Kinabukasan. Pagmulat palang ng mata ni Jasmin ay ang nakatunghay na mukha ni Miguel ang nakita niya. Nakayuko ito habang sapo-sapo ang ulo. "Jas.." sambit nito na nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung anong oras na dahil hindi din niya namalayan kung anong oras siya nakatulog kaninang madaling araw. Malamang late na siya sa trabaho o kaya ay absent na siya talaga. "Jasmin.. I'm sorry." Sorry? "Bakit ka nag so-sorry?" "I was, I was unconscious last night. Hindi ako nakauwi.." "Unconscious, lasing ka?" mahina niyang tanong. "Hindi..Kinausap ko si Mariel kagabi para sana sabihin sa kanya na tigilan na niya ang pagpapa-interview sa mga magazine at shows ng tungkol sa'ming dalawa. Ilang beses ko na siyang kinausap na tapos na ang tungkol sa engagement pero matigas ang ulo n

