Kahit medyo mabigat ang pakiramdam ay nakauwi naman si Jasmin ng matiwasay. Pagdating sa bahay ni Miguel ay naabutan niya ang mga anak na naglalaro sa playhouse nito. May apat na katulong din ang nagbabantay sa mga ito habang naglaro. "Mama ko ganda!" si Red ang unang nakapansin sa kanya na paparating. "Yey! Nakauwi na si Ganda!" si Blue na agad na tumakbo para salubungin siya. Sumundo nanam agad ang mga kapatid nito sabay mano kay Jasmin at halik narin. "Ang very good naman ng mga baby ko. How's your day?" malambing niyang niyakap ang apat. Nawawala ang bigat sa dibdib niya kapag nakikita niya ang mga anak. "Naglaro lang po kami, ganda." "Ganda, anong oras po uuwi si Daddy pogi?" kuryusong tanong ni Lilac na nakanguso ang labi. "Hindi ko alam anak eh. Pero mamaya tatawagan nati

