****
Chapter 7- What’s Wrong?
****
CZARINA'S POV
Bumalik na kami ni Nathan sa Arts Department.
Sabay kaming naglalakad sa corridor papunta ng room namin. Medyo nauuna siya sakin maglakad kaya pasulyap sulyap ako sa sa kanya paminsan minsan.
Well, tinitignan ko lang naman yung ekspresyon ng mukha niya 'no. Oh bakit? Ayt. Oo na nga, tinitignan ko talaga yung feautures ng mukha niya.
Hehe. Ang kinis kasi ng balat. Tapos ang tangos ng ilong, at mapula din pala labi niya parang kay Rod.
Wait, ano na naman ba pinagsasabi mo Czarina? Bakit nasingit na naman yung mokong na yun? Aish! Excuse me lang ah, hindi ko naman kaya tinignan labi niya.
Oh bakit na naman? Sige na nga, natitigan ko ONCE!
“What are you thinking?”
“Lip—ah este, wala. Wala, hehe.” bigla naman akong nagising mula sa mga iniisip kong kababalaghan nang kausapin ako ni Nathan.
"Oh. Alright. Nandito na tayo.” Sabi niya. Saka ko lang narealize na nandito na nga kami sa tapat ng room. Sakto naman na walang tao sa room kaya pumasok na kami agad ni Nathan.
Nasan kaya sila? Baka nasa AVR? Oo, sa Audio Visual Room, nabanggit nga pala kahapon ng professor namin na may panonoorin kami don.
Hinanap naman agad ni Nathan yung bag ni Tina then nilagay niya na dito yung bagay na kinuha namin sa Lab kanina.
“Pfffft~” natatawa pa siya habang nilalagay niya.
“Sure ka ba dito Nathan?” tanong ko sakanya. Medyo medyo nagiguilty kasi ako. Pero sa ugaling yon ni Tina? Medyo naman.
“Don’t worry. This won’t harm her.” nagsmile siya sakin.
“Just for fun.” He added sabay wink.
Loko talaga. May kindat pa. Wag kang ganyan baka mahulog ako. Joke lang. Pero anyways, bahala na, mukhang masaya nga ‘to haha.
Kinuha na namin yung bags namin tapos lumabas na kami agad ng room.
Nagtago naman kami agad sa may gilid ng pader nung makita namin na parating na yung mga classmates namin pati yung professor. Mukhang galing nga sila sa AVR.
Nang makapasok na sila ng room, sumilip na kami ng bahagya sa pinto, habang hinihintay nalang namin buksan ni Tina yung bag niya.
"Okay class, get all your notebooks for a quiz." Sabi nung professor.
Nagkatinginan kami ni Nathan dahil alam na namin ang susunod na mangyayari.
“Tententen.” Pagloloko niya. Natawa naman ako dahil dun. May sound effects pa, huh?
Kinuha na ni Tina yung bag niya para kunin yung notebook niya, at pagkabukas niya..
“Gyaaaaahhhh! OMG! OMG! A frog! OMG! Gyaaaah!! Who the hell put this in my bag!? Who!? AHHHHH!! FVCK! ”
Galit na galit siya at diring diri! Preserved Frog kasi na nakita namin sa Biology Lab ang nilagay namin sa bag niya. Nagtawanan naman yung mga kaklase ko dahil sa itsura niya ngayon. Tawa rin kami ng tawa ni Nathan.
“Pfffttttt~Hahahaha.”
“Hahahaha.Look.at.her.face.Pffft~” halos hindi na siya makapagsalita sa kakatawa, ako rin, sobrang sumasakit na yung tyan ko sa kakahalakhak.
Kung nakita niyo lang talaga yung mukha ni Tina! Mauutot kayo sa kakatawa! Pfffft~alam kong ang mean ng ginawa namin, okay! Last na talaga ‘to!
"QUIET MISS GUEVARRA! WHY ARE YOU ACTING THAT WAY??!" react nung prof kasi mukhang nagulat siya sa pagsigaw ni Tina.
"MA'AM! SOMEONE PUT A FVCKING FROG INSIDE MY FVCKING BAG!!! AHHHH! BULLSHIT! ” galit na galit niyang sabi. Pffft.
"SHUT UP! HOW DARE YOU CUSS IN FRONT ME MISS!? DON’T YOU HAVE MANNERS!?” Ay? Mukhang masyado nang nagkakainitan sa loob.
"Ahhhhhh! Whatever!” pagmamaktol ni Tina sabay walk-out ng room.
Napatalikod naman kami bigla ni Nathan para magtago sakanya. Nagkatinginan na naman kaming dalawa ni Nathan.
“Uh-oh.” Sabi ko with serious face.
Nagshrug naman siya ng shoulders then after a few seconds, natawa na naman kaming dalawa!
“Pfffft. The best.” Sabi ko.
“Indeed.” Sagot niya naman.
Grabe lang. Gumaan bigla pakiramdam ko, thanks to Nathan!
“Huy, salamat ah.” Sinagi ko siya nang konti sa side niya. Naglalakad pa rin kami ngayon sa corridor.
“For what?” tanong niya. Tinatanong pa ba yan?
“Kasi, tinulungan mo kong turuan yung Tina na 'yon ng leksyon.” sabi ko sabay suntok pa ng right fist ko sa left palm ko.
“Haha. Ang cute mo talaga.” Sabi niya sabay pat ng ulo ko. Ayt! Ayan na naman siya eh.
“Wala yun, she’s mean. Pero ang hindi niya alam, mas mean tayo.” sabi niya sabay smirk.
“Pero kung gusto mo, you can pay me back.” sabi niya.
“Ha? Oh, magkano ba?” tanong ko. He chuckled pagkasabi ko non. Bakit? Anong nakakatawa? Payback daw di ba?
“I’m not talking about something monetary. I’m talking about you.” Unti-unti siyang nagbend hanggang sa makatapat ng mukha niya yung mukha ko.
“H-huh?” nauutal ako. Ang lapit naman kasi ng mukha niya kaya napayuko tuloy ako. Anong ginagawa niya?
“What I want, is you.” sabi niya, niya ikinalaki ng mata ko. Eh?
Nagstep forward na naman siya dahilan para mapaatras ako hanggang sa pader.
“W-wag.” sabi ko at napapikit na ako sa takot. Bakit ba siya ganyan!?
“Pffft~Haha. Sorry Cza, just kidding.” Bigla akong napadilat at nakita kong tawa siya ng tawa.
“Tch. Loko ka! Amp.” pinalo ko yung braso niya.
“Di nga, anong gusto mo? Treat nalang kaya kita?” alok ko sakanya.
Well, mukhang hindi narin naman siya papasok kasi kinuha niya narin yung bag niya kanina sa room kahit hindi pa tapos ang klase.
“Uhm. Sure. Makakatanggi ba ko sayo? Baka suntukin mo pa ko.” sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.
“Loko!” sabi ko tapos natawa siya, pati narin ako. Nakakatuwa lang. Para na kaming close.
**
Paakyat na ako ng 3rd floor ngayon. Sabi ko kasi kay Nathan, magpapalit lang muna ako ng damit kasi amoy CR na talaga ako. Aish. Kapag naiisip ko ang mga nangyari sa simula ng araw na ‘to, nai-stress lang ako.
Nahuling nagchicheat! Na-detention Napaglinis ng CR! At Nakahali--waah! Nevermind that part!
Pero at least, at the end of the day may nakakatuwang bagay rin naman dahil kay Nathan.
Dagdag mo pa yung nalaman kong sikreto sa undie ni mokong! Pffffft. Teka, bakit ba siya lagi nasisingit sa mga iniisip ko? Pang badtrip lang ng araw yan eh.
Anyways, kailangan ko na palang magmadali at hinihintay ako ni Nathan sa may main gate. Basta sabi ko kasi, wait niya lang ako at ititreat ko dahil naging masaya ang finale ng araw na ‘to. Nakarating na ‘ko sa tapat ng girl’s locker room para kuhanin dun yung damit ko at magbihis. Papasok na sana ako nang may bigla naman akong narinig.
*Boogsh!*
Isang malakas na galabog na nagmumula sa counterpart ng room na ‘to—ang boy’s locker room. Napalingon agad ako dahil sa pagkabigla. Nakita ko sa nakabukas na pinto sa loob ang isang lalakeng nakasalampak sa sahig at nakasandal sa lockers. May sugat at dugo siya sa labi.
Gumilid ako para magtago at mas makita yung eksena! Wow. Ayos ah, live na UFC match. Pilit naman siyang tinatayo ng dalawa niya pang kasamang lalake pero tinabig niya ang mga yon.
"TUMABI KAYO! KAYA KO 'TO!" sita niya sa mga ito habang pilit na tumatayo. Aba mapride pa ang loko bumagsak na nga.
Pagkatayo niya, tumingin siya ng masama sa isang lalaking nakatayo sa harapan niya. Sa tingin ko, yun ang sumuntok sakanya. Napansin ko rin kasi ang kamao nito na nay bahid ng dugo. Omg. Nakakatakot siya. Sino kaya 'to? Nakatalikod naman kasi sakin ang isang yun kaya hindi ko makita yung mukha niya.
"HA-HA. PWEH!” Tumayo na at dumura yung lalaking nasuntok habang nakatingin sa sumapak sakanya at tumatawa tawa. May sira ba sa ulo tong isang ‘to?
“Yun lang ba kaya mo ha? Suntok na ba tawag mo don? Haha. Puta! Lupet parang nangingiliti lang!" sigaw niya sabay akmang gaganti ng suntok sa lalaking nasa harapan niya pero nakaiwas ito agad.
"Ayoko na ng gulo. Tigilan mo na yang kakadada mo kung ayaw mong dagdagan ko pa yan, Simon." kalmadong sagot nung lalake dun sa Simon. Ah, Simon pala pangalan nung sinuntok. Pero teka..bakit parang pamilyar yung boses nung kaharap nung Simon?
"KASI PARE, NAGSASABI LANG AKO NG TOTOO. SINABI SAKIN MISMO NG PINSAN KO NA NAIIRITA NA SIYA SA KAKAKULIT MO. PWE! Pwede ba? Tigil tigilan mo na si Anna!” madiin na sinabi nung Simon.
"Tch. Sinungaling. Imposible." Sagot naman nung kausap niya. Halatang halata sa boses at kamao niya na pinipigilan niya pa talaga ng galit niya.
Aish! Parang kilala ko talaga yun eh! Pero di ko sigurado kung siya nga. Bakit kasi hindi pa siya umusod usod ng konti para perfect view na. Pak! Edi makikita ko na siya ng buo!
"EH HINDI KA LANG PALA BOBO, MARTYR KA PA! HAHA. DIYAN KA NA NGA! ANG HINA MO UMINTINDI! TANGNA. HAHA. TARA NA MGA PARDS.” Grabe naman magsalita ‘tong Simon na ‘to. Talagang pinagdidiinan. Kumilos na yung Simon at tinawag na yung mga kasama niya.
“Basta advice lang pre, wag ka na umasa! Haha! Hindi ka naman minahal ni Anna, alam mo yun?” dagdag pa nung Simon sabay hawak pa sa balikat nung lalake. Awts, sakit naman non. Yabang! Psh.
"Tang*na tumahimik ka na!” hindi na nakapagpigil yung kaharap niya at sinuntok suntok ulit siya, dahilan para mapabagsak na siya talaga sa sahig. Mukhang napikon na ata talaga yung lalake dahil sa pangiinsulto ng Simon na 'to. Buti nga sa' yo.
Grabe talaga. Galit na galit siya. Nakakatakot. Kinakabahan na nga ako dito eh.
"WAG NA WAG MONG IDADAMAY SI ANNA SA KATARANTADUHAN MO. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT MO SINASABI SAKIN ‘TO, PERO ISA LANG ANG ALAM KO, HINDI TOTOO ANG MGA PINAGSASABI MO.” banta niya sabay dura sa mukha nung Simon na nakasalampak sa sahig.
“Haha! SOON MATATANGGAP MO RIN PARE!” sarcastic na dagdag pa nung Simon. Tsk. Walang kadala dala.
Hindi niya na pinansin yung Simon. Nakakatakot talaga siya. Nakakagulat ang mga reaksyon niya.
Pero.....
Meron akong mas ikinagulat nang humarap na siya sa direksyon ko dito sa labas.
TAMA NGA. KILALA KO SIYA. AT HINDI AKO MAKAPANIWALA SA NAKITA KONG "SIYA" NGAYON. Ibang-iba siya sa nakilala kong kahit alam kong gago, lagi namang nakangiti at nakatawa kahit nakakaloko.
Napahinto siya nang makita niya ako. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Mukhang nabigla rin siya sa presensya ko doon. Pero pagkatapos non, inialis niya na ang tingin niya sa'kin at patuloy na niya akong nilagpasan, na para bang malamig siyang hangin na napadaan lang.
Ang lamig lamig ng ekspresyon ng mukha niya.. Yung kamao niya, puno ng galit. Pero may nakita ako sa mga mata niya na naging dahilan para makaramdam ako ng kakaiba.
Malungkot siya. Nasasaktan siya. Si Jerk? Bakit ganito itsura niya ngayon?
Bakit ganito? Bakit parang naapektuhan ako ng mga titig niya kanina? Dahil lang ba sa hindi ako sanay na ganito ang makita ko sakanya ngayon at hindi nakakalokong ngiti?
Ganon ba?
Kasi, bakit parang…Wait, baka hindi naman siguro! Pero kasi, nung makita ko yung mga mata niyang nasasaktan.. Bakit parang kumirot yung puso ko? Huh? Ano naman pake ko sa kanya di ba!?
Rod, anong problema mo?
Wait, eh ako, anong problema ko!?
***
To be continued...
-ThisIsRajuma
June, 2012