Chapter 10- I Hate..Him

2240 Words
**** Chapter 10- I Hate..Him  **** Maaga akong nag-ayos ng sarili at nagpahatid na kay Manong Mario sa University. Pagbaba ko palang ng sasakyan at pagpasok ng main gate, may kakaiba agad akong naramdaman sa paligid. Bakit? Anong meron? Nakatingin silang lahat sakin tapos nagbubulungan pa. Whut? Aysh. Baka naman paranoid lang ako? Tama. Baka nga. Puntahan ko na nga lang muna si Claud sa cafeteria. Sabi niya kasi magkita kami don ngayon habang hindi pa nagisstart yung klase. Nagstay muna ako dun sa cafeteria habang hinihintay siya. Ang tagal naman nung isang yun. Makapagcellphone nga muna. Pagkalabas ko nung phone, nakita ko agad yung bago kong Spongebob case. “Catch!” Bigla ko namang naalala yung kakaibang pakikitungo sa'kin kahapon ni mokong. Hindi kaya nasiraan na siya ng bait? “Uy, Bescza!!!” AnakNgTipaklong! Bigla-bigla namang sumusulpot ‘tong si Claud!  “Uy wow! Ang cute naman ng case mo. Saan galing?” tanong niya naman habang paupo siya sa tabi ko. “H-huh? A-ah kay..” “Kyah! Papa Rod! How are you na?” napatingin naman ako bigla ngayon kay Tina na ngayon ay nakakapit sa braso ni jerk. Inalis naman agad niya yung kamay nito. Bigla siyang napatingin sakin tapos ngumiti siya. Iniwas ko naman agad yung tingin ko.  Teka, bakit nga ba? Bakit ba ‘ko mahihiya sakanya?? Luh! Wait, papalapit siya dito! Baka makita niyang ginamit ko na yung binigay niya! “Uy, bakit mo inaalis yung case?? Ang cute cute nga eh! Kanino ba galing yan?” ang kulit naman nitong si Claud. Huwag ka munang maingay dyan! Nakakahiya kasi kapag nakita niyang ginagamit ko na. Ewan ko ba yung bakit. “Good Morning, Babab.” Dumaan siya sa side ng table namin sabay greet sakin at kindat. What the hell was that for? “Namumula ka naman ngayon. Anyare sa’yo?? Sino yun?” tanong naman ni Claud. Wait, ako? Nagb-blush!? IMPOSIBLE!            Tyak naman na kaya niya lang ginagawa ang mga weird things na ‘to kasi mangaasar lang din siya eventually! Tama! He’s a jerk kaya hindi malabong maisip niya yon. “Oy oy. Bakit ba parang hindi mo ‘ko naririnig Beczaaa!” kinalog kalog niya ko sa balikat ko. “H-huh? Ano ba ulit tanong mo?” sabi ko habang nagkakamot ng ulo. “Aysh. Waley! Napaka mo talaga. Amp.” Sabi niya sabay inom nung juice niya. “Oh by the way Bescza, may kilala kang Nathan?” My gawd! Si Nathan! Nakalimutan ko siya. Hinintay niya pa kaya ako kahapon? Wait, bakit naman siya natanong ni Claud?? “Bakit??” napaharap ako sa kanya. “Ah, kilala mo nga? Lumapit kasi sakin kahapon dun sa main gate. Pakisabi daw sa’yo na may biglang urgent appointment siya. Kailangan niya daw magsundo sa airport ng friend niya. So, pasensya na daw. Siya nalang daw magtitreat sa’yo some time.” Huh. Talaga? Phew. Buti naman! Atleast hindi ako masyadong magiguilty! Anyways, hindi kaya yung friend na sinundo niya sa airport is yung gusto na daw makita ni jerk? Yung nabanggit niya kagabi sa phone call nila ni Nathan? Hmm. Bakit ka ba interesado, Czarina? sabi ng konsensya ko. What, no. Hindi ako interesado. Hindi. Umiling iling nalang ako baka sakaling malinawan itong pagiisip ko. Kung anu ano nalang kasi naiisip ko nowadays. “Wait lang kasi Papa Rod!” nakuha na naman ni Tina ang atensyon ko. Hinatak hatak niya si jerk sa polo nito.  “Yahh! May gusto kaming ikumpirma kaya hinintay ka talaga namin.” sabi naman ni mukhang Dino, si Raissa. Syempre, lagi silang magkasama ni Tina. Nagtaka naman ako kasi pagkasabi niya non, bigla siyang tumingin sa'kin at inirapan ako. Problema nitong mga ‘to? "TAMA TAMA! Hindi kami naniniwala hanggat hindi ikaw mismo ang magsasabi!" sabi ni Kim na laging nangunguna sa tsismisan. Kasama din siya sa grupo nila Tina. “Hindi naman totoo yon 'no!” sabi naman ni Eimee na number one utusan nila. Ano na naman bang problema nila sa'kin? They’re glaring at me! “Tara na kasi! Papakita namin sa’yo!” hinatak nila si Rod. “Teka nga! Ano ba ‘yon!? Aish. Alam kong gwapo ako pero huwag niyo naman masyadong ipangalandakan sakin! Psh!” angal niya pa habang hinahatak na siya nila Tina. Hays. Masyadong humangin dito sa cafeteria. “Oy ikaw! Curious ka? Sumama ka ng malaman mo!” sabi nung Eimee sa'kin. Luh? Wala akong panahon sa kanila! Hindi ako usisera 'no! “Hindi mo ba titignan Bescza?” tanong sa'kin ni Claud. “Bakit ko naman titignan ‘yon? Psh.” “Ah, kala ko—“ “Tara na nga! Tignan natin!” At syempre, hindi rin ako nakatiis. Gusto ko na rin kasi malaman bakit kakaiba ang atmosphere ngayon araw. Bakit ang sasama ng tingin nila sa akin lalo na ng mga babae. Dahil ba napansin na nila ang kagandahan ko? Mas humangin sa Cafeteria.  *** "THERE, PAPA ROD! IS THAT TRUE?"  "OO NGA! ANO MO BA YAN ROD? TOTOO BANG IKAW YAN SAKA SI CZARINA??" Teka, ano bang tinitignan nila sa bulletin board!? Hindi ko makita! Masyado kasing madami tao. At isa pa, parang narinig ko yung pangalan ko ah? “Teka nga, patingin!” sabi ko sabay hawi sa kanila para makapunta ako sa unahan. Nanlaki naman ang nga mata ko sa nakita ko. B-bakit meron nito? Napatingin ako kay Rod at nakita kong nagulat din siya. “So ano, totoo bang magboyfriend kayo??” “OMG! Totoo ba Papa Rod!?” Shemaaay! San galing ‘to!? Bakit may pictures kami na magkasama sa mall?? Nasa Timezone, kumakain ng ice cream and worst, magkaholding hands! “So anong masasabi mo dyan babae ka ha!?” sigaw ni Tina. “Saan galing ‘to!?” tanong ko habang pakiramdam ko nagiinit na ang mukha ko.  “Uy san daw galing ‘to?” bulong ni Kim kay Eimee. “Ay di ‘ko alam eh, san nga ba?” tanong niya naman kay Tina. Si Tina naman magtatanong na sana kay Raissa. “San ba galin—ay che! Wala akong pake kung saan galing ‘to. Sinisira niyo mataray moment ko eh! Hmp. *flips hair*” Nanlaki naman lalo yung mata ko nung makita ko yung maliit na note sa ibaba: Czarina milabs, I will set youre free :(( Pero bago ang lahat, sana kuyugin ka muna ng chicks ng playboy mong boypren! Pwahaha.       -Lab, Tiboy, Youre sinayang.  Omayghad.. Kinuha ko agad yung note at pinunit! Ahhhhh! Tiboy! Humanda ka talaga sa'kin kapag nakita ulit kita! Napakastalker niya talaga! “Psst! Ikaw ba talaga yan bruha? Hindi ba photoshopped yan??” –usisera 1 “OMG! Kayo na agad agad!? So disgusting!” –usisera 2 “Nagdadate agad!? Hanglandee!” – usisera 3 “At HHWW pa!” – usisera 4 “Anong HHWW?” sabi naman nung isa habang kumakain ng lollipop. “Obob! Dyan ka na nga!” "Hindi talaga kumpleto ang barkada kapag walang tanga." Pakiramdam ko nabingi nalang ako dahil wala na akong pakielam sa mga sinasabi nila ngayon. Napatulala nalang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakita na nilang lahat itk. Ano nang mangyayari sa'kin nito? Kukuyugin na ba nila ako!? Bakit ba kasi pinicturan kami nung lechon na yon! Err. At isa pa, si mokong kasi! Sinabi pang boyfriend ko siya! "HEPHEP!!!BITCHES!! CHOOPIIII!" bigla naman sumulpot si Tina at tinabig yung mga alepores ni mokong na nakakapit sa braso niya. Madaming epal sa eksena na to eh 'no? Obvious naman na iritang-irita na si mokong kasi pilit niyang tinatanggal yung mga kamay nila na nasa braso niya. "HE'S MINE OKAY?" sabi ni Hippo sabay hatak sa braso nito “Aish! Pwede ba? Bitiwan niyo ‘ko.” inalis niya yung kamay ni Tina. “Ano naman kung boyfriend niya ‘ko?” sabi niya habang nakasmirk. Seryoso ba siya? Kung niya ba talagang umuwi akong duguan!? “OMG! Totoo nga!? OMG! Nag-iisa lang ang gusto mo??” “Yeah right! Di ba si Anna lang Papa Rod!?” sabi nung dalawang hindi ko kilala. Huh? Ilang beses ko na naririnig yang pangalan na ‘Anna.’ So, siya yung gusto ni Rod? Teka teka, paano na pala ngayon!? Ang komplikado ng sitwasyon! “So, pakilinaw. Magboyfriend nga kayo?” tanong ni Eimee. Shems. Ano nang isasagot niya ngayon?? “H-ha? Kami? Ha ha. Ah, Ano.. Bak—“ “So you have a girlfriend now?” bigla namang may nagsalita mula sa likuran. Natingin naman ang lahat sa nagsalita. Nag-give way sila dito, at halata sa mga mukha nila na masaya silang makita siya. Kilala nila siya? Babae siya, at hindi ko maitatangging maganda siya.  Pero mas maganda pa rin ako. Sabi ng mama ko. *Bow*  "Anna?” mahinang sabi ni Rod. Halatang gulat na gulat siya, and at the same time, kitang kita sa mata niya na masaya siya. Anna? Siya na ba ‘yon? “Yes Rod, how are you? I’m here to visit. I missed you. May lovelife ka na pala. Ikaw ha.” sabi niya tapos nagsmile siya. Parang walang narinig si Rod na biglang lumapit kay Anna at niyakap ito ng mahigpit. Masayang masaya siyang makita yung Anna. Oo, kakaibang saya ang nakita ko sa mukha niya. “Namiss rin kita..” sabi niya habang nakayakap siya. “A-ah.” Mukhang nailang yung Anna kaya inalis niya yung pagkakayakap ni Rod sa kanya. “Is she your girl?” tanong nito habang nakatingin sa'kin. "Ay nako Anna, ang ganda ganda mo pa rin! Ikaw lang ang babagay kay Papa Rod 'no. Don't worry, hindi naman kami naniniwalang sila na nyang Czarina na yan eh. Kayo parin mas bagay!” sabat ni Tina. Teka teka, makalait ito ah. At akala ko ba gusto niya si Rod? Pero mukhang botong boto siya dun sa Anna ah. Tss! Edi sila na bagay! Sinabi ko bang bagay kami!? Sinabi ko bang kami na!? Psh. Handa na akong walk-out mula sa petty thing na 'to nang mapahinto ako sa sinabi ni Rod. "No, It's not what you think Anna. Alam mo kung sino...ang gusto ko." seryoso niyang sabi.  “So, kayo ba talaga ni Czarina?” tanong ni Tina. Biglang bumilis ang heartbeat ko sa narinig ko. Bakit ganon? Parang gusto ko siyang umoo na hindi? Parang natatakot ako na bigla niyang sabihing hindi, pero kinakabahan din naman ako kung sasabihin niyang oo? “Hindi. Ni walang kaming ugnayan niyan.” sabi niya sabay hatak sa kamay nung Anna at umalis. Biglang bumigat yung pakiramdam ko sa narinig ko. Pakiramdam ko, naiwan ako sa ere. Lahat sila nakatingin sakin ng mapanghusga at nagtatawanan. Nakakainis. Naiinis ako sakanya! Pwede namang ipaliwanag niya nalang ng maayos di ba? Bakit bigla niya ‘kong iiwang ditong mag-isa!? At isa pa, hindi ko naman ginusto na magpanggap siyang boyfriend ko! "HAHAHA! SABI NA EH. FEELINGERA TALAGA TONG BABAENG TO GIRLS!" “HAHA! THE FVCK! ASA GIRL!” “PFFFT~HAHAHA.” sabay-sabay silang nagtawanan. Biglang nanigas ang mga paa ko at napatulala sa kawalan. Hindi, hindi ikaw ‘to Czarina. Hindi ka dapat naapektuhan ng ganito ng dahil lang sa isang walang kwentang jerk at mga chismosang nasa harapan mo ngayon. Huwag. Huwag kang ganyan! Bakit nanghihina ka!? Naramdaman ko nalang na nanlambot yung mga tuhod ko at nasalpak nalang ako sa sahig. Bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko?Dahil ba sa bigla niya nalang akong iniwan nang dahil lang sa dumating yung Anna?? Leche! Bakit ba ako naniwala na tutulungan niya ulit ako sa sitwasyong ‘yon?! Feelingera ka nga Czarina. Umasa ka naman na nagbago na pakikitungo niya sa'yo! Nakakainis. Nakakainjs. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa mga naiisip ko. "Oh yeah! She's nothing!” "TAMA ANG HINALA NATIN NOH. HINDING HINDI PAPATULAN NI PAPA ROD YAN DAHIL ALAM NAMAN NATING MAY NAG-IISA SA PUSO NIYA, AT SINO YUN GIRLS?" "SI ANNA! HAHAHA." sabay-sabay nilang sabi. Wala na akong pakielam sa mga sinasabi nila. Wala na akong lakas para makipagtalo at magpaliwanag. Hindi rin naman sila maniniwala. Nakayuko nalang ako dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinalilibutan nila ako at hindi ko alam kung pano ako makakaalis. Naiinis ako! Nagagalit ako! Pero wala akong magawa. Kahapon lang pinahirapan niya ako tapos ngayon eto naman!? "TIGILAN NIYO NA 'KO PLEASE!!” sigaw ko sakanila habang tinatakpan ko na yung tenga ko. Gulong-gulo na ‘ko!  "HAHAH! AMBISYOSA!" "AKALA MO NAMAN PAPATULAN KA?" "TUMIGIL NGA KAYO!!" isang malakas na sigaw na nakapag patahimik sa mga tao. Hinawakan niya ako sa balikat ko at inalalayan na makatayo. "Come on, Cza. It's okay." sabi niya habang hinahaplos niya yung buhok ko. Si Nathan, tinulungan niya ‘ko. “What’s wrong with you people!?” bulyaw niya kila Tina. “Don’t tell me close na kayo niyang babaeng yan!?” sabi naman ni Tina sa kanya. “That’s right. We’re—“ tumingin siya sa'kin. “close.” at bigla niyang hinawakan yung kamay ko habang nakatingin sa kanila. “So stay away from her. Kung ayaw niyong makita akong magalit.” dagdag niya at saka niya ako hinatak palayo sa kanila. Bakit, bakit kailangan ko pa makilala ang isang jerk na katulad ni Rod kung nandyan naman si Nathan? Bakit hindi nalang siya? *** To be continued... -ThisIsRajuma  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD