episode 3

3003 Words
Alleyah Jose Ramos POV's Matapos nong araw na hindi ako pumasok ay bumalik na ako sa trabaho, tatlong linggo na ang nakalipas balik lang sa dati ang nangyari pero sa ngayon ay tila kakaiba ang nangyari dahil mula nong pumasok dito sa resto yung lalaki na nakahood ay kanina ko pa sya nahuhuli na nakatingin saakin, kaya naman kinakabahan ako. Napaka advance ko kasi mag isip, kayo din ba? na palaging may nabubuo agad na senaryo sa utak mo kapag ka ganito yung nangyayari sainyo? Ako kasi dinadaga na talaga ako ngayon kaya nilapitan ko yung lalaki baka kasi may idadagdag pa sya sa order nya e, kaya tingin ng tingin "good morning po, sir! may maitutulong po ba ako?" syempre mabait tayo no? costumer e "hmmm" yung lang sabay iling ang sagot nito saakin "ok, sir! tawag lang po kayo kapag meron" paalam ko dito, ansama naman kasi kung tatalikuran ko na lang to e. Sabay tumalikod na ako papunta sa kitchen, hindi pa ako nakakalayo ng magsalita sya "ok miss?" napahinto ako ng magsalita sya pero hindi padin ako humaharap, bumuntong hininga sya bago muli huminga "may kilala ka bang Alli?" kinabahan ako bigla, btw Alli is may nickname too. Pero iilan lang ang tumatawag sakin non at kasama na don sila m and dad kaya nagtataka ako kung bakit kilala ng isang to si Alli este ako pala. Kinalma ko muna ang sarili bago tuloyang hinarap ang lalaki " why sir? at sino po pala si Alli?" tanong ko dito na umaktong kyuryos dahil gusto kung malaman kung bat nya ako kilala, e wala naman akong naaalala na may nagkita na kami nito. Kung sa school naman hindi ako kilala sa mga nickname ko dahil kilala ako sa surname ko, mababasa sa mga mata nya na halatang pinag aaralan nya ang bawat galaw ko? "nothin' miss, *medyo hawig kasi kayo e. Naisip ko lang na baka kamag anak mo sya?" tila nagtatanong ito, gumanti na lamang ako ng normal na ngiti lang para wala sya maramdaman na kinakabahan na ako " amhp h-hindi ko po sya kilala sir e" pagsisinungaling ko dito, taenang dila to di marunong makisama hays. Bago pa man sya makapag salita kasabay ng paniningkit ng mata nya saakin ay laking pasasalamat ko dahil tinawa ako bigla ni Rose, hays thank you talaga Ngumiti nalang ako at nagpaalam sa lalaki na kailangan ko ng bumalik sa trabaho kayo tumango na lamang ito. Sabado ng gabi ngayon bukas wala akong pasok, pinahbawalan na kasi talaga ako ng kaibigan ko na straight ang pasok ko 4 days lang ang binigay nya sakin na araw ng pagtatrabaho. Sunday, Wed at Friday ang wala kong pasok kaya pahinga ako bukas. Magmula ng mangyari ang iyon ay hindi ko na mabura sa isip yun. Hindi dahil sa gwapong mukha nong lalaki kundi dahil nagtataka na talaga ako kung bakit nya ako kilala? at sa pangalan pa talaga na yun? which is iilan lang ang pinagpakilalahan ko ng ganoong nickname. Wait, sila mom ni dad yun madalas nilang tawag sakin, si Ate Maya na nag alaga at nagpalaki sakin pati na driver namin at iba pang kasama sa bahay yun lang ang tumatawag sakin ng alli, pero naalala ko nong 16 years old ako may isang pamilya na bumisita samin, umuwi kasi non sila mom para lang i-meet yung mga yun, nagtampo pa nga ako non kasi akala ko dahil sakin kaya sila umuwi pero sabi nila sa some important matter daw kaya biglaan ang pag uwi nila. Bali apat yung dumating hindi ko sila kilala e, saka hindi ako intresado sa kanila. Business matter kasi ang topic e yun ang ayaw ko sa lahat, binuhos na nga nila oras nila don tapos uuwi sila dito pero yun padin ang pag uusapan nila? Asan ka hustisya? Nakisama nalang ako sa pinahandang dinner ni mom para sa mga bisita pero pagkatapos ko kumain ay nagpaalam ako na sa veranda lang ako magpapahangin "ahh mom? dad?" dahil sa ngayon lang naman ako umimik ay napasakin lahat ang atensyon nila kaya nakaramdam ako ng hiya, puta ganito kaya ang feeling ng mga artista? dami kasing mata na nakamasid sakin lalo na yun panganay na anak nong bisita namin, nagpakilala naman sila kanina kaya nalaman ko na pangayun yun. Andilim ng tingin nya sakin kaya bumuntong ako ng hininga at umiwas ng tingin "yes honey?" tanong ni dad kaya napatingin ako kay dad bigla " hmm may i excuse dad? magpapahangin lang po?" tanong ko kay dad habang umanyo ako ng pangungumbinsi "ok, honey! you may go" agad nitong sagot kaya nagpaalam ako sa kanilang lahat at ngumiti muna bago nilisan ang hapag Nagtungo ako sa veranda para makalasap ng hangin, feeling ko kasi masusufocate ako sa loob kanina dahil sa daga nanaman na nararamdaman ko. Ewan ko pero nakakatakot makatingin ang lalaking iyon, itinuon ko ang sarili sa pagtingin tingin sa mga hanging plants ni mom dito sa may veranda, mahilig kasi si mom sa mga ganito kaya isa nadin ito sa collection nya. Pag bumamalik sya galing sa kung saan saang lugar at madalas may dala sya pag uwi nya ng ibang klase nanaman na hanging plants. Sa pagmamsid ko ay napatanaw ako sa isang halaman na bumulaklak na kaya tinitigan ko iyo pero habang nakatitig ako roon? ang putek na sistema ko ay nakaramdam ng pagkapanggalaw? nagpalingon lingon ako sa paligid, and there! ang lalaking pamatay ang tingin at nakatitig sya sakin kaya naman pala ako biglang pinanglaw e "tapos na po? uuwi na po kayo?" Po? lasi halata naman na mas matanda sya sakin "huuuu" sabay buntong hinga nya " they are not yet done" dugtong nito "e ba't po kayo lumabas?" tanong ko dito kasi nga diba importante daw yung pag uusapan nila sabi ni mom "fresh air?" kibit balikat na sagod neto kaya napatango nalang ako at nagtungo sa sala set na narito sa veranda upang maupo. Sya naman aynaglakad din papunta dito at umupo sa kaapat ng kinauupoan ko, hindi ko sya pinapansin nakikiramdam lang ako nakakahiya naman kasi kung kakausapin ko sya e mukha pa namang seryoso "what's your name? my girl?" tanong nito bigla kaya napatingin ako sa kanya na naka? naka- smirk? kanina lang ay foker face? hindi ko nalang pinansin ng itsura nya at sumagot nalang. "I'm Alleyah po" simpleng tugon ko lang na medyo pinapahayag ko sa ekspresyon ko na ayaw ko syang kausap "ok then, any other way to call you? yung maiksi lang? nickname? my girl?" sunod sunod na litanya nito at "my girl " his face, makapal naman pala ang mukha netong lalaki nato e. Pero sinagot ko nalang wala kasi akong maisip na isahot e kung hindi ko naman sasagutin? pambabastos namam na yun "Alli for short po" maiksing tugon ko dito na ikinangiti ng lalaki? luh wierdo mo kuya "nice! Alli, so stop using po while talking to me! okay? besides hindi ganon kalayo ang agwat ko sayo my girl." sabi nito sabay ngiti na parang nakakaluko, tumango nalang ako ayoko kasi sana na mas humaba pa ang convo namin neto e. Pero ang hinayupak hindi ata nakakaramdam dahil ng hindi na ako magtangkang umimik pa ay nagsalita uli ang gago "why did you suddenly fall silent" tanong nanaman neto, walang sawang tanong e. Naisip ko nga na baka spy eto kaya pumunta sila dito sa bahay. Umiling nalang ako at nagpaalam "ano po k-kasi" bigla naman sumama ang tingin nya sakin, naalala ko na gumamit nanaman pala ako ng po " kailangan ko na magpahinga may pasok pa kasi ako e, bye" pagpapaalam ko dito, pero hindi padin nawawala ang masamang tingin nya sakin. And there! napabalik ako sa ulirat ng maalala ko ang mga tingin na yun nong lalaki nong gabi na yun, kung hindi ako nagkakamali ay sya yung lalaki na nakausap ko sa resto ni Era. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nya ako hinahanap? hindi na din naman kasi kami nagkita pa matapos ang gabi nayun e. "Hays bahala ka na babalo! basta ko antok na ako, kailangan ko nang beauty rest, its my time para makabawi sa pagod ko hayss" pagkausap ko sa sarili ko at humiga, hindi pa nakakatagal ay nakakaramdam na ako ng antok kaya pinatay ko na ang ilaw sa may bed side para matulog na "baby? wag mong kakalimotan si mama haa? kung mawawala man si mama, andyan naman sila tita para sumubaybay sa paglaki mo, okay? Hindi aalis si mama kasi gusto ko, kung ano ang mangyayari ay sadyang nakatadhana na iyon. Kaya magpakatatag ka mahal na mahal ka ni mama, sa oras ng pagkikita nating muli ay sisiguradohin ko na hindi na tayo maghihiwalay pa baby." isang babae ang kumakausap saakin at mangiyak ngiyak na, maybtinuturo sya sakin sa may bandang likoran ko pero hindi ito maaninag ng mata ko, kita ko ang dalawang tao na magkahawak kamay habang habang nakating saamin, binalingan ko ulit ang babae na kausap ko kanina at sa di inaasahan ay bumungad na saakin ang mukha nyang dugoan at namumutla na pagmumuka, nakaramdam ako ng takot. Naisipan ko na humingi ng tulong pero nang lingonin ko ang dalawang taong nasa likuran ko pero hindi ko parin maaninag ang mukha nila ay paatras sila ng paatras ng lakad, hindi ko sia naiintindihan ng tingnan ko ulit ang babae ay hinang hina na sya at sa tingin koy kunting sandali na lang ay babawian na sya ng buhay. At hindi nga ako nagkamali, ang nakahawak nyang kamay sa magkabila kong tagiliran tuluyan ng lumaglag kasabay ng pagkahiga ng kanyang katawan sa sahig sa takot ko ay napaiyak ako at nagsisigaw ng tulong. Napabalikwas ako bigla at naramdaman na lang na umiiyak ako "ano ba namang panaginip yun? hays kailangan ko na ata magsimba" tanging usal ko sa sarili at inalala ulit ang napanaginipan ko kanina. Naisip ko na maswerte pala ako dahil hanggang ngayon ay kasama ko____ ay este buhay pa ang mga magulang ko ngayon. Mahirap siguro na lumaking walang magulang, pero kung sa bagay ano bang pinagkaiba ko sa mga lumaking mga walang magulang e hindi ko din naman sila nararamdaman. Inalis ko nalang sa ang isipin na iyon at natulog ng muli. Kinabukasan medyo na late ako ng gising pero okay lang at wala naman akong pasok ngayon. Its sunday 7 in the morning, kaya naalala ko na magsimba gawa ng napanaginipan ko kagabi hehe mahirap na saka isa pa ay medyo matagal na din akong hindi nagsisimba. Gumayak na ako, nagsuot ako ng simpleng white dress na backless above the knee at pinaresan ng hills na 2 inch lang. Pagkatapos ng simba ay nag isip ako ng maaari kong puntahan para paggugolan ng oras ko, gusto ko kasi gabi na ako uuwi dahil malulunkot lang ako don sa bahay. Naisip ko bigla ang resto kung may pasok lang sana ako nandoroon ako ngayon at masaya sana ako though masaya din naman ako kasi feeling relieve pagkagaling ko ng simba. Habang naglalakad papalabas ng simbahan narinig ko ang sariling yanig ko sa may bandang tyan ko, nagugutom na pala ako. Hindi ko na kasi pinag aksayahan pa ng panahon ang mag breakfast kanina baka kasi malate ako sa mass e. Kaya humanap ako ng makakainan and sumibol naman ang pagkabruhilda ko. Nandito ako sa tapat ng resto ni Era, haha naisip ko na dito ako kakain para naman may ideya ako kug ano ang nararamdaman ng costumer sa pagserve ng pagkain dito para naman malaman ko kung ano ang dapat e-improve at dapat iwasan na gawin. Pero syempre kung kakain ako don at kilala nila ako ay malamang ituturing nila ako ng kung paano nila ako ituring baka nga utosan pa nila ako e, kaya umuwi muna ako at nagpalit ng medyo bongga-licious na dress at nag sunglasses na din ako at inilugay ang may kahabaan na buhok ko, total naman ay palagi akong naka ponytail pag kasama ko sila kay hindi nila ako mahahalata. Ginamit ko din yung paborito kung pumps na may taas na 4inches . I'm about to enter at the resto ng may tumawag sa pangalan ko, and worse? ang nickname kong Alli ang tinawag neto nagdadalawang isip man ay nilingon ko ito. "hindi ako nagkamali, ikaw nga" sambit nito at na dahilan ng pagkagat ko sa pang ibabang labi ko, bat ba naman ako tumingin agad? e may iba pa naman na mga tao dito hays, no choice ako "oh long time no see, nice to see you" sagot ko dito diba nga ito yung lalaki na pamatay ang tingin "yeah, im glad to see you again Alli" ngiting ngiti sa pagkakasabi at halata ang sobrang pagkagalak nito. "So, what brought you here? mr?___" "oh, I forgot to introduce myself to you last time that we first met for about 8-9 years ago? Btw, Pixel Ryan Allejo" untag nito sabay alo ng kanyang kamay para makipag shake hands, daldal hindi nagbago ang gago pangalan lang naman ang tinatanong ko e "Alleyah Ramos " tugon ko sabay ng pagtanggap ng kamay ng lalaki na ito "So, Pixel Ryan can I go now? gutom na kasi ako e" dadag ko rito may mission kasi ako diba at gusto ko accomplish agad yun ngayong araw "Are you alone?" tanong nito at napaisip naman ako bigla kung anong isasagot ko "hey Alli? any problem? kakain din kasi ako e so if its ok to you, Can I join?" natauhan naman ako sa sinabi nya, ano? kakain din sya dito? unbilievable kasi pagkakaalam ko isa ang pamilya nya sa may mga mabigat na pangalan sa larangan ng negosyo e kuripot naman to dahil dito pa kumakain, well ano pa nga bang gagawin ko ngayon? e solo lang naman ako sa siguro ok na din ito para hindi ako mapansin ng mga katrabaho ko " ahh sure Pixel Ryan, let's go" pagpayag ko dito sabay ngiti, gahamitin ko kasi sya sa mission ko e kaya kaylangan ay magmukha talaga kaming magkakilala "ok, just call me Rye masyado kasing mahaba kung buong pangalan e" singit pa nya bagi tuloyan na lumakad papasok sa resto. Pagpasok pa lang nami ay sinalubong na agad kami ni Lian ang taga assisst ng mga pumapasok na costumer sa resto "table for two po" mainit na pagtanggap at magalang na tanong ni lian saamin "Yes please" si Rye na ang sumagot " this way po" tinuro samin ni Lian ang isang table na malapit sa may glass window at na sa tingin ko ay bagay sa mga magkasintahan o mag asawa ang lugar na ito "okay, thank you" si Rye. Di kasi ako nagsasalita kasi baka mahalata sa boses ko e, hindi ko lang inexpect na ganito pala kagaling makisama si Rye sa iba, turn on na ba ako? Gentleman na lalaki huh? pinag urong pa kasi nya ako ng upuan bago syatumungo sa tapat ko at umupo na din, napansin ko na palinga linga sya na parang may hinahanap "waiter" pagtawag ko na nakatingin kay Nina, pinagmamasdan ko ang mga galaw nila. Napatingin din naman sakin si Rye nabigla ata sa pagtawag ko "Yes, Good Afternoon po. ano pong order nila? " magaan sa pakiramdam ang ang pagkakasabi nito na ikinasisiya ko naman. Umorder ako ng kung ano kako ang specialty nila na dish and dessert, syempre as usual na ang kanin don. Pansin ko parin kay Rye ang paglibga libga nito kaya tinanong ko sya kung ano ang kanya at saka sinabi ang gusto na kung ano raw ang akin ay ganon na din ang kanya. Bago pa man makaalis si Nina ay nagsalita si Rye at may itinanong kay Nina "Ahh miss, nasan yung isa nyong waitress?" tanong nito kay nina na kinakunot ng noo nito at ikinakaba ko naman, pag hindi nga naman oh nakalimotan ko na kinausap nga pala nya ako noon dito pero hindi ko pinahalata sa kanila "Sino po ba sir? Yun po ba?" sabay turo kay rose na nagseserve din sa ibang table " No miss, the one na parang wierd? A-at buhay na patay, what i mean is lagi kasi syang maputla saka parang binagsakan ng langit at lupa daig pa ang nalugi " kung paano humagalpak sa tuwa si Nina, ay syang ikina itim ng bagang ko naman, kala nyo lalaki lang pwedi ng ganon well ganon din ako pag galit e don ko binubuhos ang galit ko. Sinong hindi magagalit sa sinabi nyang ganon. At teka lang ha (lagi?) ano palagi ba syang nandito e isang beses ko lang sya nakita dito, Ang lalaking to! Tumikhim ako dahil sumosobra na sa pagkasiya si Nina sa panlalait ng lalaki na to sa harap ko, nagpigil naman si nina ng tawa " siguro po si Iya ang hinahanap nyo sir, wala po sya e off nya po ngayon" paliwanag naman ni Nina na halata padin ang pagpipigil ng tawa "hmm what's her name again?" tanong naman pabalik ni Rye, kinakabahan na talaga ako " Alleyah sir, but kilala sya sa palayaw na Iya po." sagot ni Nina na ikinabuntong hininga ko ng bahagya lamang para hindi mahalata. Ngumiti lang naman si Rye kay Nina saka umalis na si Nina Pagtapos namin kumain ay inalok nya ako na ihatid, mabilis pa sa alas kwatrong pagtanggi ko dito dahil malalaman nya ang sekreto ko hindi naman na nagpumilit ang gago, past 2 in the afterneoon ng maka uwi ako sa bahay nag ligpit ako ng mga naiwan ko kanina na kalat saka inilist down lahat ng napansin ko kanina sa nanging mission. Marami rami din kaya inabot ako ng gabi ay hindi padin tapos pinagpasyan ko na bukas na gabi ko na ulit ipagpatuloy. Kaya bumaba na ako para kumain, bago dumilim ang paligid sa labas kanina ay bumili na agad ako ng pagkain tinatamad naman kasi akong magluto. Matapis kong kumain ay naglinis na ako ng katawan dahil sa lagkit na nadarama ko, matapos ko ilock lahat ay nagpasya na akong maluto dahil napagod ako kakaisip kanina para e-alibi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD