Napaangat ang ulo ni Storm ng makarinig ng katok mula sa pinto ng office niya at nakita niya si Keonna na nakatayo sa may pintuan. Isinarado naman ni Storm ang folder na binabasa at tumingin ng deretso kay Keonna na inutusan na maupo na ginawa naman ng dalaga.
"Ready ka ng mag salita?" tanong ni Storm, tumango naman si Keonna na huminga muna ng malalim. It's been 10 days since ng magkausap at mag-offer siya kung gusto nito ng kausap.
"I'm pregnant."
"And?" dugtong ni Storm dahil naramdaman niyang may kasunod ang sasabihin nito. Hindi na siya nagulat ng sabihin nitong buntis ito dahil nakita niya ang bagay na itinago ito ng araw na yun hindi lang niya napansin kung anong result.
"I'm getting married." napatango naman si Storm habang biglang pumasok sa isip niya ang kapatid niyang si Thunder.
"But I don't want to get married." dun nagsalubong ang kilay ni Storm sa sinabi nito na hindi niya inasahan.
"Why? You said your pregnant."
"Hindi mo ba itatanong kung sino ang ama?"
"Why woul I kung pakakasalan ka naman so makikilala ko din siya soon." sagot naman ni Storm.
"Kaibigan ni Daddy ang lalaking mapapangasawa ko?" tumaas ang kilay ng binata.
"You mean—."
"Old and as*h*le!" napaunat ng upo si Storm at naituon ang braso sa mesa niya.
"So, he's not the father." tumango naman si Keonna.
"Ayaw ng Daddy ko sa lalaking nakabuntis sa akin, pinag bantaan niya ako na kapag binuhay ko ang baby na to sisirain niya ang buhay ng ama ng anak ko."
"Anong problema ng Daddy mo? Adik ba ang nakabuntis sa'yo?" muling umiling si Keonna na napangiti pa ng bahagya.
"Sabihin na lang natin na ang ama ng anak ko hindi basta-basta kayang sirain pero alam ko masasaktan siya at hindi niya iyon sasabihin sa akin." wika ni Keonna.
"Hindi ba ang swerte mo naman kung siya ang ama ng anak mo so anong problema."
"Ako?" mabilis na sagot ni Keonna na saglit na yumuko at mapait na ngumiti.
"Hindi ko alam ang gusto ko pero isa lang ang natitiyak ko, bubuhayin ko ang anak ko ng gusto ko ako lang walang kahit sinong makikialam sa akin. Walang kahit sinong magdidikta sa akin kung ano ang tama o mali."
"Ang selfish mo naman kung ganun." ngumiti si Keonna na tumingin kay Storm.
"I am kaya may ipapakiusap sana ako sa'yo."
"Parang alam ko na." tarak ang matang wika ni Storm.
"Just a couple of weeks, can you be my boyfriend na puwede kong i-display."
"Bakit ako? Bakit hindi pa si Thunder magkaibigan naman kayo." tumawa naman si Keonna na umiling.
"Di mo ba naisip na kapag si Thunder ang pinaki-usapan, ipipilit na niya na ituloy na namin sa totohanan."
"Bakit ba ayaw mo? Matagal na natin alam na may gusto sa'yo si Thunder at handa kang pakasalan kahit noon pa."
"Ayaw sa kanya ni Papa." sagot na ni Keonna na saglit na ikinatahimik ni Storm. Ilang minuto din bago napabuga ng hangin si Storm na sumandal sa upuan saka tumingin kay Keonna na hindi na niya kailangan itanong kung bakit.
"Alam ba ni Thunder na buntis ka?" mabilis na umiling si Keonna.
"Wag mo na munang sabihin ako na lang." tumango naman si Storm.
"Pag-uwi natin ng Pilipinas lang ang pakiusap ko, pag nadeploy na ulit tayo. Back to normal na tayo." Napaisip si Storm, iniisip na din talaga niya ang nalalapit niyang pag balik sa Pilipinas. At sa muling pagkikita nila ni Chelsea at hindi niya alam kung paano haharap dito.
"Sige payag na ako. Just for a week,"
"Thank you, Sir." ani Keonna.
"Mukhang maitatakwil ako ni Thunder nito."
"Wala kaming relasyon kaya wala siyang karapatan na magalit or magselos. Palalabasin natin na matagal na tayong nagkakagustuhan at tuluyan nag decide na subukan." tumawa naman si Storm.
"Mukhang matagal mo ng nagawa ang script mo at ang pag-oo ko na lang ang kulang."
"Nakakahiya ba kung sasabihin kong oo." huminga ng malalim si Storm na hindi na nag komento.
"Ilang buwan na ang tiyan mo?"
"2 months." sagot ni Keonne na ikinatango naman ni Storm na sakto naman may tumawag sa hotline niya at pinatatawag siya sa headquarter. Kaya agad na din silang nag hiwalay ni Keonna habang na iisip na nya kung sino ang possibleng ama ng batang pinag bubuntis nito.
"Nalintikan ka Kidlat! Ang bagsik mo... bulleyes agad!" iling ni Storm na napapangiti nalang na nag lalakad palayo.
-
-
-
-
-
-
Nasa gilid si Storm, hawak ang champagne flute, habang iniintay si Keonna. Hindi pa alam ni Keonna na isa din si Thunder sa tatanggap ng parangal ngayon araw na ito. Ano kaya mangyayari para tuloy nag sisi siya sa pagpayag na mag panggap na boyfriend nito lalo ganito ang hitsura ni Thunder na parang gustong biyakin ang katawan niya sa titig nito.
“Here we go." bulong pa ni Storm ng makita ang kapatid na nakasimangot na papalapit na sa gawi niya.
Lumapit si Thunder sa kanya, halatang hindi mapakali.
"You knew she’d be here, didn’t you?" ngumiti naman si Storm na kumunot ang noo na tumingin sa kapatid. Nung isang araw pa siya dumating at nagkainuman na silang mga boys. Sinadya niyang hindi sabihin kay Thunder na kasama niyang bumalik ng Pilipinas si Keonna dahil sa paki-usap din ng dalaga.
"It’s an award ceremony, bro. She’s one of the honorees. Why wouldn’t she?" sumimangot naman si Thunder na akala mo ito ang panganay sa kanila dalawa.
"I sent her messages. 20 of them. No reply." natawa naman si Storm sa sinabi ng kapatid.
"It's not funny." patulak na saway ni Thunder sa kapatid.
"Maybe she’s busy saving lives. Or... hiding one." ani Storm na nag kibit balikat. Napakunot ang noo ni Thunder.
"What’s that supposed to mean?" tumawa naman si Storm na tinapik sa balikat si Thunder na hindi na yata marunong ngumiti.
"Nothing. Joke lang, man. Relax." Pero sa loob-loob ni Storm, ramdam niyang hindi niya kayang magtagal sa ganitong eksena. Ang kasinungalingang sinimulan nila ni Keonna parang kinakabahan siya sa mga titig ni Thunder.
Tahimik na minememorize ni Keonna ang ispeech niya para mamaya, nakatingin siya sa sariling reflection habang nag sasalita. Medyo kinakabahan siya sa pa speech niya mamaya.
"Doc, excuse me po. May nag hahanap po sa inyo si Dr. Thunder Mondragon." Tumigil si Keonna sa pag mememorize at napalingon bigla dahil sa narinig.
"Thunder?"
"Opo."
"Pakisabi nag punta ako ng restroom." utos na lang niya rito na agad naman tumango. Napapikit naman si Keonna na huminga ng malalim at pinakalma ang bumilis na tbok ng kanyang puso.
"Not now. Please..." bulong pa niya, hindi niya inaasahan na sa ceremony pang ganito sila magkikitang muli ni Thunder baka may gawin itong kung ano naroon pa naman ang Mama at Papa niya. Baka biglang ang papa niya ang gumawa ng eksena at sabihin na si Thunder ang ama ng baby niya. Kailangan muna niyang dumistansya at umiwas muna ngayon.
-
-
-
-
-
-
"You’ve been avoiding me." usal ng isang tinig ikinagulat ni Keonna na palabas na ng restroom, balak na nila ni Storm na tumakas at wag ng tapusin ang event. Dahil tulad niya hindi rin nito inasahan na makikita din nito ang isang babae sa nakaraan nito na naroon din sa event. Kaya nag yaya na itong umuwi na pumayag naman siya nagpaalam lang siya sandali para magbanyo right after niyang tanggapin ang award.
"I’ve been busy." kalmadong sagot ni Keonna na pinilit na ngumiti kahit kabado siya, hindi pa naman halata ang tiyan niya kahit mag lilimang buwan na ang tiyan niya. Bukod sa binder na gamit niya, malaki din ang uniform na suot niya.
"Really, try to convince me." ani Thunder, umiwas naman ng tingin si Keonna dito.
"Marami akong ginagawa Thunder, hindi lang ako basta doktora." sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila.
"You disappeared from the base, left without a word. What was I supposed to think huh?" sumbat ni Thunder.
"That it’s over." pagak naman na tumawa si Thunder.
"Over? You think I can just turn it off like a switch, Keonna? Anong tingin mo sa ginawa natin laro lang? Nanay tatay ganun lang?" sarcastic na tanong ni Thunder. Napapikit si Keonna, ito ang iniiwasan niyang usapan ang maungkat pa ang nangyari sa kanila ng araw na yun.
"Please, Thunder. Don’t do this here."
"Then when? Tell me when I’m allowed to care again." Saglit na napapikit si Keonna, at nang muling magbukas ang mga mata niya, deretso siyang tumingin sa binata.
"You’re not supposed to." matigas na usal ni Keonna.
"And why not?" ani Thunder na ikinaatras naman ni Keonna ng lumapit si Thunder sa kanya ng sobrang lapit.
"Because you deserve peace. And I can’t give you that." Sandaling katahimikan muli ang namagitan sa kanila. Ang mga mata ni Thunder ay biglang lumambot parang may hinahanap sa mukha niya ng haplusin nito ang pisngi niya.
"Then tell me—Is it because of Kuya Storm?" Napalunok si Keonna. Hindi siya agad sumagot. Alam niyang ito na ang sandaling kailangan niyang ituloy ang kasinungalingan.
"I saw how you looked at him many times kanina. Gusto mo ba ang Kuya ko?"
"Yes." mabilis na sagot nya deretso, natahimik si Thunder sandali. Hindi siya makapaniwala sa mabilis na sagot ni Keonna, hindi niya magawang magalit kahit gusto niya.
"I see pero alam mo bang may mahal na iba si Kuya? Masasaktan ka lang kung itutuloy mo yang nararamdaman mo." wika ni Thunder sabay talikod. Napakagat labi naman si Keonna na nakasunod ng tingin kay Thunder na papalayo na.
"Thunder!" tawag niya sa binata na huminto pero hindi lumingon.
"I'm sorry." mahinang usal niya.
"Don't be! Dahil alam ko naman na you'll end up crying, tawagan mo nalang ako kapag nangyari yun." ani Thunder saka muli ng umalis.