"Who are you?" inulit nito ang tanong. Hindi agad nakuhang makapagsalita ni Jasmin.Tila nalunok niya ang sariling dila sa dahil sa sobrang kaba. Anong sasabihin niya? Hindi naman pwedeng sabihin niya na asawa siya ni Miguel. That's not a good thing to say in her situation right now. Hindi pa yata siya nababanggit ni Miguel sa mga magulang nito kaya siguradong magtataka ang ginang kapag sinabi niyang asawa siya ng lalaki. "G-good afternoon po..Pasok po kayo." sa halip ay sabi niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng isa nitong kilay. Pero pinilit niya parin ngumiti ng maliit. "Is my son here?" tanong ng ginang sa pormal na tono. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. Mukhang hindi kasi ito natutuwa na makita siya dito sa bahay ng anak nito. Naisip niya ang mga bata sa

