Chapter 9- His Soft Side

3521 Words
**** Chapter 9- His Soft Side ****  CZARINA'S POV "Be mine." What!? Anong pinagsasabi nito!? Nabingi lang ata ako?  "Ano sabi mo? Be yours?? Ako? Sayo? Bwahaha." Grabe lang! In fairness, natawa ako dun ah. "Anong nakakatawa?" takang tanong niya. Eh malamang! Pffft~ Di ko lang maimagine na magiging sa kanya ako! What the fudge ah. Eww. Anong trip nito? "Nagpapatawa ka ba?" natatawa kong tanong. "Hindi. Bakit?" kunot noong sagot niya. "Be yours? Haha!! Do you mean—pffft. Ako, maging girlfriend mo?" pagkasabi ko non, yung mata niya biglang naningkit at nagsimula siyang tumawa ng tumawa. Anong nakakatawa!? "Pffft~Girlfriend? Ikaw? What the fu—pffft! Ikaw ata nagpapatawa! Haha!"  Hehehe teka, potek. Mali ba yung pagkakaintindi ko sa sinabi niya? "Pffft~Hahahaha! Grabe nagpapa—haha.tawa ka ata.haha." napapabend na siya sa kakatawa habang pinapalo palo pa yung tuhod niya.  "Eng eng! Be mine ngayong araw kako as in slave! Alalay! Pwaha—" *Pak!* Langyang to. Kung makalait! Binatukan ko nga! Edi sorry na! "Eh kung itulak kaya kita dyan sa bintana?!" banta ko sakanya. "Tch. At isa pa, anong pinagsasabe mo?? Ako? Magpapaalalay sa'yo? Wow! Nevah! As in NEVERRRR!" Hindi talaga! Bahala na siya sa buhay niya! Edi angkinin niya na yung phone ko! Utot niya! Ahhhhhh! May pride parin ako no!  "Sure ka?" tanong niya habang nakasmirk sa'kin. Tapos yung phone ko inilawit niya na naman sa bintana ng bus. Aish! "O-oo noh! Never!!" *** ~Mall~ "Oh eto bitibitin mo." "Eto pa." "Ayan pa. Teka, paabot nung drinks ko." "Haynako, malalaglag na oh! Ayusin mo hawak, Kate!" AAAHHHHHHHH! Pigilan niyo 'ko. Nanggigigil na 'ko! Baka hindi ako makapagtimpi at mabaril ko nalang rin to sa loob ng mall! Kapal ng mukha kung makautos! Nakakainis talaga! Kung hindi lang mahalaga sa'kin yung phone na 'yon di ko hayaan ang sarili ko na maging sunud-sunuran ng ganito! Errrr! Sarap niyang kalbuhin, promise. "Ay, may nakalimutan ako. Bili mo nga 'ko ng hotdog dun sa building three."  What the? "Huh!? Nagbibiro ka ba? Alam mo ba kung gaano kalayo yon dito sa building one ha!? Bwiset!" angil ko sakanya. Nakita kong nagtitinginan na yung mga tao samin. "Uy kawawa naman yung girl oh, daming dala. Mukhang pinapahirapan nung boyfriend." "Oo nga noh, tsk. Mukha na siyang losyang. OMG. Hindi ba naaawa bf niya?" sabi nung dalawang babae sa gilid ko. Like, what the heck? Boyfriend? Yuck! At oo, losyang na talaga dahil sa letsugas na lalakeng 'to!  "No no, Miss. Alalay ko yan." sabi niya habang naghahand gestures pa ng NO  at umiinom ng coke. Kapal kapal kapal! Humarap ulit siya sakin habang nakatingin naman ako ng masama sa kanya. Nakakairita yung mukha niya, nakangiti lang siya na para bang hindi ako nahihirapan sa mga pinagagawa niya. "Oh ano na? Alis na. Ibili mo na 'ko ng hotdog." napasinghap nalang ako dahil mukha ngang seryoso siya sa inuutos niya. Bwisit?! Eh ang layo talaga non dito eh! Galing na nga kami dun kanina!  "Eh kung iapalapa kaya kita sa aso." gigil na bulong ko. Gustong gusto ko na siya sipain sa p*********i niya nang matauhan siya.  "May sinasabi ka?"nakangiting tanong niya na para bang halatang nangaasar siya. "Wala." Sagot ko tapos tinignan niya na naman ako na parang may hinihintay pa na idudugtong ko sa sinabi ko. "Wala po, BOSS." ulit ko habang nakangiti ng pilit. "Ah, kala ko galit ka. eh" lalo pa siyang nambwisit. "Ay hindi ah? Tss. Kaw pa? Malakas ka sa'kin. Bakit naman ako magagalit sa'yo? Ni hindi manlang nga kita pinagiisipang ipalapa sa sampung lion, dalawampung tigre at ipakain sa vulture ang nabubulok mong katawan. Nakoha, bakit ko naman gagawin sa'yo yon. Hehe." sabi ko habang nakangiti ng pilit at nanggigigil ang kamao. Tsk tsk. Hindi naman halatang nagpaplano na ko di ba? "GOOD GIRL." sabi niya sabay pat sa ulo ko. Ano 'ko aso!? Ahhhhhh! Whoo. Relax. Relax Czarina! Pilit akong ngumingiti kahit parang titirik na yung mga mata sa sama ng tingin sa kanya. "Sige po ah, ibibili na kita ng lason. Ay este, pagkain mo."  "Sige sige. Ingat ah?" pangasar talaga! Argh! Tumalikod na ko para balikan yung pinapabili ng MOKONG na yon. Narinig ko pang pinagtatawanan ako. Humanda ka talaga sa'kin, may araw ka rin. "Pffft~Haha. Sige na nga, okay na. Sige." biglang sabi niya. Para namang biglang nagliwanag pa yung paningin ko na humarap sa kanya. "OMG. Anong okay na? Ibibigay mo na yung phone ko??" sabi ko habang malapad ang ngiti. Waah! Thank you! Ibibigay niya na!? "HAHAHA. ASA. Sinasabi mo dyan?" nakasmirk siya sabay irap.  "Sabi ko, wag mo na pala ako ibili non." dagdag niya.  Akala ko pa naman ibabalik niya na! Waah! Pagod na pagod na kaya ako! Nakakapagod 'tong buong araw na 'to! Nakakainis talaga siya. Bakit kailangan ko pa ma-meet ang isang jerk na tulad niya? "Gusto ko ng Ice cream." bigla niya naman sabi habang nakahawak pa sa chin niya yung kamay niya. "Edi bumili ka! Che!" padabog ko siyang tinalikuran. Bahala siya! Nakakabadtrip na talaga siya! Maya-maya, pumunta kami sa may Ice cream store. Syempre, siya pa rin naman masusunod 'di ba?  Pero okay lang din, bigla akong naglaway dahil sa mga nakikita ko. Ang daming masasarap na flavors!  *gulp* *brrrrrrrr* Nagugutom na 'ko! 8pm na hindi pa rin ako umuuwi! Salot talaga 'tong jerk na 'to! Nakita ko naman na bumili na siya ng ice cream niya. Parang bata lang. Psh. Buti naman at hindi niya na inutos, kung hindi talaga kukutusan ko na 'to. "Gusto mo?" tanong niya. Teka, bakit niya 'ko inaalok? Ibibili niya ba ko? "Oo. Yung Choco Hazelnut!" agad na sabi ko. Yes! Mukhang naawa na siya sa'kin! "Ah." Tipid na sagot niya sabay talikod at kain nung ice cream niya. What!? Yun na yun? BWISET.  "Psh. Hmppp!" gusto ko na siyang batukan habang nakatalikod siya pero bigla siyang humarap kaya inialis ko agad yung kamay ko na nasa tapat ng ulo niya. Errr. Nanggigigil ako!  Nang makalabas naman na kami ng ice cream store, may napansin naman ako sa isang cellphone accessories store. "Wow ang cute!" sabi ko habang nakadungaw sa glass window. May spongebob kasi na iPhone case! Bagay na bagay sa phone ko! Kaso wala naman akong cellphone ngayon. Psh. Nasa jerk na 'yon. Ibabalik niya pa kaya talaga 'yon? Tatanungin ko sana siya kung kalian niya ba talaga ibabalik yung phone, kaya naman lumingon ako at nagulat naman akong mukha niya ang bumungad sakin. "Ay anak ng siopao!" aish! Buti hindi nagkadikit! Sumisilip din pala siya. Argh. "Anong tinitignan mo dyan?" sabi niya habang kumakain nung ice cream niya. "Pake mo?" inis na sagot ko sa kanya. Bakit ba siya nakangiti!? Naiirita ako! "Pffft~Yan Babab ba? Haha. Isip bata talaga." pangasar niya nung nakita niya yung tinignan ko sabay kain ulit sa ice cream niya. Wow, ako lang ba parang bata dito? "Wow. In fairness, ang mature mo tignan ngayon." sarcastic kong sabi. Nginitian niya lang ako at tumalikod na ulit. Pagkatapos, sumenyas siya sakin na sumunod sa kanya. Feel na feel niya talagang may alalay siya. Kasura lang. *** ~Timezone~ Hindi pa rin talaga napapagod tong lalakeng 'to grabe. Laro naman siya ng laro ng mga arcade games ngayon habang ako nasa may gilid lang nakaupo at pagod na pagod na. Sobra bang boring ng buhay niya at dinadamay niya pa 'ko sa mga kalokohan niya!? At isa pa, may balak kaya talaga 'tong ibigay yung cellphone ko?? Dapat lang! Kundi kakalbuhin ko siya! "SHOOT! YEAH BOY!" nagbabasketball naman siya ngayon. Hayy! Inaantok na ko. Habang nakaupo ako, napatitig naman ako sa kanya bigla. Madaming bagay ang pumasok sa isip ko habang nakatingin ako sa kanya. Masaya siya ngayong naglalaro. Pero, masaya nga kaya talaga siya? Yung Anna? Sino ba siya? Hindi lang pala siya jerk kundi weird at may pagkamisteryoso din siya. At saka, bigla kong naalala yung ekspresyon ng mukha niya nung nakaaway niya yung Simon. Nakakatakot din siya. In fairness, bagay sa kanya yung black hoodie na suot niya ngayon ah. Teka, BAKIT KO BA INUUBOS ORAS KO SA MOKONG NA TO. Sandali nga lang, may napansin ako. Nakalawit sa may bulsa niya yung keychain ng cellphone ko! Ibig sabihin, may chance akong makuha yon dahil bising-busy naman siya ngayon sa paglalaro ng basketball!  Lumapit ako sa may likuran niya ng dahan-dahan para makupit na yung phone ko. Sana hindi niya ko mapansin! "YEAH! FOR 300 PTS!" libang na libang pa din siya. Napakagat labi pa siya dahil nakakapuntos siya. Hmm, mapula pala talaga labi niya 'no? Hoy Czarina, talaga sinasabay mo pa isipin yan!? Anak ng.. Oo nga naman, ano ba 'tong mga naiisip ko. Kailangan ko ng kumilos ng mabilisan. Hinawakan ko na yung keychain at naghihintay nalang ako ng chance na gagalaw niya sa pagbabasketball para hindi niya masyadong mafeel yung ginagawa ko. Hatak lang.. Paunti-unti.. *bunot*  YES! Nakuha ko narin sa wak-- Teka, ano 'to!? Bakit keychain lang!? Nasan yung phone ko!? "Eto bang hinahanap mo?" lumingon siya at nakita kong hawak hawak niya yung phone ko. Ahhhhhh! Letsugas! Naloko ako don! Kainis! Hindi na siya nakakatuwa! Naiinis na talaga ako. Napapagod na kasi ako. Hindi na biro 'tong nangyayari sakin. Nagmumukha na 'kong TANGA. Ayoko na, suko na 'ko. Oo na, inaamin ko na, talo na ako sa isang jerk na katulad niya. "Alam mo, napapagod rin ako. Kung ayaw mo talagang ibigay, wala na 'kong magagawa. Hindi naman kasi sa lahat ng oras dapat nakikipaglokohan ka. Kung dyan ka masaya, bahala ka. Pero sana wag mo na 'kong idamay. Uuwi na 'ko. Masyado na 'kong ginabi dahil sa kalokohan mo. Wala na kong pakielam, sa'yo na yang phone ko." walang ganang sabi ko sa kanya sabay walk-out. Sige na, panalo na siya. Nabwisit niya nang araw ko. Suko na talaga ako! Naglalakad lakad nalang ako kung saan saan. Bahala na kahit hindi ko kabisado 'tong mall na 'to, basta makauwi nalang at makapagpahinga. Pakiramdam ko kakawala yung luha ko sa mga mata ko dahil sa inis, pero hindi ako pwedeng umiyak ng dahil sa kanya, kaya pilit kong pinigilan. Napabuntung hininga nalang ako habang hinahanap ko naman kung saan yung exit. Nasan na ba 'yon? Habang naglalakad ako, para naman akong biglang nanlambot nung may natanaw ako. Oh God, please. Please naman po! Sana hindi niya 'ko mapansin! BAKIT NANDITO NA NAMAN BA SIYA!?  "HI! MY LABSSS! NYAHA. KALA MO HINDI NA KITA MAKIKITA 'NO? DESTINY NGA NAMAN! KAY LAKI LAKI BA NAMAN NETONG MALL EH NAKITA PA KITA. WOW LANG!" sigaw niya habang kumakaway kaway pa. Anak ng tokwa oh! May GPS bang nakakakabit sa'kin at nasundan niya pa ko!? Ang swerte talaga ng araw ko grabe! Bakit di nalang kaya ako tumalon sa mall na 'to? "Aish! Ano bang kailangan mo!?" hinarap ko na rin siya dahil pagod na akong tumakbo. Hindi niya ba 'ko titigilan!? "OH? BAKIT BAD MOOD KA MYLABS? TUWING NAGKIKITA TAYO GANYAN KA. MAY PROBLEMA KA BA?" Jusme! Hindi ko alam kung manhid lang ba 'to o ewan eh. Hindi niya pa ba mafigure out na iniiwasan ko siya!? Nakakahibang siya! Mabubuang na ata ako! "Eh ano ba kasi kailangan mo!? Saka pwede ba, hinaan mo nga yang boses mo! Para kang nakalunok ng megaphone!" sigaw ko sa kanya. Wala na 'kong pakielam kung pagtinginan kami ng mga tao dito. I'm so fed up right now. Ayan tuloy, napapaenglish na 'ko! Argh. "GUSTO KO LANG KASI IPAALALA SA'YO CZARINA MYLABS NA TAYO'Y SADYANG PARA SA ISA'T ISA. KAYA NAMAN.." lumuhod siya bigla sa harapan ko. "BE MY GIRLFRIEND." sabi niya na ikinalaki naman ng sobra ng mga mata ko. Yung dugo naman pakiramdam ko naubos na lahat dahil sa sobrang panlalambot ko. Napanood ko na sa teleserye yung ganitong eksena eh, pero bakit hindi ganito yung inaasahan ko na mararamdaman ko kapag nangyari sa'kin 'to? Hindi ako kinikilig, kinikilabutan ako. "Yieeeee" sabi nung mga usisero habang nagsisipalakpakan pa. Grabe. Sobra sobra nang kahihiyan ko ngayong araw! "A-ah, listen, Tiboy," sabi ko habang nakatakip yung isa kong kamay sa mukha ko. "A-alam mo kasi, ano..Ano kasi.." aish! Ano bang sasabihin ko?! Paano ako makakatakas sa sitwasyon na 'to!? "KASI ANO MY LABS!?" yung mukha niya sobrang excited pa sa sasabihin ko. "PWEDE BA, SABI KO HINAAN MO YANG BOSES MO O BAKA GUSTO MONG PASAKAN KO YAN PARA TUMAHIMIK KA? PATAPUSIN MO MUNA AKO." dalawang kamay ko na ngayon ang nakatakip sa mukha ko. "Wehe. Sige sige Mylabs." hindi niya ba titigilan yung kaka-mylabs niya? "U-uhm, kasi, kasi may boyfriend na ko! O-oo. Tama! May boyfriend na ko at mahal na mahal ko siya! Sorry talaga!" sabi ko sa kanya habang nakapikit. Ghad, ang hirap magsinungaling. Pagkadilat ko, nakita ko naman na nalungkot yung mukha niya. Sorry talaga! Imposible talaga yung gusto niyang mangyari eh. Wish ko lang maniwala siya! Please please! Hindi na siya nakapagsalita. "Sorry talaga." sabi ko ulit sabay talikod na sana sa kanya pero biglang siyang tumayo at pinigilan ako sa balikat ko.  Now what?? Oh no.. "HEP HEP. TO SEE IS TO BELIEVE! HINDI AKO NANINIWALA! BAKIT BA HINDI MO NALANG TANGGAPIN NA IKA'Y PARA SA AKIN AT AKO'Y PARA SAYO" nakanguso pa siya na para bang nagpapacute. GAAH!! Eh bakit ba ang kapal ng apog niya!?  "STOP! SABI NANG MAY BOYFRIEND NA KO EH!!" napasigaw na talaga ako sa inis. Nagtinginan na naman mas lalo yung mga tao samin! Pero yaan na! Hindi naman nila ako kilala eh!  "BINGI KA? I SAID MAY BOYFRIEND NA KO! AS IN KASINTAHAN! MINAMAHAL! JOWA! LO--" "HINDI! SINUNGALING KA MYLABS!"  Siopao. Ang kulit niya talaga. Grabe! "MERON!"  "WALA!"  "MERON NGA!" "WALA NGA SABI EH! OSIGE, KUNG MERON NGA, NASAN? SINO MY LABS??" hamon niya.  Takte. Pinapahirapan ako nitong si Tiboy na 'to ah. Wala na 'kong maisip na sasabihin! Sino sasabihin ko? Si Lee Min Ho? Si TOP at GD?? Argh! "A-ah, si ano..si---" napakamot ako sa ulo ko. Magimbento nalang kaya ako ng pangalan?? "HAHA! SEE? WALA! WE'RE MEANT TO BE KASI! HAHA. SO SINO BOYFRIEND MO? PWAHAHA."  Hanga talaga ako sa fighting spirit niya. Pakibigyan naman kahit konti para magkalovelife na 'ko, pwede? "Sinabi nang meron eh! S-si ano..si.." "AKO." nagulat ako nang may biglang nagsalita at umakbay sakin, at nang tignan ko kung sino siya.. Eh? Si Rod?? "HAHA! YANG ITSURANG YAN?? PAPATULAN NI CZARINA MYLABS? HAHAH.GRABE. HINDI AKO NANINIWALA! EH PWET LANG KITA PRE EH!" sabi ni Tiboy. Walanjo. Wala bang salamin sakanila?? Bilib na talaga ako sa self-confidence niya! Bigyan ng award! "HAHA. PARE, ALAM MO. BILI BILI DIN NG SALAMIN KAPAG MAY TIME." sabi ni Rod sa kanya kaya naman biglang nagtawanan yung mga tao. Oo na, pati ako natawa. Pero teka, nakaakbay pa rin siya sa"kin. Medyo awkward. At isa pa, bakit niya ginagawa 'to? Ano na naman bang nakain nito? Don't tell me tinutulungan niya 'ko?  "ANO!? PWAHA! HAMAK GWAPO KO SA'YO OY! KUKO LANG KIT—" *pak*  "Bakit mo sinuntok??" nagulat ako nang bigla niyang sinapak sa mukha si Tiboy bago pa 'to matapos sa pagsasalita. Nakasalampak tuloy ngayon sa sahig! "Masyadong madaldal. Naiirita ako sa bunganga." kalmadong sagot niya sabay pagpag ng kamao niya para bang may dumi siyang inaalis. Eh?  Tumayo naman agad si Tiboy at gaganti na sana ng suntok nang maiwasan agad ni Rod, pagkatapos sinuntok niya na naman! Shems! Mainitin talaga ulo nitong isang 'to. Napakabipolar! *Priiiiiiit!*  "Tumigil kayo! Anong gulo yan!?" Anak ng tokwa may guard! "Takbo!" sabi ni Rod sabay hila sa kamay ko para tumakbo. "CZARINA MY LABS!!" sigaw ni Tiboy na pilit tumatayo muka sa sahig. "Sorry talaga!" nilingon ko pa siya dahil naawa ako sa itsura niya, nagdudugo kasi ang ilong niya ngayon. *Priiit!* "Bumalik kayo dito!" sigaw ulit nung guard habang hinahabol kami. Waahh! Bakit ba nangyayari sakin 'to!?  *****  "Bakit.baaa.huh.kasi.huh.ayaw kang.tigilan.non?" paputol-putol na sabi nitong si Rod habang hingal na hingal. "Wait lang, huhh." pinakalma ko muna yung sarili ko bago ko siya sagutin. Nahirapan din kasi ako huminga dahil sa layo ng tinakbo namin makatakas lang sa mga tao. "Hindi ko din alam." sagot ko na sa kanya. Bigla namang nagsalita yung matandang nakaupo sa bench sa harap namin na may kasamang batang apo. "Aba'y bakit naman hingal na hingal ang maglovebirds na ire?" sabi nito habang nakangiti sa amin. Huh!?  "Ay hindi po. Hindi ko po siya boyfriend." pagpapaliwanag ko. "Weh, ate?  Eh bakit magkaholding hands pa kayo?" sabi nung bata na parang nasa edad na siyam o sampung taon. Nagkatinginan naman kami bigla sabay bitaw ng kamay at iwas naman ng tingin. Shems! Awkward! Kanina ko pa pala hawak ang kamay ng mokong na 'to! Saka ko naalala na hinatak niya pala ako bigla kanina nung tatakbo kami.  "Kilig ka naman?" sabi niya naman sabay smirk sa'kin.  "Harhar. Ge alis na 'ko." paalam ko sa kanya. Inis pa kaya ako sa kanya! Kala niya ah.  "Oh, phone mo." kinuha niya yung kamay ko tapos pinatong niya sa palm ko yung phone ko. Totoo na ba 'to?  "Should I say 'thank you'?" I said sarcastically sabay irap sa kanya. Pagkatapos niya akong pahirapan, dapat pa ba akong magpasalamat sa kanya? "Haha. Pwede rin." sabi niya sabay ngiti. Yung ngiti niya, hindi sarcastic o nakakaloko, genuine smile yung ngiti niya ngayon. Wait, bakit naapektuhan ako sa ngiti niya ngayon? Luh! Ano naman kung hindi niya na ako ginagago ngayon!? Ginago niya pa rin kaya ako! "Psh. Jerk." bulong ko nalang dahil hindi ko alam kung matutuwa na ba ako o maiinis pa rin sa kanya. Well oo na, siguro nga inis na inis ako sakanya dahil sa ginawa niya, pero on the other side, parang na-touch naman ako nung tulungan niya 'ko kanina kay Tiboy! Wow lang kasi, siya ba talaga 'to?? Nagpanggap siyang boyfriend ko!? Pero teka, baka naman kasi nakonsensya lang siya at ayaw niya na maguilty kaya niya ako tinulungan, di ba!? "Bakit ka nagpanggap na.." okay, medyo nahihiya pa ko banggitin. Tatanungin ko pa ba? "Na--na boyfriend ko kanina?" pagpapatuloy ko. Wala naman malisya kahit tanungin ko, di ba? "Kinilig ka ulit?" sabi niya at bumalik na naman ang nakakaloko niyang ngiti. Ayan na naman siya, wag ko na nga alamin at baka topakin na naman siya ng pagkamokong niya. Kailan ba siya titino kausap? Inirapan ko nalang siya at di na 'ko nagsalita. "Haha. Sige na, umuwi ka na." dagdag niya sabay lagay ng mga kamay niya sa bulsa ng hoodie niya. "Oks. Ge." tumalikod na ako at naglakad na palayo nang magsalita na naman siya. "Ah sandali lang pala."  Ano na naman ba Rod? >."Catch." Humarap ako sakanya at nabigla naman ako nung may hinagis siya sa'kin. Ano 'to?  "Ano naman 'to?" tanong ko sa kanya. Nakakadala na ah, baka kalokohan na naman niya 'to. Small paperbag yung hinagis niya, buti nalang at nasalo ko rin naman agad. "Peace offering?" sabi niya habang nakahawa sa batok niya na para bang nahihiya. "Tignan mo nalang, Babab. Sige, una na 'ko." nagsmile siya sabay belat pa sa'kin at umalis na. Huh? Anong nangyari sa isang 'to? So weirdo naman siya ngayon? Binuksan ko naman agad yung paperbag at nagulat ako sa nakita ko. Ha! Binili niya yung Spongebob cellphone case na tinignan ko kanina!? "WAIT!" tawag ko sa kanya kaya napalingon naman siya sa'kin. "A-ano, ano 'to? Ano, thank you." nakayukong sabi ko sa kanya. Ugh. Bakit nauutal ako? Puro ano ano eh 'no? *RINGRING* Sakto naman na nagring ata yung phone niya nung nagsalita ako kaya mukhang hindi niya narinig yung sinabi ko. "*Hello?* *Oh Nathan pre?* *Nandito na siya?*" napangiti siya ng todo habang may kausap siya sa phone. Ah, si Nathan pala kausap niya. Wait, what! SI NATHAN NGA PALA! GRABE NAKALIMUTAN KO! "*Gusto ko na siya makita.*" napahawak siya sa batok niya habang mukhang ang saya saya niya pa rin. "*Sige pre, Thanks. Bye.*" binaba niya na yung phone niya at saka lumingon sa'kin. "Ano ulit sabi mo?" tanong niya habang nakataas pa ang mga kilay niya na para bang naghihintay sa isasagot ko. "Ha? A-ah. Wala." nako, bahala na siya. Di ko na uulitin yon! Pero shems, nakalimutan ko si Nathan. Paano na? "Ahh, sige." nagsmile nalang ulit siya tapos naglakad na ulit palayo. Sandali nga, ano ba talaga nakain ng isang 'to? Pasmile smile pa! Hindi bagay! "SABI KO SALAMAT!" sigaw ko dahil hindi ako sanay nang hindi nagpapasalamat. Teka, di ba sabi ko hindi ko na uulitin? Pero oo na, yun lang yun dahilan. I'm a grateful person! "No prob, Babab." nilingon niya 'ko sabay nagsmirk siya.  "Pasensya na din sa kanina. Ingat." dagdag niya pa. Teka, siya ba talaga 'to? Bakit ang bait niya sa'kin bigla? Niligtas niya 'ko kay Tiboy, binalik niya na yung phone ko at may kasama pang case na alam niyang gusto ko kanina! Tapos ngayon, humingi siya ng pasensya at sinabi bang mag-ingat ako!? Uso ba talaga sa kanya ang peace offering at umamin sa mali niya!? At teka, totoo bang nakausap ko siya kanina ng matino-tino!? *dugdug* Ay siopao! Bakit biglang bumilis yung heartbeat ko? Ah, malamang napagod lang ako kanina kakatakbo. Tama, yun lang yun, di ba? Pero bakit parang kakaiba naman ata?  ***   To be continued...     -ThisIsRajuma    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD