Chapter 4- Detention With Him

1667 Words
Enjoy~ ***** Chapter 4- Detention With Him  ***** CZARINA'S POV [DETENTION ROOM]   MALAS MALAS MALAS! Bakit kasi hindi niya sinalo ng maayos!? Tsk. Nakakainis. Nakakahiya. Akala ko pa naman magsusulat lang kami ng halos walang katapusan ito sa D.T. Pero akala ko lang pala! "Oy! Kayong dalawa! Itaas niyo pa yan! Sayang naman paglettering ko jan oh. Ganda pa naman. Hihi." sabi ng nagbabantay samin dito. Ano yung tinutukoy niya? Isang placard na hawak hawak namin ngayon ni mokong habang nakaluhod dito sa corridor! Aish. Nakakahiya. Gusto ko nalang lamunin ng lupa. Ang dami pang nakatingin samin. Eto namang si mokong mukhang hindi apektado! Argh. Pano ba naman kase, halatang gusto siya nung nagbabantay samin dito. Obvious na obvious! Mukhang higschool student lang 'tong watcher dito. Bakit ba siya naassign dito? Nakakainis talaga! Halatang may favoritis! Kitang-kita sa nakasulat sa placard namin!  Eto ang nakasulat: [Sakin: I AM SORRY! I'M A CHEATER! I WILL NOT BE A BAD INFLUENCE EVER AGAIN!] [Sakanya: I AM SORRY. I WON'T MAKE FRIENDS TO A CHEATER EVER AGAIN.] Nakakasura di ba? Tapos sa baba meron pang nakalagay na 'Mua Mua tsup tsup!' na maliit! Ahhhhh! Nakakainis talaga! Sarap nilang pag-untugin! "Bwisit ka talaga, alam mo yun!? Jerk. Ikaw na nga papakopyahin hindi ka pa nag-iingat??" gigil na sabi ko sakanya habang sinisiko siko siya sa tagiliran. Magkatabi kasi kaming nakaluhod ngayon dito sa corridor. Medyo magkatagiliran lang. "Huwag ka ng mainis. Kiss nalang kita. " cool na cool na sabi niya sabay lingon sakin at kindat. Ahhhhhhh! Nakakapangkulo talaga ng dugo! Di lang jerk, perv pa!  "Kiskis ko kaya sa sahig yang nguso mo??" asar na asar kong sabi sakanya. Huhu. Bakit ko ba nakakasama pa 'tong mokong na 'to?? "Hahaha. Cute cute mo naman, Babab. Hug nalang? Pffft~" sabi niya habang nagpipigil ng tawa, sabay kurot ng isa niyang kamay sa pisngi ko.  What the heck!? Sino may sabing hawakan niya ko!? At isa pa, nakakarindi na yang Babab na yan ah! "Hoy! Sino may sabi say--" bigla akong napahinto sa pagsasalita nang biglang sumigaw yung babaeng bantay namin.  "Ssssshh! Napakaingay mo naman, Ate! Huwag mong ginugulo si Kuyang pogi!" suway niya samin. See? May gusto siya kay Jerk! Argh. At tinawag niya 'kong ate! Ibig sabihin mas matanda nga ako sakanya!  Napadabog nalang ako dahil sa sobrang inis habang si jerk naman ngisi ng ngisi sa tabi ko. "Oo nga, kiss nalang kaya kita para matahimik ka, Babab?" sabi niya sabay smirk. Ang sarap niya talagang bugbugin. Putulan ng ano. Sabunutan. Ilublob sa kumukulong tubig. Lahat na! "Madamot ako sa kiss, pero sa sapak mapagbigay ako. Gusto mo?" sagot ko sakanya sabay ngiti ng peke. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Masama na, baka makapatay pa ko. Pero nakakainis lang dahil hindi naman effective pagsusungit ko sakanya kasi tawa lang siya ng tawa. Ipatumba ko na kaya 'to?  ***   NATHAN'S POV I am laughing by myself when I remember Czarina. Ang cute niya, especially kapag galit na galit siya kay Rod. Tsk, loko talaga yung si Rod. Mukhang may maasar na naman sa classroom naming. Pero on the other side, nakakatuwa lang din sila panoorin kasi si Czarina lang ang nakita kong tumatrato sakanya ng ganon. She's kinda fierce. Anyways, medyo nagaalala naman ako sa nangyari kanina. Totoo kaya yung nakita ni Sir Nakakapagtaka lang, they're enemies, right? Pero bakit nagtutulungan sila sa Quiz? Dahil curious ako, I stood up from my seat at pumunta ako sa seat nila Rod and Cza. There, nakita kong naiwan pala ni sir yung papel na nahuli niya kila Rod. Well, matignan nga.  "What the." mas lalo akong natawa nang Makita kong mali-mali pala yung sagot na binigay ni Czarina. So that's the reason? Kaya pala. Hindi niya pala binigyan ng sagot si Rod for a good reason. Obviously, they love ruining each other's day. Kailan kaya sila magkakasundo? I smiled then I put the paper inside my pocket. Bumalik na 'ko sa seat ko habang natatawa parin kapag naiimagine ko yung mga mukha nila kanina. "Sir, why?? Detention po agad agad!? Huwag naman, sir!" nagmamakaawang sabi ni Czarina. Halatang worried na worried at pulang-pula na yung mukha niya. "Yaan mo siya, ayos yon makakaalis tayo sa boring na klase na 'to." mayabang na sabi naman ni Rod sakanya, na mas ikinagalit ng prof. "Get out!!" Sumipol pa si Rod saka lumabas na ng room. Si Czarina naman obvious na sobrang badtrip at sumunod nalang kay Rod palabas. She's funny and cute, though. Well, I think she's going to be liked by everyone easily. But, except for Rod. Hindi ko alam bakit binubwisit niya palagi si Czarina. Loko talaga 'yon. ***** CZARINA'S POV   Nangangawit na 'ko. Hindi ko naman maibaba 'tong placard kasi sinisita ako nung bantay. Samantalang itong katabi ko? Ayan, nagcecellphone nalang pero hinahayaan lang! Badtrip talaga. Napansin ko naman na may biglang pumasok na matandang lalake sa Detention room. "Hay nako, Maila! Hija, anong ginagawa mo dito?" sabi nito sa babaeng nagbabantay samin. Teka, anong meron? Sino siya? Magkaano ano sila? "Hindi ba't ibinilin kong ilock mo na 'tong room at bumalik ka na sa klase mo? Aba'y bakit nandito ka pa bata ka? At isa pa, ano naman kalokohan pinagawa mo dyan sa dalawang college students sa labas!? Susmaryosep ka talagang bata ka!" What the heck. Ibig sabihin hindi talaga 'yong babaeng 'yon ang bantay dito?! Sabi na nga ba! Estudyante lang din siya dito! Pinagtripan niya lang kami! Wait, ako!? Oo! Ako lang! Ako lang naagrabyado dito! Nagkukunwari lang naman 'tong mokong na 'to na nahihirapan kahit hindi naman talaga! "Sorry Lolo! Hehe! Paalis na sana talaga ako nung magtanong sakin si Kuyang Pogi! Edi ayun, hindi na 'ko makaalis alis para bantayn siya! Hehe! Sarap titigan eh. Hehehe." Parang gusto kong manakal ngayon. Pwede mainis? "Bye, Ate! Sorry! Bleh!" sabi nito sa harapan ko sabay nagbelat pa bago tumakbo. Aish. Humanda ka sakin bata ka! "Bumalik ka dito!" hahabulin ko sana yung pilyang batang 'yon pero hindi ako halos makatayo dahil sa sakit na ng tuhod ko! Paano ba naman kasi, upo-luhod-upo-luhod. Tapos yun naman pala napagtripan lang ako!? "Pasensya na talaga sa ginawa ng apo ko. Pilya talaga yang batang yan. Tsk. Di bale, pwede na kayong umalis. Ako na bahala magsabi sa professor na nagpadala sainyo dito." sabi ni lolo. Haaaay! Buti naman. Thank you, Lord!  "Sige po, salamat po." tumayo na 'ko. Tapos eto namang si mokong na katabi ko walang kaalam alam sa nangyayari. Naglalaro lang siya ng games sa cellphone niya habang nakaearphones. Tse. Bahala ka dyan. Iiwan kita! "Hijo, pwede na kayong bumalik sa room niyo." kinalabit naman siya ni lolo. Tsk! Dapat hindi na tinawag yan eh. "Woah." Nag-inat inat pa siya ng katawan then tumayo na.  Kala mo naman nahirapan? Ako lang naman nahirapan ah? Psh. "Pwede na, Kate?" tanong niya sa'kin habang nakangiti na naman ng nakakaloko. Ano daw?! Kate? Psh. Tinawag niya nga ako sa pangalan ko, Kate naman! Di ba nga sinabi ko na ayokong tinatawag na Kate?! Ayoko nga non parang saranggola lang! Kite! "Tse! Kate ka dyan! Ewan ko sa'yo!" inis kong sagot sakanya.  Tinalikuran ko na siya at lalayas na sana ako nang may tumambad sa harapan ko na hindi na naman kaaya-aya. "Hephephep! Anong aalis? Agad agad?" sabi nitong si Tina. Ano bang problema nito? Kainis lang. Lagi nalang siyang epal. "Alam mo, pagod ako. Kaya pwede ba, dadaan ako." walang gana kong sabi sakanya at nilagpasan ko na siya. "Sige lang, umalis ka. Ipapasisante ko nalang 'tong si Manong." sabi niya kaya naman napalingon ako agad sakanya. Ano na naman bang sinasabi nito?  "Anong pinagsasabi mo?" iritang tanong ko sakanya. "Don't tell me hindi mo alam? Oh well, ako lang naman ang anak ng Vice Dean dito." Ah. Okay. Then? Ano namang pakielam ko?  "Bakit ko aalamin? Sikat ka ba? Luh? Bahala ka nga dyan." hindi ko na siya pinansin at tatalikuran ko na sana ulit nang higitin ba naman ako bigla sa braso ko. "Hindi ka ba nakikinig?!" gigil na sabi niya. "Pwede kong ipasisante yang si Tanda! Hindi sumusunod sa school rules! May sinusunod na time limit sa detention room and he disobeyed it! Pinalabas niya kayo ng maaga. So, better fire him unless you help him, kay? Just a normal and replaceable staff lang naman siya dito eh. I'm sure he knows that." mayabang na dagdag niya habang nakasmirk sa amin ni lolo. Nakakainis talaga siya. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nasisira ng buo ang araw ko! Ano na naman bang balak niya? Paano na naman ako nadamay? Tss! Bakit ba ako pinagiinitan nito? Tinignan ko naman yung mukha ni lolo at nakita kong sobra siyang nalungkot. Nakakalito, ano nang gagawin ko? "Freak." inis na bulong ko. Mukhang wala naman din akong choice kundi ang isalba si lolo katulad ng ginawa niya sa amin ni mokong. Speaking of mokong, ayon, wala na siya sa paningin ko. Buti naman! Kaso pumalit naman 'tong malditang 'to. "Anong tulong naman pinagsasabi mo?" inis na tanong ko. "Uhm. You know, ikaw nalang ang sumalo ng punishment." sabi niya sabay ngiti sa'kin ng nakakaloko. "Nako po, huwag niyo na po siyang parusahan. Ako nalang po ang kusang magreresign Miss Guevarra. Wala naman pong kasalan si Miss." pagtatanggol naman sakin ni lolo.  "Shut up, old man!" sigaw ni Tina sakanya. Aba, ang bastos ah! Namumuro na talaga siya sa'kin!  "Ikaw ang manahimik dyan. Sabihin mo na ang gagawin ko para matigil na yang insanity at insecurities mo sa katawan." walang gana kong sabi. Hay, bahala na. Mukha namang nakakaawa si lolo kung hahayaan ko nalang na mawalan siya ng trabaho dahil sa immaturity nitong Tina na 'to. Sira na naman 'tong araw ko kaya susulitin ko na, 'di ba? "Haha! Good. Don't worry, I'll make it easier for you dear because you know that I love you, right?" she said sarcastically. "Oh really? I hate you too, dear." sabi ko sabay irap sakanya. Ano na naman bang plano niya? ***** To be continued...    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD