Parang nanghina si Keonna na napa-upo sa swivel chair. Last week pa masama ang pakiramdam niya, timano noon palang kabado na siya sa mga nararamdaman niya. Kinukutuban na siya sa simula palang na baka mag buntis siya by accident dahil sa pakikipagtalik niya kay Thunder. Doctor siya kaya alam niya. Kung isang beses lang sana medyo alangan pa siya pero maraming beses nilang ginawa sa loob ng isang gabi lang.
Sa una sa labas inilalabas ni Thunder pero habang lumalalim ang gabi mas lalo silang nalalasing sa mga ginagawa nila hanggang sa namalayan na lang niya na sa loob na iniiwan ni Thunder ang lahat ng katas nito. Aware siya pero wala siyang ginawang pagtutol, daig pa niya ang nasaniban ng masamang espirito ng gabing yun. Bigay todo siya gustong-gusto ng katawan niya ang bawat halik at yakap ni Thunder.
Walang laman ang isip niya nang mga sandaling iyon kundi kasarapan dulot ng katawan ni Thunder. Kaya heto siya ngayon tuliro habang nakatitig sa resulta ng ginawa niya. Sa dalawang pulang linya. Nasapo niya ang noo na parang mas lalong napagod. She's pregnant and to be exact kung tama ang bilang niya 7 weeks na siyang buntis.
Tumakas nga siya kay Thunder sa krimen na ginawa nilang dalawa pero heto at may naiwan na edidensya ng kalibugan nilang dalawa. At hindi niya alam ang eksaktong gagawin sa mga oras na yun. Kailangan ba niyang sabihin kay Thunder o sa mga magulang muna niya.
Hindi niya alam kung ano ba meron sa kanila ni Thunder, may special bond ba sila dahil sa nangyari sa kanila nung mga bata pa sa kanila kaya nanatili pa rin itong binata? Balak ba nitong tuparin ang usapan nila na kapag 40 na sila at walang ka relasyon sila nalang ang mag papakasal.
Parang pinahinto na ni Thunder ang ikot ng buhay nito para lang sa kanya at alam niyang out of guilt lang yun na dala-dala pa din nito hanggang ngayon kahit maraming taon na ang lumipas. Pinipilit na niyang kalimutan ang kalbaryong iyon ng buhay nila, since nap*tay na ang salarin na nag dala sa kanila ng kamalasan.
Ayaw na niyang balik-balikan pa iyon dahil para sa kanya iyon ang naging dahilan para pangarapin niyang maging matatag at matapang. Pinangarap niyang maging tulad siya ng Ate Athena niya malakas at walang takot. Ngunit kung palagi niyang makikita si Thunder na parang laging na guguilty at na aawa sa kanya parang humihina lang sita at ipinaalala lang nito kung gaano siya kahina ng mga panahon na iyon.
Maraming dahilan para magustuhan niya si Thunder, sa totoo lang napaka ideal man nito. Maraming babae ang papangarapin si Thunder guwapo, matalino, Surgeon, financially stable at maayos na pamilya. Habang siya ano bang maipagmamalaki niya sa pamilya niya?
Maayos ang pamilya niya sa paningin ng lahat isang typical happy family. Ngunit ng muling pasukin ng Daddy niya ang gobyerno at tumakbo pa rin itong senador muli. Nanalo naman ito at naging maayos ang lahat ngunit alam nila na hindi na ito tulad ng ama na kilala nila noon. Malaki ang pinag bago nito. Malaki ang naging ambag ng pera sa pag babago ng ama.
Parang sinamba na nito ang pera at wala ng nagawa ang mommy nila kundi hayaan na lang ito para wala ng away. Nagpakasal ang Ate Devy niya at si Kuya Moris niya na anak naman ng Daddy nila sa una nitong asawa 3 years ago. Walang basbas galing sa parents nila ang kasal ng dalawa dahil galit ang Daddy niya sa Ate Devy niya dahil anak daw ito ng demonyo na sumira sa kanya.
Kaya naman ang Kuya Moris na niya ang nag desisyon na ilayo ang Ate niya at pumayag naman ang kapatid niyang lumayo. Sa Cotabato na nakatira ang mga ito sa resthouse ng Ate Athena nila na ibinigay na kay Kuya Moris niya ang sole ownership. 2 na ang anak ng mga ito sa kasalukuyan at mukhang naging maayos ang buhay ng ate niya sa kabila ng pagtira nito sa bundok.
Habang siya hindi niya alam kung magiging masaya ba siya? Kilalang corrupt na senador ang ama niya pero hindi ito nakukulong dahil protektado ng kung sinong pontio pilato. Hindi na siya nakikialam sa mga desisyon ng ama tulad ng ina since hindi naman nila alam ang mga illegal na galawan ng ama niya. Basta wag lang nitong sasaktan ang ina, mang babae na ito kung gusto nito pero wag lang talaga niyang malalaman na sasaktan nito ang mommy niya pero in the first place, malabo din naman nitong masaktan ang Mommy niya dahil kung yung kilalang notorious na Emperor na gago hindi nagawang saktan ang mommy niya ang Daddy pa kaya niya.
Maligalig ang mommy niya sarili nga nitong magulang hindi manalo dito, maging ang 3 niyang tito hindi umubra sa mommy niya at tiyak din naman niyang takot ang Daddy niya sa 3 kapatid na lalaki ng ina kaya hindi kakantiin ng Daddy niya ang ina.
"Major Benitez --." mabilis na nahablot ni Keonna ang pregnancy test sa table niya at naitago sa bulsa ng marinig ang boses ni Storm na biglang pumasok sa medicube.
"Ano yan?" biglang tanong ni Storm na nakatingin sa bagay na itinago ni Keonna sa bulsa nito.
"Wala. Bakit anong kailangan mo, Captain?" nakangiting tanong ni Keonna na umayos ng upo. Nakatitig naman sandali si Storm sa dalaga saka huminga ng malalim.
"May bumabang memo sa akin para vaccine shot ng mga army. Na received mo na rin ba?" tumango naman si Keonna. Sabay tingin sa wrist watch na suot.
"Bandang 9am kami mag s-start." tumango naman si Storm saka tumalikod na ngunit nasa may pintuan na ang binata ng huminto ito at lumingon sandali.
"Kung may problema ka puwede mo akong kausapin, hindi bilang captain kundi Kuya. And beside parehas tayong Pilipino sa isang banyagang bansa. Wala naman sigurong masama kung tayo din ang mag dadamayan," ngumiti naman si Keonna na tumayo saka sumaludo nalang dito na tinanggap naman ni Storm.
-
-
-
-
-
-
"I'm pregnant!" anusyo niya sa magulang niya at Ate niya habang kausap niya ang tatlo sa three separate calls na pawang mga nagulat pero sa huli natuwa din.
"Sino ang ama? sundalo din ba?" tanong naman ng ama.
"Si Thunder." kung nagulat ang mga ito sa anusyo niyang buntis siya mas nagulat ang mga ito ng sabihin niyang si Thunder ang ama. Matagal bago may nag salita sa mga ito na para bang walang may gusto sa nalaman.
"Get rid of the baby?"
"Dad." sabay-sabay na bulalas nilang tatlong babae.
"Get rid of the baby or I will my self." mariin na utos ng ama.
"Are you really f*cking lose your mind? Anak ng anak mo ang inuutos mong patayin niya." galit na angil ni Beauty sa asawa.
"Anak ng rap*st na yun ang batang_"
"Hindi rap*st si Thunder Dad! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo yan?" galit na turan ni Keonna.
"Kung di siya rap*st anong itatawag ko sa kanya huh! Ano!" gigil na tanong ng ama.
"Paulit-ulit na lang tayo Dad! Sinabi ko lang sa inyo ang kalagayan ko hindi para pakialaman n'yo pa ako. I'm old enough to handle things, hindi ko ipipilit kung ayaw n'yo sa anak ko. Basta kayo ang una kong sinabihan."
"Gawin mo ang gusto mo Anna, wala kang magiging problema sa akin." wika naman ni Deborah. Pagak naman tumawa ang ama nila sabay iling.
"Coming from you pa talaga? Baka nalilimutan mo, kung di dahil sa demonyo mong ama maayos pa sana ang pamilya natin." bigla naman nawala ang ina sa video na tiyak ni Keonna nagalit at tiyak din na derektang tatawagan nito ang ama. Ilang segundo nga nawala na din ang ama nila.
"Hayaan mo na, matanda ka na Keonna hindi na tayo mga bata. Gawin mo kung ano ang tingin mong tama."
"Ate, masakit bang manganak?" natawa naman si Devy sa tanong ng kapatid. Na sinagot naman ni Devy.
"Kelan kayo mag papakasal ni Thunder?" mabilis na umiling si Keonna na ikinakunot naman ng noo ni Devy.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ko sasabihin sa kanya?"
"At bakit?"
"Ayoko lang na."
"Dahil ba kay Dad?" in someway oo dahil sa ama niya. Mas mabuti ng iiwas niya si Thunder kesa magkagulo pa at maungkat nanaman ang nakaraan.
"Hindi ko palang alam kung paano basta hindi pa ako ready na sabihin sa kanya baka soon."
"Ikaw ang bahala pero kahit anong desisyon mo nandito lang ako hmmm..." tumango naman si Keonna.
"After 90 days uuwi kami ng Pilipinas para sa honorable awarding, kapag may mahaba akong time dyan ako mag babakasyon sa bundok." biro ni Keonna na tinawanan nilang magkapatid.
"Ilang buwan ang bakasyon nyo dito sa Pinas."
"3 weeks lang Te, deploy din agad kami sa Pakistan Base."
"Iyon ay kung pakakawalan ka pa ni Thunder oras na malaman niyang buntis ka."
"Gagawan ko ng paraan para di niya malaman." sagot na lang ni Keonna. Hindi niya gustong saktan si Thunder at habang buhay itong kainin ng guilty. At sa klase ng ama na meron siya ngayon natitiyak niyang hindi magiging mabuti kung hahayaan niyang tuluyang makapasok sa buhay niya muli si Thunder.