napasimangot at natingin sa kanya ng masama.
"What!? Seriously, Nathan? Luh!" inirapan ko siya at natawa naman siya.
"Haha! Type mo si Rod 'no?" mas lalo niya 'kong inaasar. Kinagat ko yung labi ko na para bang naiinis at napipikon. Pero di pa naman masyado. Syempre, si Nathan naman 'to eh.
"Haha. Just kidding, Cza." natatawang sabi niya. Nangingiti na rin naman ako pero syempre kunwari galit. Nakakatuwa lang kasing makipagbiruan sa kanya.
"Just kidding ka dyan? Makapangasar ka ah. Tatawa na ba 'ko?" panloloko ko. Pagkatapos, tumayo ako at pumunta sa likuran niya habang nakaupo siya sa swing. Anong gagawin ko? Balak ko siyang itulak at iswing para malula. Walang magawa eh!
"Pwede rin. Hoho." nakikiride lang siya. "Bakit ka nandyan?" nagtataka siya nung nasa likod niya 'ko.
"Bakit? Pfft~ Para--" tinulak ko na yung swing niya.
"Woahhh!" nagulat siya at nalula! Haha.
"-itulak ka! Haha!" tawa ako ng tawa habang sinuswing siya.
"Woh! Cza! Wag!" pffft! Nakakatawa siyang tignan! Nanlalaki na yung mga mata niya sa takot. Haha. Mas lalo ko pang nilakasan.
"Masaya ba? Haha! Just kidding lang din! Bleh." pangaasar ko pa rin.
"Ugh! Type mo talaga si Rod!" aba nangasar pa lalo. Kala niya ah!
"Ah ganon? Hindi ko nga type 'yon!" hindi ko namamalayan na napalakas pala yung tulak ko dahil nasabayan ng inis ko kay mokong kaya naman..
"A-aww." nalaglag si Nathan! Lumapit naman agad ako sakanya na nakasalampak ngayon sa damuhan. Shems. Di ko naman sadya!
"Pffft~Sorry sorry. Napalakas! hehe. Sabi ko naman kasi sa'yo di ko nga type 'yon. Nagaasar ka pa!Hmp." sabi ko habang tinitignan kung okay siya.
"Bakit, ano bang type mo?" bigla siyang tumingala at tumitig sa mga mata ko, dahilan para medyo mabigla at mailang ako.
"H-huh? Ah!" umayos na ko. "Basta hindi katulad niyang jerk! Tch. Gusto ko gentleman parang ik--" Shocks! Ang shunga mo talaga Czarina! Muntik ka ng madulas na katulad niya ang type mo.
"Ano ulit?" tanong niya. Nakatitig parin siya. Shems. Naiilang parin ako.
"Ah, wala. Hehe. Tayo ka na dyan." sabi ko tapos inalalayan ko siyang tumayo.
"Ako ba hindi mo tatanungin kung ano ideal type ko?" sabi niya nang makatayo na kami then nagsmile siya.
Siopao. Nakakatunaw naman tumingin 'to.
"Ah, osige. Ano bang ideal type mo?" tanong ko.
Bumalik siya sa swing at nakangiti sakin habang parang batang nagsusway ng paa.
"Girls with strong personality.." nakangiti pa rin siya.
"-like you." dagdag niya. Pagkatapos, naging seryoso yung mukha niya at nakatingin siya sa'kin. Oh my gummy bear. Ang awkward naman bigla! Bakit feeling ko nag-init mukha ko? Saka, may biglang kakaiba sa tyan ko! Kilig ba 'to o natatae lang?
*Silence*
"Bescza!" nakita kong parating si Claud.
Oh thank you talaga! Lagi mo kong nililigtas tulad sa mga ganitong sitwasyon! Phew.
"Oh, bakit?" tanong ko.
"Ah kasi--" nagsasalita na siya ng bigla siyang natingin kay Nathan.
"Ay! Ikaw yung cute guy na kumausap sakin sa front gate, di ba!?" ang lapad ng ngiti niya.
Kilig na kilig ang loka.
"Ah, yep. Hehe. You're Claud, right? Czarina's friend." sagot naman ni Nathan.
Nagtataka nga ako nung una kung paano nalaman ni Nathan, pero naalala ko na nakita niya nga pala kami before ni Claud sa cafeteria. At obvious naman na magkaibigan kami.
"Yes yes! Bestfriend niya 'ko! Yay. You know my name? Hehe!" tuwang tuwang sabi niya sabay abot pa ng kamay ni Nathan at shinake hands eto. So, hindi niya na itutuloy sasabihin niya sa' kin at makikipagflirt nalang ba siya?
"Osige, una na 'ko ah? Mukhang wala ka na atang kailangan sakin." sarcastic na sabi ko.
"Ay loka! 'To naman selos agad! haha." pinigilan niya 'ko.
"Ano kasi, okay ka na ba? Nabalitaan ko kasi yung nangyari kanina. Hehe." sabi niya habang napakamot pa sa ulo.
Balita nga naman. Tsk. Kalat na siguro ang kahihiyang nangyari sakin.
"Kanina ka pa namin hinahanap! Buti naisipan 'kong pumunta dito." dagdag niya. Teka, 'namin'? Bakit, sino pang kasama niya? O.o
"May kasama ka ba?" tanong ko.
"Ay oo nga pala! Nasan na ba yung kasama ko?? Naiwan ko ata sa pagtakbo! Classmate mo daw siya eh! Siya rin yung nagkwento sakin nung nangyari. Hinanap kasi kita kanina sa room niyo." paliwanag niya.
Sino naman yung madaldal na 'yon?
"Waah! HUH. Bestfriend ni Czarina! HUH. Ambilis mo namang tumakbo! Buti nasundan pa kita! HUH." napalingon kami sa sumisigaw at nakita 'kong si Lorraine pala. Mukhang hingal na hingal siya.
Grabe! Siya pala. Di na 'ko magtataka! Pareho silang daldalita ni Claud!
"Uy! Nahanap mo na pala si Czarina. Hehe. Ay,nandito rin pala si Nathan..H-hi?" sabi niya habang hinihingal parin.
Nagpacute pa. Pareho talaga sila.
"Hello, Lorraine." nagsmile si Nathan sa kanya. Obvious naman na nagpigil siya ng kilig bigla. Hay nako.
"Siya yun Bescza! Siya nagsabi sakin." sabi ni Claud.
"Ah oo. Si Lorraine siya. Lorraine, siya naman si Claud." pinakilala ko sila sa isa't isa.
Adik lang? Nagusap na pero hindi alam pangalan ng isa't isa?
"Yes! I'm Lorraine hehe. By the way, Czarina! Kaya din ako nandito kasi may chismis ako!!"
Grabe. Para naman akong mabibingi sa sigaw niya. Tsk tsk. Basta chismisan talaga oh. Eh sadyang hindi naman ako mahilig dyan.
"Oh, ano? Ano yon?" tanong ko. Oh bakit? Hindi nga ako chismosa! Curious lang ulit. Haha!
"Okay eto na! Remember mo yung kinwento ko sa'yo dati?" sabi niya.
Dati niyang kinuwento? Yun bang tungkol kay Rod? Teka, hindi dapat siya maingay kasi baka malaman ni Nathan na pinaguusapan namin si Rod! Kahiya lang!
"Ang chismis ko is, yung girl kanina na dumating ang gu--"
*pak!*
"Ouch! Why?! Bakit mo ko sinampal?" tanong niya habang nakahawak sa pisngi. Ay, napalakas ata? Hehehe.
Gulat na gulat naman sila dahil sa ginawa ko. Eh kasi, hindi ko na kasi alam paano ko siya mapipigilan sa pagdaldal para hindi marinig ni Nathan! Ayan tuloy, bigla kong nasampal. Sorry Lorraine! Yun kasi bigla kong naisip.
"H-huh? A-ah, eh may lamok! Oo, may lamok ka sa mukha! Grabe naman dito sa playground! Ang daming lamok! Tsk." palusot ko.
"Ah ano, Tara CR tayo!" pagyaya ko sakanila ni Claud.
Phew! Grabe. Buti nakahanap ako ng lusot! Mukha namang naniwala siya na may lamok talaga. Pfft.
"Uy, Nathan. Una na kami ah." nagsmile ako sakanya sabay hatak kila Claud at Lorraine.
****
~CR~
"Uy Czarina. Kanina ka pa diyan sa toilet ah. Tagal mo naman jumebs. Tara na sa room!" sabi ni Lorraine. Kami nalang nandito kasi si Claud pumunta na ng room nila.
Waaah! Hindi ako najejebs noh. Ayoko lang lumabas pa kasi ayoko pang bumalik sa hell room namin! Tch.
"Teka lang! Di pa ko ready!" sigaw ko. Nasa loob parin ako ng cubicle.
"Ready san?" Waahh. Daming tanong!
"Wala, basta! Pero may tatanong pala ako." sabi ko.
"Ano 'yon? Gora!" sabi niya.
"Tuloy mo na yung ikukwento mo kanina."
"Teka tanong ba yun?" Sabagay, oo nga noh?
"Anyways, yun ba!? Oh eto na ikukwento ko na! Kating kati na nga dila ko eh. Haha."
"I know right." Haha. Eto gusto ko dito eh. Marami akong masasagap na tsismis. Nakaupo parin ako sa toilet bowl dahil trip ko lang! Para kaming tangang naguusap habang nasa loob parin ako ng cubicle, at nasa labas naman siya ng pinto.
"Di ba sabi ko taken na puso ni Rod? Ayun, yung babae kanina sa lobby ang kumuha nun! Pwaha. Charot. I mean, yung si Anna." sabi niya.
Teka, nandun din siya sa lobby kanina nung tinitignan namin yung pictures? Ni hindi manlang ako tinulungan! So tama nga, si Anna nga ang gusto ni mokong. Ahh. Eh ano bang pake ko? Psh.
"Alam ko M.U sila dati eh. Nung highschool palang kami." dagdag niya. M.U? Paanong M.U?
Mutual understanding o magulong usapan? O mukhang unggoy? Pfft. Di ko maimagine na may ganon kay jerk.
"Pano mo nasabing M.U sila noon?" tanong ko. Teka, bakit ko ba tinatanong 'to?
"Eh syempre. Kitang kita naman sa galaw nila 'no! Haha." sabi niya. Nyek. Ganon? Baka naman hindi lang M.U at naging sila rin naman pala?
"Malay mo naging sil--"
"Pero hindi ata naging sila. Strict kasi parents ni Anna." K. Naunahan niya na 'ko. Nakakahawa pagiging chismo--este, pagiging curious ni Lorraine ah!
"Ah.." lumabas na ko ng cubicle at siya naman ang tumambad sa harapan ko. Napakunot naman yung noo ko nung bigla siyang tumingin sakin ng nakakaloko. Problema nito?
"May napapansin ako ah.." kiniliti niya ako ng bahagya sa tagiliran tapos nakagrin parin siya sakin.
"Problema mo?" takang tanong ko.
"Bakit ka interesado!? OMG! Type mo si Rod?" tanong niya sabay takip pa sa bibig niya.
"Ha ha." I faked a laugh. "Sira, hindi." sabay batok ng bahagya sakanya.
"Ouch naman!" reklamo niya.
"Tara na nga! Balik na tayo sa room." yaya ko sa kanya.
"Okay! Pero isa lang talaga sure ako.." sabi niya pa habang naglalakad na kami.
"Oh ano naman iyon?" OKAY. Huling tanong ko na talaga to.
"Si Rod, kahit luluko-loko yan, si Anna lang talaga gusto nyan. Kaya nga sabi ko, sana nga totoo yung sinasabi mo na hindi mo siya type kasi mahuhurt ka lang. Hehe." Whut? Pffft~Joke ba yun? IMPOSIBLE ANG INIISIP NIYA. Nagpapatawa ba siya?
"Magugustuhan ko siya," natigil naman siya sa paglakad dahil sa sinabi ko.
"kapag namunga ng apple ang punong mangga." dagdag ko at nginitian siya.
****
To be continued...
-Thisisrajuma