Episode 7-Five months

1309 Words
"She's beautiful, siya ba yun babae sa wallpaper ng cellphone mo Capt." tanong ni Keonna na tinutukoy ang babeng nakita nila kanina paglabas ng hotel kung saan sila binigyan ng parangan. Hindi na nila tinapos ang event dahil kailangan pa nilang umattend ng meeting via zoom at gusto na din niyang iwasan si Thunder na bigla na lang nawala ng mag walk-out ito, nakokonsensya siya sa ginawa niya pero kailangan nyang magpakatatag. "She is." matipid na sagot ni Storm. "Nawala na yung lalaking tinawag niyang Baby kanina." hindi naman tumugon si Storm. "Naging kayo ba talaga noon o nag assume ka lang?" biro ni Keonna napalingon naman si Storm sa dalaga. "Mukha ba akong assumero, itong hitsura na ito." turo pa ni Storm sa sarili, ngumiti naman si Keonna na binuhay na ang makina ng sasakyan nila. "Tandaan mo may usapan tayo, hindi mo ako puwedeng basta iwan na lang." sumimangot naman si Storm na umiling na lang na sinamaan ng tingin si Keonna. "Pag talagang nasira ang love life ko at tumanda akong binata sinasabi ko sa'yo Keonna. Itatapon kita sa north korea." ani Storm, tumawa naman si Keonna. "Kunwari na lang niloloko mo ako, that you're cheating on me para naman magmukhang makatotohanan ang lahat then kunwari isa lang akong hopelessly romantic na handang magpakamartir sa lalaking mahal niya." wika pa ni Keonna. "At ginawa mo pa talaga akong masamang tao, ikaw kaya ang gumawa niya at kunwari ako ang broken hearted at mag hahanap ako ng masasandalan at makakausap kasi sinaktan mo ako." natawa naman si Keonna. "Naku mas sasablay ka sa gusto mo kasi mag mumukhang rebound ang isang babaeng lalapitan mo." ani Keonna habang nag dadrive na ito. "Mag break na lang kaya tayo, wala ka din naman kuwentang girlfriend," natawa naman si Keonna sa sinabi ni Storm. "Wow! At ikaw feeling mo ulirang boy______ ahhhh!" sabay pa silang nagulat ni Keonna ng biglang may bumangga sa likuran nilang sasakyan habang naka stop sila sa stoplight na naka red. Napatingin pa sila sa windshield ng makita na may kumakatok sa bintana sa side ni Keonna. "Ano nanaman problema ng ugok na yan." ani Storm ng makita ang kapatid sa may bintana. Ibinaba naman ni Keonna ang bintana pero nagulat sila ng i-unlock nito ang pinto at ipasok na nito ang katawan para abutin naman ang lock ng seatbelt ng dalaga saka puwersahan inilabas si Keona ng sasakyan na pinasan sa balikat. "Hoy! Thunder." sigaw na tawag ni Storm sa kapatid ng tangayin nito si Keonna na nag pipilit pang kumawala kay Thunder na pinalo lang sa puwet si Keona. "Ano ba!" sigaw pa ni Storm na sumunod sa dalawa ng maalis ang seatbelt. "Stay away from us kung ayaw mong idamay ko si Chelsea." "Baliw ka ba." "Oo, kaya wag mo akong subukan kuya." "Isusumbong kila Nanay." banta pa ni Storm pero hindi man lang siya pinansin ng kapatid na naipasok na sasakyan si Keona na binantaan din nitong na wag subukan na tumakas. Agad naman pinasibad ni Thunder ang sasakyan nito na hahabulin sana ni Storm ng isang sasakyan naman ang biglang bumalagbag. Inis naman bumaba muli si Storm para sitahin ang may ari ng kotse ng bumukas ang bintana nun. "Sorry, wag ka kasing masyadong epal sa love life ng iba. Love life mo nga hindi mo na maayos." ani Cassie sabay kindat. - - - - - - "Thunder, ano bang problema mo!" na iinis na tanong ni Keonna habang sakay na sila ng kotse ni Thunder papalayo. "Kailan mo balak sabihin sa akin? Or may balak ka bang sabihin sa akin?" napalunok na si Keonna, medyo kinabahan siya. Kita nya sa kamay ni Thunder na ngangalit ito at nagtitimpi lang. "Stop the car." "Kung ayoko anong gagawin mo." "Ano bang gusto mo?" tanong ni Keonna na na iirita na talaga. "Us!" galit na sagot ni Thunder na halos pasigaw na. "Anong us! Walang us, Thunder. Hindi porket may nangyari sa atin magiging pag-aari mo na ako. Hindi porket nagustuhan natin ang ginawa natin may us na agad. Matatanda na tayo Thunder pinaiikot mo pa rin ba ang buhay mo sa pangakong binitawan natin noon." bulalas ni Keonna na nasapo na ang noo na parang na pu-frustrate na kaganapan nila ni Thunder. "Stop the car habang nakiki-usap pa ako sa'yo Thunder." "You’re coming with me whether you like it or not." "Para saan?! Umaasa ka ba talaga? Really? Hindi kita kailangan Thunder... hindi pa ba malinaw sa'yo? Hindi na sira ang buhay ko. Hindi huminto ang ikot ng mundo ko." inis na wika ni Keonna na mabigat ang bawat katagang binibitawan. "Bakit ba kayong lahat iniisip na nasira ang buhay ko dahil ng araw na yun, bakit wala ng makalimot ng araw na yun? Thunder naka move on na ako, sana naman maka move on ka na din. Hindi mo kailangan dalahin sa konsensya mo habang buhay ang nangyari." Tahimik si Thunder habang nagmamaneho, pero halata sa dibdib nito ang mabilis na paghinga. "Hindi ka masamang tao, wala kang obligasyon sa akin." "Tell me the truth," bigla nitong sabi. "Buntis ka ba?" Natahimik si Keonna, napalunok. Hindi agad nakasagot. Inaasahan na niya ang tanong na yun pero hindi niya alam kung paano mag sisinungaling ng harapan. Mahirap pala kapag face to face pakiramdam niya siya mismo ang sasaksak kay Thunder ng harapan. "Mahirap ba ang tanong ko?" "Wala kang karapat—." napahawak si Keona sa dashboard ng biglang kabigin ni Thunder ang manibela at ihinto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Don’t lie to me, Keonna!" sigaw ni Thunder sabay hila sa braso niya papalapit rito, halos dumikit ang mukha nito sa mukha niya sa sobrang lapit. "I heard your pregnant?" "So what? It’s not yours, Thunder." ngumisi si Thunder. "Not mine? Really?!" "Then whose is it, huh?!" "Storm’s," sagot ni Keonna, diretso at matatag habang deretso ang tingin kay Thunder na halatang nagulat at natigilan. "Don’t lie to me," mariin niyang sabi, napatingin naman si Keonna sa kamay nitong mahigpit ang kapit sa wrist niya. "Don’t you dare! Keonna." "Believe what you want!" balik ni Keonna. "Pero hindi ikaw ang ama!" mariin na wika ni Keonna. "Four months, Keonna. Turning FIVE!" halos isigaw na ni Thunder, hawak na ang manibela, mariing tinampal ang dashboard. "You were with me five months ago, remember?! That night in the camp—" "Stop!" sigaw na rin ni Keonna, na mariin na naka kuyom ang kamay. "I said it’s not yours!" "Then I’ll find out the truth myself." malamig ang tinig ni Thunder, matalim ang tingin. "And when I do—" huminto siya, saka binitiwan ang braso ng dalaga. "You’ll have no reason left to run from me again." Natahimik si Keonna, pero bakas sa mukha ang takot at lungkot. Tumunog ang cellphone ni Keonna ng tingnan niya ang ama ang natawag na agad naman niyang sinagot na bumaling ng tingin sa labas ng bintana, "Where are you? Diba may usapan tayo." "Dad! May zoom meeting pa kami nila Captain." "Sigurado ka ba? Hindi mo iniiwasan ang usapan natin?" "Dad! Matanda na ako, ako ang mag dedesisyon sa buhay ko." "No! Ako ang magdedesisyon... Dahil na titiyak ko na kapag hinayaan kita. You will end up with that rap*st! At wala akong pakialam kung Mondrag—." mabilis na pinatay na ni Keonna ang call bago pa may masabi nanaman na hindi maganda ang ama. "He still hates me." ani Thunder habang nakatingin sa unahan kalsada. Hindi sumagot si Keonna instead lalabas na sana siya ng pigilan siya ni Thunder na lumabas. "Whether you like it or not that baby is mine. Kahit isumpa pa ako ng buong angkan mo, paninidigan kita!' mariin na wika ni Thunder. "I'm sorry kay Storm ako mag papakasal at nag-usap na kami. Tanggapin mo na lang na soon, I will be your sister-in-law." ani Keonna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD