Chen’s pov Bandang alas otso na ako ng gabi nagising hindi muna ako bumangon pinakiramdaman ko ang paligid. Tahimik ang buong bahay parang walang taong nakatira, ibig sabihin hindi pa naka-uwi si Uncle Timothy. Bumangon ako gumaan ang aking pakiramdam, sa wakas nakabawi rin ako sa aking tulog. Sa tatlong buwan namin nagsama ni Uncle Timothy sa iisang bubong ay hindi talaga ako nakatulog ng maayos. Si uncle pa, halos hindi ako pahingahin noon sa sobrang pagkahilig, babawi raw siya sa mga nasayang na araw. Kaya naman lahat ng sulok nang bahay ay iniwanan namin ng masasarap na alala. Ang sabi kasi ni uncle matagal na panahon na naman kami makakabalik sa safe house. Halos nalibot na namin ang buong bahay pati pool area ay hindi nakaligats kay uncle. Masaya naman ako at gustong-gusto ko ang m

