****
Chapter 3- Caught In The Act!
****
CZARINA'S POV
Naghiwalay na kami ni Claud ng way. Pumunta na siya sa room niya at ako naman pabalik na rin sa room.
Tss! Naalala ko na naman yung JERK na 'yon. Idagdag niyo pa si Hippo at si Dino! As in Dinosaur!
Oo nga pala, naalala ko na. Blockmates ko nga ata talaga yung dalawang yun. Nakalimutan ko lang yung names nila dahil hindi naman ako ganon kainteresado sakanila.
Pagpasok ko sa room, tumambad na naman agad sa harapan ko ang masamang tingin nitong si Hippo at si Dino.
Nagsmirk nalang ako at nilagpasan sila. Haay, wala na akong panahon sakanila. Masisira lang beauty ko!
Pagkaupo ko naman sa seat ko, narinig ko agad ang pagiingay ni Jerk kasama ang mga barkada niyang sina Ken at Stephen sa may sulok ng room.
At anong ginagawa nila? Ayon, may hawak hawak na FHM Magazine! JERK JERK PERV talaga! Argh.
Nakatingin lang ako sakanila at pinapakinggan ang paguusap nila.
"Whoot. Hot!" nanlalaking matang sabi ni Ken kay Rod at Stephen, habang may tinuturo turo pa sa magazine.
"Hindi pre, mas sexy 'to! Wiwit!" sabi naman ni Stephen with matching sipol pa.
Mga manyak talaga!
Nabaling naman ang atensyon ko kay mokong na sa ngayon ay ngingisi ngisi lang. Munggago talaga.
"Hindi mga 'tol, mas hot si Babab." sabi niya sabay lingon sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.
OMG! Alam niya kayang nakatitig ako sakanya!?
"Huh? Babab?" sabay namang tanong nung dalawang mukhang takang taka.
"Wala mga 'tol." natatawang sagot niya sa mga ito, sabay tingin na naman sakin at kindat.
Arggghh! Bwiset talaga! Manyak!
Inirapan ko lang siya at dumiretso na 'ko ng tingin.
"Jerk.." pabulong kong sabi pero deep inside nanggigigil na 'ko!
Paano nalang kung ikwento niya someday kila Ken yung tungkol kay Spongebob!?
I mean, yung--yung undie ko na nakita niya.
Kasalanan ng zipper!
Habang hinihintay yung professor, naisipan kong magsoundtrip muna sa iPod shuffle ko. Habang nakikinig ako, napansin ko naman si Nathan sa seat niya na abalang nagbabasa ng textbook.
Buti pa siya ang bait. Tsk tsk.
"Hi!" Nagulat naman ako nang may bigla nalang kumausap sakin at tumabi sa upuan ko, kaya naman tinaggal ko muna yung earphones para kausapin siya.
Ah, blockmate ko din pala siya. Babae. Nakalimutan ko lang ulit yung name.
"A-ah, hello." sagot ko naman. Ano nga ba ulit name niya?
"Hehe! Pwedeng makipagkaibigan!?" nakakatuwa siya kasi ang hyper niya masyado.
"Sure! Czarina nga pala." sagot ko naman sakanya ng nakangiti.
"Yown! Ayos! Hehe. Lorraine nga pala!" sabi niya naman at nakipaghandshake siya sakin na halos malaglag na braso ko.
"Oh, nice to meet you Lorraine!" 'yon, naalala ko din! Lorraine Perez nga pala name niya.
"Nice to meet you din! Buti talaga pumayag kang makipagkaibigan! Ayoko kasi dun kila Tina eh!" daing niya.
Tina? Sinong Tina?
Ah oo! Napakamalilimutin ko talaga! Tina nga ang pangalan nung si Hippo! Naalala ko na.
"Bakit naman?" tanong ko sakanya.
Nako, alam na alam ko naman kung bakit ayaw niya. Sa sama palang ng ugali nung hippo na 'yon kahit ako hindi makakapagtyaga sakanya.
"Eh parang mga linta kay Rod! Highschool palang kami ganyan na 'yang mga yan eh. Dito kasi kami nag-highschool. Hehe. Syempre, alam mo naman siguro na university 'to kaya may highschool na, may college pa! And don't forget may elementary din saka kindergarten. Buti di ko na sila kaklase don. Hahaha. Ay teka, so ayon, sus. Masyado silang deds na deds kay Rod! Pero kung ako rin naman eh crush ko yang si Rod dati. Gwapo eh. Hehehe. Pero syempre hanggang dun lang ako kasi alam ko naman na imposible na magkagusto siya sa iba na tulad ko dahil--"
Dirediretso niyang kwento na naputol lang dahil sa pagdating ng prof namin.
Grabe. Hindi ba siya hiningal dun?
Pero nabitin ako sa kinukwento niya ah. Dahil ano kaya?
"Hehe! Sensya na ang daldal ko masyado! Sige, nandyan na pala si Ma'am! Babalik na ko sa upuan ko ah." sabi niya.
Jusme. Bitin! Parang nacurious ako bigla eh!
Hindi naman dahil interesado ako sa Jerk na yan ah, ano lang kasi..ah basta! Curious, curious!
"Sandali lang. Tuloy mo muna. Dahil ano?" pagpigil ko sa braso niya nung nakatayo na siya.
"Uy interesado! OMG. Type mo si Rod!?" sabi niya habang ang lapad ng ngiti niya.
Ang ingay niya!
Like, what!? Luh! Never! As in NEVER!
"Sshhh! Anokaba! Type ka dyan! As in yuck! Upo ka nga muna." pagsuway ko sakanya saka ko siya pinaupo ulit. Ang ingay talaga. Paano nalang kung may makarinig sakanya? Baka kumalat pa ang nakakadiring chismis. Yaiks.
"Wehe. Joke lang." sabi niya with peace sign pa.
"Bakit ka interesado?" dagdag niya.
"Interesado? Hindi ah. Curious lang. Sige tuloy mo na." sabi ko naman. Hindi talaga ako interesado! Curious lang. Magkaiba yon!
"Sige na nga. Hindi na hehe." sagot niya, ngumiti pa ang loka ng nakakaloko.
"Pero okay na din na hindi ka interesado sakanya. Nako. Kesa masawi ka."
Huh? Anong ibig sabihin nito?
"Masawi? Huh? Di na kita maintindihan." takang sabi ko sakanya.
"Eh kasi nga, binabalaan na kita. Kung sakaling magkakagusto ka sakanya, nako masasawi ka lang kasi taken na yung puso niya! Hihihi." sabi niya with matching mukhang ewan na tawa.
But wait, ano daw? Haha! Ako!? Magkakagusto!? Grabe ang joke nito!
Pero taken na daw puso? Pfft. So ibig sabihin nagmamahal naman pala 'tong jerk na to? Wow. Kawawa naman pala yung girl if ever. Tsk.
"Haha. Alam mo--haha. Ang galing mong magjoke." sabi ko sakanya tapos tinignan niya naman ako ng anong-nakakatawa-look.
"Hehe? Baliw lang? Sige balik na 'ko! Nandyan na pala seatmate mo." paalam niya.
Parating na rin kasi ang seatmate kong mokong kaya kailangan niya na rin umalis. Dun kasi siya nakaupo sa upuan ni Jerk ngayon. Tch. Wish ko lang hindi madagdagan ang sira ng araw ko! Err.
"Good morning class." sabi ni Ma'am Santos.
Algebra Professor namin! Haay! Medyo terror yan. Nagpapalong quiz agad agad.
Tulad nalang kahapon, bigla nalang nagpaquiz wala tuloy ako nasagot.
Saka hindi naman kasi ako magaling sa Math eh. In fact, pinakahate na subject ko yan!
Akala ko naman kasi halos puro designing lang 'tong Architecture. Too young, too dumb to realize ika nga ni Bruno Mars.
"Good morning Ma'am!" response naman ng klase.
"Okay have a seat. Today, I am going to distribute--" nagsasalita palang si Ma'am nang maputol dahil sa pagsingit ni Tina. Remember? Si Hippo! Bida bida palagi.
"Ah Ma'am!" sabi niya.
"Yes Ms. Guevarra?" mukhang iritang sagot naman ni Ma'am.
Ahhh, okay. Tina Guevarra pala siya.
"Ma'am, are you going to distribute today the results of our quiz, from the day before today?"
Bwahaha. Ano daw? Paenglish english pa di naman bagay. Yesterday lang sasabihin dami pang hanash.
"Well, would you mind if you let me finish first with what I am saying a while ago?" pagtataray naman ni Ma'am. Haha. Buti nga sa'yo!
"O-oh, sure Ma'am. Sorry po." mukha naman siyang napahiya.
"Okay, Thank you. Class, I will give the results then announce something."
Tsk! Ipapamigay na talaga yung test papers!? Huwaaagggg na! Mahilig pa naman magannounce 'tong si Ma'am sa buong klase tungkol sa resulta!
Paano nalang kung ako na naman ang may lowest score!? Nakakahiya!
Baka marinig pa ni Nathan. Nyaha.
Pinamigay na yung papers tapos ano pa ba ngang aasahan ko? Ang baba ng score ko! Di kasi ako nakapagreview!
Joke, mahina nga talaga ako sa Math. Huhu.
Eto namang katabi ko mukhang masaya sa resulta ng quiz niya. Amp. Edi siya na.
"Okay class. I will announce the ones who got the highest scores. They are--
Hindi na 'ko umaasa dyan. Alam mo naman, kapag umasa ka sa alam mo nang walang pag asa, masasaktan ka lang' di ba?
"--Miss Guevarra and--"
What? Si Tina?
---Mr. Dela Fuentes. You two got the highest scores."
Napanganga ako sa narinig ko. Wait, baka naman nabibingi lang ako?
Si Jerk!? Isa sa pinakamataas!? Wow. Totoo palang magaling siya sa Math.
Tss. Kaya pala ang yabang. Ang galing niyang magcompute ng pangiinis, at magkalkula ng pambubwiset.
"I heard you're really good in Math since highschool Mr. Dela fuentes. And if I'm not mistaken, you joined last year in inter-school competiton in Math quizbee. And you were the champion, Right?" sabi naman ni Ma'am.
Talaga? Ang galing naman niya!
Wait wait, ano ulit sinabi ko!?
Never compliment your enemy, Czarina. Never!
"Yes, Ma'am." sabi niya naman habang ang nakangiti na naman ng nakakaloko sabay titingin sakin. Tss. Yabang talaga!
"Will you join again in this year's inter-school competition?"
"Uhm, actually hindi naman po ako sumasali. Pinipilit ako ng school."
What the! Whoo! Ang hangin sobra!
"Well, that's true."
Natawa naman si Ma'am sa sinabi niya. Like, what the? Sobrang presko niya.
"Okay, now I will announce the lowest."
Oh em, what the fudge.
Kailangan pa ba talaga yan!?
"Miss Montemayor. What happened? You're the lowest among the class."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Para rin akong hinahatak ng tyanak sa ilalim ng lupa. Pwede sumama nalang?
Well, ineexpect ko na rin naman ng konti, kaso lang kasi nakakahiya. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga kaklase ko. Tapos yung iba natatawa pa. Grabe, lahat ata ng dugo ko nasa bumbunan ko na sa sobrang kahihiyan.
Napayuko nalang ako, nang narinig kong ngumingisi 'tong katabi ko.
"Anong nakakatawa?" inis na tanong ko dito kay mokong, pero nagkibit balikat lang siya habang halatang pinipigilan pa rin yung tawa.
"Poor girl. Pffft~" narinig kong sabi ni Hippo habang nagpipigil din ng tawa.
"Hahaha. Ediot." sabi naman ni Dino.
"Idiut, tanga!" pagcocorrect sakanya ni Hippo sabay batok sakanya.
"Aray!" reklamo naman nung isa.
Nagsama ang dalawang buang. Magaling nga sa Math bagsak naman sa English. Mga hunghang!
Relax Czarina! Wag mo nalang silang patulan, okay? Relax! Whoo!~
"Sige pagkalat mo." sabi ko sabay fake ng smile.
"Whatever! Anyways, congrats girl! Galing mo talaga kaya bagay na bagay kayo ni Papa Rod e. Pareho pa kayong highest!" sabi ni Dino kay Hippo.
Nasa harapan ko na seat sila kaya rinig na rinig ko pinaguusapan nila. Kahibangan!
"Haha. Syempre naman. Hindi kami tao, hindi kami hayop, kasi bagay talaga kami." sabi ni Hippo habang nasa chin niya pa yung dalawa niyang kamay, na akala mo nagttwinkle pa yung eyes. Pffft.
Anong banat pinagsasabi niya?
Sino nagsabing di siya hayop? Mama niya? Mukhang tanga lang.
"Ay kala ko pa naman hayop ka. Hippo pa nga. Pffft~" bulong ko naman habang pinipigilan ang tawa.
"Anong sabi mo!?" Oops. Narinig pala ako! Nyahaha.
"Sure ka? Gusto mong ulitin ko?" sabi ko naman with sarcastic smile.
"I-I hate you!" sabi niya habang nanlalaki na naman ang butas ng ilong! Haha!
"Thanks! The feeling's mutual!" pangaasar ko pa lalo sakanya.
Shems. Ang sarap niyang asarin! Nyaha.
"Err!!" sabi niya sabay tinalukuran na 'ko at humarap na sa board.
**
History subject naman kaya as usual, ang daming inaantok pero ako hindi, kasi favorite subject ko kaya 'to!
Weird ba? Mas mahalaga kasi sa' kin ang past kesa sa present.
Hala, ibig sabihin ba nito matagal ako makamove on sa past? Joke, dami kong alam wala naman akong ganyang past.
Maya-maya pa, napansin ko naman na tulog na si Tina the Hippo pati narin si Dino.
Wait, ano ba ulit real name ni Dino? Tsk. Ang hina ko talaga sa ganyan.
Pati 'tong si mokong tulog na rin. Like, why? Nakakatuwa kaya yung topic!
"Looks like you're not listening. Well, then we will have an oral recitation about this topic." sabi ni Sir habang nakatingin sa libro niya.
Nagulat yung iba kong classmates at tuluyan na nga silang nagising.
Eto naman sila Tina tulog na tulog parin. Pati si Jerk! Aha! Sana mahuli kayo!
"Miss Guevarra. Who's the 13th president?" tanong ni Sir sakanya, habang nakatingin pa rin ito sa libro, kaya hindi niya kitang nakatulog na nga si Tina.
Si Tina naman, tulog na tulog pa rin at nakadukdok sa desk.
Mouhaha. Bigla nalang akong nakaisip ng evil plan. Buti nalang nasa harapan ko lang siya.
"Pssst. Tawag ka ni Sir! " kinalabit ko siya ng madiin sabay tawag sakanya. Sinadya ko talagang lakasan yung boses ko sa tapat ng tenga niya para magulat siya.
"A-ah ha!? Ano yon!? Ano meron?" gulat na gulat siyang napadilat mula sa pagkakatulog.
Shems. Natatawa ako sa naiisip kong plano!
Lumapit pa ako lalo sa tenga niya at bumulong.
"Tanong ni Sir sa'yo, who killed Magellan daw." sabi ko sakanya habang pilit kong pinipigilan yung tawa ko.
"Ah. Oh. What a simple question though, Sir. It's Lapu-Lapu, Sir. Lapu-Lapu. Hehe." sagot niya with matching confident look pa.
Yung tipong nakataas pa yung right eyebrow niya at nakacross arms pa ang loka.
"Pffffttt-hahaha." nagtawanan ang buong klase.
"What the.. Are you kidding me?" inis na sabi sakanya ni Sir.
"W-WHY ARE YOU ALL LAUGHING??" takang taka naman si Tina.
"Nagpapatawa ka ba Miss Guevarra? O baka naman taga ibang planeta ka?" seryosong sabi ulit ni sir sakanya.
"Hahaha. Clown ka ba?" narinig kong nagpatawa si Ken kaya naman nagtawanan ulit yung klase.
Pati ako di ko mapigilan ang pagtawa! Pffft.
Si Jerk naman mukhang kakagising lang at nagkukusot pa ng mata.
Sana mabulag nalang siya!
Hehe. Halata bang inis na inis ako sakanya?
"Kailan pa naging president si Lapu-lapu, aber?" singit naman ni Lorraine kaya mas lalo pa 'ko natawa.
"B-but---" sabi ni Tina habang pulang pula na dahil napahiya.
Umupo na siya then she glared at me.
"I really really really hate you! 100 times! Argh! Gaganti ako! " sabi niya sakin sabay irap.
"Haha. Thanks again!" pangaasar na sagot ko.
Ediot, idiut pala ah. Ayan, na lapu-lapu kita.
"Because of that, napatunayan kong hindi kayo nakikinig class. Prepare one whole sheet of paper! I will give you a quiz." inis na sabi ni Sir.
Yung mga kaklase ko naman bigla napasimangot.
"Badtrip." sabi nitong katabi ko.
**
Habang nagsasagot ako ng quiz, naramdaman ko namang yugyog ng yugyog yung upuan ko.
Pagtingin ko, sinisipa sipa pala nitong katabi ko. Tss. Bahala ka dyan.
Hindi ko pinapansin nung una si Jerk pero wala siyang tigil sa kakasipa! Ano na naman bang kailangan niya??
"Ano na naman??" nilingon ko na rin siya habang pinapakita kong naiirita ako.
Bigla niya naman tinuro yung papel ko gamit yung mapula niyang labi.
Wait wait, kailangan talaga may mapula pa? LUH.
Anyways, ibig sabihin humihingi siya ng sagot sakin ngayon.
"ASA." madiin kong sabi sabay ngiti sakanya ng sarcastic.
Pero wait, tutal nasimulan ko narin namang mantrip kanina, bakit di ko pa sulitin?
Tama, may naisip na naman ako. Mouhaha.
Humarap ulit ako sakanya sabay tingin na parang naawa ako sakanya at ang bait bait ko.
"Uhm. Need mo sagot? Sige na nga." sabi ko.
Kita ko naman na bigla siyang natuwang. Haha. Sige, isa ka pa, tignan lang natin.
Kumuha ako ng piraso ng papel tapos sinulat ko doon yung mga sagot. Wait, take note, mga MALING SAGOT!
Pinagtatawanan niya ako kanina sa Math dahil ako ang lowest! Well, tignan natin ngayon kung ano nang mangyayari sakanya! Nyaha.
Saka isa pa, kung alam niya naman talaga yung sagot hindi niya kokopyahin yung mali kong nilagay di ba?
Ang sama ko ba? Syempre minsan kailangan silang bigyan ng leksyon, para malaman nilang hindi nila dapat ako binubully!
Nilukot at binilot ko na yung papel sabay hagis sakanya, kaya lang bigla nashoot sa polo niya!
Tumayo naman siya bigla para ilaglag yung papel sa polo niya nang makita kong padating na si Sir!
"Psst! Upo! Si Sir parating!" pilit kong hinihinaan yung boses ko.
"Huh?" Waaah! Bingi mo jerk! Bingi! Stupid! Sana hindi mahuli!
"What's wrong Mr. Dela Fuentes?"
Shemay!
Nakita na siya! Ang likot kasi!
"A-ah, wala po Sir." nauutal sagot niya naman.
Whoo. Relax. Sana hindi makita yung alam niyo na..
Kodigo na galing sa'kin!
"All right. Sit down now." utos nito sakanya.
Papaupo na sana siya nang biglang..
*gulp*
Nalunok ko na ata lahat ng laway ko dahil sa nakita ko. Oh my..
Nalaglag ng tuluyan yung kodigo na nasa loob ng polo niya kanina.
Aish! Nakakainis na papel! Hindi pa nakisama!
"Ano 'to?" pinulot ni Sir yung papel at tinanong si mokong kung ano' yon.
Shit.
"H-ha? Di ko alam." pagdedeny niya habang napapakamot na siya ng ulo niya.
Shemay talaga!
"Kodigo 'to Mr. Dela Fuentes!"
Patay. Nanlamig na naman ako.
"Kanino galing 'to? Hindi ganito kulay ng papel mo!" galit na tanong sakanya.
Siopao! Huwag mo kong ituturo! Please.. Please.
"Answer me, Mister." napayuko nalang siya habang nakahawak sa batok niya, tapos maya-maya pa unti-unting napunta sakin yung tingin niya.
What the hell! Bakit mo ko tinignan!?
Pahamak ka talaga kahit kailan!
Napatingin tuloy sakin si Sir, tapos tinignan yung kulay ng papel ko na pink, sabay tingin ulit dun sa kodigo na kulay pink.
MALAAAAASSSSSSS!
"You two! GET.OUT! GO TO ROOM 203!!" nanggagalaiting sigaw ni Sir.
But wait! Room 203!?
Parang narinig ko na yun ah!?
Tama, s**t, D.T 'yon!
AS IN, DETENTION ROOM!
WITH THAT JERK!?
AHHHH!!
PAHAMAK KA TALAGA SILVESTER RODNEY!
***
To be continued..