Chapter 5- He's my first..

1523 Words
Enjoy~   *****   Chapter 5- He's my first..   *****   CZARINA'S POV   Leche, ang baho nitong ginagawa ko. Bakit mabaho? Kasi nandito ako ngayon sa C.R at nagma-mop. Eto nga kasi ang pinagawa sakin nung Tina na 'yon. Aish. Kung hindi lang talaga ako naawa kay lolo hindi ko gagawin 'to eh!   "Well, alam mo kasi, masyado ng mabaho yung mga C.R dito sa University like you. So, go! Clean them up. All of them, okay?"   Yan yung sinabi niya kanina. Nakakainis lang, 'di ba? Napakamaldita talaga.   Hay nako talaga. Buti nalang wala pang nagc-CR ngayon. Nasa boy's restroom naman na kasi ako ngayon at tapos na ako sa girl's. Ang panghi! Tsk. Naiiihi na rin tuloy ako. Dito na kaya ako umihi? Malayo pa kasi 'yong girl's restroom, nasa kabilang floor pa.   I-lolock ko nalang muna sana 'tong CR para wala ibang pumasok, nang makita ko na sira yung doorknob. Kapag minamalas ka nga naman. Bilisan ko nalang!   Sinandal ko muna yung mop sa may pinto nung isang cubicle, then pumasok naman ako doon sa kabilang cubicle. Nagwiwi ako tapos magfa-flush na sana kaso walang tubig. Pansin ko lang, bakit puro kamalasan 'tong araw ko?   Buti nalang may faucet sa side. Binuksan ko nalang yun then pinuno ko ng tubig yung pail para yung nalang pang-flush ko.   Habang bukas yung faucet, ewan ko pero parang may naririnig akong footsteps. Teka, don't tell me may pumasok ng boy dito? Hala, nakakahiya kapag nakita niya 'ko!   Pinatay ko na yung faucet para pakinggan kung may tao nga sa loob, pero wala naman na akong narinig. Baka naman guni-guni ko lang yun? Sumilip rin ako sa may bandang ibaba pero wala naman akong natanaw.   Hay. Buti nalang, baka nga guni-guni ko lang. Saka bahala na, basta matapos ko na 'tong ginagawa ko.   Lumabas na 'ko ng cubicle tapos kinuha ko na ulit yung mop sa side ng nakayuko. Sinimulan ko na rin ulit ang pagmomop ng floor.   Mop dito, mop doon. Forward, backward! Usod usod hanggang sa may tinamaan akong paa.   Wait, what? Paa!?   Nakatalikod siya sa akin. Unti-unti akong napatingala para tignan kung sino, at siya rin, biglang napaharap sa'kin.   Gulat na gulat kaming dalawa. As in, napanganga ako sa nakita kong nasa harapan ko ngayon at sa kung anong ginagawa niya.   "Jerk!?" kunot noo akong napasinghal sa kanya.   Shems, ang awkward! Bakit siya nandito kung kalian patapos naman na 'ko!? At..at jumijingle pa siya ngayon?!   "Woah, woah. Bakit nandito ka!?" gulat na gulat niyang tanong, habang ako naman..hindi inaasahang mapatingin sa hawak hawak niya ngayon.   Hawak niya yung ano..omg. Yung..yung zipper niya! Kayo talaga kung anu-ano iniisip niyo! Bata pa 'ko para makakita ng tulad ng iniisip niyo. Buti nalang naisara niya na agad, kung hindi baka natrauma na ako!   "A-anong tinitignan mo ha!?" namumulang sabi niya sabay talikod ng todo mula sa'kin.   Bigla ko naman tinakpan yung mata ko. Pero teka, bakit ko ba tinatakpan? W-wala naman na akong makikita ah! At isa pa, hindi ako interesado! Yuck lang!   "O-oy! Kapal ah!" Singhal ko sa kanya.   "Bakit ka nga nandito?" tanong ulit niya.   So hindi niya pala talaga alam na pinadala ako ni Tina dito? Na nagdudusa ako ngayon dahil sa kanya? Na ang malas palagi ng mga araw ko simula ng makilala ko siya? Malamang hindi, dahil madalas wala naman siyang pakielam sa paligid niya kundi sarili niya lang.   "Malamang naglilinis ng dahil sa'yo!" asar kong sabi sakanya sabay talikod at nagmop nalang ulit ako.   Mas okay pa makulong dito sa CR maghapon kesa makasama siya!   "Hahaha hoy. Paanong dahil sakin? Eh ikaw naman nagvolunteer nyan." sabi niya while grinning.   Wow, edi ibig sabihin alam naman pala niya!? Tapos hinayaan niya lang ako!? Bwisit talaga.   "Leche! Dun ka na nga! Mas gugustuhin ko pa 'to kesa makasama ka, mokong!" angil ko ulit sakanya.   "Chill! Gusto mo tulungan na kita?" alok niya.   Nagulat naman ako nang bigla siyang nagvovolunteer na tulungan ako. Wait, siya ba talaga 'to? O baka sinasapian lang? O pagtitripan na naman ako? O baka naman may mabait na side talaga 'to?   Teka, ang dami kong sinasabi. Ang mahalaga, mahirapan din' tong isang 'to no.   Humarap na ulit ako sakanya para iabot sa kanya yung mop para tulungan niya ako, pero bigla naman akong kinabahan dahil sa mga titig niya.   Ano na naman, jerk!?   "Oh baka naman, iba ang gusto mong gawin natin?" sabi niya habang kita ko na naman ang pamatay niyang smirk.   Lalo naman akong kinabahan at napalunok nalang dahil sa sinabi niya. Sinasabi ko na nga ba. Hindi na naman maganda ang binabalak niya. Mokong talaga!   "Hindi na. Huwag mo na 'kong tulungan. Kaya ko na 'to." pagiiba ko ng usapan sabay mop ulit ng floor. Umalis ka nalang please.   "Talaga?" sabi niya, habang pansin ko na unti-unti siyang lumalakad papalapit sakin. Tapos ako naman, dedma lang kunwari at unti-unti rin namang umaatras.   "Oo nga.." pakalmado ko pang sabi.   Pero ang totoo, medyo kinabahan na naman ako sa trip nitong mokong na 'to!   "Talagang talaga?" napatingala na ulit ako sakanya at halatang talagang inaasar niya 'ko. Nakakainis, hindi talaga maalis ang ngiti niyang nakakaloko!   Lumalapit siya sakin, umaatras naman ako. Forward. Backward. Forward. Backward.   "H-hoy Rod! Tigil tigilan mo ko ah! Manyak!" angil ko habang inaakmaan siya ng mop na hawak ko.   Shems. Bakit ba ko nauutal!? Nakakainis talaga! Bakit ang JERK JERK JERK niya!?   "Manyak? Ano bang pinagiisip mo dyan, Kate?" painosente niya pang tanong, pero halatang halata naman na binubwisit niya lang talaga ako ngayon.   Pero bakit ba 'ko kinakabahan? Halata naman na gusto niya lang akong takutin!   Lumapit na naman siya habang nakatitig sakin kaya napatras na naman ako. Hindi na biro 'to, seryoso na. Di na talaga nakakatuwa, kinakabahan na 'ko!   "H-Hoy! W-wag kang lalapit! Kapag lumapit ka haha---ahhh!" pagbabanta ko sa kanya, pero hindi ako natapos sa sinasabi ko dahil the next thing I know, nadulas na pala ako sa wet floor at naramdaman ko nalang na...nasalo niya ako.   "Anong haha? Hahalikan mo 'ko?" sabi niya habang nakangiti na naman ng nakakaloko.   Kasalukuyang hawak hawak niya ako sa bewang ko habang pilit na binabalanse ko ang sarili ko. Bakit ba nag-init bigla yung mukha ko? Nakatitig kasi siya sa'kin ngayon. Hindi ako sanay sa ganito kalapit sa ibang tao, especially, sa lalake pa. At saka teka, bakit sa mokong pa na 'to!?   "Sabi ko, hahambalusin kita!!" sigaw ko at saka ko pinagpapalo ng sunod-sunod yung dibdib niya, habang ang isa ko naman kamay, sinasabunutan siya.   Gigil na gigil ako sa kanya! Sunod-sunod na kamalasan na dinanas ko ng dahil sa kanya!   "Aray! Aray! Oy!" sigaw niya na napapapikit na sa sakit, habang nakahawak pa rin siya sa bewang ko.   Bigla niya naman na akong nabitawan sa bewang ko para pigilan ako sa pagpalo, dahilan para ma out of balance ako. Napakapit naman agad ako sa polo niya dahilan para pareho na kaming mapabagsak sa floor. Napahiga nalang ako ng tuluyan habang siya naman bumagsak sa ibabaw ko.   "Ouch..." sabi ko nang maramdaman ko na yung sakit ng katawan ko. Ang sakit ng likod ko. Ang sakit ng balikat ko. Ang bigat niya pa!   "O-oy! Umalis ka na nga diyan!" angil ko. Tinutulak tulak ko 'yong balikat nya para umalis at tumayo na siya mula sa ibabaw ko. Ang bigat kaya ng mokong na 'to!   Pero shet, buti nalang. Buti nalang walang ibang nangyari tulad ng..alam niyo na, kiss? Yuck lang, tulad ng mga nasa books at teleserye. Buti nalang talaga! Hindi mangyayari sa amin 'yon, ever! Iniisip ko palang kinikilabutan na ako. Bakit ko ba kasi naisip, aber!?   Pero teka, nasa ibabaw ko pa rin siya ngayon. Ang bigat na talaga, ang awkward pa, shemay.   "Huy, ano ba!" sigaw ko ulit. Grabe, hindi ko siya maiangat. Ang sakit rin kasi ng mga braso ko dahil sa pagdagan niya sa'kin. Bwisit talaga.   "Aww." sabi niya. Mukhang nasaktan rin 'tong mokong na 'to kasi nakabaon pa rin sa may left shoulder ko ang ulo niya. Hindi pa rin siya makakilos ng maayos.   Ang harot niya kasi eh, ayan tuloy. Kasalanan niya naman!   "Alis na!" sabi ko ulit. Tinulak ko ulit ang balikat niya paangat, habang nakalingon ako ng bahagya sa kanya dahil tinitignan ko kung buhay pa ba siya. Okay, medyo oa, pero buhay pa ba 'to!? Napakatagal kumilos eh!   Naramdaman ko naman na kumikilos na siya at unti-unti ng umaangat, habang nakalingon pa rin ako sa kanya at tinitignan siya. Ang tagal kasi talaga ah!   "Eto n--" nagsalita na siya, sabay lingon rin sa may bandang mukha ko na nakaharap sa kanya, nang bigla nalang siyang mapatigil sa pagsasalita dahil...   Shit. M-mali ata.. s**t, Czarina. s**t.   Dahil...dahil...   Dahil aksidenteng naramdaman ko nalang na may mainit na bagay na dumampi sa mga labi ko.   Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Nakatitig lang kami sa isa't isa ng ilang segundo habang parehong nanlalaki ang mga mata namin. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng paghinga niya.   Shit, Czarina. T-totoo ba 'to? Anong nangyari?   Dahil paglingon niya, naramdaman ko nalang na 'yong mga labi niya...   ay nakadampi ngayon...       sa mga labi ko..       KILL. ME. NOW.       He's my first..   *gulp*     KISS?!   ****   To be continued...     -ThisIsRajuma  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD