Pagkatapos ng isang araw bago dumating ang ina ni Miguel ay umalis din agad ito. Ang sabi ay babalik nalang daw kinabukasan. Galing pala sa bakasyon ang mga magulang nito ng ilang buwan, sa isang cruise ship kaya pala ngayon lang bumisita kay Miguel. And his mother said that she'll visit here more often from now on. At tinupad nito ang sinabi na babalik kinabukasan. Dahil pagbukas ni Jasmin ng pinto ay ang seryosong ina ni Miguel ang bumungad sa kanya. "Goodmorning ma'am." magalang niyang sabi at bahagyang yumuko. Sumimangot ang mukha nito pero wala namang sinabi. Nilampasan lang siya at pumasok na sa loob ng bahay. "Where is my son?" Anito nang nasa gitna na sila ng sala. "Nasa opisina po." "My grandchildren?" bahagyang lumambong ang mata nito pagkabanggit ng grandchild. "Na

