A/N: Malapit na kiligan, guys! Thanks for reading!
****
Chapter 8- Be Yours?
****
CZARINA'S POV
Anna? Sino naman kaya siya? Bakit kaya ganon nalang ang naging reaksyon ni Rod para sa kanya? Nakakagulat yung side niya na yun ah! Pati tuloy ako biglang naapektuhan. Pero konti lang naman 'no. Baka naawa lang ako? Baka nga! Bakit naman ako masasaktan para sa kanya? Luh. Dapat nga matuwa ako kasi hindi na siya nakakangisi ng nakakabwisit! Ah basta, hayaan ko nalang yon. Pero saan kaya nagpunta yung lalakeng yon? Baka umuwi na? Sabagay, hapon na. Teka, baka naman kung ano na gawin nun dahil sa mood niya ngayon? Baka magdilim nalang ang paningin at mabalitaan kong nakapatay na!?
K. Wag OA Czarina. Nakakatakot naman kasi!
Habang nagiisip ako ng kung anu-ano tungkol sa mokong na 'yon, may bigla pumasok sa isip ko. Ay shems, oo nga pala! Si Nathan! Baka hinihintay na ko non kanina pa!
Medyo natagalan kasi ako. Nakiusisa pa kasi ako eh. Pero si Claud nga pala naalala ko rin! Kasabay ko nga pala yun ngayong paguwi. Ano ba naman yan, Czarina? Ano ng gagawin ko? Ah, alam ko na. Itetext ko nalang siya na hindi muna ako sasabay. Maiintindihan naman ako tyan non eh.
*Kapa sa bulsa*
WALA.
*Hanap sa bag*
WALA.
*Halughog ulit ng gamit*
WALA PARIN.
SH*T!! NASAN NA CELLPHONE KO!? Waaah! Hindi pwedeng mawala yon! Nandun pictures ng korean crushes ko!
Inalala ko agad yung mga lugar kung saan ako nagpunta ngayong buong araw. Pumunta agad ako don isa-isa.
COMFORT ROOM
WALA!
CLASS ROOM
WALA!
DETENTION ROOM
WALA!
LABORATORY
WALA PARIN!
CAFETERIA!?
WALA TALAGA!
LAHAT NA NG ROOM NAPUNTAHAN KO!
Pagod na pagod na ko!
AKYAT BABA AKYAT BABA!
AHHHHHH! HINDEEEE!
SAN PA BA AKO PUMUNTA KANINA?!
AH! TAMA!
SA PLAYGROUND!
Sana naman makita ko! Pleaseeee! Last chance ko na yun! iPhone kaya yun! Nagmamadali akong tumakbo papunta sa playground, nagbabakasakaling wala pang nakakapansin o nakakapulot. Nakakainis talaga. Ang tanga ko! ERR!
Malapit na ko..Phew. Pagod na pagod na talaga ako kakatakbo. Nakarating rin ako sa wakas! Hinahanap ko sa damuhan habang nakaluhod yung iphone ko. Shems talaga, sana mahanap ko. Please.
"Hello? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Pati narin 'tong mga voice mails ko?" may biglang nagsalita sa bandang gilid.
Sino 'yon? May tao pa pala dito? Madilim na ah? Nagtago nalang ako sa may likod ng isang bench dito sa playground.
"Anna, please call me back after mong mareceive 'to. Thanks." Sabi niya ulit. Teka teka, kilala ko na naman yung boses na yon. Sumilip ako ng bahagya at nakita kong nakaupo siya sa swing habang hawak hawak ang cellphone niya.
Si mokong na naman!? Bakit ba 'ko sinusundan ng masamang espiritu na 'to? Bakit hindi pa siya umuuwi? Anyways, mukha na siya kalmado ngayon! Buti naman. Pero natatakot pa rin akong makita niya. Masama na baka sumpungin ulit siya ng pagkabipolar niya. Malay ko ba kung dating serial killer pala 'to at nagbabagong buhay nalang? Paano kung Makita nalang ako sa dyaryo kinabukasan di ba? Di ba?
Ang oa mo talaga Czarina!
sabi ng konsensya ko.
Ugh, kasi naman eh. Bakit nandito siya? Tumayo na ako ng kaunti at dahan-dahang naglalakad palayo ng playground. Mamaya ko nalang hahanapin pag-alis niya dito. Shems. Konti nalang Czarina! Whoo. Ilang steps nalang..
"Kate?"
AyAnakNgTipaklongNaBuntis!
Waaah. Napansin pa 'ko! Teka lang, nawiwili na siya ah. Kate ka dyan, Czarina kaya bugok! Pero syempre takot ko lang na sabihin sa kanya yan ngayon. Hehe. Alam niyo na, baka mag-ala lion na naman.
"Ow? Nandyan ka pala uy! Ha ha he he." Aisssh! Muntanga naman ako.
"May hinahanap lang kasi ako. Don't worry wala akong narinig." dagdag ko habang nakangiti na parang ewan. Hala. Halata naman ata masyado? Ang tanga tanga mo talaga ngayon Czarina. Congrats. Very good.
"Ah sige ah, alis na ko!" tinalikuran ko na siya at aalis na sana nang..
"Sandali lang." sabi niya.
Ano na naman!?
"Bakit?" tanong ko.
"Palda mo, pilipit." sabi niya habang nakahalf smile.
Ano bang pinagsasab--Huh!?
Tinignan ko agad yung palda ko at nakita kong nasa harapan na yung pocket na dapat nasa side. CONGRATULATIONS TALAGA CZARINA. NAPAKASAYA NG ARAW NA ITO. PALAKPAKAN.
"Ha ha ha. Thanks. Sige bye!" ang awkward ng tawa ko, nakakainis!
"Teka lang." aalis na talaga ako nang tawagin na naman niya 'ko.
Aisshhh! Ano pa bang kailangan ng isang 'to!? Nagmamadali na kaya ako! >."Wala, naisip ko lang, ano naman kaya style niyang ano mo. Hello Kitty naman?" pangaasar niya sabay ngiti ng todo.
Bwiset talaga! Bwiset! Napakabipolar niya! Baliw! May sapak!
"May sira talaga utak mo ano? Kanina lang galit na galit ka sa iba tapos ngayon pinagtitripan at pinagtatawanan mo naman ang iba! Tagilid ka ba pinanganak!?" inis na sabi ko sakanya habang nakataas pa ang kilay ko.
Bigla namang nag-iba ang nakatawa niyang ekspresyon at naging seryoso. Teka, galit ba siya? Leche. Bakit mag-ala lion na naman siya. Bakit kasi ang daldal ko? Bawiin ko ba??
"Pero syempre joke lang yun. Hehe." pagbawi ko habang naghahand gestures pa sa kanya at pilit na ngumingiti. Sa totoo lang kinakabahan na ako.
"Sige po ah! Kailangan ko na po talagang umalis eh!" sarkastiko kong paalam sa kanya. Ano ba, di ba niya ako titigilan? Kailangan ko na talagang umalis sa harapan niya. Hapon na at walang ng tao dito kung sakali may balak siyang isalvage dito!
"Bakit ba nagmamadali ka ha?" kunot noong tanong niya.
Aish lang! Ang kulit niya talaga. Malamang kaya hapon na. May lakad pa kami ni Nathan! Eh kung daanin ko kaya siya sa tapang-tapangan? Hindi siya nadadaan sa sarcastic at pagiging mabait ko ngayon eh? Tama, hindi ko ipapakitang natatakot ako sa kanya!
"What now!?" sigaw ko with matching irritated face kuno. Sana naman effective. Gusto ko na talaga siyang layasan. Oh Lord, please.
Pero napalunok nalang ako nung mas naging seryoso yung mukha niya dahil sa pagsigaw ko. Ano bang problema ng isang 'to? Lumapit siya sakin. Palapit ng palapit.
gulp*
S-shems! Biro lang naman yun eh! Ang kulit niya kasi eh!
Palapit ng palapit parin siya habang sobrang seryoso parin ng mukha niya. Pagkatapos may binubunot siya sa bulsa niya.
H-huh!? Ano yon? Baril!? Ah-eh kutsilyo?? Panyo tapos tatakpan ilong ko hanggang sa makatulog??
NAKATINGIN PA RIN SIYA NG NAKAKAKABA NG BIGLANG..
"Eto bang hinahanap mo?" sabi niya hanggang sa nakita ko na naman ang ngiti niyang nakakaloko. Nilabas niya ang isang cellphone mula sa bulsa niya habang naka-hang ito mula sa kamay niya.
Huh? Ano meron? Yun lang? Eh cellphone lang pala eh! Kala ko kung ano. Jusko. ANG OA KO! Kung anu-ano pa naiisip ko. Nakakatawa lang. Napangisi nalang ako habang napakamot ng ulo. Nakita ko naman na bahagya niyang itinagilid ang ulo niya na para bang nagtataka siya sa reaksyon ko.
Eh bakit ba? Eh cellphone niya lang nam--what!?
"Cellphone ko ba yan!?" nagmamadaling tanong ko.
Nag-nod naman siya ng slow-mo habang nakangiti pa rin ng nakakaloko. Kailangan pa alaga slow-mo? Ano na naman ba to, Jerk? Masama ang kutob ko, mukhang hindi ko makukuha yung phone ko ng ganun lang kadali. Sa ugali lang ng mokong na 'to, mukang mahihirapan akong mabawi iyon. Argh. Dapat ba ako matuwa na may nakapulot!?
Hmp! Dapat mag-isip ako ng strategy! Eh kung magbait-baitan kaya ako sa kanya? I-reverse psychology ko kaya siya?
"OMG! Thank you! Thank you, Rod! Noon pa man alam ko ng hulog ka talaga ng langit!" I said while smiling sarcastically. Pwe. Ihihulog ka ng langit mas bagay.
"Akin na." biglang serious face na hinihingi ko sa kanya. Psh! Ang hirap makipagplastikan ah!
"Sure." Sabi niya habang nakangiti.
Ha? Talaga? Ganun nalang 'yon? Mabait talaga siya ngayon? Nakain nito? d**o? Wow talaga! Nauntog ba ulo nito sa sahig at inaabot niya sakin ngayon yung phone ko ng wala manlang halong pambubwiset!?
"Sabi na eh! Mabait ka! Hehe. Akin na po..." nakaabang na yung dalawang palm ko habang hawak niya naman sa keychain yung phone ko kaya naka-hang ito. Hinihintay ko nalang na mag-land sa mga kamay ko. Ayan na, malapit na. Unti-unti niya ng binababa.. Wait nga lang, bakit kailangan na naman slow-mo pa??
Nasa Chinese action movie ba tayo Rod, ha? Ha?
Nang mga ilang inches nalang madadampi na sa palad ko yung phone, at handa na akong hatakin ito, bigla niya naman hinablot ulit pataas ng mabilis!
"Ano ka sinuswerte?" sabi niya sabay smirk.
GRRR! Sabi na eh!! Pinaglololoko niya lang ako! MOKONG KA TALAGA ! MOKONG! JERK JERK! BWISET! Pero hindi ako susuko, mauuto ko rin 'tong hinayupak na 'to.
"Ha ha ha. Ikaw talaga oh. Mapagbiro ka talaga. Sige na Rod, akin na please?" pilit na pilit ako sa pagpapacute kahit diring diri na ako sa ginagawa ko. Ahhhh! Gigil na gigil na 'ko sakanya!
"No." tipid na sagot niya, sabay belat sa'kin. Kumukulo na naman ang dugo ko dahil sa ginagawa niya.
"Akin na sabi." I'm being sarcastically nice parin! What the hell!
Whoo! Relax Czarina! Relax!
"NO. NO. NO." sabi niya pa rin sabay pakunwaring singkit ng mga mata at saka ngumiti ng pilit na para bang nangaasar. Oh nice Czarina, hindi pa ba halata? Inaasar ka na naman niya. Sinisira na naman niya ang araw ko! Ahhhhhhh! RODDDDDD! GRRR!
"Akin na nga!!" galit na sabi ko, sabay hatak ng braso niya pero sobrang lakas niya kaya halos mitumba lang ako sa ginawa ko.
"Isusumbong kita sa guard!!! Akin na!" tinaas niya pa yung kamay niya kaya tatalon-talon ako para maabot pero sadyang pandak ako kumpara sakanya! Waaahh! Ang sarap niya talaga ipalapa sa aso!
"Isumbong mo, samahan pa kita." nagsmirk na naman siya sabay kindat pa. Leche ka talaga sa buhay ko!
"Finders keepers kaya! Bobo neto di mo alam 'yon?" dagdag niya pa na lalong ikinakulo ng dugo ko.
Bobo!? Ako!? Nakakainis talaga! Napakabipolar niya talaga! Paiba iba ng mood! Nambubwiset na naman siya ngayon! Kailangan kong gumawa ng paraan. Tyak na mahihirapan ako sa mokong na 'to. Err! Uhmm? Shems. Alam ko na!
"Akin na kasi.." parang batang nagmamakaawa na sabi ko. Ubos na ubos na ang dignidad ko ngayong araw dahil sa kanya.
"AYAW." naka-pout na sabi niya habang nagkukunwaring maiiyak. Takte lang, elementary ba 'tong isang 'to!? Napakaisip bata!
Bwisit kang lalake ka. Eto may huli akong ideya, kapag hindi ito umepekto masasaktan na talaga kita. Wala na akong pakielam kung magpatayan pa tayo dito. Dahil bumalik na siya sa pagiging may saltik niya, di na ako natatakot sa sakanya.....?
Bakit may question mark!?
"EH KASI NAM----UY MANONG GUARD!! TULONG! MAGNANAKAW PO!! nagkunwarian akong nakakita ng guard sa likuran niya kaya bigla siyang nalingon. Sinipa ko naman agad ng malakas yung binti niya kaya naman napaatras nalang siya, then saka ko na hinablot yung phone ko mula sa kamay niya at takbo! Mouhaha. Mokong! Mas tuso ako sa'yo! Gago!
"H-HOY!! AWW." narinig kong sabi niya. Nilingon ko naman siya ng mabilisan at nakita kong hawak hawak niya yung binti niya na sinipa ko.
"Bleh!" sabi ko sa kanya habang tumatakbo sabay ngiting tagumpay!
OMG, I won!!
"HOY KATE! BUMALIK KA DITO!" gigil na gigil na sabi niya.
Oh well, talk to your hand, Jerk! Pero teka, saan ako dadaan? Kung sa main gate pa ako dadaan baka makasalubong ko pa yon dahil may shortcut mula sa playground papunta don. s**t. Tama, sa back gate nalang ako lalabas. Mas malapit pa dito. Tawagan ko nalang si Nathan mamaya para magkita kami.
Natanaw ko na yung gate kaya naman napangisi nalang ako. Whoo. Yes talaga! Natakasan ko rin siya. Huminto na ko sa pagtakbo at palabas na sana nang may bigla akong nakitang pamilyar na mukha.
*gulp*
Bakit nandito 'tong isang 'to!? Paano niya nalamang dito ako nagaaral ngayon!? Saka, bakit naman sa dinamirami ng pagkakataon pareho pa kami ng nadaanan ngayon!? Waaaah! What to do!? Malayo-layo palang napansin ko na na kumakaway kaway na siya sakin.
"HELLO CZARINA MY LABS!" sumigaw siya na halos matanggal na lalamunan niya habang napakalapad pa ng ngiti.
OMG.OMG. Talikod Czarina. Talikod! Kunwari wala kang nakita at narinig.
Tinalikuran ko siya at naglakad pabalik ng mabilis. Anakngtipaklong naman talagang araw na 'to oh. Napakaganda talaga. Palakpakan.
"Uy Czarina! Si Tiboy 'to! Number one admirer mo!" sigaw niya ulit. Shet. Nakakahiya siya. Hindi pa ba halata na iniiwasan ko siya!?
Kailangan ko talaga siyang maiwasan kung gusto ko pa masalba ang natitirang 1% na dignidad ko ngayong araw. Kaya naman maya-maya pa, yung lakad ko naging takbo na!
WAAAHHHHH! TAKBO CZARINA! TAKBO! BALIK BALIK!
"MY LABS BAKIT KA TUMATAKBO!? I MISS YOU!" napalingon naman ako habang tumatakbo with what-the-eff-look nung nakita kong nakapout pa siya.
Ahhhhh! Hindi siya nakakaakit! Luh!! Kailangan ko talagang bumalik! BALIK! BALIK!
*Boink!*
"A-aray." habang nakatingin ako kay Tiboy at tumatakbo, naramdaman ko nalang na bigla akong may nakabanggaan kaya napayuko ako sa sakit sabay hawak sa ulo ko. Aish! Nalaglag pa phone ko! Ano ba yan! Saka masakit talaga, baka magkabukol pa 'to. Sino ba 'tong nabangga ko?? Malamang tao 'to, paa 'tong nasa harapan ko eh! Mamaya na nga, pulutin ko muna 'tong phone ko nang makatakbo na ulit.
Pupulutin ko na sana yung phone ko nang pulutin na nung taong nakabanggaan ko. Teka, sino ba 'tong bumunggo sakin??
"Gotcha." Sabi niya sabay tago sa likod niya nung phone ko. Uh-oh. Jerk!!
"Kala mo makakatakas ka?" sabi niya sabay hawak sa wrist ko.
Aisssh! Kapag minamalas ka nga naman! Dalawa nga pala 'tong humahabol sakin!
"My labs! Ang bilis mo naman tumakbo! Phew!"
OMG! Naabutan niya na 'ko!
"Oo na! Oo na! Sayo na yang phone ko! Bitiwan mo lang ako!!" sigaw ko kay Rod habang nakatingin ako sa paparating na si Tiboy!
Ahhhh! Kailangan ko munang takasan yung isang yon! Kahit sa kanya na lahat ng gadgets ko wag lang ako maabutan ni Tiboy! Please!
"Huh? Ano?" nagtatakang tanong si Rod.
Shems! Palapit na si Tiboy!
"MY LABS!" nakaakma na siyang yayakap sa akin, kaya naman pakiramdam ko mauubusan na ako ng dugo sa kaba.
"TAKBOOO!!" sigaw ko kay Rod sabay takbo.
Si mokong naman mukhang nataranta at nakitakbo na rin sakin! Pffft~nakakatawa yung mukha niya ngayon! Takang-taka sa nangyayari!
"H-hoy. Bakit. ba. tayo. tuma. takbo!?" tanong niya habang hinihingal na.
"M-mamaya. ka na. magtanong!" hingal ko ding sabi sa kanya.
"Dun sa bus tara!" yaya ko sa kanya nung makalabas na kami ng gate ng tuluyan. Buti nalang talaga sakto na may nakahintong bus sa shed! Kailangan naming maabutan 'yon!
"MY LABS!! WHAT'S WRONG WITH YOU!? PAKISS MUNA!" nakangusong sabi ni Tiboy habang tumatakbo pa rin papalapit sa amin.
Aishhh! Yuck lang! Napaka-stalker niya!
"HINIHINGAL NA KO! WAIT LANG KASE MY LABS!" sigaw niya ulit, habang nakahawak na siya sa mga tuhod niya at nagmamakaawang huminto kami.
Waaah! Pano siya hindi hihingalin eh para na siyang pulang-pulang lechon ngayon!? Nasan na yung apple?!
"PARA! Stop!" sigaw ko nung makita kong umaandar na papaalis yung bus.
Buti nalang bago pa tuluyan sumara yung pinto ng bus nang nakaakyat na kami agad papaloob. Hay! Buti nalang din talaga naiwan na dun si Tiboy dahil hindi na nakahabol sa hingal!Nakakahiya talaga yung pagsigaw sigaw niya kanina. Teka, nagtataka na ba kayo kung bakit sobra nalang ang iwas ko don? Tulad ng sinabi niya, number one admirer ko daw siya! Pero kung tutuusin, nagmumukha na talaga siyang creepy stalker!
Anong itsura niya? No offense, pero para siyang lechon na nasobrahan sa uling. Don't get me wrong, naman ako tumatakas mula sa kanya dahil sa itsura niya, mas higit na dahilan ay yung way ng "PAGGAADMIRE" niya sa'kin! Sobrang nakakahiya!! Kung alam niyo lang. As in, yung tipong gugustuhin mo nalang lamunin ng lupa kapag makakasalubong mo siya!
Anong mga ginawa niya? Aish, eto eto.
~Nung elementary kami, muntik niya na akong halikan sa labi buti nasapak ko! Ayun, may blackeye kinabukasan.
~Nung Flag Ceremony nung Highschool, bigla niyang nirecite ng pagkalakas lakas ang panatang makabayan ng: "panata ko habambuhay, iibigin ko si Czarina." Kaya ayun, nagtawanan mga kaklase ko pati na rin mga teachers, pero syempre, dinala siya sa guidance office.
~Nung Foundation Day, sumayaw siya ng naka-boxer shorts lang sa school stage sa harap ng maraming tao sabay sabing dinededicate niya sakin yung katawan niya. Nagsinungaling nalang ako at sinagot siya na: "Sorry, I'm vegan."
~Nung JS prom, dahil sabi ng mga teachers namin na bawal tumanggi sa guy, napilitan akong tanggapin ang alok niya na sumayaw tapos hinawakan ba naman yung pwet ko kaya sinipa ko siya sa *toot* niya! Ayun, nagngangawa!
~Graduation Day, bigla siyang umakyat sa stage at sinabing papakasalan niya 'ko sabay luhod! Tumakbo nalang ako kaya di ko na alam sunod na nangyari.
Ayan, kinilabutan na naman ako! Ghaad! Ganun siya kabaliw na dapat iwasan! Ngayon nga lang college ako nakalayo eh. Hindi ko nga pinagkakalat kung saan na ako nag-aaral pero bakit nalaman pa rin niya? Myghad.
"HOY." siniko siko ako ni mokong na katabi ko ngayon sa bus, kaya naman bigla akong nagising mula sa bangungot ko. Onga pala, kasama ko rin 'tong isa pang bangungot sa buhay ko.
"Ano na naman??" kunot noong sabi ko, sabay tinaasan ko siya ng kilay.
Teka teka, yung phone ko nga pala nasa kanya pa!
"Sino ba 'yon? Para kang criminal kung makatakas?" Sabi niya habang obvious naman na natatawa siya.
"Che! Wala kang pake!" inirapan ko lang siya sabay tingin sa labas ng bintana. Hay nako, pwede ba? Huwag niya ng dagdagan pagkabadtrip ko. As if naman sasabihin ko sa kanya yung mga ginawa ni Tiboy? Para ko lang hinulo sa bangin ang sarili ko 'di ba!
"Yieee. Suitor? Admirer? Ex?!" pangaasar niya habang nagpipigil parin siya ng tawa niya.
Ampotek, ex!? Extra-terrestrial pwede pa!
"Baka kamo stalker. Psh." mahinang sabi ko. Hay nako talaga, wala na akong lakas para makipagtalo sa kanya.
"Talaga? Pffft~hahaha." wala siyang tigil sa kakatawa habang hawak niya pa yung tiyan niya, kaya naman tumitingin na samin yung mga pasahero dito sa bus.
*tok!"
Siniko ko nga sa dibdib!
"Ehhhhrmm." pagpipigil niya ng sakit dahil sa ginawa ko. Pulang-pula ang mukha niya, masyado ko ba nalakasan? Grabe, nakakatawa mukha siyang tanga.
"B-bakit mo.ko.siniko!?" reklamo niya habang halatang nanggigigil.
"Aw sorry di ko sadya. *pouts*" pangaasar ko kaya tinignan niya naman ako ng masama.
"Tch." sabi niya nalang sabay irap. Napatingin nalang ulit ako sa bintana at napangisi.
Maya-maya pa, tumingin ulit ako sa kanya dahil may naalala ako.
"Oy nga pala, yung phone ko. Akin na nga." utos ko sa kanya.
"Aww sorry ayaw ko. *pouts*" paggaya niya sa ginawa ko sa kanya kanina.
Bwiset. Nakakainis talaga. Siya naman nangaasar ngayon. Hmp!
"Alam mo, bwiset ka tal—" naputol ang pagsasalita ko nang pigilan ng daliri niya ang bibig ko at nagsalita ulit siya.
"UNLESS, susunod ka sa isang kondisyon." sabi niya with matching crossed arms pa. Ano na naman pakulo neto? Pagod na pagod na ako ngayong araw, hindi pa ba kota!?
"What? Kondisyon? Ano na naman ba yan? Psh." Inis na sabi ko. Meh, wala na akong energy. Itulak ko nalang kaya sa bintana 'to?
"Yup yup. Kailangan mo munang sundin ang kondisyon ko bago ko ibalik yung phone mo." sagot niya sabay ngiti ng malapad. Tch, wag kang ngumiti di ka gwapo.
Oh talaga, Czarina?
sabat ng konsensya ko. Oy, wag kang epal! Dahil kaaway ko siya, hindi siya gwapo sa paningin ko!
"Eh paano kung ayaw ko, ha!?" mataray na sagot ko. Natahimik naman siya ng ilang segundo, pagkatapos lumipat siya sa kabilang seat sa row naming na walang nakaupo. Maya-maya pa, binuksan niya yung window at saka inilawit palabas yung phone ko.
Omayghad!
"No!!" nagaalalang sabi ko dahil baka ilaglag niya yung phone ko!
"Is it a yes, instead?" nakasmirk na sabi niya.
Napatingala at pikit nalang ako dahil pilit kong nireretain yung composure ko. Mahirap na, baka magdilim pa ang paningin ko. Huminga muna ako ng malalim at saka ulit tumingin sa kanya.
"Bwisit ka talaga alam mo yun?" gigil na sabi ko sakanya.
"Oo, pogi ako. Alam ko yun." sabi niya sabay kindat pa.
Bingi ata 'tong isang 'to!?
"Hehe. Nakakatawa." I said sarcastically sabay irap. Oo na, wala na akong magagawa kundi ang sumunod. Oo na, talo na ako. Leche talaga.
"Oo na leche, anong kondisyon ba ha?" tanong ko sa kanya habang napapakamot na 'ko ng ulo sa inis.
"Simple lang." sagot niya.
"BE MINE."
"AnakNg!" halos malaglag ako sa upuan ko dahil sa narinig ko. Ano daw!? No way!
**
To be continued...
-ThisIsRajuma
July, 2012.