Timothy’s pov Sa higpit nang pagkakahawak ko sa baso ay halos mabasag ko na ito. Hindi ako makapaniwala sa mga ginawa ni Angeline dahil sa tagal na panahon ay nagtiwala ako sa kanya. Halos kapatid na ang turing ko kay Angeline tapos hindi ko alam na sila palang dalawa ni Beatrice ang nag set up sa akin para mapaniwala si Chenley na may relasyon kami. Nilagok ko ang alak na nasa baso umigting ang aking panga dahil sa galit. Hindi ko ito palalampasin at sisiguraduhin ko na pagbabayaran ni Angeline ang lahat ng kasalanan niya sa amin ni Chen. “Napakasama mong babae ka hindi ko alam kung saan ka kumuha ng kakapalan ng mukha para gawin sa akin ito.” puno ng galit kong sabi, gusto ko silang sugurin ni Beatrice pero pinigilan ako ni Arjay. Isa si Beatrice ang nag recomenda kay Angeline kaya na

