Na alimpungatan si Keonna ng maramdaman na parang may nakatingin sa kanya. Dahan-dahan siyang ang dilat at doon nga niya nakita si Thunder. Napangiti naman si Keonna na hinila ang kumot na itinakip sa mukha niya. Ngayon ang araw ng kasal na napag-usapan nila, hindi pa man niya iminumulat ang mga mata, narinig na niya ang mahinang pag-awit ng mga kababaihang miyembro ng tribo—isang himig na tila may hinihikayat na espiritu, isang musika na dumadaloy kasama ng alon at dahon. Pagmulat niya muli at ibinaba niya ang kumot, nakita niyang nakasandal sa poste ng kubo si Thunder, nakangiti habang pinapanood siyang gumising. May suot itong kasuotang katutubo—isang telang kulay lupa at dagat, nakagapos sa bewang, walang damit pang itaas, at ang buhok nito’y bahagyang nakatali ng puting hibla ng abak

