Napabuga ng hangin si Keonna habang nakatingin kay Thunder na natutulog sa tabi niya. Umaga na nakatulog naman siya pero hindi ganun kalalim. Naririnig niya ang malakas na tunog ng alon at mga boses ng batang nag tatawanan kahit medyo madilim pa sa labas pero alam niyang mag uumaga na. Ilang buwan na sila dun, malaki na ang tiyan niya. Ilang buwan na lang manganganak na siya, pero heto at nandito pa rin sila sa isla at mukhang walang balak si Thunder na umuwi. Kahit parehas silang doctor ni Thunder hindi niya gugustuhin na dun manganak at walang maayos na damit at tulugan ang baby niya. Tumaas ang kamay ni Keonna gusto niyang sapukin si Naka-dapa, tulog na tulog, walang damit at parang ligayang-ligaya pa si Thunder Mondragon. Abay bakit hindi? E inaraw-araw na nila ang pag ses*x. Iba s

