Episode 1
Alleah Jose Ramos POV's
Napaupo ako sa isang bakanteng upuan ng makaramdam ako ng pagkahilo ni hindi manlang kasi ako nagkaroon ng oras para magpahinga kanina dahil sa sobrang dami ng costumer, tatlo lamang kasi kami na waitress nitong Divine's Recipe isang maliit na resto lamang ito na pagmamay ari ng besfriend ko. Dalawa lang kami na pumusok ngayon araw dahil masama daw ang pakiramdam ni Rose, isa sya sa aming tatlo at si Nina naman yung isa pa. Napansin ko kasi na hupa na ang costumer kaya hindi ko na napigilan na ipahinga ang kanina ko pa iniinda na hilo, at bigla namang pumasok sa isip ko ang mga magulang ko na nakadagdag pa lalo sa pagkasama ng pakiramdam ko, napapiksi ako bigla ng kulbitin ako ni Nina nakakagulat naman kasi para syang multo at hindi ko manlang naramdam nasa tabi ko na pala sya
"ayyy! puta jusko ko po" pagsinghal ko dala ng gulat
"ano ba naman Nina!? papatayin mo ba ako?" dagdag ko pa
"ano ba kasi iniisip mo?" tanong nito na may pag aalala, nabanggit ko kasi sa kanya na ilang araw na akong nakakaramdam ng pagkahilo
"wala lang" simpleng tugon ko dito hindi kasi nila alam ang problema ko patungkol sa personal kong buhay at sa pamilya ko. Ang alam lang nila ay galing akong probinsya at lumuwas lang ako dito sa Manila para mag trabaho, bukod don wala na silang alam ni hindi nila alam na nagtapos ako ng Colinary Arts at ang tanging nakakaalam lang non ay si Zandra ang bestfriend ko na may ari netong resto na pinagtatrabahohan namin. Since highschool ko pa nakilala si Zandra at hanggang sa makatapos ay tanging sya lang ang kasama ko pero hindi sya kilala ng mga magulang ko ayaw ko kasi na kilala nila ang nagiging kaibigan ko, though hindi sila mahigpit. Pero gusto nila, alam dapat nila lahat ng ginagawa ko kaya hindi ako nag interes na ipakilala si Zandra kahit alam kong nagtatampo sya dahil don. Ayaw ko lang kasi na sya ang gawing daan ng mga magulang ko para makakuha ng mga impormasyon tungko saakin, naging mailap kasi ako kina mom and dad mula pagkabata ko ay ni hindi ko sila nakabonding kahit isang buong araw kung meron man ay hindi aabot ng isang oras. Niintindihan naman ni Zandra ang lagay ko dahil sinabi ko din sa kanya na nahihirapan ako sa lagay ng buhay ko kaya ng naisipan ko na lumayo ay inoffer nya sakin na maging manager netong resto. Pero ayokong makilala dahil sa mga nasimulan ko noon sinabi ko sa kanya na magsisimula ako sa panibago at pakiramdam ko ay magandang mamuhay ng simple lang kaya mas prefer ko yung waitress at nag insist talaga ako para lang payagan nya ako doon sa gusto ko.
Nagtanong naman ulit si Nina na parang dismayado sa akin.
"ehh bat anlayo ata ng lipad ng isip mo?" mala-imbistigador na tanongan nito saakin.
Well sanay na ako sa kanila, sa ilang buwan namin na pagsasama sama dito sa resto ay naging mallapit kami sa isat- isa
"nakaramdam kasi ako ulit ng pagkahilo kaya napaupo ako" paliwanag ko dito at tanging tango lang ang naging tugon nito sa akin, Kaya nagsalita ulit ako upang humingi ng pasensya na hindi na ako makabalik pa sa trabaho ngayon araw dahil sa iniinda kong hilo
"pasensya na Nina ahh? Pero kailangan ko na ata itong ipahing, pag okay na ako bukad magtitext agad ako kung makakapasok ako bukas" paghingi ko ng tawad at pagpapaalam kung makakapasok ba ako o hindi bukas
"Okay lang saka Monday naman bukas, Alam mo na- mahina tayo tuwing Lunes diba?" sabi neto na may kumpyansang kkayanin nyang mag isang magserve para bukas, at tila excited na eto dahil tuwing lunes lang naman sya dinadalaw ng nobyo nitong si Del. Dahil sa maluwag nga ang trabaho namin tuwing Lunes
Nagpaalam na ako sa manager namin atsaka sa iba pang kasamahan ko saka tuloyan na nilisan ang lugar ng trabaho ko. Di naman kalayuan ang tinutuloyan ko dito aabotin lang ng 30 mins kung taxi at 15 mins naman kung mag LRT ako ganon din naman ang pamasahe kaya mas prefer ko na mag taxi nalang.
Naalala ko nong unang beses kong sumakay ng taxi, si Zandra ang tumawag dito kaya naman ng huminto ang taxi sa harap ko ay tumayo ako sa may tapat ng pinto at nagpaalam kay Zandra, hinihintay ko na lumabas ang driver para pagbukasn ako nito ng pinto pero hindi kasi ito lumalabas kaya nagtagal ako na nakatayo sa inip ko ay lumingon ako kay Zandra na tila nagtataka sa aakin.
"oh bat di ka pa nasanay iya?" tanong nya sakin. Iya is my nickname
"bakit kasi hindi ako pagbuksan netong driver huh? Era?" tanong ko sa kanya na may halong inis. Era is my bestfriend nickname, sya ang nagbigay saking palayaw na Iya and as a reverse ako naman ang nagbigay ng palayaw nya which is Era.
humagalpak naman sa taw itong babae na ito at hindi ko maintindihan kung bat sya tawa ng tawa, kaya tinanong ko sya
"What about that lough? Era?" inis kong tanong sa kanya, nagpigil naman agad ito ng tawa dahil napansin ata na naiinis na ako saka lumapit saakin at binuksan ang pinto ng taxi
"oh ayan madame sakay na po, public transport po kasi ito at kayo mismo ang magbubukas para sa sarili nyo" sahot nya sakin na may mapang asar na ngiti, agad naman akong napatingin sa driver at nakita itong nakangiti din na parang kanina pa kami pinapanuod na magkaibigan kaya nilingon ko ulit ang kaibigan ko
" uh huh! okay well alam ko na this time, i'll call you later, bye" paalam ko sa kaibigan ko at tuluyan na sumakay sa taxi. Agad naman itong pinaandar ni manong driver, nahihiya tuloy ako sa inasal ko kanina hindi kasi ako sumasakay sa mga public transport e kaya akala ko kung paano ako sumasakay sa sasakyan namin ay ganon din sa iba.
Mula nong umalis ako sa bahay namin ay si Zandra na ang naging katuwang ko, sobra ang hanga ko sa babae na yun kasi bihasa sya sa mga ibat ibang gawain at sya ang nagturo saakin ng mga bagay bagay sa unang tatlong buwan lang ang hiningi ko sa kanya don ako nakitira sa bahay nya at ng matapos nga ang tatlong buwan ay napakarami kong natutunan sa kanya. Alam ko naman na marami parin akong dapat malaman pero dapat na akong humiwalay para matuto sa sariling paa. Nagsearch ako sa google ng apartment na pwedi ko i-occupy, maraming suggestion at malapit lang dito sa bahay ni Era pero mas pinili ko ang medyo malayo dito, naisip ko kasi na baka pag may na incounter ako na hindi ko alam ay tumakbo agad ako dito, naisip ko din kasi na para sa akin to kaya sa medyo malayo talaga ang nagustohan ko at pumayag naman si Era saaking kagustohan. Isang mala hearing muna ang naganap bago nya ako payagan.
"sigurado ka ba talaga Iya sa desisyon mo?" tanong ni Era sa akin
"uh-huh" tugon ko naman at disedido talaga ako
"pag isipan mo ng mabuti iya" payo nito saakin na may pag aalala
" alam ko nmn Era na nag aalala ka saakin pero kasi naiisip ko na pano at kailan ako makakatayo sa sarili ko kung palagi kang nandyan? hindi naman sa against ako sayo, pabor nga saakin na kasama kita sa mga oras na kailangan kita pero kasi nahihiya na din naman ako dahil may sarili ka din na problema at dapat na harapin, isa pa ay alam kong mas mapapag isipan ko ng mabuti ang dapat kong gawin" pangungumbinsi ko dito at tila naman nagwagi ako dahil tumango tango lamng ito saakin pero bakas ang pag aalala
"owsige haaa, basta pag di mo kaya magsabi ka agad saakin. Jusko sa dami ng problema pinaka worse na ata ang ipinanganak na sobrang yaman " medyo napapanguso nito na pagkasabi at tumawa din naman bigla
Natawa din naman ako sa sinabi nya pero tinamaan ako doon, kung sa iba ang hirap na ipinanganak na mahirap, sa akin ang hirap na ipinangak kang mayaman. Pano ba naman kasi? Magmula bata ako ay lahat nakukuha ko pero wala sina mom and dad. Nong una oo masaya pero habang lumalaki ay palungkot ng palungkot ang nangyayari, and worse? ay yung kahit sa espesyal na araw mo ay wala ang mga magulang mo. Maagang nagmatured ang utak ko kasi palaging mga kasambay ang kausap ko hindi ko kasi naranasan na lumabas mag isa, makipag laro kaya pati sa pakikipag kaibigan ay hindi ko alam ang dapat kong gawin, over protective sina dad kaya ayun nagising nalang ako isang araw na ayaw ko na sa ganoong buhay.
Magmula nong makaalis ako sa bahay don ko lang nakilala ang mundo na ansya pala dito, malaya, your body your rules. Ako kasi noon para akong robot na nakaprogram na ang dapat gawin at nagsilbing nagpapana saakin ay ang mga maids at body guard namin kasi lahat halos ng kilos ko ay may script sila, bigay iyo ni mom. Iniintindi ko naman sila e pero nakakapuno din.
(Nag iinvest sila sa kung ano ano para daw sa kinabukasan ko.
Ako naman sila ang investment ko pero habang tumatagal ay palugi ng palugi, ni hindi ko alam kung kaylan sila magkaka interest o kung kaylan ba nila ako mamahalin)