Chapter 6- Just for Laughs!

2547 Words
***** Chapter 6- Just for Laughs!  ******   3RD PERSON'S POV Kasalukuyan pa rin silang nasa gano’ng posisyon. Parehong nanigas ang kanilang mga katawan at nanlaki ang mga mata, dahil sa shock sa nangyari. *dugdug* *dugdug* Ramdam rin ng bawat isa ang kabog ng dibdib nila. Pareho silang hindi makapaniwala sa sitwasyon nila ngayon.  *Blink blink* *Blink blink* Para silang ewan na paulit ulit ikinukurap ang mga mata, baka sakaling magising sila sa isang panaginip, o bangungot ika nga para kay Czarina. At nang mukhang nagsink-in na sa nagmalfunction na utak ni Rod ang pangyayari... "W-woah." gulat na sabi niya, sabay angat agad agad mula sa ibabaw ni Czarina. At si Czarina naman, naiwang nakahiga parin at nakatulala sa kawalan. Mukhang hindi parin bumabalik sa normal ang pag-iiisip niya. Maya-maya pa, unti-unti na siyang umupo habang iniiling iling ang kanyang ulo. Hindi totoo 'to. Hindi totoo 'to. Paulit-ulit niyang sinasabi sa isip niya. Panaginip lang 'to. Panaginip lang 'to. Hindi, bangungot 'to. Oo, binabangungot lang ako. Kailangan gumising na 'ko. Gising Czarina. Gising. Dagdag niya pa habang tinatapik tapik ang mga pisngi niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, habang umaasang magigising siya sa masamang panaginip na ito. Si Jerk? Nakahalikan niya? Hindi pwede. Hindi iyon maaari. Naisip niya habang nakapikit pa rin ang nga mata.  "Psst. Psst. Oy." tawag naman sakanya ni Rod habang mahina siyang sinisipa sipa sa paa. Nagtataka kasi ito kung bakit hindi parin siya tumatayo at kung bakit nakapikit siya. Pati ito, nakaramdam ng 'awkwardness' sa nangyari. "Hoy, Babab." Bigla namang napadilat si Czarina dahil sa pagtawag ni Rod, at ayun na nga, nanlaki na naman ang kanyang mga mata nang makita niyang totoo ngang kasama niya si Jerk ngayon, totoo ang nangyari, at hindi siya nananaginip! Totoo ngang nanakaw ang unang halik niya! "HINDEEEEEEEEE!" malakas na sigaw niya na nagecho sa kalooban ng CR, kaya naman agad na tinakpan ni Rod ang mga tenga niya. Sa wakas, nagising na siya sa katotohanan! ***** CZARINA'S POV Hindi. Hindi totoo 'to. Pagkadilat ko, siguradong wala na siya sa harapan ko. Tama, binabangungot lang ako. "Psst. Psst. Oy." naramdaman kong may yumuyugyog sa paanan ko. Napadilat ako. Umaasa akong wala siya sa harapan ko at magigising na rin ako sa wakas mula sa bangungot na 'to, pero.. "Hoy, Babab."  OH MY GHAD. TOTOO. NGA. ITO. OH MY GHAD! Waaahh! Sheeeett! HINDI PWEDE 'TO! "HINDEEEEEEEEE!" malakas na sigaw ko. Bakit nangyari 'to!? "HINDEEEE! HINDEEEE!" sigaw ko ulit at nakita ko namang tinatakpan niya yung tenga niya, at mukhang naiirita na siya sa boses ko. "HINDI PWEDEEE! WAAHH! PWE!! YUCK! YUCK!" nagpapapadyak na ko sa sahig na parang batang inis na inis, habang pinapahid pahid ko yung labi ko! Waaahh! Kadiri! Ahhhh! Sa kaaway ko pa! Kay Jerk pa! "HINDI TALAGA PWEDEEE! HINDI TOTOO 'TO!" sigaw ko ulit. Huhu! Yung first kiss ko! Hindi ko matanggap! "OO! OO! TOTOO 'TO! HINALIKAN MO KO!" sigaw naman niya habang nakahawak parin sa tenga niya. Agad naman akong napatingin ng masama sakanya. Anong sinabi niya!? Ako!? ANG KAPAAAAL NIYAAA TALAGAAA! "Kasalanan mo 'to." I said while glaring at him. As in ang sama sama talaga ng tingin ko sakanya. Nakakainis talaga! "Woh woh. Kasalanan ko? HUH." sagot niya at ngumiti na naman siya ng nakakaloko. "Grabe ka ah, baka nga sinadya mo yun para mahalikan ka ng isang gwapong katulad ko. Tsk." dagdag niya pa habang umiiling iling at napakayabang ng pagmumukha!  Ahhhhh. Nakakabwiset talaga. Ang sarap niyang ipalapa sa ASO! LION! TIGER AT CHEETAH!!! "JERKK!!!BWISETT KAA TALAGAAA!" dahil sobra na kong napipikon, tumayo ako agad agad at handa na siyang sugurin para gantihan.  "Woaah! Joke lang naman Kate!" nagulat siya sa pagtayo ko habang naghahand gestures na huwag ako lalapit, sabay takbo na palabas ng CR. "Saka grabe ka naman maka-yuck ha!? Choosy pa? Pwes, yuck din!!" dagdag niya, habang tumatakbo pa rin at bahagyang nakalingon sa'kin. Ang bilis niya! Nakaabot na kami sa hallway! "Humanda ka! Ninakaw mo yung first ki--" napatigil ako sa pagsasalita ko, habang hinahabol ko parin siya. Shocks! Bakit ko na nabanggit yun!? Nakakahiya! Baka isipin niya pa siya first kiss ko! Ahhh! Leche! Pero siya naman talaga. Huhu.  Napaharap naman siya agad sakin. "Hahaha. Pfffft~ Talaga? First kiss? Pffttt~bwahaha!" sabi niya, at napahinto siya sa pagtakbo dahil tawa na siya ng tawa habang hawak hawak niya pa tyan niya. Yung mga mata niya, naniningkit pa sa kakatawa. Leche talaga!  "Anong nakakatawa ha!? Ha!?" sabi ko nang maabutan ko na siya. "Aww. Aray. Aray. Kate!" pinapalo palo ko siya dahil gigil na gigil na ako.  Dapat kanina ko pa siya nabugbog ng lubus lubusan! "Tama na! Dapat nga matuwa ka! Precious kaya ng lips ko!" sabi niya. "Bwiset! Bwiset!" mas lalo ko siyang binugbog dahil hindi niya ko tinitigilan sa pangaasar niya. Jerk talaga!  Pakiramdam ko kulang po yung pagpapalo ko sakanya kaya may naisip ako. Tuhudin ko kaya siya sa ano niya!? Oo! Para masakit!! Para mahinto na sa kanya lahi niya! Gets mo ba!? Sabihin nalang nating, dun sa may naguumpugang bola na halos ikamatay ng mga lalake kapag sinaktan. Basta yun na yun! Lagot ka sa'kin mokong ka.       “Bwiset!!” Nakahanda na yung knee ko na tuhurin siya nang may napansin ako.. Shocks!? "Pffffffft!~Hahaha." Grabe! Hindi ko mapigilan ang tawa ko! "Hahaha!" grabe lang nung nakita ko, nakakatawa. Tawa pa rin ako ng tawa habang siya naman, takang taka. Pfft. "Hoy, anong nakakatawa!? Nakakabaliw ba talaga ang kiss ko?" tanong niya bigla habang takang taka parin yung mukha niya. Kapal talaga.    Napatigil ako sandali sa pagtawa dahil sa sinabi niya at tinignan ko siya ng masama, pagkatapos, napatingin na naman ako sa baba at hindi ko nanaman napigilan ang pagtawa ko. "Hahahaha." hawak hawak ko na yung tyan ko dahil sa sakit sa kakatawa. Haha! Kung nakita niyo lang yung nakita ko! "Pfffft!~Hmm." pinigilan ko na yung pagtawa ko at umayos na. Nagseryoso na ako at tumingin sakanya. Tinignan niya naman ako ng what-the-hell-is-funny-look. "Anong nakakatawa, Babab?" tanong niya. Bwiset talaga. Panira ng moment. Hindi niya ba ko titigilan sa pagpapaalala sakin nung undie kong Spongebob!? Pero natatawa talaga ako. Kala mo ha, Jerk. Makakaganti na din ako! Haha!  "Ah talaga? Babab? Oo eh. Mahilig pa rin kasi ako sa cartoons. Ikaw ba?” painosente ko pang tanong sakanya. Mukhang nagdududa siya sa pag-iba ko ng mood.  "Psh. Ako? Haha! Asa." sagot niya habang tumatawa ng fake. "Luh? Mahilig ka sa baklang Dinosaur?" sabi ko sabay ngiti sakanya ng nakakaloko. "Huh?" takang taka siya. Tinalikuran ko na siya at naglakad papalayo. Pagkatapos, nilingon ko ulit siya sabay smirk at nagsalita. "Hala sige, takbo pa. Sige ka, baka tumakas yang si Barney mo. Pffft~" sabi ko habang pinipigilan pa rin ang pagtawa. Agad agad naman siyang napayuko dahil sa sinabi ko. "Suot suot din ng belt pag may time. Pfft." dagdag ko sabay takip ng bibig at nagpipigil ng tawa. Agad niya naman inihatak pataas yung pants niya na nahuhubad na, kaya nakalitaw na 'yong Barney boxers niya. Nakita ko naman na para siyang apple ngayon sa pula. Haha! Ang cute lang.. What.. TEKA, ANO ULIT SABI KO?Ewww. Pwe. Cute ka dyan, Czarina! "Ha ha ha. O-oh talaga?” Para siyang ewan na nagfi-fake ng tawa. Halatang napahiya siya. Pulang pula pa rin siya ngayon. “Pero mas cute pa rin talaga si Spongebob eh. Ha ha ha." pangasar niya bigla. Bwiset. Panira talaga. Pero natatawa talaga 'ko. Ang lakas ng loob niyang asarin akong Babab at mahilig sa printed undie, eh kita ko ngang siya rin pala. At baklang purple dinosaur pa ang peg. Ang saya saya lang! “Nye nye. Corny Barney!” pangaasar ko. “Babab!” ganti niya. “Jerky Corny Barney Rodney! Pffft!~ Bleh!” binelatan ko siya sabay lakad na palayo, habang tumatawa pa rin.  "Aish! Bakit kasi ito ang nilaundry ni Mamang!?" narinig ko na napapadyak pa siya sa sahig. "O-oy Kate! H-hindi ako tulad ng iniisip mo! Aish. Ahhh!!" nakita kong napasabunot siya sa buhok niya. “Haha! Bye Barney Rodney!” sumilip ulit ako at nagwave ako sakanya sabay alis na ng tuluyan. Masama na, baka magantihan pa ko. Nyahaha.  RODNEY BARNEY!? Pffffft! Bleh. Nakaganti rin ako sayo lalake ka.  ****  ~Playground~ Grabe. Di ako makaget-over. Hahaha. Nasa swing ako ngayon habang tumatawa parin mag-isa. Aish! Tama na nga. Sumasakit na talaga tyan ko. Bigla naman may pumasok sa isipan ko na dahilan para mag-init yung mukha ko. Pero, si Jerk? First kiss ko? Nakakainis talaga! *iling iling* Ayoko nang alalahanin pa yung bangungot na 'yon! Ang isipin ko nalang, nakita kong printed din pala ng cartoon ang undie niya! Hahaha.  "You look happy." nagulat ako nang may biglang nagsalita sa gilid ko.  "O-oh, Nathan." Shocks. Bakit nandito siya?? Nakita niya kaya 'kong tatawa tawa magisa kanina? Shems. Nakakahiya.   "Yup. Musta?" umupo narin siya sa katabing swing at nginitian niya na naman ako.  "Okay lang naman. Ikaw? Bakit ka pala nandito?" tanong ko.  He chuckled naman sabay tingin ulit sakin. Anong nakakatawa sa sinabi ko? "Bakit ka natawa?" takang sabi ko sa kanya. "Uhm. Wala lang, ako kasi di ba dapat ang magtanong sa'yo nyan? Why are you here? May klase pa ah." sagot niya naman. Ahhhh. Oo nga pala. Nakakahiya tuloy. Baka sabihin niya tamad akong pumasok. Hehe. "Ah-eh, ayoko pa kasing makita iba nating blockmates. Tumataas lang presyon ko." tumawa naman siya ng malakas dahil sa sinabi ko. Tinitignan ko lang siya. Nakakatawa ba talaga mga sinasabi ko? In fairness, ang cute niya. Hehe.  "Sila Tina ba?" tumigil na siya sa pagtawa. "Ah, Oo eh."  sagot ko naman. Nakatingin naman ako sa mga d**o habang pinaglalaruan ito ng mga paa ko. “Wait, paano mo nalaman?” takang tanong ko.   “Uhm, let’s just say that, she bragged in the whole class about what she did to you.” “Ano?” Pinagkalat niya kaagad na pinaglinis niya ako ng CR!? Nakakainis talaga siya. Sabagay, 'yon naman ang gusto niya talagang mangyari 'di ba? Ang mapahiya ako. Psh. "Hindi ba palaban ka? Don’t let them affect you.” Sabi niya. “Palaban?” Pano niya naman nasabi? “Yes. I can still remember kung paano ka hindi nagpapatalo kay Rod. You look like a cat.” Sabi niya pa then he chuckled. Pareho na kmi ngayong nilalaro ang d**o habang nagsu-swing. Buti nalang wala pa 'yong mga elementary students, kundi baka di kami makapagrelax dito sa playground. Nakiagaw pa sa mga bata eh 'no?  “Bakit naman cat?” tanong ko naman sa kanya. Nakatingin ako sa kanya habang nakayuko pa rin siya at nakatingin sa mga d**o. Nakita ko naman na unti-unti siyang napangiti. “You become wild when harmed, yet cute as a cat when tamed.” sagot niya sabay lingon sa'kin.  “A-ah, hehe. Should I take that as a compliment or what?” sabi ko naman. Letsugas. Bakit kinikilig ako? Bakit napapaenglish ako?  “Haha. Your choice.” He winked. Waaah. Feeling ko biglang naginit yung mukha ko kaya napayuko nalang ako. Shems. Nakakahiya baka mahalata niya na naiilang ako. Ang awkward bigla.  "So, tara?" nagulat naman ako na yung mukha niya ay nasa harapan na ng mukha ko habang nakayuko pa rin ako. Ibig sabihin, medyo nagbend siya para makita ako.  “H-huh? Saan? Ayoko pang magklase.” sabi ko naman. "Hindi naman dun eh.'' sabi niya. “Then, saan??” tanong ko, then he stood up tapos bigla niya akong hinila sa kamay ko. Nilingon niya ako habang hawak hawak yung kamay ko saka siya ngumiti. “Let’s make a revenge.” sabi niya. Huh? What? Anong binabalak niya?  *** “Biology Lab? Wait, bakit nandito tayo?” tanong ko. Nagtataka kasi ako kung bakit niya ako dinala dito. Ibang department na kasi ‘to at malayo sa building namin. “Let’s go inside.” Binuksan niya na yung pinto at una niya ‘kong pinapasok. Pagkapasok ko, nawala agad si Nathan sa paningin ko dahil sobrang dilim sa laboratory. “Nathan? Nasan ka?” tanong ko. Di ko kasi talaga siya maaninag. *Tik* narinig kong nilock niya ang pinto. T-teka? Bakit? “H-huy. Nasan ka ba? Bakit ang dilim?” bakit ba hindi siya sumasagot?? “Shh. Let’s make this quiet and fast.” Narinig ko ng sumagot siya. H-ha? Anong..ibig niyang sabihin?? *gulp* Napalunok nalang ako dahil sa kaba.    “But before that, I think mas magiging madali ‘to kung bubuksan natin yun ilaw.” Dagdag niya pa pagkatapos, unti-unti kong naririnig yung footsteps niya na papalapit ng palapit sakin. “H-ha? D-di kita maintindihan.” Paatras naman ako ng paatras habang papalapit siya sakin, pero hindi ko parin siya makita. Naririnig lang. Ano bang binabalak niya!? Kinakabahan na ako. Kami lang dalawa ang nandito sa madilim na room na ‘to. Wag! Ayoko pa! Bata pa po ako! “N-nathan, please wag. H-hindi pa ko—“ *Click* Narinig ko na may nagtap ng parang switch ata yun sa malapit sa tenga ko. Tapos, biglang bumukas yung ilaw. “Finally, nahanap ko din yung switch. Oh, nandyan ka pala.” sabi niya. Pagtingin ko, binuksan niya lang pala yung ilaw. Yung kamay niya nasa gilid ng right ear ko. “Anyways, Ano ulit sabi mo Cza?” tanong niya sa'kin sabay ngiti. OMG. Nakakahiya...Yun lang pala! Hinanap niya lang pala yung switch ng ilaw. Hehehe. Kung anu-ano pang kahihiyan pinagiisip mo kasi, Czarina! “A-ah, ha ha. Wala ah? May sinasabi ba ‘ko? Ah, Oo meron! Sabi ko nga, mas mapapadali yung gagawin natin kung bukas yung ilaw hehe.” sagot ko sa kanya. Whooo. Shet. Buti hindi niya nahalata. Sana? Nagb-blush ba ‘ko!? Feeling ko kasi nag-init yung mukha ko dahil sa imahinasyon ko. Ahhh! Erase erase! “Eh ano nga pala gagawin natin dito?” tanong ko. “Need to find something creepy that would scare Tina! Hohoho.” Natawa naman ako bigla dahil sa kakaiba niyang pagtawa. Luh? Ang cute niya pa rin. “Here!” pinuntahan ko agad siya at tinignan kung ano 'yong hawak niya. Napangiwi naman ako sa nakita ko. “Uy, seryoso?” tinaas ko yung left eyebrow ko. Para kasing, ang gross naman ata? “Ay hindi hindi, joke lang?” pamimilosopo niya. “Pffft!~ Loko~” pinalo ko siya ng bahagya sa braso niya. “Di nga? Yan? Yuck. Haha.” Naiimagine ko palang na iyon ang gagamitin naming pananakot kay Tina, natatawa na ko ng walang humpay! Paano pa kaya mamaya?? “Haha. Yeah. She will definitely SCREAM OUT LOUD.” Natawa na naman ako sa sinabi niya lalo na nung lakihan niya yung boses niya sa part na ‘Scream Out Loud”. Nakakatuwa lang. Hindi ko akalain na may naughty and mean side din pala siya tulad ng ganito. Ang cute din. Well, okay lang sakin na icompliment si Nathan, pero dun kay Jerk? Duh! “Well, ihanda na ni Tina yung lalamunan niya.” sabi ko sabay tawa. Natawa rin naman siya. “Okay. Let’s go?” yaya niya at nagsmile siya sa'kin. Nilagay niya na sa plastic bag yung bagay na 'yon, tapos lumabas na kami ng Lab. Hmm~ naeexcite ako. *winks* Ano kayang mangyayari? *** To be continued...  -ThisIsRajuma  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD