UMAGA palang ay aligaga na si Jasmin sa pagbibihis ng mga bata. Ngayon kasi ay dadalhin ang mga ito sa bahay ng mga Santibañez. Gusto kasing ma-meet ng pamilya ni Miguel ang quadruplets dahil nakauwi na pala ang kapatid nitong si Gunter. At nandoon din ang ama ni Miguel na hindi pa niya nakikita kahit isang beses. Ang nanay lang kasi nito ang pumupunta sa bahay ni Miguel. "Mag be-behave kayo doon ha. Huwag na huwag kayong magpapasaway mga anak ko, please." aniya sa mga bata habang abala sa pagbibihis ng mga ito. Si Blue at Red ay nakasuot ng ternong damit pero magkaiba ang kulay. kay Blue ay gray na pants at white Lacoste T-shirt. At si Red naman ay gray pants at black na Lacoste parin. Inayos rin niya ang mahaba nitong buhok, tinali niya ng katulad ng kay Miguel. Napangiti siya ng mak

